PKL: Dalawampu't Siyam

---x

Kanina pa talaga nandoon si Raspberry sa function room, pinapanood ang mga nagaganap at hindi niya nagugustuhan ang mga nangyari. Daisy was pouring out her emotions on the song and then she walked out and Noah went after her. The whole batch cheered for them while Berry stayed in her table, away from the eyes of her batchmates.

Then minutes later, the two of them came back. Tuwang-tuwa pa ang mga ito nang makitang nagtago sa likod ni Noah si Daisy. She's too shy to show to the world that she's really in love with one of their batch's attorney. Noah is the epitome of contentment while staring at his girl who's still hiding her face with the cloth table. Noon, panay ang takas at layo ni Daisy. Ngayon, payag na itong ma-hotseat kasama si Noah.

Love Hotseat. Ang pakulo ni Jenny Evangelista, ang may pagka-mataray nilang SSG VP noon sa munting programang iyon. Sino ba namang hindi maiintriga at matutuwa kapag may batchmates silang magkakatuluyan? At may iilan nga sa kanila ay nagkatuluyan nang tawagin ang mga ito sa stage at ibahagi ang love story ng mga ito.

"Next couple. Daisy Mako from section 1. Shinoah ng evening class section 11 for two years. Section 1 ng junior at senior high. Sasagutin ninyong dalawa ang mga tanong nila for thirty minutes," Jenny announced nonchalantly on the mic.

Lumukot ang mukha ni Daisy nang marinig ang anunsiyo. Kinakabahan na ito at anumang oras yata bibigay na ito sa nerbiyos. Parang nahalata naman ito ng iba dahil transparent talaga ang face expressions ni Daisy kaya natawa ang mga ito puwera sa kanya. Hindi na talaga siya natutuwa. Kagaya niya, pribadong tao si Daisy at sana'y nirespeto na ng batchmates nila ang pananahimik nito sa piling ni Noah pero mapipigilan ba?

Dumako ang mga mata ni Berry kay Lirio na umiinom ng champagne nito sa flute nito. Sana masamid ito sa kalokohan nito. Nag-mature nga ito pero andoon pa rin ang pagiging pilyo nito at paggawa ng kung ano-anong schemes. Di nga ba'y napapansin na niya noon ang pag set-up nito sa dalawa?

"Bakit thirty minutes?" reklamo ni Daisy sa mic na tinanggap nito mula kay Henry. "Di ba dapat twenty minutes?"

"Sorry but the third couple won't be here," Jenny smirked. "Heard that they banged each other."

Umingay ang paligid sa sinabi ni Jenny. Some threw scowls at her for being so straightforward while the others hooted. Some even knew who's the third couple. They knew who's the couple and they were married.

Hindi alam ni Daisy kung ano ang gagawin at napilitan na lang umupo sa stool na binigay ng bass guitarist ng Infinity Drive. Noah reached for her hand but she has other way to be comfortable so she went to the drums set. May ibang nagtawanan sa ginawa niyang pagtago sa drums set. Siya rin ay natawa na lang sa ginawa nito at inaasahan na niya iyon. It was Daisy after all. Kagaya niya itong introvert at nahihiyang ipakita ang mga emosyon nito sa harap ng mga tao at ano pa ba?Kinikilig lang ito.

Nakatalikod ito sa kanilang lahat. Nahihiya pa rin. Natawa na lang si Noah sa inakto ni Daisy.

"Pasensiya na. Masasagot ko ang mga tanong n'yo pag ganito." She didn't want to show her emotions through her face, but through her voice. She's comfortable when everybody is not facing her. And Noah understood that trait of her. Walang naman siyang kontra kay Noah. Ayaw lang niya sa 'schemes' na ginawa ng mga ito para sa dalawa.

Sumakit tuloy ang ulo niya nang maisip niya ang problema niya na may kinalaman kay Lirio.

"Go on," ani Noah sa 'min na may munting ngiti sa mga labi. He seemed to contained himself from bursting out.

May mga nagtaas ng kamay. Pinili ni Noah ang hindi namin kaklase at kabilang sa section A. Ayaw atang maintriga lalo na't sila ang naging saksi sa mga ito noong mga highschool students pa sila.

"Curious lang kami kung saan kayo nagkita o nagkakilala bukod sa naging magkaklase kayo. You were in the section 11 sa evening class, then section 1 kung saan kabilang si Daisy. First year pa lang siya, nasa section 1 na siya. Coincidence ba 'yun? Sir Attorney Sagara?" tanong ng ka-batch nilang hindi kilala ni Berry. Wala naman siyang pakialam sa mga ito noon.

Tumikhim si Noah. Nagkatinginan sina Shawn at Lirio na halatang may alam sa magiging sagot ng abogado. Umani tuloy iyon ng bulong-bulungan.

"Ang totoo, lumipat ako ng General Day curriculum sa dalawang dahilan. Isa, napapaaway ako sa labas ng eskuwelahan natin. Pangalawa, dahil nasa day ang babaeng nakita kong nakasakay sa jeep," sagot niya. Sigawan at hiyawan ang mga ito samantalang nanatiling tahimik lang si Berry. Alam na niya ang kuwentong iyon dahil sinabi ni Daisy sa kanya.

"You mean, si Daisy iyon?"

"Oo."

"Kailan pa?"

"Freshman."

"Paanong nandoon ka? Hindi ka pumasok sa klase?"

"Oo. Naghihintay ako ng jeep na masasakyan pauwi dahil nagkainitan kami ng isang kaklase ko. As much as possible, ayaw ko ng gulo noong bata pa ako pero hindi ko napipigilan ang bibig kong magsalita kung ako ang nadedehado at tama," ani Noah. Umupo na ang babae nang masagot na ang katanungan niya.

Sumunod nagtanong ang isang lalaki. Hindi rin niya ito kilala.

"Gusto kong malaman kung naging crush mo si Noah noong highschool, Daisy."

Umingay ang mga batchmates nilang may alam sa bagay na 'yun. Humalakhak si Lirio na nasa stage, nakaupo sa stool na katapat lang sa drums. Sinamaan ito ng tingin ni Berry mula sa malayo. Naramdaman yata nitong may nakatingin rito kaya dinampot niya ang baso niya at uminom roon ng lemonade.

"Oo," halos bulong na iyon sa mic.

Nagkagulo na naman ang mga ito. Parang mga teenager kung makapanukso kahit na mga adults na sila ngayon. Berry rolled her eyes. Noah smiled, not a boastful kind of smile, masaya lang itong malaman. Napadampot tuloy ng slice ng apple si Berry at kinagat iyon.

"Ang totoo, nakita ko rin siya no'ng first year. Nasa waiting shed siya n'on. Nagbabasakali akong hanapin ang mukha niya sa mga batchmates natin pero wala. Hanggang sa nakalimutan ko pagsamantala dahil sandamakmak na ang mga gawain sa school. Then second year, nakita ko siya ulit. Tinatawag ng mga classmates niya dahil male-late na sila sa klase. Uwian na kasi ng day 'yun. Crush ko na siya since then."

Noah seemed cool about it and said to the mic, "I recognized you."

"Bukod doon, bakit mo siya crush?" sunod na tanong ng isang babae.

"Hindi ko alam kung ano talaga ang eksakto. Kailangan ba may reasons?" pag-amin ni Daisy. "Natutuwa ako kapag napangiti ko na siya. Siguro, iyon ang pinaka kung bakit crush ko siya."

Napanganga na lamang si Berry at agad na uminom ng lemonade. The last time she wanted to witness was this moment when her bestfriend let her guard down.

Noah was appalled. Was it because he chose Jecille over Daisy before? Berry was a bit furious about it.

Mukhang malalim na aminan ang magaganap rito.

Jecille raised her hand. Biglang nagka-tensiyon sa paligid. Huminga nng malalim si Berry. Can't they stop? Mukhang kailangan na niyang gumawa ng paraan para matapos ito.

"Daisy, si Jecille 'to. I may a raise a question but I need to explain myself first. Totoong nanligaw sa 'kin si Noah. Inamin ko sa kanyang gusto ko siya, why? Girl, matalino siya at mabait. Nasasabayan niya ang mga kapritso ko at inamin niya sa 'king idol niya ako. O? 'Wag kang hihirit Noah, baka magulpi kita mamaya. But the real reason was, he was just protecting me. You see, sensitive ang issues na meron ako at ng nanay ko noon. I'm thankful na ginawa niya iyon and I'm sorry, nawalan na siya ng pag-asa sa 'yo dahil gusto lang niyang makatulong sa 'kin. Ang ligaw? Parang pinalabas lang niya na ganoon kasi nga schoolmate natin 'yung kamag-anak na nang-haharass sa pamilya ko."

Hati ang kanilang opinyon sa bagay na ito. At isa siya sa mga hindi natuwa. Mukhang si Lirio ay nag-iba ang timpla ng mukha. Pakiramdam ni Berry alam na niya kung bakit. Kaya ba pilit itong gumagawa ng paraan para magkalapit sila noon ni Noah at Daisy?

Nanatiling tikom ang bibig ni Noah at naging seryuso na naman ang anyo. 'Yung tipong mukha na haharap ito sa korte at id-defend ang kliyente nito.

"I am too focused in my studies back then. I need to be on top. Kasangga ko si Noah ng mga panahong iyon na pressured ako sa expectations ng family ko. More like, ng mga kamag-anak ko. Ayoko ring biguin ang nanay ko. Hindi kami ganoon kayaman noon at ginawa ko na ang lahat upang magtagumpay sa academics. Hindi ko siya totally sinagot. Mag MU lang kami noon na hindi rin nagtagal dahil natuklasan kong ikaw talaga ang gusto niya. Masyado lang talaga siyang mabait kaya pinagbigyan niya ako na may gusto sa kanya noon," paliwanag ni Jecille. "Halos pareho kami ng experiences. Magulo ang pamilya, naghirap at nag-uungusan ng grades. Idol niya ako dahil bilib siya sa 'kin, sa pagsusumikap ko ngunit nakikita ko siyang ninakawan ka ng tingin habang nagbabasa ka sa library o kumakain sa canteen mag-isa. Nagsp-space out ang lokong 'yan at nakalimutan niyang may ka-MU siya. But only in the name."

Tawanan. Nalinawan ang mga ito nang magsalita si Jecille. Magsasalita na sana sa mic si Shinoah nang itaas ni Jecille ang kamay niya. "Sabing 'wag kang sumabat, Noah. Isa pa. Ipapabugbog kita sa magiging ex-husband ko."

Doon na nalaglag ang panga ni Berry. Wala siyang kaalam-alam sa bagay na iyon. Naging tahimik ang buong function room dahil doon. Maselan ang issue na iyon. Naging mabalasik ang anyo ni Noah. He still has a soft spot on Jecille. Berry guessed that Jecille was there when Daisy wasn't there during his down moments.

"Hindi umabot sa puntong minahal ko siya gaya mo. He's the most dependable person I know at ngayon nga, tinutulungan niya pa rin ako. He really loves you, Daisy. Isa ka sa mga inspirasyon niya," she said. "Question, papakasalan mo ba siya?"

Doon na nagkantiyawan ang mga tao. Tahimik lang si Berry.

"Woah there. Ang tapang," narinig ni Berry na sambit ni Kei. Nasa katabing table lang niya ang mga ito na kaibigan rin ni Daisy noong hindi pa man sila magkakilala ni Daisy. She's wearing her beige beret that's why she's unrecognizable now. Madilim pa sa bahagi niya na di masyadong natataman ng ilaw.

"Hindi niya mahal si Noah, Kei," ani Jin.

"Oo nga pero come to think of it, nagpakalayo-layo si Daisy, di ba? So she had Noah by her side." Ito nga ang punto niya.

"Nakakamatay raw ang pagiging pakipot ayon sa kanya kaya papakasalan ko na lang siya," sabi ni Daisy na seryuso pa ang boses.

Umalingawngaw ang tawanan sa kanila. May bahagi pa rin sa pagkatao nito ang pagiging inosente at naging kampante si Berry sa sagot nito. Sabihin na nating, siya lang ang di pa talaga natutuwa dahil may bagay pa siyang gusto niyang linawin.

Tumayo si Noah at tumalikod upang lapitan si Daisy kung saan nakapuwesto ang drums. Pinigilan ito ni Lirio.

"Oh, magpigil ka. Baka nakakalimutan mong dadaan ka pa rin sa 'kin. Magsisibak ka pa ng kahoy sa probinsiya nila, Sagara. Ipaalala ko lang sa 'yo, dating sundalo ang kanyang ama. Baka i-armalite ka pag sinaktan mo na naman 'to," pananakot ni Lirio rito. Bagay na ikinangiti lang ni Berry.

Sinamaan lang ng tingin ni Noah si Lirio at bumalik sa stool nito. Mahinang tumawa si Daisy sa mic nito na tila ba sumang-ayon sa sinabi ni Lirio.

Ito na ang pagkakataon niya. Tumayo siya't nagtaas ng kamay. Naglingunan ang mga tao sa kanya na nagulat yata sa pagsulpot niya. Bago pa man pumayag si Noah inagaw na ni Raspberry ang mic kay Klint na mukhang susunod na magtanong kay Noah. Wala tuloy itong nagawa at naupo na lang.

Naniningkit ang mga matang nagsalita siya sa mikropono, "Speaking of sinaktan, umiyak si Daisy pagkatapos ng 'gapos booth' ng mga lintik na tinamaan na section 1. Bakit ka mukhang galit sa nangyari, Sagara? I know, it's a very long time ago but she's really hurt that time and if I remembered it right, it happened in February 28, the year 1997. Matagal bago siya tumigil sa pag-iyak. The class were taking advantage of her transparent feelings and trying to compensate it with that so-called booth that is beyond values? Pakiusap, softie 'yang kaibigan ko. Nagpakatatag lang 'yan sa harap ninyo pero nasasaktan na 'yan deep inside. Kung gusto mo na talaga siya noon pa, pinursue mo na siya. Lalaki ka, kaya alam mong may gusto ang babae sa 'yo, Noah. Sorry to burst your bubble, but please kilalanin mo siya nang mabuti this time around. For years, she's fixing herself. Alam kong alam mo kung bakit. Huwag mong ipamukha sa 'king matagal kang naghintay dahil kilala ko 'yan, hinayaan ka niya. Hindi ka niya kinulong para sa sarili niya. She's so selfless sometimes that it irks me. Sorry Daisy pero gusto ko lang sabihin ang totoo. I am not that cynical but it's the truth."

Pumainlanlang ang isang patlang sa pagitan nila. Natigilan si Noah at hindi na nakaimik sa kinauupuan nito. Ibinigay ni Raspberry ang mikropono kay Klint at nagmartsa palabas ng function room.

Wala siyang pakialam kung tingin ng mga batchmates nila ay kontrabida siya sa dalawa. Gusto lang niyang ipahayag ang ipinupunto niya.

"Rasps?" Raspberry heard Daisy the moment she went out of the huge door of the function room.

* * *

"If we aren't for each other, matagal na sana kaming nakatagpo ng iba. Ewan, at the back of my mind, gusto kong siya pa rin. Nakakatawa nga e, sinubukan ko naman mapunta ang atensiyon ko sa iba pero hindi ko talaga napipilit ang damdamin ko," nakangiting sambit ni Diasy na nakatitig lang sa payapang alon ng dagat.

Hinabol siya ni Daisy mula nang hindi niya mapigilan ang sarili niyang magspeak-out kanina. Asar na asar siya pagmumukha ni Lirio na para bang aayon rito ang plano. Puwes, nandito siya at ayaw niyang hayaan ang mga itong makita ang vulnerability ni Daisy pagdating kay Noah.

"So you're still into Noah after years. Di ba siya ang isa sa mga triggers mo kaya pag isang bad news lang sa kanya. Maaapektuhan ka na?" tanong niya dito. Naikuwento na kasi nito sa kanya ang isa sa mga dahilan kung bakit tinanggihan nito noon si Noah.

Hindi niya akalaing aabot sa ganitong punto na hahaba pero nandiyan pa rin ang pagmamahalan ng mga ito. Iilan lang yata ang biniyayaan ng ganoong pagmamahal na tatagal at sinubok ng panahon.

"Oo. Ang lakas kasi ng impact ng damuho sa 'kin e." Bahagya pang natawa si Daisy sa sinabi nito at napangiti. Naging kampante na si Raspberry nang makitang malaya na itong makangiti nang ganoon na tila ba'y nawala ang nakadagan sa dibdib nito. "Hindi ko siya sinisi na ganoon ang nararanasan ko once na nakarinig ako ng hindi magandang balita mula sa kanya. Nasasaktan rin kasi ako pag miserable siya."

Nasa parehong university silang tatlo ni Noah at Lirio. Aware siyang nag-uusap ang dalawa tungkol kay Daisy. Nakikita niya ang mga ito sa canteen na nag-uusap.

"Are you fully well?" she asked, referring to her health.

Tumango-tumango siya. "Oo naman. Nakatulong din ang paglayo ko upang mahalin ko 'yung sarili ko. Ikaw? Happy ka na?"

Magaan siyang ngumiti. Alam kasi ni Daisy kung gaano siya nahirapang itawid ang kurso niyang hindi naman para sa kanya. Kung paano'y nahirapan siya nang magkasakit ang ina niya.

"Happy na." She knew fully well that she's in the right place now where her heart is. Di man gaano ka-flourish ang career niya kagaya ng inaasahan ng mga kamag-anak niya ay masaya naman siya sa ginagawa niya at may goal na siya sa simpleng career niya. The moment she released herself in the prison hell called corporate life, the colors in her life were coming back to her.

Ngumiti ito at marahang pinisil ang kamay niya. "'Wag ka nang mag-alala. I can handle my relationship with Noah. Hindi na ako ang mahinang Daisy noon na kaunting kibot, mag-eemote na kaagad. 'Di ko rin naman matiis ang sarili ko pag si Noah e. My heart couldn't lie. Alam ko rin naman na siya ang magco-comfort sa 'kin. Siya pa rin kasi e kaya 'wag ka nang mag-worry sa 'kin ah? Payakap nga. Ang lamig na rito."

Bahagya siyang natawa at tumayo na rin kagaya niya. They hugged each other. That moment, Raspberry thanked the stars for everything that fell into their right places.

* * *

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top