PKL: Dalawa

-x

"Saan ka pupunta, 'nak?" malumanay na tanong ng kanyang ina habang nagwawalis sa bakuran ng bahay nila. Magaan na ngumiti si Daisy rito sabay tulak ng kanyang bisikleta na naging transportasyon na niya roon sa probinsiya. Inilagay niya sa basket ang tote bag niya.

"Sa palengke lang, Ma. Kakaunti na lang kasi ang stocks natin sa bahay. Bibili lang ako," sagot niya rito. Bahagya siyang nasinagan ng araw na dumampi sa kanyang mukha. Hindi alintana ni Daisy iyon sapagkat paborito niya ang damhin ang init ng araw sa umaga. The moment she experienced those sleepless nights, she appreciated the sunrises every morning.

"Mag-iingat ka," bilin nito sa kanya. Kinawayan lang niya ito bilang sagot at sumakay na sa bisikleta niya't nagsimula nang magpedal. Tanging siya lang ang nasa maliit na kalsada nang makarating siya roon.

Napangiti lalo si Daisy nang maramdaman ang mabining pagdampi ng hangin. Presko ang hangin roon sapagkat napapaligiran ang maliit ng barangay ng mga puno at malawak na palayan. Medyo malayo iyon sa merkado at tago kompara sa ibang barangay ng probinsiya na siyang gusto ni Daisy.

Mas lalo pa niyang binilisan ang pagpedal sa bisikleta niya, nasa daan lang ang mga mata at paminsan-minsang tumigil pag may tumatawid.

"Magandang umaga po, Miss!" bati ni Helga, isa sa mga estudyante niya sa eskuwelahan. May dala-dala itong isang bungkos ng talbos ng kamote.

Tumigil siya pagsamantala at nginitian ito. "Magandang umaga rin, Helga," ganting-bati niya rito at nagpedal ulit.

Kilala siya ng mga tao roon dahil guro siya ng isang pampublikong eskuwelahan ng barangay at kung minsa'y tinutulungan niya ang mga batang namroroblema sa pag-aaral. Isa siyang guro sa Araling Panlipunan doon.

Medyo marami na ang mga taong nasa merkado, patunay na maagang nagigising ang mga tao sa probinsiya. Pinaparke niya ang bisikleta niya sa bungad ng palengke nang marinig niyang may tumawag sa kanya.

Nang lumingon siya ay nakita niyang kinakawayan siya ni Ian, colleague niya at guro sa Science. Kapwa sila nagtuturo sa third year at fourth year highschool students.

Ngumisi ito at tuwang-tuwa pa yatang makita siya gayong nagkakasalubong naman sila sa eskuwelahan. Ilang buwan na rin kasi itong nagpapapansin sa kanya subalit hindi niya masyadong binibigyang atensiyon ang pagpapa-cute nito.

"Aga natin ngayon ah. Sabay ka na sa 'kin? Mamamalengke rin ako," nakangiting sambit nito at itinabi ang bisikleta nito sa bisikleta niya. Pabirong pumalatak ito. "Aga-aga, wala pa ring kupas ang ganda mo."

Noon, tiyak na matatameme siya at hindi alam ang gagawin kapag pinuri ngunit kalauna'y naging immune na siya at ngumingiti na lang. "Aga-aga, nambobola ka," sopla niya rito at iniwan na ito roon, bitbit ang tote bag niya.

"Aguy, hindi ah. Totoo 'yon. Tanong mo pa sa mga estudyante ko," hirit nito at sumunod sa kanya.

Nagningning ang mga mata ni Daisy nang masilayan niya ang asul na dagat sa likod ng palengke at sinamyo ang amoy-alat na hangin na humalo sa amoy ng palengke. Tumungo siya sa bahagi ng palengke kung saan nandoon ang preskong mga gulay.

"Wala na ba talaga akong pag-asa, Daisy?" ani Ian sabay kamot sa kilay nito. Binalingan ito ni Daisy at tipid itong nginitian saka magaang tinapik ang balikat nito.

"Mananatili kang kaibigan," makahulugang sagot niya rito. Ang totoo'y hindi siya naiilang sa mga pahaging ni Ian. Kumbaga, nasa personalidad na nito ang pagiging masayahin at mapagbiro kaya hindi siya tinutubuan ng ilang o di kaya'y magaan lang talaga itong kasama.

"Alam mo, hanga ako sa iyo dahil nasasabi mo ang saloobin mo, ang nararamdaman mo pero . . . 'wag kang mag-alala, hindi pa rin magbabago ang pakikitungo ko sa 'yo."

Bunagsak ang balikat nito at napakamot sa sentido nito. Mukhang inaasahan na nito ang magiging sagot niya. "Okay, hindi na kita pipilitin. Di naman 'yon napipilit, di ba? . . . Kahit maghintay, wala na ba?"

Saglit na natigilan si Daisy sa huli nitong sinabi. Maghintay? Flashback to that scene when he said that he's willing to wait for her but she didn't want him to and left. Marahan siyang umiling rito. "Pasensiya ka na, Ian. Wala pa talaga 'yan sa isip ko."

"Uy, umagang-umaga, nagliligawan na kayong dalawa. Basted ka na naman ba, Ian?" Napalingon silang dalawa kay Gareth, kasamahan din nilang guro. Math ang subject na tinuturo nito. Kagaya nila, namimili rin ito doon sa palengke.

Sinamaan lang ito ng tingin ni Ian at saka inakbayan ito ng mahigpit hanggang sa hinila ni Ian palayo ito sa kanya. Public knowledge na sa buong eskuwelahan na nanliligaw ito sa kanya at kung minsa'y tinutukso sila sa isa't isa subalit hindi ganoon kaapektado si Daisy. Sanay na siya sa mga tao roon at isa pa, binata si Ian at dalaga siya, natural na ipagtambal silang dalawa ngunit hanggang kaibigan lang talaga ito para sa kanya.

Umabot pa talaga ito sa mga magulang niya at ngayon nga sa hapag-kainan ay kinulit siya ng mga ito. Siya ang naghanda ng tanghalian nila sa araw na iyon.

"Ma, magkaibigan lang talaga kami ni Ian," giit niya sa nanay niya.

"Mabait naman ang batang 'yon. Binisita ka niyon nung isang araw dito, di ba? " singit ng kanyang ama.

Napamaang na lang siya rito at uminom ng tubig upang hamigin ng konti ang sarili. Inaasahan na siya ang unang mag-aasawa dahil siya ang panganay ngunit hindi niya tinupad, bagkus naunahan pa siya ng dalawa niyang kapatid.

"Pa, pati ba naman kayo. Wala pa talaga 'yan sa 'kin ngayon," katwiran niya at sumubo ng kanin.

"Malungkot mag-isa sa buhay, anak. Mas maganda pa rin iyong may mag-aalaga sa iyo pag matanda ka na," paliwanag ng kanyang ina.

Naibagsak ni Daisy ang balikat niya at malumanay na ngumiti sa mga magulang niya. Naiintindihan naman niya ang punto ng mga ito kaya di siya tumutol sa mga ito, ang ikinaiirita lang niya minsan ay pine-pressure siya ng mga itong mag-asawa.

"Ma naman. Kaya ko nang aalagaan ang sarili ko. Sa ngayon, kontento ako sa narating ko sa buhay. Hindi na ako naghahangad pa ng ibang bagay. Simple lang pero masaya." nakangiting sambit niya sa mga ito.

"Masaya ka ba talaga, 'nak?" usisa ng kanyang ina. Bahagyang natigilan si Daisy sa tanong na iyon. Madalas iyon ang tanong na bumabagabag sa isip ni Daisy, laging iyon ang priority niya noon maging ang kung anumang gugustuhin niyang gawin. She's more of following her heart than following her head because after all, passion is in her blood that keeps her being alive.

"Oo naman," she half-heartedly answered. Lumarawan ang pagkalito sa mukha ni Daisy at minabuti niyang iyuko ang ulo niya upang hindi maaninag ng mga magulang niya ang emosyon sa mga mata niya. Bumuntong-hininga siya at pilit na pinasigla ang mga mata sa mga ito.

"Ma, Pa, 'Wag n'yo na akong aalalahanin. I'm fine, okay? I can make things on my own. Malay n'yo, may mangyayaring maganda pero hindi pa ngayon," pag-aassure niya sa mga ito.

Kinagabihan, tumambay si Daisy sa wooden bench kaharap ng maliit na sapa ilang metro ang layo sa bahay nila. Pinagmasdan niya ang pagkinang ng mga bituin sa madilim na kalangitan maging ang nakangiting buwan.

Staring at the starry skies at night, searching and tracing the constellations was one of her hobbies before, until now. Mas lalo niyang minahal iyon sa mga sandaling hati siya sa dalawang mundo: ang totoong mundo at ang mundong siya lang ang may alam.

* * *

Nang makauwi na si Raspberry sa bahay ay nadatnan niya ang pinsan niyang si Ian na umiinom ng kape at prenteng nakaupo sa one-seater sofa.

"Paano ka nakapasok rito?" tanong niya rito sabay lapag ng kahon sa mesa. Tinaasan niya ito ng kilay at pabagsak na umupo sa katapat nitong sofa. Naisandal niya ang ulo niya roon sa pagod.

"Duplicate keys from Tita Sheena." Ian shrugged his shoulders and put down his cup of coffee on the table. "You looked so worn out. Stress ba sa trabaho?"

Hinubad niya ang blazer niya at tinupi iyon saka ipinatong sa kandungan niya. Huminga nang malalim at tinanggal sa pagkakapusod ang buhok niya't pinaglandas ang mga daliri niya. "I resigned. Corporate life is too hectic for me. Ikaw? Bakit ka nandito?" Napapadpad lang naman ang pinsan niya roon kapag may balita sa pamilya nila.

Natigilan ito sa anunsiyo niya at matiim siyang tiningnan. "Lolo's health is getting weaker. The Romulos want us to be home this Christmas for our family reunion. This time, you should be there, Berry."

Bahagyang naningkit ang mga mata nito. Hindi lingid sa kaalaman nito na madalas ay wala siya social gatherings at wala siyang amor dumalo at makipaghalubilo ng kung sino-sino kahit pa mga kamag-anak nila.

It's really exhausting to socialize with their extended family, questioning her about her salary, her job position in the company, and her love life which is a not-so-good starter for conversation. Other people sort of validate if you're successful and have achievements. It isn't necessary to answer those senseless questions.

"Okay, okay. I'll go home. Uuwi ako ng Cagayan De Oro para kay Lolo," pagpayag niya. Sa katunayan, nangungulila na siya sa Lolo Isagani niya na madalas ay binabasahan siya ng poetry book. Dito siya nagmana sa pagiging mahilig sa libro at pagbabasa. She missed those summer days when she had wise talks with her grandfather. Sinalakay siya ng kalungkutan sa kaalamang nanghihina na ang katawan nito.

Umuwi kaagad si Ian pagkatapos nilang sabay kumain ng hapunan. Tumambay muna siya sa terasa, malalim ang iniisip. Kung ano ba ang plano niya pagkatapos niyang magpahinga sa pagtatrabaho sa kompanya. Babalik ba siya o iibahin ang direksiyon ng career niya? She's in torn about it while sipping her chamomile tea.

Ilang beses na napabuntong-hininga si Berry at napahilot sa sentido niya. Siguro, papalipasin niya muna ang mga araw. She needs rest after years of dedicating her work and effort to such companies. Aminado siyang nagtatrabaho siya para sa ikabubuhay niya, mostly to sustain her basic needs but there's this hollow part of her, telling her that it's not really the path she wants. Makailang beses na siyang inatake ng middle-life crisis at kung minsa'y apektado siya niyon. It was not merely living for years to sustain her basic needs, it's more than that.

Bumalik na si Berry sa kuwarto niya't humiga na sa kama. She stared at the desolate ceiling and closed her eyes, letting the darkness envelop her.

* * *

"Berry, hindi ka pa ba bababa? Hinahanap ka na ng mga pamangkin natin," bungad ni Ian sa kanya. Basta-basta na lang nitong binuksan ang pinto ng kuwarto niya sa bahay ng Lolo Isagani nila.

Naibaba niya ang libro na binabasa niya sa bedside table. Hinawi niya ang kumot na nakatakip sa kalahati ng kanyang katawan at bumangon. She put on her house slippers. Bahagyang iritado man, hindi niya iyon pinahalata kay Ian. "Don't you know how to knock?"

Ian smiled sheepishly and opened the door widely, gesturing to her to go outside of her room. She sighed and a small smile spread on her lips.

"I am playing with them this morning, Ian. Grabe, anong klaseng vitamins ang pinalaklak ng mga pinsan natin sa kanila? They're full of energy," tukoy niya sa mga makukulit niyang mga pamangkin.

Hapon na ngayon at malamang ay nags-siesta na ang iba ngunit may ideya siyang ang ibang pa nilang kamag-anak ay nasa garden kasama si Abuelo. Ilang araw na lang ay Pasko at doon sila nagtitipon upang mag-celebrate ngunit sa kabila ng kasiyahan ng pagdiriwang ay ang katotohanang tila iyon na ang huling Pasko na mananatili sa piling nila si Lolo Isagani. Pagod siya sa biyahe kahapon at hindi niya matanggihan ang mga pamangkin niya na kaagad humingi ng pasalubong galing sa kanya. Sumabay siya sa mga larong pambata kasama si Ian kinalaunan.

Lumawak lalo ang ngisi nito at sumandal sa gilid ng pintuan. Inayos niya ang pagkakatali ng buhok niya na gumulo mula sa mahabang pagkakaupo sa higaan niya. "Lots of vitamins, probably. By the way couz, is there a way to evoke interest from a woman? Misteryosa ang dating niya at may ideya ako na alam mo kung paano. Isa ka sa kanila. Matutulungan mo siguro ako dahil pareho kayong mailap. "

Bahagyang naningkit ang mga mata niya sa biglaang paglalahad nito."May nililigawan ka?"

Mukhang may naalala ito dahil bumagsak lang ang balikat nito sabay kamot sa sentido. "Sinubukan ko pero ayaw niya mismo."

Ian crossed his arms and his eyes are faraway all of a sudden. Gusto niyang natawa, lagi naman itong may nagugustuhang babae at kadalasan iyong mga babaeng tahimik at mysterious ang tipo nito, halos similar na sa personalidad niya, dahil pakiramdam nito kailangan ng knight in shining armour ng mga ganoong klaseng babae.

Not really knowing that girls are really complicated when it comes to their life and privacy. You're not gonna bombard someone with questions that they don't even want to mention with. Kung minsa'y hindi naman talaga knight-in-shining armour ang kailangan ng babae dahil sapat nang maintindihan at tanggapin ito.

"She's a bit like you, but more of a sunshine. Bagay nga sa kanya ang pangalan niya e, a spring flower, a refreshing sight." Berry mentally shook her head when he spaced out again, maybe imagining the woman he admired.

Highschool teacher si Ian sa isang bayan sa isang probinsiya sa South.

Berry put on her lilac cardigan. Sinipat niya ang sarili niya sa salaming dingding katabi ng built-in closet.

Lumabas na siya sa kuwarto niya at sumabay ito sa kanya. Tanging mga boses at yapak ng mga paa nila ang tanging tunog na lumikha sa hallway ng ikalawang palapag.

"What's her name?" tanong niya at nauna nang bumaba sa hagdan.

"Daisy. She's often called Mako. Mailap siya minsan, parang usa. She has this kind of air that she doesn't want anyone to make her guard down." Her footsteps were suspended in mid-air when she heard the name.

She suppressed her gasp and widened her eyes in surprise. Akalain mong si Daisy na bestfriend niya mula pa noong highschool ang tinutukoy nito? She was sure Ian is talking about the same Daisy dahil kilalang-kilala niya ang kaibigan niya.

Bumangon ang kuryusidad at excitement niya sa nalaman. Mahigit pitong taon na siyang walang balita kay Daisy magmula nang lumisan ito sa siyudad. She didn't know where exactly she's hiding or working at that time but she had a hint that she's faraway.

"Nakasabay ko siya sa bus noong isang araw. Akala ko, hindi niya ako papansinin pero hindi, ang seryuso ng usapan namin. Sinabi ko sa kanya ang tungkol kay Lolo," pagkukuwento nito at sumunod sa kanya na tumungo sa living room.

"Kapag 'yung babae na mismo ang lumalayo. Huwag mo na siyang pilitin, Ian. Hayaan mo 'yung babae mismo ang magsasalita tungkol sa buhay niya. May iba kasing hindi na nila kailangan ng knight in shining armour, because they are not damsel in distress in the first place," litanya niya rito. Naririnig ko na ang ingay ng mga bata sa sala at malamang nanonood na naman sila ng movies.

"Malabong lalapitan niya ako para ihayag ang sikreto ng pagkatao niya," wika ni Ian na umupo kaagad sa bakanteng one-seater na sofa. Nagtipon-tipon ang mga pamangkin nila sa carpet, nanonood ng Wall-E.

"Tita Berry! I'm hungry! Sandwich! Sandwich!" ani Ella nang makita siya kung kaya't naputol ang usapan nila. The little girl wore her baby pink dress with her curly pigtails.

She smiled ear to ear, showing one missing tooth in her mouth. Tumakbo ang batang babae papalapit sa kanya at itinaas ang mga kamay nito, nagpapabuhat. She's a four-year-old kid who looks like a two-year-old because of her small frame. Berry smiled at her and stooped to reach her.

"What do you like? Chicken o tuna sandwich?" She carried her gently and walked through the kitchen. Hindi naman siya nabigatan bagkus ay bahagya niya pa itong isinayaw.

"Chicken!" she screamed and Berry chuckled despite that her squeaky voice was ringing in her ears.

Kids' energy and enthusiasm are draining sometimes but Berry found warmth in them. She likes to be surrounded by kids, those hopeful eyes and innocent smiles could fade her worries away.

She made a chicken sandwich to Ella as well as the other kids. Ayaw niyang magka-inggitan ang mga ito kaya gumawa na siya ng marami. Matapos niyang ihanda ang mga sandwich sa mga bata at pagkaguluhan iyon habang nanonood pa rin ng cartoons ay bumalik siya sa kusina upang maglinis ng mga kalat niya.

She was washing the dishes when Ian went inside the kitchen and opened the fridge.

"Nice," he uttered when he spotted his favorite drink in a tetra pack. Sumandal lang ito sa ref at binalingan siya. "Anong plano mo? Mag-apply ka sa ibang kompanya?"

"I'm tired of corporate life, Ian. I felt like I am not belong or might be, nadr-drain lang talaga ako magtrabaho sa isang kompanya," she simply said and drained the sink. "Let's just say that I'm through with these so-called social struggles in my previous company. I even heard some embezzlement and I don't want to be involved in those schemes, Ian," malumanay niyang pag-amin. She opened the small window of the kitchen and the garden came into view. Her eyes enjoyed the sight of a Santol tree in the backyard.

"Right. I know you. Ayaw mong nakokompromiso ang konsensiya mo. Inamin mo ang dahilan ng pag-resign mo? Ang embezzlement?" usisa nito sa 'kin at naupo sa high stool, facing the kitchen counter.

Marahan siyang umiling. "I don't have much evidence for that." Berry dried her hands and faced Ian. Kasalukuyan itong umiinom ng chocolate drink. The straw was between his lips. "Oh, by the way, the lady you admire. Can you give me her contact details and email?"

Nanlaki ang mga mata nito, napamaang sa kanya at siya naman ay hindi maiwasang mapangiti. "I tell you why."

* * *

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top