PKL: Dalawampu't Anim

---x

"Simula nang dumating ka rito. Hindi ka na lumabas ng unit natin. Seriously, Mako, after seven years mong ni-reject si Noah?" kantiyaw sa 'kin ni Jin habang sinusuklay ang basa niyang buhok. "Hindi ka magpapakita?"

Hindi umimik si Daisy bagkus ay nakaupo lang siya sa sandalan ng sofa habang pinagmamasdan ang kumikinang na asul na dagat sa bintana. Nalaman ni Lirio kung saang room siya nanatili kaya napilitan siyang tumambay muna sa suite nina Jin at Keisha pero hindi pa rin siya nakaiwas sa tanong ng mga ito. Si Raspberry naman ay lumabas na rin ng suite nila at nagliwaliw sa barangay malapit sa beach resort. Mukhang disoriented rin ito sa pamumulabog ni Lirio sa kanya.

Tatlong araw silang manatili roon. Nakita niya sa itinerary ang mga activities na puwedeng gawin roon sa resort at may separate para sa kanilang reunion batch. Iyon ang first day niya, nila ni Raspberry at papalubog na ang araw tanda na iyon na rin ang first sa two nights na matutulog sila doon sa resort.

Panay ang kain ni Kei ng chicheria nito habang nanonood ng tv.

"Takot lang 'yan. I heard that magkasamang dumating rito si Noah at Kara Jecille. At may bata." Kei trailed off.

Hindi pa rin siya umimik nang magkatinginan ang mga ito, naghihintay sa magiging reaksiyon niya. But then, she's a great pretender when it comes to handling her emotions. She practiced it for years just to not look weak in front of others.

At anak? Tinanggap na niya ang katotohanang posibilidad iyon. After all, hindi na siya ma-contact simula nang magtrabaho siya sa Balamban at sinadya niya mismong lumayo. Isa pa, she made it clear before that he will not wait for her. Na hindi ito aasa sa kanya at ikukulong ang sarili nito sa kanya.

Itinaboy niya ito palayo, kaya kung makikita niya man ito masaya sa iba at may pamilya na. Masaya siya para dito. Oo, hanggang ngayon mahal pa rin niya ito pero hindi aabot sa puntong guguluhin niya ang masaya na nitong buhay gaano man kasakit makita iyon.

"Anak kaya nila 'yun?" si Kei.

"Well, why don't you see it for yourself, Kei?" si Jin.

"Ako lang ba?" Kei smirked.

Umalis siya sa pagkakaupo niya at mataman na tiningnan ang dalawa na patay-malisya na umiwas ng tingin sa kanya. Hindi pa ba titigil ang mga ito?

"Guys, alam n'yo ang nangyari at ang dahilan ko, okay? Wala akong karapatang magmukmok kung sakaling may iba na siya o ano. Pitong taon na since that happened," she said and put her hands on her hips to emphasize her point. Bago pa man siya intrigahin ng mga ito ay tumungo na siya sa banyo. Napilitan siyang ikuwento sa mga ito ang mga nangyari.

She stayed in the toilet bowl for minutes. She hated this. The nostalgic memories came back now that she'd seen them again. She's a bit afraid. Takot siyang tanggapin pag nakompirma na niya.

Pitong taon. Maraming mangyayari sa pitong taon. Napangiti siya nang mapakla nang maalala ang eksenang nasa dyip siya at nasa waiting shed ito. She was thirteen then. Now, she's twenty nine. Si Noah lang ang lalaking naging espesyal sa kanya.

Tinaboy niya ito in the first place kaya kung anuman ang makikita niya ay lulunukin niya. Lulunukin niya ang katotohanan. It was then she discovered that it's okay to be on the sidelines if it's meant that he's genuinely happy.

* * *

Nagising siya na bahagyang madilim pa ang paligid. Natutulog pa si Raspberry sa kama nito, nagtalukbong ng kumot, mukhang walang balak na makipagsabayan mamaya sa event ng batch nila.

Hinawi niya ang kurtina sa bintana at namangha sa tanawin sa labas. She ignored the beauty of the seashore yesterday, caught up in my world again. It was a light blue sky. It's early five in the morning. Mula sa silangan ay may lumilitaw ang orange at yellow na liwanag. Behold, a sunrise!

Dali-dali siyang tumungo sa banyo upang maghilamos at inayos ang sarili ko. She coaxed her hair into a messy bun and wore a white shirt that has the emblem of the school where she's teaching and black shorts. With her bare face, she went outside their unit and wore her flip flops. Buti na lamang wala pang masyadong taong pakalat-kalat sa hallway. Pagkarating niya sa reception area kung saan kaunti pa ang mga taong nakatambay kung kaya't tumakbo siya nang mabilis palabas ng hotel. Nagulat pa yata ang receptionist sa ginawa niya.

Umawang ang mga mata niya nang mapagmasda ang dagat. Ocean and seas had been her refuge when she stayed in Balamban whenever she's drained in her life. Kung minsa'y bumibisita siya sa beach. The yellow hues was replaced by orange hues. She stepped on the white sands. Kumapit ang buhangin sa mga paa niya nang humakbang siya papalapit sa dalampasigan. Napapikit siya at pinakiramdam ang malamig na simoy ng hangin mula sa malawak na karagatan. May mga cottages di-kalayuan at kaunti lang ang mga taong nandoon.

Pinagmasdan niya ang pagsabog ng liwanag sa paligid. The light from the morning sun reflected on her skin. Hindi iyon gaanong mainit at nakakaginhawa ng pakiramdam. The tides reached the tips of her feet.

She was looking at the wide expanse of ocean when she felt something she couldn't fathom. Hindi niya alam kung bakit biglang nagtaasan ang balahibo niya sa batok at biglang bumilis ang tibok ng kanyang puso. Naglikot ang mga mata niya at nang bumaling siya sa kanan niya'y natagpuan niya ang dalawang lalaking nag-uusap. Bigla siyang tinamaan ng nerbiyos. Para siyang binuhusan ng malamig na tubig at tila tumigil ang pag-inog ng mundo niya.

The cool breeze of the ocean swayed the strands of his hair that fell on his forehead. He was wearing a white shirt and black cargo shorts. Ang nasanayan niyang teenager na hitsura nito ay nagbago. He's a full-grown man now.

Her eyes widened when his face turned to her. Ginawa nitong headband ang suot nitong sunglasses. His almond eyes settled on her. Something knocked on her heart and a part of her panicked.

The sun was still rising, the rays reflected on his face. A smile or, much better to say, a smirk spread from his lips as if saying, 'I found you and you can't get away now.'

Saka lang nagsink-in sa kanya ang nangyari. That she still couldn't get away no matter what. And then, she did the most cowardly thing she used to do.

She ran away from him and went back to her unit. Hingal na hingal. Para siyang nakakita ng multo. Ni hindi nga pinansin ang pagtawag ni John Dale sa pangalan niya nang makita siya nitong nagtatakbo sa hallway.

* * *

"Ano ba! Umalis na kayo! Hindi ako kailangan do'n!' taboy ni Daisy sa dalawa na pilit siyang hilahin mula sa kama niya. Buong araw siyang nagmukmok doon at walang balak na lumabas. Raspberry was nowhere and possibly hiding and staying away from the reunion.

"Ano ba, Daisy! Isa na lang, itatapon ka na talaga namin sa bintana!" tila nawawalan ang pasensiya na wika ni Jin. Pinasok na siya ng mga ito sa unit niya dahil buong araw niyang inignora ang mga ito. Doon na na-realize na isa siyang duwag para harapin ang lahat.

"Move your ass, bitch! Jenny notified me na papaalisin niya tayo kapag hindi pa tayo bumaba sa function room," inis na ring singhal ni Kei.

Natigilan siya. "No way!" Tinimbang niya rin ang pagdalo niya roon. Puwede naman niyang ignorahin ang reunion batch pero hindi ang summer beach.

She was having her secret walk at nights, admiring the beauty of the beach. Second day na niya ngayon at na-miss lang naman niya ang itinerary dahil sa lintik na tinamaan na naman siya ng kahiyaan at kaduwagan.

"Yes way!" Jin crossed her arms with a stern look on her face. "Magbihis ka na at pupunta tayo sa function room."

"Uhm, lahat ba tayo pupunta talaga doon? Required ba talaga?" tanong niya kay Jin. Sinamaan lang siya ng mga ito nang tingin kaya napilitan tuloy siyang bumangon at hawiin ang kumot na nakatalukbong sa kanya.

"Oo," sagot nito at ininpeksiyon ang mga damit niya na nasa bagahe niya. Nakita nito ang dress na susuotin niya sa pangatlong araw kung kailan gaganapin ang batch ball. "Woah there. 1960s pa yata 'tong style ng dress mo."

"Audrey Hepburn inspired dress," simpleng sagot niya at nag-inat niya. Wala rin naman siyang magagawa dahil hindi siya lulubayan ng mga ito.

Nagbihis na lang siya bago pa magreklamo na naman ang dalawa. Ayaw rin niyang i-ban siya ni Jenny sa beach resort nito. She's really true to her words and she didn't want to give her a reason to transform her into a dragon.

She picked her denim jacket under her white shirt, dark blue denim pants and denim shoes. Pinalitan ni Jin ang denim shoes niya ng white shoes nito dahil mukha raw siyang ewan sa suot niya at wala na daw sila sa 90s era na uso pa ang denim. Kei braided some strands of her hair and the rest, she let it down. Lalagyan sana siya ng mga ito ng make-up pero tumanggi lang siya bagay na ikinaangal ng dalawa. Mangangati lang siya sa make-up at isa pa, tiwala naman siya na kaaya-aya pa rin siya tingnan kahit wala noon.

Nauna na siyang lumabas ng room, kinakabahan sa mangyayari sa function room. Ano ba ang masasaksihan ng mga mata niya? Habang humahakbang siya papalapit roon, tila may dumadagan sa dibdib niya. Bumibigat.

"Parang ayaw ko nang pumasok," usal niya nang marating na nila ang malaking pinto ng function room. Umatras pa siya ng isang hakbang. Parang gusto niyang magtalukbong ng kumot ulit sa sarili niya. Nasaan na ba si Raspberry? Ito lamang ang kakampi niya roon na hindi siya ihahain sa leon.

Isinukbit ng mga ito ang braso nila sa magkabila niyang braso kaya di na niya nagawang umatras pa. Para siyang kriminal na ayaw ng mga itong patakasin. Sa bilis ng tibok niya, ni hindi na niya namalayan ang pagtulak ni Kei sa pinto.

Naririnig na niya ang ingay mula sa loob. Samu't saring boses na nag-uusap, kalansing ng mga kubyertos at ang tunog ng mga instrumento mula sa banda.

Ayoko na! Ayokong makita si Noah! Oo na! Hindi talaga ako ganoon ka-manhid! mangiyak-ngiyak niyang sambit sa sarili nang tuluyan na siyang binitawan ng dalawa.

Natuod tuloy siya sa kinatatayuan niya nang makita niya ito sa silangang bahagi ng function room kasama si Kara Jecille. Nasa kandungan ni Noah ang isang batang babae na malamang anak ng mga ito.

Sino ba siya para mag-inarte pa? Mukhang larawan ito ng isang masayang pamilya. Ito ang dahilan kung bakit nagmukmok siya buong araw. Nakita niya mula sa bintana ng unit nila ni Raspberry ang tatlong nag-eenjoy sa dalampasigan. Masakit pa rin talaga kung ang katotohanan na mismo ang sasampal sa kanya. Kung hindi siya duwag noon, hindi siya ganitong masasaktan pero wala rin naman siyang magagawa. Si Jecille ang pinili nito. At isa pa, itinaboy niya ito pitong taon na ang nakakaraan.

Iginila niya ang paningin niya sa buong paligid at napatingin niya sa pulang carpet na nakalatag sa buong function room malawak. May mga round tables kung saan nakaupo ang mangilan-ngilan niyang batchmates. Sa harap ng stage ay naki-jamming ang ibang ka-batchmates niya sa tumutugtog na banda.

Iniwan siya ng mga bruha upang batiin ang mga batchmates nila. Catching up, at nag-alala siya sa gagawing pagkakalat ni Keisha. Aasarin lang naman nito ang mag-ex na Gabriel at Maia na classmates ng mga nila noong fourth year highschool. Hindi siya magtataka kung maba-ban ito dahil pang-uungkat na gagawin nito. Si Jin naman, ewan niya kung saan sumuot at naglaho na lang bigla.

"Mami! Mami!" Nagulat siya nang lumapit sa kanya ang isang batang nakasuot ng cute na cute na light pink dress. Napalitan ng ngiti ang mukha niya mula sa pagkakasimangot, na mukhang natatae na ewan dahil kinakabahan.

"Leanne!" Nagpabuhat ito at walang pag-aatubiling binuhat niya ito. Kaagad naman itong kumapit sa leeg niya.

"Nasaan ang mga magulang mo ha?" Luminga-linga siya sa paligid upang hanapin ang mga magulang nito na sina Daphne at John Dale.

"Sabi po ni Tita Jenny, nag-honeymoon po. Ano po yung honeymoon, Tita?" inosenting tanong ni Leanne na humagikhik pa. Nanlaki tuloy ang mga mata niya. Gagang Jenny, kung ano-ano ang pinagsasabi sa bata at nilaglag pa ang pinsan nito.

"Lili!" Isang batang babae ang lumapit sa kanila at nanigas siya nang makilala ang mukha nito. Manang-mana kay Jecille. Young version nito. Anak nila Noah.

"Wendy!" masiglang tawag ni Leanne na naglumikot kaya binaba niya ito. Humawak ito sa kamay na inabot ni Wendy at halatang nagkamabutihan na ang mga ito. Palibhasa, ito lang ang iilan sa mga batang nandoon sa reunion batch nila.

Luminga-linga siya sa paligid, sa mga tables na nakakalat, sa mga batchmates nilang nagkakantiyawan at nagtatawanan na. Natagpuan niya ang hinahanap ng mga mata niya. Kausap nito si Jecille at mukhang seryuso ang usapan ng mga ito. Naiwan siyang nakatulala. Inaalisa ang mga nararamdaman niya.

Huminga siya nang malalim at bumaling na lang sa stage kung saan kumakanta si Garnet sa saliw ng musika at wala pa ring ipinagbago ang boses nito.

Isa ito sa may pinakamagandang boses sa kanilang klase at pinapakanta nila ito sa klase. Tumatambol si Clyde sa likuran nito at nagh-headbang habang ang mga ka-miyembro ng mga ito ay nakangiting tumutugtog, bahagyang gumagalaw ang katawan sa saliw ng musika.

Lumapit siya sa may harap nang pumainlanlang ang isang pamilyar na kanta. Sandali napalitan ang bigat ng pakiramdam niya.

"Woah! Paramore!" she shouted and screamed with her batchmates na halatang music lovers. Para na silang mob sa harap ng stage. Sa likod lamang nila ang mga round tables.

Ngumiti si Garnet at tinapat ang mikropono sa kanya.

"And when it rains. On this side of town it touches everything. Just say it again and mean it. We don't miss a thing, you made yourself a bed. At the bottom of the blackest hole. Convince yourself that it's not the reason you don't see the sun anymore."

Ginalaw niya ang katawan niya at sumabay sa tugtog pati 'yung iba. Nakita niyang biglang sumulpot si Keisha at kulang na lang ay magwala dahil paborito nito ang mga kanta ng Paramore..

"Damn you, Garnett!" sigaw ni Kei pero nakangisi. Masaya ito para sa kaibigan nitong naging parte ng isang banda.

"I never saw it coming. Oh, oh I need the ending."

Gusto niyang matawa. She really never it saw it coming. Nagtugtugan at nagsasayawan sila ng batchmates niya roon nang tumigil sila pagkatapos ng kanta. Mayamaya pa, sumulpot bigla si Lirio, umakyat sa makeshift stage at napalunok siya nang wala sa oras nang mahagip siya nito ng tingin.

Saan na kaya si Raspberry? Buking na ba ang babaeng 'yun? Hindi pa niya nakikitang umaaligid ito na nasa paligid lang si Lirio. Naghiyawan ang mga batchmates nila at pasimpleng kumaway lang si Lirio na parang artista. There's an aura of maturity in him which makes Daisy happy.

"Quiet, children," he said when Garnet gave him the microphone. He's wearing a moss green sweater, jeans and grey sneakers. Mas lalo itong pumogi kaya ang mga single batchmates nila ay kulang na lang ay pumuso ang mga mata.

"To hell with the pleasantries. I'm Lirio San Miguel and I'm your facilitator. I want to announce to all of you that we are having a random picks of singers from the batch. Ihanda ninyo ang sarili ninyo at baka kayo ang kakanta rito sa stage. Ang Infinity Drive mismo ang tutugtog ng instrumento para sa inyo."

Sigawan ang mga tao roon maliban sa iba na nagreklamo. Mamimili ba naman ng kakanta sa stage. Baka isa sa mga ito ang mapahiya. Daisy's smile vanished when she saw the wicked glint in Lirio's eyes. Hindi pa ba sila tapos sa wanto-sawang gantihan? He set this up?

"Henry, ipasok mo na ang fish bowl."

Nagreklamo si Henry sa background. Artista na ito ngayon na naglie-low isang taon na ang nakalipas. Umakyat ito sa stage at nganga na naman ang mga babae rito sa kaguwapuhan nito. Naalala pa niya noon kung gaano ito kadugyot tingnan at laging pawisan ang mukha pero charming pa rin since then. Ito ang Romeo ng batch sa play na Romeo and Juliet at Aladdin na rin.

"I am not supposed to hold this," reklamo ni Henry.

"'Wag ka nang magreklamo," ani Lirio. Bumaling si Lirio sa kanila at ngumisi nang makabuluhan. Unti-unti nang napaatras si Daisy. May masama siyang kutob rito. "Ang mga pangalan na nandito ay ang mga suggestions na galing sa mga batchmates ninyo. At ang kantang dapat kakantahin ninyo. Ang tatanggi, uuwi na sa kanila."

Hayop ka, Lirio. Anong binabalak mo? asik niya sa isip niya.

When he announced the first singer, the people hooted and shouted in glee. The nostalgic naughty ways in their highschool years seemed to have been relive that moment. Ang kakanta ay parte ng Theater Club kung saan kabilang noon si Henry. She crossed his eyes and glared at him. Umatras na siya, iniisip kung saan siya makakatakas.

Anong akala n'yo sa 'kin? Hindi marunong tumakas?

She sprinted to the door of the function room but an annoying two eggs prevented her not to open the door. Humarang ang mga ito sa pinto ng function room. Hawak-hawak ng mga ito ang magkabila niyang braso.

"Ano ba Klint!" Ang walang ibang pumigil sa kanya ay sina Marc at Klint.. Magkasangga talaga ang dalawang ito sa kalokohan at kalalaking mga tao ay mga tsismoso at pakialamero. She saw Marc during her first year college and he got taller since then. Si Klint, well, masaya dahil may fianceé na ayon kina Jin at Kei.

"You couldn't get away any longer now, Daisy. Masyado mo na kaming pinapahirapan rito." Klint said showing his greasy smile. Sinamaan niya ng tingin ito. Ang dalawang ito ang kakuntsaba ni Lirio pagdating sa maiitim na balak ng huli.

Marc crossed his arms. Halos nakasandal na siya sa nakasiradong pinto. They were towering over her. Bakit ba mas lalong tumangkad ang mga ito? "Walang lalabas ngayon. Minsan nang tumakas si Maia rito. Sabihin na nating kilala ka namin at gagawin mo ang lahat para tumakas." Pinandilatan pa siya nito ng mga mata.

Nanatili lang siya roon, nakatayo, nakikipagtagisan ng tingin sa dalawa hanggang sa bumagsak ang mga balikat niya. Nanlulumong napasulyap siya sa stage.

"Next singer," narinig niya anunsiyo ni Lirio sa mikropono. "Daisy Mako from section 1. When I dream about you."

* * *

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top