08: Promise
After Senator Robert Milo's death that shocked the government and the national news reports, another case was made. Senator Teresita Santos was found lying in a pool of her own blood in her mansion, holding a white rose. This was directly linked to no other than the Raven, one of the most feared criminals of the country.
Ngunit, hindi tulad ng naunang kaso ay naagapan ang naghihingalong buhay ng nabanggit na Senadora at kasalukuyang walang malay, nagpapagaling sa kilalang ospital sa Maynila.
"I heard you're getting fond of this particular girl, Agent Zero." Hoven blew a smoke from his tobacco while casually sitting in his swivel chair. "Nakasalubong ko si Dos kanina," dagdag pa nito.
Rouqe went to The Headquarters early this morning for his monthly report. Nakatalikod ito sa nagsalita at nakaharap sa malaking glass wall, pinagmamasdan ang mga tauhan nilang nagtatrabaho sa ibaba. Nasa pinakamataaas silang palapag kung asaan ang opisina ng Head ng kanilang departamento.
Napataas ang isang kilay nito sa narinig pero hindi ito nagpakita ng kahit anong emosyon.
"Bawal ba iyon?" he stated rhetorically. He saw that question coming. Lalo na't hindi naging maganda ang ingkwentro nila ni Dos no'ng nakaraan.
"Of course not. I'm just quite surprised dahil ngayon lang ako nakarinig ng ganitong balita tungkol sa iyo."
"It's Quatro's girl. She has nothing to do with me," malaming nitong saad habang kaharap ang sariling repleksyon sa transparent na salamin.
"Siguraduhin mo lang na hindi ito nakakaapekto sa kasalukuyan mong assignment. You know Madame Vera, she doesn't want to hear disappointments from her Rooks. Alam mo namang ikaw ang paborito no'n," aniya bago itaktak ang abo ng hawak nito sa ash tray.
"Hindi ba't si Dos?" Nilingon niya ito.
"Dos? Malapit siya sa Queen at ang natatanging Rook na may direktang komunikasyon sa kanya, pero sa iyo pa rin ibinibigay ang mga importanteng kaso."
"Have you seen her?"
Isang beses niya lang nakita ang tinutukoy nilang Madame Vera at ito'y noong bata pa siya, ito ay no'ng unang dating nito sa organisasyon kasama ang sampu pang ibang bata. She's the Head Boss of this agency and it's obviously named after her.
As far as he remembers, the lady has a fine body and has this intimidating stride that makes you not to go against her way. She is always wearing big and fancy hats that covers half of her face. Kaya noong nakaharap niya ito ay hindi niya nakuha ang imahe ng babae. Just her wicked smile when she welcomed them to the organization. Iyon na ang una't huli nilang pagkikita.
"The Queen? A few times, perhaps. You know her. No one couldn't enter her self-made territory since she's the precious piece with battalions, sentries and pawns lined up to guard her and her thoughts. We communicate in an old-fashioned way, through written letters," pahayag niya. "Anyway, about your case, huwag mong patagalin. It's been a month. Sana'y hindi nga nakakaapekto sa iyo ang babaeng tinutukoy ni Dos. Pareho nating alam ang masamang mangyayare kapag napatunayan ang balitang iyan."
Bumuntong hiningi si Rouqe at tuluyan nang hinarap si Hoven. May katandaan na ito at lumilitaw na ang mga puting buhok. He just received an stern look from him, giving him warnings. Alam niyang hindi ito natutuwa sa narinig kay Dos.
Damn that woman.
"'Wag mo akong intindihin. Ang asikasuhin mo ay ang mga mahihina mong intelligence team. Mas nakauna pa akong makahanap ng lead at pattern ni Raven kesa sa kanila. That's not even part of my job," he told him coldly at hindi nagpatinag sa paratang.
Nakahanap nga ito ng lead at nakagawa ng listahan para sa mga susunod na posibleng atakehin ni Raven. The second Senator became a give away for this case. That culprit is targeting all the most corrupt officials of the country, taking them down one by one. At ngayong nakaligtas ang isa ay paniguradong babalikan niya ito.
Possible din na ang mga bank robberies na ginawa nito ay konektado rin sa napag-alamang detalye.
Siya niyang pupurihin ang kaniyang ginagawa para sa bansa, ngunit ang kailangan na patumbahin ay kaniya nga niyang papatumbahin.
Rouqe opened her unit and found Morgan sitting on her white couch, humming a lullaby, with her dog Potty lying besides her, head on her lap, sleeping. Kasabay no'n ang bawat haplos nito sa balahibo ng alaga.
"Rouqe?" aniya ng marinig ang pagbukas ng pinto. Hindi na ito lumingon.
"Ako nga. Why didn't you lock your door?"
"Alam ko kasing pupuntahan mo ko dito," she pursed a smile.
"Still. Always lock it next time," saad niya nang nakalapit at bahagyang ginulo ang kaniyang buhok. "Hinihintay mo 'ko?"
Mahinang tumawa si Morgan. "You come here almost everyday, Rouqe. Of course, I'm waiting for you."
They found themselves in the balcony, ang lugar kung saan sila madalas magpalipas ng oras. They're either painting or just drinking their coffees in their favorite spot. This time, they are doing the latter one.
After the rain incident, they became much more close to each other. Pawang sanay na sanay na sa isa't isa. Tuwing magtatanong si Morgan kung uulan ba ay alam na ni Rouqe kung ano ang gagawin.
"What's bothering you?" tanong ni Rouqe nang mapansin na hawak lang ni Morgan ang tasa nitong puno pa ng kape habang siya ay nangangahalati na. They have this similarity, their love for hot coffees. "Is it about tomorrow's event?" dagdag niya.
Bukas na kasi ang fundraising art auction na naimbetahan siya. Noong nakaraang linggo ay natapos niya na lahat ng mga pieces na isasama niya sa event. They were already shipped to the venue for the preparation and display.
Dahan-dahan itong tumango. Magkatapat sila't parehong nakaupo sa isang upuang gawa sa metal. Sa pagitan nila ay isang maliit na coffee table.
"Wala," aniya. "Kinakabahan lang siguro ako. This would be the biggest event I got invited to, so far. Malalaking tao ang paniguradong pupunta doon bukas. And thinking that my works are probably already displayed in there, gives me an anxiety."
"Why?"
"I...don't know," mahinang sagot nito.
"Iniisip mo bang walang bibili ng mga gawa mo?"
"Yeah..." Matagal bago ito nakasagot. "Kawawa ang mga bata kung hindi mabibili ang mga iyon," malungkot nitong saad.
Pinagsalikop ni Rouqe ang kaniyang mga daliri at pinatong ang baba nito roon habang pinagmamasdan ang kaharap. She looks so calm, but you can feel that she is really, deeply bothered by her thoughts.
"Relax. Siguradong mabibili lahat iyon."
"Sana nga," aniya sabay inom sa hawak nito. "Ugh! Kinakabahan ako and the coffee is not helping," tawa nito. "Rouqe!"
"What?" natatawa niya na ring tanong sa pagkataranta nito.
"Pa'no kung hindi nabili?" she exclaimed like she's about to cry. Malungkot itong napayuko.
He reached for her and lifted back her chin, smiling at her childlike reaction. "Your works are amazing and will all be sold. I promise that to you, Morgan."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top