4

It was payday. Yung natatanging araw na hinihintay ko sa buong kinsenas.

Marami na naman sa amin ang excited na magpunta sa pinakamalapit na ATM para mag-withdraw ng kani-kanilang pinaghirapan. Mga overtime, mga araw na ipinasok kahit holiday, o kahit maging sa weekend na dapat ay ipapahinga mo pero pinasukan mo pa rin.

Nauna na sina Sam kasama ang ilan sa malapit niyang mga katrabaho para mag-withdraw. I saw them talking about it when I passed by them.

Niyaya nila akong sumama sa kanila pero dahil kasama nga si Sam sa grupo ay minabuti kong wag na sumabay. Hindi ko kasi gusto yung pakiramdam na nandoon si Samantha.

I am not me when she's around. I'm always treading carefully when she's with me. Natatakot kasi akong ma-turnoff siya kung sakaling may gawin akong hindi niya nakikita nang madalas.

I mean, all of us have quirks right? Pero natatakot tayong makita ito ng mga taong ayaw mong ma-disappoint. Because deep inside us, we all want to be wanted by those people we want to be close with.

At dahil may gusto ako kay Sam, I don't want to embarrass myself if she'll see me falter, or if she'll see me stutter when I talk. I just don't want that to happen.

Kaya hindi na ako sumama. That's the only way I know how to control this feeling.

I ended up withdrawing my salary alone outside, and to treat myself for my hardships, I decided to eat alone in one of the branches of the fast food restaurant that my mom has been managing.

Eating alone did suit well for me though.

Hindi ka mapipilitang makipag-usap sa ibang tao lalo na kung hindi ka naman gano'n kasanay sa mga usapang hindi mo naman kinalakihan. The fact that this was my first job, I didn't expect that there's a lot of employee the same age as I am who works there too.

Kaya hindi maiwasang pati ang mga topic na pinag-uusapan nila ay nakaka-relate naman ako, though, the topics that they were talking about are usually uncomfortable for me.

Lalo na kapag nauuwi sila sa mga usapang love life. You can never escape the question of how's your lovelife going well. At kapag nalaman nilang single ka, they will start telling names of ladies who they think is right for me.

Irereto nila ako sa kahit sinong babae sa trabaho at ang hindi ko gustong mangyari ay kapag may nagkagusto nga sa akin mula sa mga babaeng iyon na hindi ko naman gusto. It's hard to let someone like you for no reason.

That's why I don't like to eat with a crowd most of the time.

Up until something happened with my uneventful night while eating alone.

A stranger, a woman who looks to be on her late twenties, has greeted me before sitting on the vacant chair in front of me, totally uninvited.

Sa umpisa ay kinabahan ako. Lalo na at kakasahod ko lang, takot akong mabiktima ng mga mandurukot. Isa pa, sanay na akong nakakakita ng mga balita tungkol sa kaliwa't kanang mga modus operandi ng mga kawatan sa tuwing nakakaamoy sila ng pera mula sa ibang tao.

At sa mga oras na iyon, ako ang taong maaari nilang mabiktima.

Unfortunately, hindi ako papayag na lahat ng oras na iginugol ko para lang sahurin ang ilang libo na nasa loob ngayon ng pitaka ko ay bigla na lang mawala sa isang iglap.

Ngunit imbes na kumilos ako nang wala sa plano ay minabuti ko na lang na kumalma. I don't want her to get some bad impression from me, baka may dala pala siyang patalim, bigla na lang akong saksakin, kung sakaling may balak akong lumayo.

"Good evening, pasensiya na kung bigla akong umupo rito. Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa, pero nakikita ko kasi sa iyo na nababagay kang maging isa sa mga talents ko," aniya bago siya naglabas ng isang calling card mula sa purse na kaniyang dala.

She slipped it in front of me and my suspicions of her being a criminal had slowly faded away after seeing her name. She's Rebecca Magnaye and she's a talent manager.

Pamilyar siya sa mga nakikita kong palabas sa TV. Siya yung madalas na pasalamatan ng mga sikat na artista sa mga palabas ngayon. Halos bukambibig siya ng kalahati ng populasyon ng isang TV station kaya't nagulat ako sa bigla niyang pagsulpot sa harapan ko.

Of all the people she will contact, why me? Kahit na redundant sabihin, bakit ako?

Coincidence lang ba na sa ganitong lugar siya kumakain at hindi sa mga mamahaling restaurant? Hindi ba siya abala sa pagma-manage ng mga artista na hawak niya?

Natulala ako sa calling card na ipinakita niya sa akin. I can't practically just process the fact that she's here for me.

Napangiti si miss Magnaye. "I know how surprised and confused you are. But I wouldn't force you to be my talent. Kung sakaling interesado kang mag-artista, tawagan mo lang ako, and if I were you, I wouldn't let this opportunity go away."

Dahan-dahan na tumayo si miss Magnaye. Bakas sa kaniyang mukha na malaki ang pag-asa niyang mapapayag ako. She's smiling like she's planning something really good.

"Ngapala, bago ako umalis. Maaari ko bang malaman kung ano ang pangalan mo?" ang huli niyang tanong sa akin.

Medyo nautal pa ako nang sagutin ko siya. "A—Allan Humilde ho."

Miss Magnaye put her fingers on her lips as if she's thinking of something. "Hmm, may naisip na akong screen name para sa iyo. Kung sakaling mag-a-artista ka, makikilala ka nila sa pangalang..."

She let her words trailed for a few seconds. Then she smiled widely once again.

"Allendale," aniya bago niya ako tuluyang iwan nang mag-isa.

I kept looking at the calling card that she had left for me. Gusto ko bang mag-artista? Would I be a good actor?

Napatingin ako sa labas ng bintana. Nakita ko sina Samantha, kasama ang iba pang mga katrabaho namin. Sabay-sabay silang kumakain ng fishball na matatagpuan lang sa labas.

Masaya silang magkakasama at nag-e-enjoy. And here I am, alone with my mixed feelings and warm meal C.

Allendale? Looks like I will never get tired of listening to this name, or so I thought...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top