PKL: Dalawampu't Tatlo

* * *

Napasapo na lang sa noo si Shawn nang madatnan niyang napakakalat at rumi ng bahay ni Lirio. Bahay ng Tita nito na nakapangalan na kay Lirio. Nakatumba na ang mga basyong wala ng laman na alak at di niya mabilang kung ilan ang mga iyon sa rami. Nakakalat din ang mga plastic ng junk foods at ang ibang pulutan ng mga ito na di naubos ay pinagpipiyestahan ng langaw.

Kumalat ang isang maasim at nakakasulasok na amoy at napaatras niya nang makita ang kulay kahel na suka sa gilid ng sofa kung saan nakahiga si Lirio at mukhang mahuhulog na sa posisyon nito. Nasa lapag naman si Noah, nakadapa at humihilik. Lupaypay rin kagaya ni Lirio.

Simula nang mawalan ito ng mga mahal sa buhay ay ganito na ang drama ng dalawa. Ang mag-inuman hanggang sa kulang na lang ay gumapang na ito sa kalasingan.

Parang gusto niyang pagbuhulin ang mga ito. Tumagay na naman ito kagabi na hindi siya kasama. Malamang, marami pa siyang inaasikaso sa Student Council office kung saan isa siyang senator. Sa university kung saan sila nag-aaral na tatlo.

Aburidong napabuntong-hininga siya't sinimulan na ang paglilinis. Una niyang dinampot ang mga basyo ng alak. Hindi niya maiwasang mapangiwi sa baho ng suka na malamang galing kay Lirio. Sa kanilang magkakaibigan, ito ang may pinakamababang tolerance pagdating sa alak.

Nilinis na rin niya ang suka gamit ang basang mop. Hindi ito ang unang beses siyang naglinis sa kalat ng mga ito. Noong una, naiintindihan niya dahil nagluluksa ang mga ito ngunit paglipas ng mga araw, lumalala ang pinaggagawa ng mga ito. Lalo na si Noah.

"Hanggang kailan kayo magpapakawasak sa buhay ninyo ha?" untag ni Shawn kay Noah na pumasok sa kusina, suot lamang ang boxers nito. Hindi ito umimik bagkus ay naupo lang ito sa high stool ng kitchen counter. "Oo, hindi madali ang pinagdaraanan n'yo pero kailangan bang ganito kayo lagi? At wag n'yo kong simulan na hindi ko 'to naranasan para maintindihan ang sitwasyon ninyo. You're not stupid and you couldn't turn back time. You're not a divine something who could prevent death."

Iminuwestra niya ang paligid. Napabuntong-hininga na lamang sa konsomisyon si Shawn at tinapos na ang paghuhugas.

"Ouch! My head hurts!" Sapo ni Lirio ang ulo nito nang pumasok sa kusina. Wala rin itong suot na pang-itaas.

"Maglinis na nga kayo ng sarili ninyo! Ang tatapang ng mga amoy ninyo!" reklamo ni Shawn at padabog na tinapon ang isang rag sa basurahan. "Maglalasing tapos magrereklamo sa hang-over. Kahit anong gawin n'yong paglunod sa alak. Hindi pa rin magbabago ang lahat."

Natigilan ang dalawa. Tila dinaraanan ito ng mabigat at maitim na mga ulap sa ibabaw ng mga ulo nito. Shawn just put his arms on his waist. Nagmukha siyang problemadong tatay sa harap ng mga ito.

"Yes, it's painful to think that you couldn't create new memories with her. At mananatiling ganoon ang edad niya paglipas ng panahon. Kapag nakita ka niyang ganito, matutuwa ba siya, San Miguel? Think of it. I respect your mourning but to destroy your life like this? It's entirely a different story for me." Natahimik lang si Lirio, hindi magawang makatingin sa kanya. Binalingan niya ang nakatulalang si Noah. "We knew how you struggled ever since we've met. But you're fighting and still living despite the hardships. Where is that Noah? Ngayon ka pa ba susuko?"

Napatiim-bagang ito. Kapag ganitong nawawalan na siya ng pasensiya ay natatahimik na ang dalawang ito. Nagtimpla na lamang siya ng kape sa mga ito. Pampawala ng hang-over.

"May klase ka pa, San Miguel. Pumasok ka na at male-late ka na sa duty mo, Sagara. "

Nagmartsa siya pabalik sa sala upang ituloy ang paglilinis niya. Umiinit ang ulo ni Shawn ngayong magkasama sila sa kusina at baka masuntok pa niya ang mga ito para tumino naman ang takbo ng utak.

* * *

Noah couldn't feel his face now that it was bruised and wounded from the fights he had with some bastards who gambled a lot and drank a lot. He defended a person only to get in a riot with those bastards.

Kagabi, dinampot sila ng mga tanod at ikinulong sa kulungan sa loob ng barangay. Tiyak na pagtatawanan siya ng mga kaklase niya sa Pol Sci department kapag nabalitaan ng mga ito na nakulong siya pagsamantala. Baka asarin pa siyang future abogado nga pero naranasang makulong. But he was only defending someone's rights. Ang problema, pinatulan niya ang init ng ulo niya. Siya na lang ang natira sa kulungan. Ang kamag-anak ng mga sira-ulong bumugbog sa kanya ay pinalaya na. Wala siyang balak magsampa ng kaso ngunit giniit niya na ipa-blotter ang mga gawain nito.

Nananakit ang katawan ni Noah, hindi rin niya magawang ibuka ang isa niyang mata na namamaga pa. Hinayaan niyang maglipol ang dugo sa gilid ng mga labi niya. Nalapatan na siya ng first aid sa clinic ng barangay ngunit kailangan niya pa rin ng magpakonsulta sa hospital.

Danatnan siya roon ni Shawn na napamura nang masilayan ang namamaga niyang mukha. May hiwa rin siya sa bandang kilay.

"Damn, what happened to your face? Those bastards," Shawn muttered irritatingly.

Nakipag-usap ito sa mga barangay tanod roon at nang ma-settle ay pinalaya na siya. Walang salitang sumunod siya rito at nang lulan na sila ng kotse nito ay saka lang ito nagsalita.

"Now what, Noah? You lose Manong, your father. Then, you lose her again. Just tell me if you have plans to go berserk." Mariin ang pagkakahawak nito sa manibela. Mukhang sa hospital siya nito dadalhin. "To tell you honestly, it's better to lose her again instead of seeing you in this kind of state everyday. Wrecked and wretched. Hindi pa nga naglalayag ang barko, lubog na kaagad."

Hindi siya makaimik. Una, hindi siya makapagsalita ng maayos sa bugbog niyang mukha. Pangalawa, may punto ito. Nasampal na naman siya nito ng katotohanang iyon.

* * *

Naikuyom ni Noah ang kanyang kanang kamay nang makita niya si Daisy sa may Metropolitan church. She was crying, wearing her college uniform. Masasabi niyang umiiyak ito dahil nakayuko ito sa pew, yumugyog ang balikat. Tila walang pakialam ang mga tao roon sa paligid bagkus naka-focus lang sa pagdadasal.

Nagkataong nandoon si Noah dahil may inutusan siya na pumunta ng City Hall ngunit natagpuan niya ang sariling naglakad sa Metropolitan church. Di niya akalaing matatagpuan niya roon si Daisy.

She was in pain and he was watching her. Napatiim-bagang siya dahil wala siyang magagawa para tulungan ito. Lirio made it clear to him that he should stay away from her for the meantime. Masakit para sa kanya na isa siya sa mga triggers nito.

He was so sorry she hurt her way back and he couldn't undo it. Nang maramdaman niyang papaalis na ito ay tinakpan niya ang mukha niya nang papel na ibinigay ng isang madre doon. Namalayan niyang tumungo ito sa confession area ng simbahan.

Pagkatapos niyang magdasal ay pumunta na siya ng City Hall upang asikasuhin ang utos sa kanya.

"Father, may nasaktan akong tao. Ako ang isa sa dahilan kung bakit nagdudurusa siya." Tila nilamukos ang kanyang puso nang ihayag ang mga nakatagong damdamin niya.

Di niya akalaing bubuhos ang mga luha niya. Dadating talaga ang araw na hindi mo na kakayanin ang lahat. He was strong so for long and it took courage to accept that he's also vulnerable and weak at times.

* * *

After Daisy cried in Metropolitan church ay pumayag na siyang sa probinsiya na lang magpatuloy ng kolehiyo niya. Mahirap na siya lang mag-isa sa siyudad at nasa probinsiya ang pamilya niya. Bumalik siya sapagkat gusto niyang ipagpatuloy ang pag-aaral ngunit kapalit naman niyon ang kalungkutan.

Lagi na lang niyang naiiugnay ang mga lugar at mga bagay sa isang taong malapit sa puso niya. Sa tuwing dadaanan ng jeep ang mga pamilyar na lugar ay nararamdaman niya ang kahungkagan sa puso niya.

Pinal na ang desisyon niyang lumipat ng unibersidad at tumira na nang tuluyan sa probinsiya. Malayo sa kaguluhan ng siyudad. Malayo sa mga lugar at mga alaalang nagpaalala sa kanya ng nakaraan.

While riding in a bus, Daisy stared out at the open window, savoring the air replaced by unpolluted air as the bus drove far away from the city. It was the start when she was cutting off her connections. She left her pager. She changed her phone numbers. She left with not many traces. Sinigurado niyang nakuha na niya lahat ng mga dokumentong kailangan niya.

All her things related to her past were left in a box under the bedroom of a vacant room in Tita Emerald's house.

Little did Noah know, it was the last time he saw her.

* * *

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top