Simula
Prologue
"SORRY, pero hindi kita gusto, Gelo."
Halos hindi ko na maramdaman ang sarili ko sa aking narinig mula sa kanyang labi. Nakakabinging katahimikan ang lumukob sa aking buong pagkatao.
Bakit gano'n? Parang wala lang sa kanya lahat ng effort ko?
Nagpuyat pa ako, ilang beses inisip at sinaulo ang dapat kong sabihin, pero sa huli—hindi pa rin niya ako gusto.
Sobrang pangit ko ba para hindi magustuhan? Gumamit naman ako ng whitening soap, nagsisipilyo, nagpapabango... pero lahat ng 'yon ay hindi pa rin pasok sa standard niyang "clean guy"?
Maayos naman gupit ko, ah—clean cut pa nga. Laging plantsado ang uniporme ko tuwing pumapasok.
Ano pa bang clean ang gusto niya? Dapat ba laging nasa tabi ko si Mr. Clean?
"H-Ha?" nauutal kong tanong. Nakahinto sa ere ang kamay kong may hawak na rosas na gawa sa papel.
"Ilang beses ko bang kailangang ulitin sa'yo? Hindi ikaw ang gusto ko!" Mas lalong bumaon ang talim ng bawat salita—ang dahilan kung bakit kumirot ang aking dibdib.
"Ibig mong sabihin, hindi pa rin sapat lahat ng ginawa ko para lang magustuhan mo ako?"
She rolled her eyes. "Yeah, napansin ko naman ang pagiging malinis mo. Pero still, not enough. Ang tipo ko ay gaya ni Kurt—matangkad!"
"Eh, hindi naman siya malinis, ah! Bilad na bilad nga 'yon sa araw. Paano naman ako? Ang dami ko nang nilibre sa'yo. Nag-effort pa ako para sa paper roses at regalo! Hindi mo man lang na-appreciate 'yong mga ginawa ko?" Medyo hysterical na ako sa mga oras na 'to.
Ikaw ba naman ipagpalit sa walang ligo. Kainis! Lamang naman ako sa itsura at postura kumpara sa matangkad na 'yon. Hindi na ba kalinisan ang standard niya—kundi height?
Nang sipatin ko siya mula ulo hanggang paa, doon ko lang nakita na hanggang leeg niya lang pala ako. Papasa pa siguro akong kapatid kaysa maging boyfriend niya.
"Whatever, Gelo. Thank you sa efforts mo. Sa susunod kasi, tanungin mo muna kung may gusto sa'yo 'yong tao bago ka magbigay ng kung ano-ano. Bye." Binalik niya sa akin ang paper roses na ginawa ko.
Wala sa sarili akong napatulala sa papalayo niyang pigura. Labis ang kirot na naramdaman ko nang lapitan niya si Kurt, at isang ngiti ang sumilay sa labi niya—'yong ngiting ni minsan ay hindi ko nakita habang magkasama kami.
Napahawak ako sa aking dibdib. Napatitig ako sa hawak kong papel na rosas, at halos mangiyak sa una kong confession sa taong matagal ko nang gusto.
"Pinapangako ko... sa oras na magkita tayo ulit, hindi na ako 'yung dating Gelo na kilala mo. Sisiguraduhin kong ni katiting na awa, hindi ko ibibigay sa'yo. Darating ang araw—ako na ang pogi sa paningin mo. At babalik akong mas mabango at matangkad pa kaysa sa'yo!" Litanya kong pabulong sa aking sarili.
And that day, I realized it marked the beginning of a war—one fought to fill the holes in my ventricle, scarred deeply by the past. A heart that bleeds, pricked by a thousand needles.
I can't decide whether to love someone or start digging through the dark abyss of the present that haunts me every day. Will our parallel chambers ever be filled?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top