7
"Ayan, napalitan ko na ang gulong ng kotse mo," nakangiti kong sambit sa kaniya matapos kong ayusin ang problema na kanila lang ay sakit ng ulo naming dalawa.
I somehow felt proud of myself that I did something like this to a total stranger. Nakakapanibago, it was strange but it seemed normal to me. I just don't have the word to describe it.
Alyssa looked at the newly replaced tire of her car. "Salamat, hindi ko talaga akalaing sa lahat ng puwede kong ma-encounter dito e ikaw pa talaga ang nakita ko. Salamat din sa pakikinig sa kuwento ko, talagang gustong-gusto ko nang sumabog dahil wala akong mapagsabihan ng mga bagay na 'yon."
I just smiled. "Wala 'yon. Tsaka mabuti na rin at nakakilala ako ng taong hindi ako pipiliting pirmahan ang kung anong puwedeng pirmahan sa kanila. I'm really tired of them."
Natahimik si Alyssa. "Tired of them? Wait, buong oras na nag-ayos ka ng gulong ng kotse ko, ako lang itong nagkuwento tungkol sa akin. Puwede mo bang ikuwento kung ba't nandito ka? I mean, sa dinami-rami kasi ng lugar na puwede mong puntahan, hindi ito ang ideal place para makita ang isang sikat na artista na tulad mo."
This time, I did manage to rest as I lean my back on her car. "Naranasan mo na bang tanungin ang sarili mo kung ano ba talaga ang tunguhin ng buhay mo?"
"Ang lalim ha."
"Seryoso," napatingin ako sa kaniya. "Kasi ako, mula nang maging artista ako. Hindi na ako nabuhay bilang ako dahil mas kilala ako ng lahat bilang Allendale. Anyway, Alyssa," inalok ko siyang makipag-kamay.
Tinanggap naman ito ni Alyssa. "I'm Allan. Allan Humilde." I saw a hint of smile on her lips.
Dahan-dahan na napatango si Alyssa. "Allan pala ang real name mo," she looked amazed.
"Hindi mo alam ano? Kasi lahat ng nakakapanuod sa akin, si Allendale lang ang kilala. Pero tanungin mo kung sino si Allan Humilde," napakibit-balikat ako. "Walang nakakakilala sa kaniya bukod sa mga taong naging bahagi ng buhay niya. Yung side ng buhay niya na mostly, parte ng nakaraan niya."
"Pero screen name mo lang naman 'yon di ba. At ang purpose ng screen name ay para mahiwalay yung showbiz icon mo sa personal life mo, di ba?"
"Exactly. Yan nga mismo ang bumabagabag sa akin. Dahil habang tumatagal, ibang personalidad na ang binubuhay ko. Hindi naman kasi ako ganito e," I crossed my arms. "Hindi ako ganito kaingat sa mga kinikilos ko. I'm a risk taker. Gusto ko masubukan ang lahat ng bagay pero dahil kilala si Allendale na likas na gentleman. Masisira ang image niya kung makikita siyang umiinom ng alak kasama ang barkada niya. Magsuot ng mga damit na hindi pasok sa mata ng madla. At magsalita gaya ng mga nakasanayan ko noon."
Tumingin ako kay Alyssa. "Naranasan mo na bang kabahan na baka sa paggising mo, hindi na ikaw ang may kontrol sa katawan mo? Yung pakiramdam na alam mong ikaw pa rin 'yon but at the same time hindi? Kasi ako, oo. Madalas akong tawagin ng mga kakilala ko sa pangalan ko pero hindi ko sila nililingon. Pero oras na banggitin nila ang pangalang Allendale, awtomatikong magre-react ang ulo ko para lumingon sa direksiyon ng tumawag sa pangalan 'niya'."
Slowly, I looked down on the ground. "I'm afraid that one time, I might lose control of myself and forget who I really am."
Hindi ko agad narinig ang sagot ni Alyssa. Pero napansin ko na unti-unti siyang lumalapit sa akin hanggang sa hindi ko namalayang katabi ko na siya habang nakatingin din sa itaas ng kalangitan.
I heard her sigh. "Posible ba 'yon?" tumingin siya sa akin. "Na makalimutan mo kung sino ka?"
"Hindi ko alam, pero natatakot ako sa mga posibilidad na mangyari. Parang hindi ko hawak ang buhay ko, lahat na lang kasi, nakatingin sa akin. Kulang na lang, matunaw ako."
"Pero yan naman ang buhay artista di ba? Hindi mo ba pinaghandaan yan?" ang sunod niyang tanong sa akin.
After that, I recalled that evening when I went back home after my first meeting with my manager. I was totally fired up that time, like anytime I was going to burst.
Hindi ko kasi maipaliwanag noon yung halo-halong emosyon na naramdaman ko. There's excitement, worry, and many other mixed emotions that I couldn't explain.
Bottomline, hindi ko lubos-naisip na ganito ang consequences ng kasikatan. I just want to be an actor way back then. Para makaahon sa buhay na mayroon ako noon. Gusto ko lang talagang umasenso mula sa payak na pamumuhay.
I was young back then and I still have a lot of opportunities to take. Fortunately, to become an artist is one of them.
"Hindi e," napangiti ako sa tuwing naaalala ko ang itsura ko noon. "Nadala lang talaga ako ng halo-halong emosyon tapos idagdag mo pa na malaki ang kinikita ng mga artista. Siyempre pinatos ko na, hindi ko naman kasi gustong manatiling maging empleyado lang noon. Gusto kong kumita ng malaki, kaya nang alukin ako sa break na 'to, ayun. Nalintikan na nga. "
Tumango si Alyssa. "Practical choice."
"Yeah, praktikal."
I don't know what to add next. Iyon lang naman talaga ang dahilan kung ba't ako nag-artista. I was too overwhelmed to analyse the situation back then, sadyang lahat ng mga bagay sa buhay artista ay ngayon ko lang tuluyang na-realize.
Life as an actor is not just pure acting. It's a mixture of your story and a story of someone you have to portray.
"So ano nang plano mo?" Alyssa asked me.
Nagkibit-balikat ako. "Ngayon? Sa totoo lang, wala talaga akong plano. Kagagaling ko lang kanina sa isang tv guesting , at nung uwian na, sumibat ako. Iniwan ko yung mga kasama ko. Nag-taxi ako tapos naghanap ng pinakamalapit na hotel at nandito ako ngayon," itinuro ko kay Alyssa ang direksiyon ng Scarlet Inn.
Alyssa smiled. "Alam mo parehas tayo ng ginagawa. I left without destination. Kung sa'n lang ako dalhin nitong kotse ni daddy, doon ako mapupunta. Kaso heto," bumuntong-hininga siya. "Na-flat-an naman ako. Pero ayos lang. Kung hindi ako na-flat-an, baka hindi kita na-meet."
"Pa'no kung hindi ako ang nakakita sa'yo? Pa'no kung hindi ako lumabas kanina para bumili ng pagkain? Pa'no kung hindi tayo tumakas sa umpisa pa lang?"
We both just sighed.
"Edi walang mangyayaring ganito," bulong ni Alyssa.
"Kumain ka na ba?"
She shook her head.
"Tamang-tama, bumili ako ng mga pagkain. Nagugutom na kasi ako kaya lumabas ako para bumili, tiyak na mauubos nating dalawa 'tong mga nabili kong pagkain."
Agad kong pinuntahan ang direksiyon kung sa'n ko iniwan yung bag na naglalaman ng mga pinamili ko, iyon nga lang hindi na malamig ang mga binili kong softdrink.
"Hindi na malamig yung softdrinks na binili ko, pero puwede na," aniko.
Tumango si Alyssa habang yakap-yakap ang sarili na tila giniginaw sa lamig ng paligid. "Thanks."
Sa unang pagkakataon ay nakaramdam ako ng kakaibang tuwa. Alyssa didn't treat me the way how my fans had treated me. I'm sure that she's not an avid fan, and that's fine with me.
She's just one of those women who have seen me once on television yet there's no budding feelings with me.
Just the way I like it, I found someone who could understand me.
"Tara," pagyaya ko sa kaniya na nasundan ng simpleng tango at ngiti mula sa kaniyang labi.
"Sure."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top