PKL: Dalawampu't Dalawa
---x
Bumakas ang sorpresa sa boses ni Daisy nang makita niya di-kalayuan sa bahay nila si Berry. Bakas sa nagulat nitong mukhang ngayo'y nagtatanong kung bakit may naririnig itong malalakas na boses na nagsisinghalan sa loob ng bahay nila. Kumirot ang ulo ni Daisy at napahawak siya roon.
"Daisy?" Berry inquired and instead of guiding her friend to her house, which is a mess now. Tumuloy sila sa isang mahabang upuan ilang metro lang ang layo sa bahay niya. She didn't know how to say this to Berry.
Bigla-bigla naman kasi itong bumisita sa kanila. Alam nito ang direksiyon ng bahay nila sapagkat nakapunta na ito roon.
"Hindi mo nabasa ang mensahe ko sa pager mo?" There was still a confusion in Berry's eyes. Galing ito sa Abellana dahil suot pa nito ang school uniform. Nag-alala marahil ito dahil dalawang araw na siyang absent sa klase.
"I'm worried. Tingin mo ba hindi ko napapansin ang mga araw na ang overly energetic mo? Tapos nagkataong aabsent ka pagkatapos niyon. I think it is not coincidence, Daisy." Napatayo siya nang makarinig nang kung anong bumasag sa loob ng bahay nila.
"Berry, d'yan ka lang." Magkahalong takot at pangamba ang lumukob kay Daisy nang kumaripas siya ng takbo papasok ng bahay nila. Nanlumo siya nang makita ang kanyang amang nakaupo, galit na galit ngunit mababakas ang paghihirap sa mga mata.
Sa isang banda ay nandoon ang mga kapatid nito maging ang ina-inahan nito. Ang stepmother nila..
"Hindi n'yo man lang ako kinonsulta. Ang lupang iyon na lang ang natirang alaala ng ina natin mula nang umalis siya sa poder ng pamilya natin nang dahil sa babaeng 'yan."
"Tama na, Noel. Nakalipas na ang lahat. Nagsisisi na si mama," ani Tita Emerald niya.
Bahaw na natawa ang kanyang ama. Nang makita siya ng nanay niya ay sinenyasan siya nitong ilayo ang kanyang kapatid na si Desiree.
"Hindi n'yo na ako nirespeto tungkol sa lupa. Naghirap kami na ipagtanggol puwesto namin na muntik nang mailit kung hindi lang nangutang itong asawa ko. Kalauna'y nagawa mo pa ring ibenta mama. Pinalasap mo lang kami nang ilang buwan. Ano ba talaga ang papel ko sa pamilyang ito? Masaya na ba kayo na may natapak-tapakan kayong tao? Balang araw, ako na mismo ang lalayo sa pagmamanipula ninyo. Lalayo kami ng pamilya ko rito."
Natahimik ang lahat sa sandaling iyon. Puno ng hinanakit at hinagpis ang kanyang ama mula pa pagkabata. Ayaw niyang mag-alala pa ito sa kanya kaya pinili niyang magpakatatag para rito. Dito siya nagmana pagdating sa pagtatago ng mga problema, ng sama ng loob hanggang sa tila dam na umagos na lang ang lahat katulad nang nangyari ngayon.
* * *
"Pasensiya ka na, Berry. Iyon pa talaga ang nadatnan mo. Pasensiya na, ang gulo ng bahay namin," paghingi ng despensa ni Daisy kay Berry. Mugto ang mga mata ni Daisy. Berry didn't saw her crying but she knew she cried secretly.
When the family conflict happens, she's outside, weighing the details she overlooked before when it comes to Daisy. Especially her moods.
"Kaya nakailang absent ka na this year." Napabuntong-hininga si Berry. "Your hide your problems with your smiles. May araw na nagtataka ako kung bakit ganoon ka na lang ka-hyper then biglang absent."
Natahimik si Daisy. Tama ito ng obserbasyon sa kanya. Napayuko tuloy siya. "Idadaan ko na lang iyon sa katuwaan o minsan sumasabay sa kalokohan sa loob ng school. Nakakalimutan ko kasi pagsamantala ang mga alalahanin ko sa bahay. Ayoko namang dalhin iyon sa school dahil mas lalo lang akong malulungkot. Not entirely na pagkukunwari. Masaya talaga ako ngunit pagsamantala lang."
"Gusto kitang makita kung ano ka rito."
"Baka ma-bored ka sa isa ko pang personality."
"Nope. Why would I? You're just being real to yourself. You're kind, that's why almost everybody in our school can approach you anytime. Isa pa, ayaw mo ng kaibigang puwede kang gambalain?"
Bahagya siyang napangiti ngunit di umabot sa mga mata. "Ayos lang naman sa 'kin basta advance muna. Nagulat talaga ako na dumating ka rito."
"Kapag ba hindi ako dumating e hindi ko pa rin malalaman ang totoong kalagayan mo? Ang totoong ikaw ha?"
"Okay, sige na. Hindi na ako makikipag-argue d'yan," she grinned. "Salamat talaga, Berry. Kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko."
"Basta, don't over-exert yourself sa school ha? If you're not fine, you just can relax and let yourself rest," payo nito sa kanya.
Berry knew it even before the booth incident. Ang dahilan kung bakit ganoon na lang ito kainis. Humupa na ang inis niya ngunit hindi ito. At the back of her mind, her problems is not her friend's responsibility but hers to deal with. Magkaiba man ang personalidad na ipinapakita niya sa dalawang lugar, siya pa rin iyon. Ang medyo timid at kalmado ang mukha sa bahay at masayahing Daisy sa loob ng eskuwelahan. When she's happy, she's really happy, no pretentions even though it only lasted for seconds, hours or minutes.
* * *
Hindi si dumiretso si Noah sa bahay ng Tito niya bagkus ay tumambay siya sa labas ng isang convenience store, umiinom ng canned beer.
Pagabi na rin at parami na ang mga pasaherong sumasakay ng jeep. Apektado si Noah sa pagkamatay ng kanyang ama dahil sa komplikasyon nito sa puso na hindi man lang sinabi nito sa pamilya.
Huminga siya nang malalim at pilit alisin ang bara sa lalamunan. Hindi rin naging madali sa kanya ang pagkawala nito dahil iniwan nito ang asawa nito't mga kapatid niya kaya ang responsibilidad nito ay di sinasadyang naipasa sa kanya. Hanggang ang pagsa-sideline niya ay naging dahilan kung bakit bumaba ang grades niya at napagdesisyunan na lamang niyang tapusin ang second sem ng second year at magtrabaho na lamang.
Wala pang katiyakan kung babalik siya dahil gagawa pa siya ng paraan para makapag-aral ng libre. Naipikit niya ang mga mata niya't hinayaang maglandas ang mga luha niya sa mga mata niya.
* * *
Patong-patong ang mga law books sa mesa na hiniram ni Noah mula sa university library. May duty pa siya sa law firm mamaya ngunit parang hindi na kaya ng katawan niyang magtrabaho. Kasalukuyang nasa ikalawang taon na siya sa Law.
Binisita siya ni Jecille sa munting bahay niya na pamana ni Manong Ploy na pumanaw noong nakaraang taon. Ang may-ari ng jeep kung saan siya madalas nakakatulog. Umalis na siya sa poder ng Tito niya dahil ayaw na niyang makarinig ng masasakit na mga salita. Siya ang gumawa ng paraan para magkaayos si Manong Ploy at ang pamilyang nang-iwan rito. Nagpakatawaran. Ilang buwan ang nakalipas ay inatake ito sa puso.
It was devastating for Noah. He lost two fathers. Years ago, her biological father. Now, the father who nurtured him and supported him all throughout. It was Manong Lito's choice to become a father to him.
Muntik na siyang ma-late sa exams niya at muntik na ring bumagsak dahil wala doon ang concentration niya. He had to endure it.
Si Shawn at Lirio ang nasa tabi niya habang naghihinagpis siya sa pagkamatay ni Manong Ploy. The two always dragged him away from liquior-filled areas. Nang malaman iyon ni Jecille ay binibisita siya nito hanggang sa nasanay na itong i-check siya sa bahay niya.
"Uminom ka muna nito." ani Jecille na nilapag ang tasa na may umuusok na tea. "It's chamomile tea. Pampakalma."
"Salamat," simpleng sagot ni Noah habang nasa mga paperworks pa rin ang atensiyon.
"Magpahinga ka na pagkatapos niyan," paalala nito kay Noah.
"Okay na ako rito, Jecille. May duty ka pa bukas. Masyado na akong nakaabala sa 'yo."
They remain as friends after the incident in highschool. Nandoon si Kara Jecille noong magtapos ng Political Science si Noah kasama si Manong Ploy. Jecille graduated as Cum Laude in college and working as an operations manager of a company. Her hard work and perseverance paid off.
"Ang haggard mo na. You have dark circles under your eyes," Jecille said and sighed. "Hindi ka ba napapagod?"
Dinampot ni Noah ang tasa at sumimsim roon. Medyo nanibago pa siya sa lasa ng chamomile tea.
Sometimes, Jecille talked with double meanings. She eyed him intently, whose attention was on the papers. Maya-maya ay hinilot ni Noah ang sentido niya.
Jecille immediately reached for her shoulder bag and opened it. Kinuha niya mula roon ang isang liniment bottle at nilapag sa mesa ni Noah.
"You need this more than I do. Aalalahanin mong walang ibang nag-aalaga sa 'yo. Take care of your body. Ayokong mabalitaan mula kay San Miguel at Guillermo na nilulunod mo na naman ang sarili mo sa alak. It's really bad for your health," litanya nito sa kanya.
Nag-vibrate ang phone nito saka nito iyon tiningnan. "Alas onse ang curfew ng tinitirhan ko. Mauna na ako sa 'yo, Noah."
"Hatid na kita," alok niya at tumayo.
"Ubusin mo muna iyang tea. Lumalamig na 'yan. Kaya ko na 'to."
"No," mariin niyang tutol. Natigilan ito. "Babae ka. Marami pa namang mga sira ang utak rito."
Ngumiti lang si Jecille. "These days, you're not smiling enough. Parang pinagsakluban ng langit at lupa ang aura mo. Bawas-bawasan mo naman ang pagiging seryuso mo. Mas nagmukha ka pang tyrant kaysa sa employer mo."
Sumimangot siya. Nauna na siya rito at binuksan ang pinto. "Walang dahilan para ngumiti ako."
"You have been through too much. Hindi ko alam kung bakit nasasaktan ako para sa 'yo. Mag-enjoy ka naman kahit konti. 'Wag mong lunurin ang sarili mo sa kalungkutan, okay? I'm still sorry for what happened before. Masyado akong selfish."
"Don't go there, Jecille. It was my choice," he reasoned out, and Kara Jecille sighed at his answer. "And it's entirely my fault. Dinamay pa kita sa gulo ng buhay ko."
"Pareho lang naman magulo ang buhay natin noon," she joked. "At may mga nasaktan tayong mga tao dahil doon. Mistakes always taught us lessons."
Nakatitig lang si Noah sa kawalan matapos na sumakay ito ng habal-habal. Babae ang habal-habal driver nito na siyang maghahatid sa dalaga sa bahay nito. Wala siyang tiwala sa mga lalaki at isa pa kilala niya ang driver.
Magpahinga? Paano? Pagod na pagod na siya. Anumang sandali ay bibigay na ang utak at katawan niya.
Pagbalik niya sa bahay ay malamig na ang tsa-a. Napabuntong-hininga na lang siya at niligpit ang mga gamit niya saka ibinagsak ang sarili niya sa malambot niyang kutson. May bahagi sa isip niya na sana'y mawala na ang bigat sa dibdib niya ngunit hindi ganoon kadali ang lahat.
* * *
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top