5

Allendale, Allendale, Allendale.

I still don't know the answer behind the name Rebecca had given me. Hindi ko alam kung pa'no niya napili ang pangalang iyon sa loob lang ng ilang segundo matapos niyang malaman ang pangalan ko.

Is it because my name is Allan? Or there's something even deeper than that? Or maybe, managers like them had the ability to give names to anyone that will surely fit their personality? I really don't have an idea anymore.

Sa tuwing naaalala ko ang nakaraan, hindi ko maiwasang makaramdam ng existential crisis.

Before, I felt like my life is just reacting to the things that were happening around me. Like we're just here to react to everything.

Kung may mangyayari, dapat may mangyari rin sa iyo. Kung may magbabago, dapat alam mo kung pa'no mag-adjust. Dahil ang mundong ito ay iikot lang, samantalang ikaw, habang tumatagal, tumatanda, at sa huli ay mamamatay din.

We are alive for some reason.

But what's that reason? Hindi ko alam kung anong dahilan kung ba't ako nabubuhay. Lalo na kung may dalawa kang pagkatao.

Ang tunay mong buhay na nasa likod ng camera, at ang isa na ngayon ay sawang-sawa na sa nakasisilaw na mga flash nito.

Typical celebrity existential crisis. When we are trying to find the meaning of our seemingly meaningless life.

I hear nothing but the vibration coming from the ventilation of the room. Hindi ito air-conditioned, pero ramdam naman ang lamig na pumapasok mula sa bintana.

Ngayong mag-isa ako, talagang sobrang saya na wala akong pinoproblemang mga bagay. I don't have to sign anything. For now.

Ayos sana kung ganito palagi. Yung wala kang problema na aalahanin, yung chill lang sa higaan hanggang sa ma-bore ka.

Technically, this motel brings nothing but comfortable loneliness. Inikot ko ang paningin ko sa paligid at tanging mga kurtina sa bintana, ang isa pang bakanteng kama sa tabi ng kamang hinigaan ko, ang simpleng telebisyon sa harapan, at isang banyo sa sulok ng kuwarto ang siyang makikita rito.

It wasn't cozy for someone who got used of condominiums. But hey, at least dito, safe akong makakatulog nang walang sinuman ang iistorbo sa akin. Nobody will disturb my sleep just to prep me out for my next appointment.

Yung ang aga-aga, kailangang maghanda ka na para bumiyahe patungo sa malayong lugar. Kaya sa loob ng van ka na lang matutulog, nakasuot ng earplug, habang ramdam ang mahinang pag-ugong ng sasakyan.

Mabuti na lang at nasanay na rin ako sa aircon. Dahil noong hindi pa ay hindi talaga ako mapapasakay sa mga air-conditioned na mga sasakyan. Pakiramdam ko kasi ay agad akong masusuka kapag na-exposed ako nang matagal sa kulob na sasakyan na may kakaibang amoy na nagmumula sa aircon.

Car air conditioning system had always been the reason why I vomit. Buti na lang talaga, nasanay na ako. See, life made me adjust with the smell of air conditioner.

Ipinikit ko ang aking mga mata nang bigla ko na lang maramdaman ang pagkalam ng aking sikmura. Naalala kong hindi pa pala ako kumakain mula nang iwan ko ang set ng TV show kung saan ako nag-guesting kanina.

I looked around me. Walang refrigerator sa loob ng kuwarto na ito. Unlike the one that I've rented before, in a hotel, somewhere in Manila.

Bumangon na lang ako at nagdesisyon na lumabas para maghanap ng puwedeng pagkainan.

Nagpunta ako sa reception area at naabutan kong nanunuod ng TV ang ale na nag-assist sa akin kanina. She looked into my direction as I approached her podium.

She raised her head a little for her to have a clear look of me through the reading glasses that she's wearing. "Anong maitutulong ko sa iyo, iho?"

"La, sa'n po ba yung pinakamalapit na kainan dito?"

She gestured her hand to pinpoint the location. "Paglabas mo rito, diretsuhin mo lang yung kalsada tapos sa unang likuan, kumanan ka. Tapos diretso ka lang ulit, nandoon yung Mini Eleven," ang sagot ng ale habang nakangiti.

Tumango ako at nginitian din siya. "Salamat po."

The old woman didn't reply back but the smile on her face didn't disappear. She went back watching television again.

Hay, kapag talaga drama ang palabas, hindi sila magsasawa. Gano'n ba talaga kakulay ang mundo ng mga karakter sa pelikula, sa mga drama, at maging sa totoong buhay ay gusto nilang mangyari ang mga napapanuod nila?

Napailing na lang ako nang lisanin ko ang motel na iyon. My life made me adjust once again, I can't ask somebody else to bring me some food.

Kaya heto, ako na ang magkukusa.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top