PKL: Anim

----x

"And the winner of the essay writing contest is Raspberry Luzano of Second Year Section two!"

Halos mabingi sa sigawan ng mga kaklase niya si Raspberry pagtuntong niya sa stage at tanggapin ang certificate niya. May parte sa kanya na masaya siya dahil nanalo siya at pagkailang nang bumalandra sa kanyang harapan ang mga tao. Hindi niya alintana ang tinginan ng mga kapwa niya estudyante na sumali sa essay writing contest na iyon. Nagdududa yata sa kakayahan niya at kung bakit nanalo siya dahil isa lamang siyang hamak na second year highschool student. But she knew better, her essay piece would speak for it.

"Hi! Congrats nga pala!" Hindi sana papansinin ni Berry ang babaeng may yellow clip sa buhok nito dahil tinatantiya pa niya kung siya ang binati dito.

Shoulder-length ang haba ng buhok nito na kapag tinamaan ng sikat ng araw ay nagmumukhang brown. Ang mga mata nito ay tila laging nakangiti.

'Well, she has a contagious smile,' bulong ni Raspberry sa sarili.

"Thank you," she replied with a polite smile. Ito ang nanalo bilang second runner-up kung kaya't katabi niya ito ngayong may hawak na certificate.

"Nabasa ko ang piece mo. Grabe, ang ganda. Gamay na gamay mo ang English language tapos on-point pa kahit pa iilang sentences. Mahaba pa sa 'kin kesa sa 'yo pero pakiramdam ko, pinaikot-ikot ko lang." Marahan itong natawa. Dumadaldal lang ito habang kinukunan sila ng litrato. "Sa 'yo, hindi. Siksik."

"Salamat," pag-uulit niya pero nakangiti na ng tunay. Madalang lang siyang maka-appreciate ng papuri sa ibang tao lalo na't nararamdaman niya kaagad kung sincere ba iyon o hindi ngunit sa kaso ng babaeng 'to. She looked so sincere with her smile.

Naghiwalay lamang sila sa stage nang ianunsiyo na ang nanalo sa Poster-making contest. Akala ni Raspberry ay makakalusot na siya sa mga tao roon ngunit nilapitan lang siya ng babaeng may yellow clip sa buhok. Nakangiti pa rin ito.

"Ako nga pala si Daisy Mako. Ka-batch lang tayo. Sa Section one nga pala ako," anito. Naalala na niya ito. Ito ang babaeng nakikita niya sa library at laging nakapuwesto sa table na malapit sa fiction section kung saan madalas din siyang tumambay. Nakahiligan na niyang magbasa ng mga libro at pagsusulat. Sa katunayan, ayaw niyang sumali sa essay writing contest ngunit pinilit siya ng adviser nila nang mapansin nito ang kakayahan niyang magsulat.

"Raspberry Luzano from Section two," sabi niya out of courtesy. May tumawag sa pangalan nito na ikinalingon ng huli sa dalawang babae na panay ang ngisi dito. Mukhang masaya ito sa pagkapanalo ng kaibigan ng mga ito.

"Uy, tawag na nila ako. Congrats ulit!" huling sambit nito sa kanya at nagkukumahog na umalis sa gilid ng stage upang salubungin ang mga kaibigan nito habang siya'y pumasok na sa center building at dumiretso na sa hagdan saka umakyat roon.

Raspberry has only herself. Wala siyang maituturing na kaibigan talaga dahil turing lang niya sa mga ito ay mga kaklase lang. Iba ang definition niya sa salitang iyon at isa pa, madali siyang makaramdam kung kaibigan ba ang isang tao o hindi o sadyang ayaw lang niya maulit ang masalimuot na pangyayari noong nasa elementary pa siya.

Iwinaglit na lang niya iyon sa kanyang isipan at pumasok na sa pangalawang classroom sa ikalawang palapag saka hinanap ang bag niya. Hahapit pa siya sa faculty upang ipaalam sa adviser niya na nanalo siya.

Kinabukasan, half-day dahil sa pa rin ginaganap na program. Himbis na manood sa quadrangle ay iba ang ginawa niya. Sa library na naman siya tumambay at nanghiram ng libro.

"Uy, hi!" Bahagya pa siyang napapitlag nang batiin siya ni Daisy na ngayo'y katabi na pala niya sa namimili ng libro sa fiction section. Mahilig din itong magbasa. "Reader ka rin pala."

Tumango siya bilang pagsang-ayon rito habang nakatingin sa spine ng mga libro. May partikular siyang nagustuhan na libro doon at hinahanap lang niya. Humugot ng isang libro doon si Daisy na ikinalingon niya rito.

"As a starting reader, huwag ka munang magbasa ng mga classics lalo na't iba ang gamay ng lengguwahe nila," sambit niya rito at humugot ng isang libro sa estante. Isa iyong children's book na nabasa na niya noong elementary. Inilahad niya ang libro rito. "Ito. Maganda ang book na 'yan. Kapag binasa mo nang maigi. May madidiskubre kang mga lessons na puwede rin sa adult."

Ibinalik nito ang kinuha nitong libro sa estante at tinanggap ang libro na nirekomenda niya rito. Ininpeksiyon nito ang cover. Pinakli nito ang mga pahina ng libro. "Naiintindihan ko ang English. Salamat," baling nito sa kanya. "One time, may interesado akong basahin kaso ayaw ng librarian. Di daw angkop sa 'kin."

"Censorship," mahina niyang sambit. "Tawag sa mga bagay na mino-moderate ang use lalo na pag di angkop sa age natin at kamalayan natin." Dinugtungan na niya dahil tila hindi nito naintindihan ang salita.

Napatango-tango ito na may ngiti sa mga labi. "Hihiramin ko na 'to. Salamat ulit." Ngumiti ito at dumiretso na sa counter upang manghiram.

Out of impulse lang ang pag-suggest niya ng libro rito dahil alam niyang ang una nitong pinili ay classic book. Kahit papaano ay malaki ang impluwensiya ng librong iyon sa kanya noong bata pa siya. Nang mahanap na niya ang librong balak niyang basahin ay tumungo na rin siya sa librarian para hiramin iyon.

Nang magutom sa kakabasa sa loob ng classroom ay lumabas si Raspberry at tumungo sa canteen ng eskuwelahan. Crowded ang canteen nang maabutan niya kung kaya't natagalan pa siya sa pagpila upang bumili ng paborito niyang cassava cake.

"Ha? Sinong nabarangay?" bulalas ng isang lalaki na umagaw sa atensiyon ng mga tao sa loob sa lakas ng boses nito. Binatukan lang ito ng isa sa mga kaklase yata nito. Kung hindi niya kilala ang naturang lalaki ay nuncang pansinin niya ang mga ito o sadyang nakaw-atensiyon lang ang mga ito sa ingay ng mga ito.

"Sira-ulo. Sabi na nga ba, hindi ka nakikinig. Ang sabi ko, magsisimula na ang liga sa barangay sa susunod na buwan. Ano, sali ka?" kausap ng kaklase rito.

Lirio San Miguel. Schoolmate niya noong elementary at naging classmate niya noong grade two at ngayo'y schoolmate niya sa Abellana. Naalala pa niya kung paano siya nasorpresa nang makita ang pangalan nito sa bulletin board at akala pa niya hindi na magkr-krus ang landas nila ngunit nagkakamali siya. Kilala niya ito samantalang hindi siya nito naalala. Sabagay, grade two pa lang sila noon.

Lingid sa kaalaman nito, their family were friends in Cagayan De Oro that's why she's aware of some bits of his childhood.

"Oo naman! Ipapaala mo sa 'kin pag malapit na. Nakakalimot ako e," sang-ayon ni Lirio. "Naks! Amoy na amoy ko na ang bango ng bagong baked na tinapay!"

Napa-'yes' sa loob si Raspberry nang mapagtantong mukhang bibili ito ng tinapay base sa sinabi nito. Nakita kasi niyang isa na lang ang slice ng cassava cake sa estante sa may counter.

"Ate, dalawang croissant at isang cassava cake," kausap ng lalaki sa tindera. Wala sa oras na napasimangot siya. Mukhang nakalimutan niyang para itong baboy kung lumamon. Payat nga ito pero malakas itong kumain na napapansin na niya noon pa man.

Kung nahalata man ng tindera ang bugnot niyang mukha ay pinili na lang nitong ibalot ang banana cue na binili niya. Nanlulumong lumabas ng canteen si Raspberry, hindi na napansin ang panyo niyang nahulog mula sa bulsa ng maroon skirt niya.

Naipilig niya ang kanyang ulo nang maalala niya ang kulay Scarlet niyang notebook. Mukhang may maisusulat siyang entry doon dahil sa nangyari.

* * *

"Mukha kang tanga," bungad ni Daisy kay Lirio na nakapangalumbaba sa mesa at ang mga mata ay nakatutok sa isang naturang babae na nakaupo sa plant circle.

Dumukwang si Daisy upang tingnan ang tinititigan ni Lirio sa malayo. Base sa kulay ng sling nito ay ka-batch lang nila ang babae na may tuwid na tuwid na buhok, malayo sa bahagyang kulot na buhok ni Daisy.

"Ang ganda niya, di ba?"tanong nito na ang mga mata pa rin ay nasa babae. "Siya si Eden Sofia. Sayang, hindi ko siya magiging classmate. Sa Tech-Voc curriculum siya kabilang."

"Oo," sang-ayon niya rito saka sumandal sa railing at pinagkrus ang kamay sa ibaba ng dibdib. Bahagya siyang ngumuso at naningkit ang mga mata sa dreamy na mukha ni Lirio. Mukhang nagd-daydreaming ito na sigurado siyang may kinalaman ang magandang babae. "Crush mo? Pero ang putla-putla niya tapos ang pula pa ng mga labi niya. Mukha siyang bampira. Aray!" Nanggigigil yata ito sa sinabi niya kaya hinila nito ang pisngi niya. Marahan niya itong itinulak at sinapo ang nasaktang pisngi.

"'Wag kang ano, mas maganda pa siya kaysa sa 'yo," angal nito. Namalayan ni Daisy na nahulog ang isang light pink na panyo mula sa bulsa ng khaki pants nito. Dinampot niya iyon at napadako ang mga mata niya sa nakaburdang pangalan doon.

"Hala! Bakit nasa iyo ang panyo ni Raspberry?" bulalas ni Daisy. Napalingon tuloy sa kanya si Lirio mula sa sight-seeing nito.

"Ah, yan? Nahulog yata ng may-ari. Raspberry? Kakaibang pangalan. Maganda ba?" Sinamaan lang niya ito ng tingin at ibinaling ang mga mata sa quadrangle. Basta talaga maganda, matalas ang pandinig nito. Iilang beses na siyang nilipad ng hangin sa kahanginan nito lalo na kapag ramdam nitong may crush ang mga babae rito.

"Ang hilig mo talaga sa magaganda. Si Raspberry. Maganda. Bilugan ang mga mata na singkit sa dulo at namumula ang mukha niya kapag naiinitan masyado. Itim na itim ang buhok niya na parang kulay ng balahibo ng uwak tapos kulot sa dulo. Sa katunayan . . . " Habang nagsasalita si Daisy ay may nahagip ang mga mata niya sa baba. Ang babaeng binanggit niya lang ngayon at panay ang pakli sa dala-dala nitong pamphlets sa gilid ng basketball court. "Ayon! Siya si Raspberry!" turo niya kay Raspberry.

"Alin?" Kulang na lang mag-zoom ang mga mata ni Lirio. Isinalpak niya rito ang panyo at bago pa iyon mahulog ay sinalo na nito iyon.

"Isauli mo sa kanya ang panyo. Walang ibang Raspberry sa school dahil hindi naman common ang name niya. Isuli mo na." May ideya na pumasok sa isip niya kung kaya't bigla niyang tinulak patungo sa hagdan si Lirio na ikinagulat nito.

"Ha? Teka nga-"

"Bilis! Bago pa siya makalayo! Basta! 'Yung babaeng may kulay pulang laso na tali niya sa buhok!" pahabol niya rito sabay kaway nang wala na itong magawa at bumaba na lang ng hagdan.

Ngingisi-ngising inabangan ni Daisy ang paglapit ng kaibigan niya kay Raspberry na noo'y nakatayo lamang ilang metro ang layo sa basketball ring. Patakbo itong nilapitan ni Lirio nang lumakad ito patungo sa TLE Building. Kinalabit nito ang dalaga at inilahad ang panyo rito. Napansin ni Daisy ang bahagyang pagtango at pagsagot ni Raspberry bago ito pumasok sa TLE Building at naiwan si Lirio na nakamasid sa papalayong likod nito.

"Ganoon lang? Ang hina mo naman." Pumalatak pa si Daisy at eksaheradong ipinitik ang mga daliri sa hangin. Nabitin iyon sa ere nang kaagad na lumapit si Lirio sa puwesto ni Eden Sofia na kakamot-kamot pa sa ulo. Mannerism iyon ng kaibigan niya kapag nahihiya ito. Napasinghal tuloy siya.

"Di-hamak naman na mas maganda si Raspberry sa kanya." nakausli ang mga labing bulong niya sa sarili sabay tapik sa panga niya. "Hhmm... Bagay silang dalawa. Pogi at maganda kaso . . . eck, masyado silang opposite. Raspberry at Lirio? Nah. At mukhang nabihag ang kulugo kay Eden," dugtong niya habang binabagtas ang hagdan.

"Daisy?" Dahan-dahang napalingon si Daisy nang may tumawag sa pangalan niya at napangiti nang makilala ito. Si Shawn Guillermo ng II-B ng Tech-Voc Curriculum at second year representative nila sa Supreme Student Government. Matalik na kaibigan ito ni Lirio. "Nakita mo ba si Lirio?"

"Naku, nagpapalipad-hangin sa isang dilag," awtimatiko niyang sagot rito na ikinakunot ng noo nito. Ininguso niya tuloy kung saan matatagpuan si Lirio. "Nasa quadrangle lang. Sa may plant circle. Na-crush ata kay Eden Sofia," buking niya kay Lirio.

Ano ka ngayon?

Sandaling nagtaka ito nang sumilip sa baba saka siya tinanguan at tumakbo na pasalungat sa kanya, patungo sa kabilang dulo na hagdan. Kibit-balikat na bumaba siya ng hagdan at patalon-talon na lumakad patungo sa canteen upang bumili ng paborito niyang nata de coco.

"Daze, ikaw ba nagsabi kay Shawn na crush ko si Eden Sofia?" naniningkit ang mga singkit na mata ni Lirio nang sadyain siya nito sa classroom.

Sa gulat nito ay natawa na lamang siya. Sukat sa pagtawa niya ay dumaan sa corridor si Raspberry. Hindi niya alam kung ano ang nagtulak sa kanya at tinawag niya si Berry. Kinawayan pa niya ito. Gaya niya ay pauwi na rin ito base sa nakasukbit na backpack sa likod nito.

"Hi, Raspberry!" Akalain ng iba ay close sila. Gusto niyang makipaglapit kay Berry dahil pakiramdam niya marami silang mapagkasunduan.

Kumaway lang ito pabalik sa kanya, recognizing her and gave a polite smile. Nang dumako ang mga mata nito kay Lirio na nasa tabi niya ay naglaho ang ngiti nito at nagpatuloy maglakad.

Doon siya lalong natawa. "Biruin mo. May babae pa palang ayaw sa 'yo?"

Tila naasar naman doon si Lirio pero mas minabuting tanungin ulit ang pakay nito. "Alam mo bang nalaman na rin ng iba na crush ko siya? Naman, Daisy. Sa 'tin lang dapat 'yon."

"Ayaw mo no'n? Mapapadali ang pag-amin mo." tukso niya pa.

"Hindi ako natutuwa."

"Sigurado ka? Bakit parang mangingiti ka pa ata? Uyy!" Sinundot niya ito sa tagiliran nito at di na nga ito nakapagpigil. Napangiti na lang ito, namumula na din ang mukha sa pagkapahiya.

"Baliw ka talaga. Hindi," tanggi pa rin nito na ikinatawa niya.

"Eh! Landi mo, Lir!"

Tawa siya nang tawa nang mapansin niyang pumasok na pala ang mga evening students. Saktong paglingon niya sa bahaging hagdan ay muntik na siyang masamid ng laway niya nang makita niyang sumulpot mula roon si Noah na nasa sapatos ang mga mata. Bahagya tuloy siyang inihit ng ubo.

Ang bilis ng karma niya.

"Anong nangyari sa 'yo?" Nilingon nito kung saan natigil ang mga mata niya pero ipinaling lang niya ang ulo nito pakaliwa para di nito makita si Noah na walang kamalay-malay sa kulitan nila ni Lirio.

"May crush ka rin?"

"Wala. Halika na nga, klase na ng evening shift. Kanina pa sana tayo nauwi. Kulit mo lang. Baka wala na tayong masakyang jeep." Hinila na niya ito patungo sa hagdan na inakyat ni Noah.

Maghahalo muna ang langit at lupa bago siya umamin kay Lirio.

* * *

"Pansin kong hindi mo na nakakasama 'yang si San Miguel ah. 'Di mo na rin ata pinapansin?" nguso ni Keisha kay Lirio na kasama ang mga kaklase nito sa table.

Nasa canteen silang lahat sapagkat vacant time nila ng mga oras na 'yon. Malapit na rin ang lunch time kaya kumain na sila nang maaga ng lunch. Uminom muna siya ng tubig bago sumagot at nagkibit-balikat.

"Kasama ko kayo at may tropa naman siya." Alam niyang kaibigan na rin nito si Eden Sofia at nandoon ang atensiyon nito sa babae. Komportable naman siyang kasama sina Kei at Jin kahit na tinatamaan siya ng pagiging prangka ng mga ito minsan.

"Sila na ba ni Eden? Nakita ko sila sa may bakeshop sa labas. Akala mo sila na. Ang sweet tingnan," ani Jin na parang nag-uulat lang ng maliit na bagay. "Halata naman crush ng kaibigan mo si Eden Sofia."

"In denial 'yan pero halata na sa mga mata. Parang kumikinang pa e. Kadiri." Tumawa siya nang maalala ang pagmumukhang iyon ni Lirio. "Bata pa naman tayo. Marami pa kayang mangyayari at tungkol sa crush life ni Lirio, bahala na siyang dumiskarte."

"Oo nga pala. Nagawa n'yo na assignment sa Math?" tanong ni Kei at sabay silang umiling ni Jin. Sa mukha ni Kei, mukhang inaasahan na nito ang sagot mula sa kanila. "Bakit ba ako magtatanong sa mga kagayang namumulubi sa Math? Hagap muna ako ng answers sa assignment natin. Same tayo ng Math teacher kina San Miguel kaya doon ako."

"Ha? Puwede namang sa classmates na lang natin."Nagsuhestiyon pa talaga siya. "Bakit pa sa kanila ni Lirio?"

Tinakpan lang ni Jin ang bibig niya. "'Wag ka nang magsalita. Basta. Alam ni Kei ang ginagawa niya. May kilala siya sa tropa ni San Miguel."

Tinanggal na nito ang pagkakatakip nang tuluyan nang makalapit si Kei sa grupo nina Lirio. Ano kayang plano ng babaitang 'yon? Nakita niyang may kinausap ito sa mga kaibigan ni Lirio na mukhang napilitang ilabas ang math notebook nito na nakatikim pa talaga ng batok mula kay Kei. Doon na siya nagtaka nang kinausap ni Kei si Lirio. Napansin niyang tinapunan siya ng tingin ni Lirio. Siya na pinag-uusapan ng mga ito? Naintriga tuloy siya.

"Tinanong niya kung bakit umiiwas ka sa kanya. Bakit nga ba?" tanong ni Kei nang makabalik na sa lamesa nila.

"Ha? Hindi naman ako umiiwas ah. Abala lang talaga kami. Dami kayang groupworks kaya di na kami sabay umuuwi. Kasama niya lagi si Eden Sofia pag uwian na," katwiran niya naman at nang mahagip ng mga mata niya si Lirio ay panay kain na ito ng lunch nito. Kagaya nila, may baon rin ito.

"Mabuti pa, kausapin mo siya mamayang uwian. Misunderstanding lang yata ang nangyari," payo ni Jin at bumaling kay Kei, partikular na sa nahiram na notebook nito. "Baka ma-perfect natin ang Math dito."

"'Wag kang mag-alala. Ang hiniraman ko e nangopya lang din daw kay Lirio," kibit-balikat na sagot ni Kei sabay kuha ng math notebook nito sa bag na katabi lang nito.

"Ha? Math? 'Wag n'yong asahan sa Math si Lirio," diskompiyado niyang bulgar kay Lirio kaya nagtawanan ang dalawa.

"Edi zero."

* * *

"Busy?" Napalingon si Daisy sa katabi niya. Kahit hindi siya lumingon ay kilala na niya ang boses nito. "Nagtatampo ka ba sa akin?"

"Bakit mo naman nasabi? Di ah. Abala lang sa mga gawain sa eskuwela. Ewan, nagkasundo yata ang mga teachers at tinambakan tayo ng group works kaya di na tayo nakakasabay ng uwi. Kung nauuwi ako ng ganitong oras, nasa loob ka pa rin, gumagawa ng group activity para i-present bukas."

"Wrong timing naman kasi." nakangiting pahayag nito. "Akala ko talaga nagtatampo ka na. Pansin ko kasing kasama mo lagi 'yung dalawang ano ... yung mga maingay. Saka napapansin kong parang iniiwas ka nila sa 'kin."

Maingay talaga? Iba man ang personalidad niya sa dalawa ay alam niyang totoong kaibigan ang mga ito sa kanya. At iniiwas? Kailan pa?

"Bakit naman nila ako iniiwas sa 'yo?"

* * *

Tahimik lang silang dalawa ni Daisy sa loob ng jeep. Mukhang oblivious si Daisy sa ginagawa ng dalawang kaibigan nito na iniiwas nga si Daisy ng mga ito sa kanya. Kung bakit, 'di niya alam. Wala naman siyang ginagawang masama. Kapag nasa paligid siya, napapansin niyang nagtitinginan ang dalawang kaibigan nito saka nito kukuyugin si Daisy kung saan. Nalilito siya kung trip lang ng mga ito na gawin iyon sa tuwing nasa malapit lang siya. Mas lalo lang siyang nangitngit nang mapansin niyang di naman siya nilalapitan ni Daisy. Sabagay, siya naman talaga ang orihinal na nambubulabog rito. Suki na siya sa mga kaklase nito sa tuwing napapadaan siya sa classroom ng mga ito.

* * *

Uwian na pero nasa loob pa rin sila ng mga kaklase nila sa eskuwelahan. May meeting ang mga guro kaya malaya silang pinayagan ng guro nila na magpraktis sa labas ng classroom. Malapit lang sila sa gym nagpr-praktis. Binigyan lang sila ng break ng kanilang leader para kumain sa canteen o bumili ng kung ano-ano sa labas ng eskuwelahan. Puwede na silang makalabas dahil saktong oras na ng uwian.

Papalabas na siya ng parking lot nang may mahagip ang mga mata niya. Sasadyain niya sana ang isang tindahan na nagbebenta ng banana cue at turon nang matigilan siya.

Napakurap-kurap pa siya dahil baka namamalik-mata siya. Nakaupo sa stool ang tatlong lalaki, kumakain ng banana cue at napapagitnaan si Lirio na malaki ang ngisi sa mga labi. Lagi naman. Ang dalawang lalaki sa magkabilang gilid ng mga ito ay halatang seryuso ang aura. Sa paraan ng pagkukuwentuhan ng mga ito ay magkaibigan na ang mga ito. Si Shawn at Lirio, di na bago kay Daisy pero kay Noah? Ang alam niya ay pamilyar lang si Lirio kay Noah dahil nga nakalaban nito ang huli sa basketball game.

Napansin ata siya ni Lirio na nakatingin sa mga ito kaya kinayawan siya nito bagay na ikinalingon ng dalawang lalaki. Ang ganting kaway tuloy niya kay Lirio ay may tabinging ngiti.

Walang reaksiyon ang mga mata ni Noah. Parang hindi pa ata siya nito namukhaan. May bahagi sa kanya na nadismaya siya, na kalauna'y parang balewala na lang. Kunsabagay, hindi naman talaga sila magkakilala.

"Daze, libre kita ng turon. Masarap luto ni Aling Roling. Gusto mo? Merienda na rin," yaya ni Lirio pagkalapit nito sa kanya na ngayon lang niya namalayan.

"Ha? Hindi. Kaya ko nang magbayad para sa sarili ko. Okay lang talaga, Lir." Nahihiya man na lumapit sa kinaroroonan ng mga ito ay nilulon iyon ni Daisy sapagkat gusto talaga niyang tikman ang pinanggigilan ni Lirio na turon na kulang na lang ay i-advertise nito sa paraan ng pagkain nito. Kaing nang-iinggit ng mga kung sinong gutom sa paligid.

Nang makapunta sa tindahan kasama si Lirio ay inignora niya ang mabilis na tibok ng kanyang puso. Siguro naninibago lang siya na malapit lang talaga si Noah. Naikuwento kaya siya ni Lirio dito?

Bakit ba ito ang pinag-iisip niya? "Tatlong turon nga ho, Aling Roling. Pakibalot na lang po," magalang niyang sambit sa ale.

"May panulak akong juice dito, hija. Baka gusto mo. Kaibigan mo ba itong si Lirio? Batang ire, mukhang mauubos ang turon dahil sa kanya. Buti may natira pa." Natawa tuloy siya nang marinig iyon mula sa ale at bahagya pa siyang tumigil dahil nga nakatingin si Noah sa kanya. Mabuti na lang si Shawn ang nasa tabi niya na tahimik lang.

"Magana po talaga siyang kumain." Tinanggap niya ang supot na may tatlong stick ng turon. "Salamat po. Sige, Lir."

"Nasa bahay ka ba ng Tita mo sa Pasko?"

Ang ramdom ng tanong nito at mas tuloy siyang nahiya dahil nalipat na naman ang atensiyon ng mga kasama nito sa kanya.

"Hindi ko pa alam, Lir. Sige ha, bye bye," sagot na lang niya, sabay ngiti ngunit pagtalikod niya saka lang siya napabuntong-hininga. Napansin rin niyang nanginginig na pala ang mga kamay niyang nakahawak sa plastic na may turon.

"Ang weird," usal na lamang niya sa damdaming hindi niya mapangalanan. Naalala niya ang mga mata nito kanina. Napailing-iling siya at iwinaglit iyon. "Ano ba, Daisy. Gutom lang 'yan."

Missing in action ang dalawang kaibigan niyang si Kei at Jin. Ang totoo, madalas ang mga ito ang magkasundo at sabay rin na umuuwi kaya kung minsan ay natatagpuan niya ang sariling mag-isa. Na wala namang kaso sa kanya dahil nga hobby niya naman magbasa at mag-sketch.

Dala-dala niya ang hiniram niyang Nancy Drew book mula sa library nang matagpuan niya si Raspberry sa canteen. Mag-isa. Ang nakilala niya noong mga nakaraang buwan sa essay writing contest. Napansin niyang lagi itong nag-iisa at kung may balak man ang iba na makipaglapit dito ay parang iniignora lang nito iyon o tinatrato lang na kakilala, hindi kaibigan.

Inoobserbahan kasi niya si Berry at may parte sa kanya na nahatak siya sa klase ng personalidad nito. Parang ang formal nito, cold ang impression sa iba, tahimik at laging kaulayaw mga libro kaya tuloy mag-aatubili ang mga taong istorbuhin ito.

"Hi, Raspberry!" Kinawayan niya ito na may ngiti sa mga labi habang papalapit siya. Raspberry noticed her and gave her a polite smile. Ang totoo, isa rin siya sa mga nagandahan rito. Pang girl crush ang dating sa kanya. Formal lang talaga itong babae. "Naalala mo pa ako? Ako si Daisy."

"Oo," nakangiting sagot nito. Dumako ang mga mata nito sa libro niya. "Nancy Drew."

Naupo siya sa katapat nitong upuan. Napansin niyang may mga papel ito doon pati isang libro na nakabukas.

"Oo. Nakatapos ako ng tatlong books. Pang-apat na ito at maghahanap pa ako ng hihiraman sa library. Humalo na kasi ang mga libro doon." pahayag niya at inilapag ang libro niya. "Ikaw? Anong binabasa mo?"

"A thriller pero..." Berry trailed off and just looked at her papers.

"Assignments? Mukhang nakaistorbo pa ata ako."

"No, hindi. It's okay. Wala pa akong gana gumawa." Tipid ang ngiting sambit nito.

"Thriller? Maganda ba?"

Kasunod niyon ay natagpuan ni Daisy ang sarili na nakikinig siya kay Berry na nagsasalita o mas tamang sabihin na nagkukuwento sa plot ng librong binabasa nito.

"Storyteller ka, Berry! Kaya pala marunong ka magsulat. Subukan mo magsulat ng mga kuwento, babasahin ko. Siguradong papatok 'yan sa panlasa ko," masigla niyang puri dito.

Nagulat ata si Berry kaya mahina itong natawa sa sorpresa niya. Parang ibang tao ito kapag nakangiti at tumawa nang ganito kasigla.

Sa pagkakataong iyon, sigurado si Daisy na nahuli na niya kiliti ni Berry at masaya siya na hindi ito cold at formal masyado sa kanya. Was it because of her sunny presence? Totoo lang siya sa sarili niya at dito.

* * *

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top