Chapter 1: Ang simula

Eli's POV

Kasalukuyang taon (September 2020)
SMX Convention Center Manila

"Salubungin natin ng isang masigabong palakpakan, ang author na nagpasikat ng librong 'Paraluman', Mr. Eli Salvador." pagpapakilala ng lalaking emcee sa akin bago ako humarap sa aking unang fan-meet/interview bilang isang sikat na Author na nagtatago sa pangalang Eli Salvador.

Grabe ang tilian ng mga tao. Hindi ko maiwasang matulala dahil hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala na isa na kong sikat na author na kakalabas pa lang ng una nyang libro.

"So, Mr. Eli, sino ang inspirasyon mo sa librong 'Paraluman'? Honestly, I find your book a very interesting one. Nagkatuluyan ba kayo ni Paraluman? Nag-eexist ba talaga sya sa buhay mo?" unang tanong na nagpabalik sakin sa realidad mula sa pagkakatulala ko kanina.

Nasa interview nga pala ako. Muntik kong makalimutan.

Kung titignan mo ang mga mukha ng mga tao dito sa conference hall, para silang mga bata na tila ba nag-aabang ng kuwento mula sa kanilang guro. Ganun ko mailalarawan ang mga mukha nila ngayon.

"Ah. Oo. Totoong tao po si Paraluman. Minsan syang nag-exist sa buhay ko." tipid kong sagot sa interviewer.

Di ko tuloy maiwasang maalala kung paano nagsimula ang lahat.

*FLASHBACK*

IKA-UNANG TAON NG SEKONDARYA

"Unang hakbang papalapit
Mga ngiti'y talagang nakakapang-akit
Kahit sinong lalaki ay hindi maipagkakait
Gandang taglay na nakakahalina kaya naman ako'y nahihiyang lapitan ka."

Unang araw, Hunyo 4, 2012

Isang nakakakabang unang araw ng eskwela para sa isang estudyanteng tulad ko na bagong salta sa isang paaralan malapit sa bahay namin.

Okay naman. Pangalawa akong dumating sa classroom namin.

Salpak ang earphones sa kaliwa, salpak sa kanan.

Magpatugtog muna habang hindi pa dumadating ang guro namin.

Wala pang tatlong minuto akong nagpapatugtog. May isang babaeng papalapit sakin.

Binibining mahaba ang buhok, makinang ang mga mata at labing nakangiti agad ang hindi ko namalayang nasa harap ko na pala.

"Gago ka?" mga salitang nabasa ko sa labi nya pagkalapit nya sakin.

Babaeng bastos ang mga salitang lumalabas sa bibig. Sayang. Maganda sana.

Yumuko na lamang ako para tigilan at layuan nya ko pero..

Tinanggal nya yung kanang earphone ko saka ngumiti at nagsalita ulit.

"Ang sabi ko, bago ka ba dito?" pangungulit nya sabay tumabi sa akin. Sa kaliwang upuan.

Ah. Bago pala yun. Di ko nga pala sya maririnig kasi naka-earphones ako. Bobong nilalang, Hades.

Tumango ako bilang isang tipid na tugon sa tanong nya sabay yumuko ulit.

Ang akala ko lalayuan nya na 'ko pero..

Iniangat nya yung ulo ko sabay iniharap yung upuan ko sa kanya at nagsasalita habang sumesenyas ng, "Pipi ka ba?"

Natawa ako sa ginawa nya.

"Oh. Di ka naman pipi ah. Hahahahaha. Ginawa mo pa kong tanga." sabi nya sabay hampas ng mahina sakin.

"Marunong kang mag-sign language?" takang tanong ko sa kanya.

"Sagutin mo muna yung tanong ko tapos sasagutin ko yung sayo." pamimilit nya.

"Oo, bago ako dito. Oh ikaw naman." tugon ko.

"Ah. Hindi ako bago dito, matagal na kong estudyante ng paaralang 'to--" naputol nyang paliwanag nang makitang natatawa na naman ako.

Akala ko sasagutin nya yung tinanong ko pero parang nalito yata sya.

Isang malaking question mark ang mukha nya habang tinititigan akong natatawa.

Agad naman syang tumawa matapos ang tatlong segundong pag-iisip.

"Ah. Sorry. Bobo. Hahahahahaha. Oo, marunong akong mag-sign language. May kapatid kasi akong deaf and mute kaya marunong ako." pagpapaliwanag nya.

Limang minutong katahimikan.

"Ano ba yan?! Di ako sanay ng tahimik. Ang tipid mo kasing sumagot eh." pagbasag nya sa katahimikan na syang ikinagulat ko.

"Wag ka namang nanggugulat." mahinahon kong sabi sa kanya.

Agad syang nag-inhale exhale tapos kalmadong humarap sakin.

"Magkwento ka naman." tipid na sabi nya matapos mairita kanina.

Grabe ang mood change ng babaeng 'to.

"Ah. Sige. Ano ba gusto mong malaman?" panimula ko na lang.

Mamaya, hindi pala sya interesado sa mga ikekwento ko eh. Kaya dun na lang tayo sa mga gusto nyang malaman.

"Kung san ka nanggaling tsaka bakit ito yung school na napili mo." sagot nya habang nakahalumbaba at naghihintay ng isasagot ko sa kanya.

Cute. Mukha syang puppy.

"Ah. Galing ako ng Bicol at kaya ito yung napili kong school kasi ito yung pinakamalapit sa bagong bahay na nilipatan namin." maiksing paliwanag ko.

"Ahhh. Ang galing naman. Edi pwedeng tumambay sa inyo?" dagdag nyang tanong.

Hindi pa ko nakakasagot nang..

"Hindi. Wag mo ngang kinukulit yung pinsan ko, Trisha." sagot ng pinsan kong bakla na kakarating lang sabay tumabi sa kanang upuan.

Ni-request ni mama na maging magkaklase kami ng pinsan ko para hindi ako mahirapang makisama sa mga bago kong kaklase.

"PA.RA.LU.MAN ang pangalan ko kase Christian. Pa-epal eh." asar na sagot naman nung babae.

Ah. Paraluman. Ang ganda. Parang sya.

"Ay tantanan, Trisha. Okay na yang pangalan mo. Saktong-sakto sa bruhang pangalan. Mukha ka namang bruha. Tsaka kung plano mong landiin ang pinsan ko, dadaan ka muna sakin noh." sagot naman ng pinsan ko.

Gusto ko lang sana ng tahimik na buhay habang nag-aaral.

Pero okay na din 'to. Kahit papano, masaya. Maingay nga lang.

Limang minuto na lang ang natitira at magsisimula na ang klase. Inilibot ko ang tingin ko sa silid-aralan.

Di ko namalayan na halos lahat pala ng kaklase ko ay nandito na. Na-busy kasi ako makinig kay Paraluman eh.

*RINGGGGGGGGGGGG*

Tunog ng bell. Hudyat na magsisimula na ang klase.

Same routine ng first day of class, Introduce yourself.

Mukhang alam yata ng guro namin na ako lang ang bago sa classroom na ito kaya ako ang huling nagpakilala.

"Good morning, Ma'am. Good morning, classmates. Ako nga pala si Hades Damon Dela Cuesta--"

Sinadya kong huminto ng saglit kasi naghihintay ako na may tumawa sa pangalan ko pero lahat sila ay nakatingin pa rin sa akin at naghihintay ng sunod kong sasabihin.

Ito ata yung unang school na pinasukan ko na hindi tinawanan ang pangalan ko.

Simula kasi nung grade 5 ako, tinatawanan na yung pangalan ko pagkatapos naming pag-aralan ang Greek Mythology dati.

Nakakapanibago.

"Ehem. Ilang taon ka na Hades? At saan yung school mo bago ka lumipat dito?" dagdag na tanong ni Teacher nang huminto ako sa pagpapakilala.

Ngumiti ako bago sumagot. Mukhang nahanap ko na yung school na magiging komportable ako.

"Ay. Sorry po, Ma'am. 13 years old na po ako at galing sa St. James Elementary School sa Bicol po." dugtong ko sa pagpapakilala ko.

"Ayan. Salamat. Maaari ka ng umupo." tugon ng guro sabay palakpakan ng mga kaklase ko.

At nagpatuloy ang routine para sa unang araw ng eskwela. Requirements, kulay ng mga notebook bawat subject at madami pang iba.

Yung unang teacher pala namin na yun ang adviser namin sa buong taon. Sa dati ko kasing school, paiba-iba bawat grading period.

Again, nakakapanibago.

Malapit ng mag-last subject na pero itong si Paraluman eh naghahanda na agad para umuwi kasi nililigpit nya na yung mga gamit sa desk nya.

"Uuwi ka na agad?" buong taka kong tanong sa kanya.

Hindi pa nakakasagot si Paraluman eh agad akong kinalabit ng pinsan ko at sumenyas ng hindi or wag??

Di ko maintindihan.

"Oo. See you tomorrow." sabi nya sabay labas sa classroom kahit nasalubong nya na yung Teacher sa pinto.

Ang nakakapagtaka eh hinayaan lang din sya nung Teacher.

"Mamaya. After class." sagot agad nung pinsan ko paglingon ko sa kanya na tila ba alam nyang may itatanong ako.

---

"Binibining kay lapad ng ngiti ngunit may lungkot sa mga matang namumutawi. Sabihin ang dahilan at ika'y papakinggan, anong haba man ng kwento ay aking susundan, basta maibsan lang ang iyong nararamdaman."

- Hades

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top