8

"Buti't hindi nagtanong yung ale sa reception tungkol sa akin," ani Alyssa nang makapasok siya sa loob ng unit na nirentahan ko ngayong gabi.

Ipinarada ni Alyssa ang sasakyan niya sa tapat ng Scarlet Inn, the receptionist didn't care about Alyssa's presence when we went inside the reception area.

"Natural, tutok na tutok sa panunuod ng teleseryeng tungkol sa walang kasawaang agawan ng asawa," natawa ako.

Sila ang tipikal na mga aleng dumadating na sa edad na sila'y malapit nang magretiro. Simpleng mga tema sa telebisyon gaya ng kabit, mga nawawalang mga anak, nagkahiwalay na kambal, at mga mayayaman na inaalipusta ang mga mahihirap? Siguradong relate na relate sila to the point na isinasapuso nila ang bawat linyang ibinibitaw ng mga paborito nilang karakter.

"Oo nga no, pansin ko rin, talagang hindi sila nagsasawa sa ganiyang storya. Agawan dito, agawan doon. Haaaaay," bumuntong-hininga si Alyssa. "Ba't di sila gumawa ng storya na gaya ng sa atin?"

"Ng atin?"

Umupo si Alyssa sa kama. "Yes. Like our story. Yung," nagkibit-balikat siya. "Yung ganito. Parehas na may mga bagay na gustong takasan. Mga bagay na tayo lang ang nakakaintindi dahil wala sila sa katayuan natin."

"Then that's hard to televise. Gusto ng management ng mga storyang madaling maintindihan. They want something that the general audiences would pick-up easily. Mas relatable, mas maraming manunuod," ipinatong ko sa mesa ang mga pinamili kong pagkain bago ko siya tiningnan. "Mas komplikado? Baka tayong mga bata-bata pa ang makakaintindi."

Alyssa smiled. "You really know what's going on about entertainment. Alam mo, kung ako ang nasa katayuan mo, matutuwa akong may mga taong gustong makita ako, mayakap ako, makausap ako. Alam mo 'yon? Makilala."

I chuckled. "Be careful what you wish for. If everyone knows you, it's hard to do everything that you want to do. Dahil lahat sila, nakabantay. Lahat sila, hinihintay yung mga maling magagawa mo para magkaroon sila ng kuwentong mapag-uusapan."

"Pero bad publicity is still a publicity, di ba?"

"Yes, publicity. Pero kapag tumanda ka na at posibleng malaos ka o mawala sa larangan ng pag-aartista? All of them will remember you as that person who did something wrong. I'll give you one example," umupo ako saglit.

I pulled out my phone and I searched online about those celebrities that was so famous before. "Kilala mo sina Lorna at Hugo?"

Tumango si Alyssa. "Of course, sila ang sikat na love team noon."

"Nasaan na sila ngayon?"

Hindi agad nakasagot si Alyssa. "H-hindi ko alam. Wala naman na akong balita tungkol sa kanila."

"Exactly. Wala na sila sa spotlight. In short, laos na silang dalawa. They're once like me. Sikat ako ngayon but who knows when would I step out of the spotlight. But unlike those two, ayoko naman na oras na ma-search nila ang pangalan ko ay ito ang bubungad sa akin. "

Ipinakita ko kay Alyssa ang bagay na sinearch ko.

"Oh, yung time na na-lock silang dalawa habang nagse-sex..." dahan-dahan niyang sabi.

"Scroll down," bulong ko.

She did scroll down. "And the drug bust?"

I nodded. "Yes, that's it. That's once a bad publicity. And that publicity has stained their reputation, forever. You can't just accept every criticism that will be thrown at you. Kailangan mo ring protektahan ang sarili mo laban dito. In fact, none of us wants something like bad publicity. Ayaw nating pinagti-tsismisan ng mga tao."

Ibinalik ni Alyssa ang cellphone ko. "I get your point. Pero hindi naman ganito ang sinasabi ko. Masyado naman kasing malaki yung nagawa nila. Ma-lock habang nagse-sex at mahuli sa drug bust? Sobrang nakakahiya 'yon—not just the sex part though, natural lang na nangyari yung pagkaka-lock nila, walang may gustong mangyari 'yon."

"Well, the thing is. Ayokong pag-usapan ako dahil may nagawa akong hindi nila gusto. Pero pa'no ko magagawa ang mga gusto ko kung lagi silang nakatingin sa'yo?" ang tanong ko sa kaniya.

Alyssa looked around as if she's trying to find an answer. "Puwede ka namang mag-disguise?"

I laughed. "Disguise? Nagawa ko na 'yan dati. Hindi nga lang maganda ang resulta."

"A-anong nangyari?"

I smiled at her. "I'll never tell you about that. It's something that the public doesn't know about me yet. At oras na malaman nila iyon, then you'll have my bad publicity."

Alyssa  slowly nodded her head. Content that she couldn't force me to speak about that secret I am hiding.

"Tara kain," binuksan ko ang plastic bag kung saan nakalagay ang mga pinamili ko.

Tumayo si Alyssa at saka siya lumapit sa mesa para kumuha ng pagkain na gusto niya.

The food that I bought is now enough for us. Kanina ay nagdadalawang-isip pa ako kung mauubos ko iyon pero ngayon ay panatag na akong wala akong pagkaing masasayang.

Alyssa picked some chips and started eating them. She looked so hungry but she maintained to make it look like she's decent.

"Aalis ka ba agad? Kasi puwede ka namang matulog dito kasama ako—but don't get me wrong. Magpapalipas lang naman ng gabi," ang sabi ko sa kaniya.

Ngumiti si Alyssa. "Sure. Medyo napagod din ako buong araw kaka-drive ng kotse ni daddy. How about you, babalik ka na ba sa inyo bukas?"

Hindi agad ako nakasagot.

"Still have no plans of going back?" she asked.

"Ikaw ba? Sa'n ka pupunta?" ibinato ko sa kaniya ang sarili niyang tanong. I'm good at dodging questions.

"Ngayong natanong mo 'yan sa akin, may naisip na akong plano. Gusto kong magbakasyon. Magpahinga. Puwede sa beach? Or mag-hiking? Kahit saan basta malayo sa problema ko."

"Puwede bang sumama?" pag-uusisa ko.

"Sure. Pero pa'no kung makita ka ng publiko? I'm sure makikilala ka agad nila."

I crossed my arms. "I would like to wear a disguise once again. Pero ngayon, sisiguruhin kong hindi na mauulit ang nangyari noon. Puwede ba 'yon?"

She smiled once again. "Sure."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top