Chapter 00
“BEING alive is a gift, being born is what makes life exist.The beginning of my existence is hard, and so as time pass by, it makes me simple. Simple, one word but has greater secrets. We don’t know that brighter and even surprising discoveries were found on a simplier things or places we do and have. Just like Samboan, the one we always called as definition of simplicity. It’s the infamous place you don’t know that exist. You barely know how and where it is located. A place that once your keeper but you escaped on it ’cause you choose to kneel down over the city instead of living in the countryside.....”
“Hoy nag-unsa ka diha?”(Anong ginagawa mo dyan?)
I literally stop reading in a slow manner and at the same time writing when I heard one of my neighbor asked me in a disturbance way.Obviously asking things. Tss, Marites habits really exist from time to time kaya’t sinagot ko nalang ito.
“Naa ra koy gisulat ate,pangpawalas duka.” (May sinulat lang po,pangpawalas lang ng antok.) Agarang sagot ko naman dito.
“Oh siya, asan ba kapatid mo at ikaw lang mag-isa dyan? Hinayaan mo na namang gumala ng gumala blah blah blah...”
Hinayaan ko nalang dumaldal yung kapitbahay ko kasi as usual people keeps on blabbering things without knowing the truth.They have the version of their own facts, truths ganun.
“Nasa maisan po namin kasama si Nanay eh sa nanguha po ng pampakain sa baka namin. Oh sige po ate,tatapusin ko muna po tong ginagawa kong—” Hindi ko naman natapos yung sasabihin ko sana ng..
“Nasa maisan nyo pala aba’t sige na nga mauna na ako at titingnan ko pa pala yung mga tanim kong malunggay, baka kasi mamaya ubos na lahat dahil yung iba diyan wala ng makaing ulam kaya’t nangunguha nalang ng ibang tanim para may ipasok sa sikmura. Hindi na ako magtataka kung sino kasi— mga mahihirap nga naman oh.”
Hindi ko nalang pinansin yung mga daldal nito, nakita kong tuluyan na nga itong maglakad papalayo sa pwesto ko. Napabuga nalang ako ng hangin. Halata naman kasing nagpaparinig,akala nya nama’y kami yung nagnakaw at mahilig mamitas ng mga malunggay nya. Ewan ko ba sa mga kapitbahay sa panahon ngayon, matatawag mo na talaga lahat ng Santo sa sobrang samang pakisamahan mga yan. Magcoconclude na nga, sa mali pang paraan, lahat nalang ginagawang isyu at binibigyan ng kahulugan.
Agad kong tinigil yung pagsusulat ko ng dokumento tungkol sa buhay ko na napunta na naman sa paghanga ko sa lugar na saksi ng pagkaupgrade ng edad ko.
Ewan ko, instead of other things na pwedeng itopic, I’d rather choose the topic that’s connected or about my hometown, Samboan. For me, it’s my paradise. It’s the place where I mold myself. Even though there are barangays that have worst people, specially in our barangay. Those are the people who doesn’t look on us in a kindest state. Hence, there are people on the other side of my town naman na mabait but in my barangay? No. But still, I love Samboan. I treasure the place, but not the people.
⎯⎯⎯⎯⎯⎯⎯⎯⎯⎯⎯
“ATE pupunta kami ng kapatid mo dun kela lola at lolo mo, pumunta ka din. Lagi ka nalang nandito sa bahay at nakababad sa cellphone. Baka kung ano na namang masabi nila sayo.” panimulang anyaya ni Nanay sakin habang hinahanda ang hapag para sa hapunan.
Oras ngayon ng hapunan ng pinagsabihan na naman ako ni Nanay sa hindi ko na pagpunta kela Lolo. Kaya’t umiba agad timpla ng mood ko pagkarinig ko palang na papupuntahin ako dun. Ano na naman bang gusto nila?
“Nay? Nay naman oh, ayoko talagang pumunta dun kahit pilitin nyo pa’ko. Kung pupunta kami ng kapatid ko dun eh sasabihin na namang kain lang pinunta namin dun, kung ayaw naman naming pumunta sasabihin ding ang taas ng pride ko kung ganun at kung ano pang katoxican. Nakakapagod kaya yung ganun Nay. Mas mabuting dito nalang kami sa bahay.” Mahabang paliwanag ko, baka kasi mauwi na naman sa ibang usapan tapus di ko na maiwasang di sumagot kay Nanay. Mas mabuti ng tapusin ang diskusyon para makaiwas sa magiging masamang asal na masasapi sakin.
Wala na ding magawa si Nanay, kasi even if they will force me to go on that place, I still don’t want to.
It started when I was young, I don’t know the exact reason but I’m aware that they don’t like my father that’s why my father leave my mom and her children who is me and my brother. They treat us like the last option that they will give attention to. It feels like they abandoned us for the reason that I don’t know what. Kaya’t masama talaga ang loob ko sa kanila. Dagdagan pa ng mga ibang kapatid ni Nanay na imbes na tulungan kami eh hinihila din kami pababa. I’m really sorrounded by those toxic people. The environment was refreshing but the people around it give it stains of their own red flags. Fuck people, fuck family. I only have two, my mother and my lil’ brother.
Natigil ang pagmuni-muni ko ng biglang nagsalita uli si Nanay. Nakaramdam siguro sa kung anumang naiisip ko matapus ang usapan namin tungkol dun sa pagpunta sana sa bahay nila Lolo. You know, mothers’ instinct are indeed good for their children as long as they will give advices in a good way and not to make you feel in jail. Mother knows best, ika nga.
“Ate, magtatrabaho pala ako sa siyudad. Nagtext dito sa keypad ko yung kaibigan kong magtatrabaho dun sa siyudad, hinahanap ako ng mga anak ng dati kong amo. Tinatanong kung wala ba kong trabahong maayos, kung wala daw ay papapasukin nila ako bilang kusinera sa kanila. Naisip kong tanggapin yung alok eh sa malapit na tayong maputulan ng kuryente, naputulan na nga tayo ng tubig kaya’t ayoko namang mangyareng pati kuryente wala na din tayo. Saka para na din sa pangcollege mo te, graduate ka na ng senior high saka gusto mong magtake ng business ad. diba?”Mahabang paliwanag ni Nanay sakin habang patuloy nitong nilagyan ng tubig yung pitsel.
“Kailan ho ba yan nay?” Tanging naitanong ko nalang.
“Sa susunod na araw na ate, ikaw na ang bahala sa budget dito ah. Alagaan mo din kapatid mo dito at di hayaang magbulakbol. Tatawag ako lagi saka kung may bakanteng araw ay uuwi. Saka mangungutang ako dun kela Mabel para budget nyo habang wala pakong sweldo, papadalhan kita tutal may Palawan Pawnshop naman dun sa bayan.” Agarang sagot ni Nanay.
“Sige po Nay, saka hindi pa naman po ako magcocollege nay eh. Mag-iipon nlang muna tayo ng malaki. Ako na pong bahala dito saka hanap ka ng Amerikano dun Nay.” Pagbibiro ko pa.
“Ay Maria Santisima, kayo nalang mga anak ko yung gagawin kong jowa ba yun? Wag na yang Amerikano na yan. Aba’t ikaw ang magjowa na. 18 ka na, basta wag lang magpabuntis.” Paalala na naman ni Nanay na sobrang kabisado ko na
“Naku nay buntis na nga daw po si Ate sabi nung ibang taga barangay natin eh." Singit ng nag-iisang kapatid ko.
At natawa naman ako pagkasabi ng kapatid ko tungkol dun. Ano pa bang aasahan ko sa utak ng taga barangay namin? Wag ko nalang isipin at talagang ang sakit nila sa utak.
“Nagpaalam ka naman bago sumingit, para di kami magulat na may nagsasalita palang luya.” Pang-aasar ko na nauwi sa pagbabatukan.
⎯⎯⎯⎯⎯⎯⎯⎯⎯⎯⎯
“PAALAM na mga anak, bantayan mo yang kapatid mo Ate Gen ah at aba’t Ginger tulungan mo yang Ate mo.Walang cellphone na matatanggap pag tatamad-tamad.”Paalala ni Nanay sa nag-iisa kong kapatid na si Ginger Sean. Ewan, ang weird ng pangalan nya, pinaglihi ba naman kasi siya sa luya.
“Oo na Nay. Ginawa mo naman akong luya. Parang di moko anak nyan ah .Sean igop nay, Sean pogi.” Pagtatama ng kapatid ko habang malokong nakangisi.
“Eh sa mukha kang luya kapatid, wala na tayong magagawa.” Todo asar ko sa kanya kung kaya’t muntik nya nakong sabunutan.
Natigil lang ang asaran namin ng nagsalita si Nanay.
“Oh siya, aalis na ako.” Pagbabalik tinig ni Nanay habang nag-aabang ng masasakyan na Ceres Liner dito sa highway ng Tangbo. Napili nya kasing ruta papuntang siyudad ay Samboan-Oslob-Cebu City, mas madali daw’ng makaabot kung yun ang sasakyan pabyahe, kumpara sa Bato-Barili-Cebu.
“Ate, may dadating palang grocery sa bahay. Eh sa tumawag yung magiging amo ko dito sa Qnet na keypad ko, nagchat daw sayo sa Messenger ba yun eh sa wala akong maintindihan. Basta binigay ko nalang complete name mo. May ibibigay na grocery satin eh sa halata namang mabait eh, anak yun ng dati kong amo,ako pa nagbabantay nun.” Pagkukuwento ni Nanay sakin.
“Ayan ka na naman nay sa dami ng kwento mo, oh may paparating ng ceres nay. Yung hindi aircon eh diba ayaw mo sa may aircon?” Pag-iiba ka ng usapan.
Si Nanay kasi yung tipong madaldal pero hindi mo naman masasabing Marites kasi hindi naman palahusga. Makwento lang talaga na parang reporter.
Tuluyang nagpaalam si Nanay samin habang paakyat sa hagdanan papaloob ng Ceres Liner. Muntik pa ngang makalimutan yung suman saka dabong na request daw ng dati nyang amo.
⎯⎯⎯⎯⎯⎯⎯⎯⎯⎯⎯
WORDS TO DISCOVER:
Ate - Tawag sa anak na panganay. O matatawag na palayaw ng mga Nanay sa kanilang panganay na anak. Pwede ding ito ay ginagamit ng mga Bisaya kung may kausap silang mas matatanda sa kanila. Pwedeng pamalit na word sa Auntie o Tita . Pwede ding pangtawag sa babaeng di mo kilala pero mas matanda sayo tanda ng paggalang mo sa nakakatandang babae sayo.
DABONG
— The edible bamboo shoot of several bamboo species used in cooking. Dabong ang bisaya term. Nakakain po yan,edible nga eh. Pwede lutuin sa madaming paraan,pwedeng ginataang dabong o ginisang dabong.
⎯⎯⎯⎯⎯⎯⎯⎯⎯⎯⎯
Short ud for I may take long updates if my work will turn visible for you. Anyways,keep voting sweeties. Please bear with some errors just like how I bear with you.
sheetsofmae
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top