PKL: Dalawampu't Isa

* * *

Sumapit ang huling araw ng February at gimik ng SSG na lahatin ang programs ng Love Month na gaganapin sana sa February 14 ay hindi ginawa dahil abala sa elections.

Abala ang mga batchmates nila sa booths ng kanya-kanyang section habang niyaya niya naman si Raspberry na tumambay sa library.

Nagbabasa sila ni Berry sa isang sulok nang mapansin niyang pumasok sina Klint at Marc sa loob ng library na parang may hinahanap. Bigla siyang inatake ng kaba sa hindi malamang dahilan. Nang makita sila ni Berry ay kaagad siyang hinila ng huli patago sa ilalim ng mesa.

"Ginagawa mo, Rasp?" takang tanong ni Daisy na sumiksik na rin dito dahil may kutob siyang may mangyayaring hindi maganda.

"Hindi mo alam?" mahinang asik nito. Tila mababakas sa mukha nito ang pagkaalala at inis. Napakurap siya sa pagtataka. Anong hindi niya alam?

"Anong 'di ko alam?" nalilito niyang sambit. Umaandar na naman ang pagiging walang pakialam niya sa paligid. Minsan kasi ay immerse siya masyado sa ginagawa niya kaya hindi na siya aware sa mga nangyayari sa paligid. Siya ang taong huling makakaalam ng tsismis sa ugaling niyang 'to.

"Masyado kang engross sa mundo mo kaya't di mo alam na wala na silang dalawa. Ano ka ba, hinahanap ka ng mga kaklase natin dahil may plano sila para sa 'yo at kay Noah. " naniningkit ang mga matang sambit nito at panay ang sulyap sa harap nila. "Alam kong gusto mo si Noah, Daisy."

Nanlaki ang mga mata ni Daisy. "Hindi kaya ako umamin sa 'yo."

Litong-lito siya nang takpan ni Raspberry ang bibig niya. Kinabahan siya sa sinabi nito. Isa siya sa bibiktimahin ng gapos booth ng section nila? Hindi maaari! Nakakahiya iyon!

"Igagapos? Kay Noah. Mga sira-ulo ba sila? Isabay pa nila ako sa pauso nila. Sino bang nag-utos niyan?" Himbis na kiligin o ano, nairita pa siya.

Ang booth kasi nila ay ipapagapos ng nag-utos ang dalawang gusto nitong loveteam at mapipilitang mag-usap ang mga ito nang masinsinan na siyang ayaw mangyari ni Daisy. Gusto niyang sakalin ang nagbigay ng ideya na si Hazel.

"Bakit alam mong hinahanap nila ako?" tanong niya rito. Nanatili silang nakaupo sa sahig at pasimpleng sumandal sa built-in na estante na may mga hilera ng libro.

Umirap lang si Raspberry na parang simpleng impormasyon lang iyon. Pinagkrus pa nito ang mga kamay nito sa ilalim ng dibdib. "Narinig ko kanina. Si San Miguel ang nag-utos."

Napanganga siya. Lagot sa kanya ang Lirio na 'yon. Kahit hindi niya aminin, ramdam niyang parang tinutulak siya nito kay Noah. At hindi iyon maganda sa sitwasyon nila. "Nope. Hindi ako babalik." mariin niyang sambit.

Nang magsawa silang dalawa sa library ay nagulat na lang sila nang matagpuang wala na ang bag nila sa ibabaw ng maliit na shelf pagkalabas nila. Nakita nila ang isang papel na nakapaskil sa bag ni Raspberry. May sulat-kamay iyon ng isang itim na marker.

Nasa room ang bag ninyong dalawa. PEACE.

- Klint

"Klint!" Umalingawngaw ang sigaw ni Raspberry. Nasaway sila ng librarian dahil d'on. Sumunod siya kay Raspberry na nagpupuyos sa galit at napansin rin ni Daisy ang pagkataranta nito.

Tumakbo sila patungo sa center building dahil nandoon ang mga booths. Saka lang napagtanto ni Daisy na wala ring silbi ang pagtatago nila dahil nakalagay ang pangalan nila sa logbook ng library at alam ng mga ito ang hitsura ng bag nila.

Hingal na hingal silang dalawa ni Raspberry nang makarating sa classroom nila doon.

Nagulat siya nang lumapit ito kay Klint na tatawa-tawa lang at parang may hinahanap rito.

Samantalang siya'y naitulos na sa kinatatayuan nang malipat ang mga mata nila sa kanya at kay Noah na nakagapos sa isang silya.

Nanlaki ang mga mata ni Noah nang mapansin siya at umiling-iling. May busal ang bibig nito na alam niyang tatanggalin pag nahuli ang hinahanap ng mga kaklase na siya.

Anong nangyayari? Nagkatinginan sina Marc at Klint, pinigilan ni Klint si Raspberry na mangiyak-ngiyak pa yata. Napaatras siya nang umabante na ang mga kaklase niya at bubuwelong habulin siya. Bumalik siya sa dinaanan niya kanina. Halos tumalon na siya at lagpasan ang iilang baitang nang muntik na siyang mahagip ng mga ito.

Mabuti na lamang, gamay na niya ang mabilisang pagtakbo kaya nakatakas siya pagsamantala sa mga ito. Hingal na hingal na siya at parang namamanhid na ang mga binti niya. Nagtago siya sa tambakan ng basura, tiniis ang baho roon at nang tumunog ang pager niya ay nainis siya mensahe roon ng unggoy na si Lirio.

Tiba-tiba section natin pag naitubos ka namin. Baka makabili pa kami ng cake

- Lirio

Kaya pala nahuli ng mga ito si Noah dahil malaki ang ipinangtubos. Inignora na lang niya ang masangsang na amoy ng basura. Hindi magtatiyaga ang mga itong maghanap sa tambakan basura.

Tumunog na naman ang pager niya at nalito siya sa sunod-sunod na mensahe ni Lirio.

Wag mo na kaming pahirapan Mako

Wag na ninyong pahirapan ang sarili ninyo

Natigilan siya sa nabasa niya. Anong papahirapan ang sarili nila? Ganoon lang ba kadali iyon at ano? Isusugal niya ang sarili niyang damdamin sa kagustuhan ng mga ito? Oo, gusto niya si Noah ngunit hindi niya ipapahiya ang sarili sa ganoong paraan. Nagtungo na lamang siya sa karinderya ni Aling Toni para magpalamig ng ulo. Inis na inis siya kay Lirio kung bakit pinaglalaruan siya nito.

Bumalik na siya sa classroom nang tapos na ang programs sa araw na iyon. Nailang siya sa paraan ng pagkakatingin ng mga kaklase nila sa kanya. Si Jin at Kei ay nadidismayang nakatingin sa kanya at saka siya iniwasan.

Tila may bumara sa lalamunan niya. Ano ba gustong mangyari ng mga ito? Napukaw na naman ang inis na nararamdaman niya.

Balewalang dinampot niya ang bag niya't sinukbit sa mga balikat niya. Nasalubong niya ang mga mata ni Noah at kaagad nitong iniwas ang tingin. Mukhang nainis rin ito sa nangyari at bago pa man makalabas si Daisy sa silid ay nagwalk-out na ito kaya mas lalong tumahimik ang buong klase. Nanlamig si Daisy at napahigpit ang hawak niya sa strap ng bag niya.

Galit ba ito dahil tinutulak siya ni Lirio dito kahit malinaw na malinaw sa kanila na may pagkakaunawaan na ito kay Kara Jecille?

Sumama ang loob niya. Alam ng buong klase na nagkakamabutihan na ang mga ito.

Bakit siya ang pinaglalaruan ng mga ito? Porket gusto niya ito ay sasabayan niya ang kalokohan ng klase nila? At pagmukhain siyang tanga? May natitira pa naman siyang dignidad at hiya sa sarili niya.

Inis. Pagkaawa sa sarili. Sama ng loob. Halo-halo na ang emosyong nararamdaman niya at parang hindi na niya kakayanin ang bigat niyon kaya nagtatakbo siyang umalis doon.

* * *

Hinila siya ni Berry sa madilim na bahagi ng parking lot nang matagpuan siya nito.

"Not because you like him, ay gagawin na nila 'yun sa 'yo," may bahid na inis na sabi nito. Hindi na niya kinaya pa at lihim na siyang napaiyak. Napayuko siya nang sumigok na siya. Marahas niyang pinalis ang mga luha niyang patuloy lang sa pagpatak. Una, si Lirio. Ngayon, si Berry. Sa magkaibang dahilan. Ang hina-hina talaga niya.

"Salamat," sabi niya nang tumahan na. Suminghot siya't suminga sa panyo ko. Gumaan ang pakiramdam niya kahit papaano. "Alam ba nilang lahat?"

Umiling si Raspberry, seryuso ang mukha. Nangungunot na rin ang noo nito. Halatang naiinis ito sa nangyari kanina. "Hindi pero may ideya si Lirio kaya itinutulak ka niya kay Noah. If only I could put sense in his head knowing na kasa-kasama niya sina Noah at Jecille sa double date nila."

Napatungo na lang siya. 'Yon nga ang inisip niya kanina. May Jecille na ito at bakit hindi si Jecille ang hinabol ng mga ito? Ano na lang ang mararamdaman ni Jecille?

"Lintek kasi, crush ko yan simula pa noong first year. Ako ang nauna e," katwiran pa niya at natawa. "Sabagay, ano ba naman ako kompara kay Jecille, di ba?"

"'Wag mong mamaliitin ang sarili mo, Daisy. Magkaiba kayong dalawa," saway nito sa kanya kaya bahagya siyang napangiti. "I prefer you."

"Kaibigan mo ako e." Tumahan na siya. May humabol pa na mga luha, kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam niya sa kaalamang nandito sa tabi niya si Berry.

"Libre mo ako ng shake. Yung malaki," biro niya.

"Okay, fine. Just as long you're going to be fine." Bumakas na naman ang iritasyon sa mga mata nito. "They didn't know your real story. Kung alam lang nila."

"Okay na ako, Berry. Kumain na lang tayo. Nakakagutom pagtakbo ko kanina. Parang sumali ako sa marathon."

"Mabuti na lang hindi nangyari ang gusto nila."

Daisy locked her arm with Berry.

When Daisy went home in the confines of her room, she cried silently. Why did it have to happen that way?

* * *

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top