18

Matapos ang open up na ginawa ni Alyssa sa akin kanina, na-realize ko na tama nga siya. Why should I hate Allendale if Allendale made my whole life much better than before?

Rather than loathing my other persona, I should be thankful of it.

Specially because nothing is perfect. Nobody is perfect.

Walang nabubuhay na walang kinahaharap na problema. It's just that everyone have their own sorts of conflict. At ang problema na mayroon ako ay gaya nga ng nabanggit ni Alyssa, I couldn't seem to accept myself.

That's why I finally decided not to complain anymore about my life. I'll let it go. Tama naman si Alyssa, if I will not accept myself, then how can I love myself even more.

"Tumahimik ka ata," biglang tanong ni Alyssa sa akin dahilan para maputol ang malalim kong pag-iisip.

I looked at her. "Wala naman, ini-enjoy ko lang yung view sa labas."

Tumawa siya. "Gan'on ba, o baka kinakabahan ka lang na makita si Sam?"

"Well, I can't say I'm 100 percent sure na hindi ako mauutal kung kaharap ko na siya, pero tingin ko naman kaya ko nang i-handle na makita siya ulit."

"I hope everything will be just fine between the two of you," bulong ni Alyssa. "Marami na rin kasi ang taong lumipas. Hindi mo alam kung ano na ang mga bagay na nangyari sa buhay nung tao. Hindi mo nga siya nakakamusta kung anong lagay niya di ba?"

Napakamot ako ng ulo. "Busy kasi e. Kung ikaw ang nasa katayuan ko, malamang sobrang tuwa mo kapag may free time ka malayo sa mga camera."

She smiled. "I'm good with this life. Lahat naman busy, pero kung gusto mo talagang bigyan ng time yung tao, isisingit mo talaga siya sa schedule mo. Unless hindi siya worth it para sa oras mo, di ba?"

I can't help but nod. "Sabagay."

"Pero hindi kita jina-judge ha. Alam kong sobrang busy mo sa showbiz lalo na at sikat na sikat ka pa," aniya. "I'm talking about people like us, yung hindi sikat na gaya mo."

Bahagya akong natawa sa sinabi niya. "I know, I know. Pero tama ka rin naman sa part na yun. Kung hindi nga naman gan'on kalaki yung impact ng tao sa'yo, then hindi ka matatakot na magbuhos ng oras sa kaniya."

She smiled. "Mabuti naman at naiintindihan mo yung point ko. Marami na rin kasi akong na-experience na ganiyan, specially noong highschool ako. Marami akong friends n'on actually, pero ang masaklap ha, iilan lang sa kanila yung handang kausapin ako nung nangangailangan ako ng kausap."

"Baka busy?"

She laughed. "Obviously, ganiyan din naisip ko. Pero yung makita mo silang online pero hindi man lang ma-seen yung message mo, nakakainis lang. Talagang hindi ka nila pinapansin."

I don't know what to say about that. I haven't experienced it myself. Lahat ng kaibigan ko e handang tumulong sa akin at makipag-usap. Well, iilan lang naman silang totoo kong mga kaibigan.

I kept my circle of friends small. Yung talagang mga taong alam mong maaasahan mo kung sakaling kailanganin mo sila, lalo na at handa ka rin tumulong kung sila naman itong kailangan ng tulong mo.

"That sucks," bulong ko.

Tumango si Alyssa. "Yes it is. Pero kinalimutan ko na sila, hindi sila worth ng time ko kaya nag-move on na lang ako."

"Move on, buti nagawa mo," ang sabi ko pa.

Alyssa just gave me a playful smile. I know she's thinking about Sam and how I failed to move on from her. Pero ano bang magagawa ko, she moved on from her friends while I couldn't move on from my first crush.

Biglang tumunog ang GPS screen ng kotse at narinig naming dalawa na sa susunod na likuan ay ilang kilometro na lang ang layo namin mula sa bahay ni Sam.

Hearing that announcement gave me goosebumps. Feeling ko ay maglalakad ako sa red carpet habang binubulyawan ako ng mga tao imbes na sinusuportahan nila ako.

Out of the blue, the excitement turned into anxiety. Biglang nag-flashback ang lahat sa akin to the point na humigpit ang kapit ko sa upuan at ayaw ko nang lumabas.

"Malapit na tayo," ang sabi ni Alyssa.

Hindi ko ipinahalata sa kaniya na unti-unti akong naduduwag na muling harapin si Samantha. Ang dami kasing bagay na naging factor para sa magiging desisyon ko. Alyssa has told me everything that I can consider.

Alyssa is one of those factors.

Tumango ako. "Y-yeah, narinig ko nga."

"Kinakabahan ka no?"

I looked at her. "To be honest, oo."

"Relax ka lang," aniya.

How can I get myself relax if my heart is beating so fast. Daig ko pa ang nakainom ng tatlong tasa ng kape sa kaba na nararamdamanan ko ngayon.

But then the car went to a slow stop and Alyssa looked outside the window, overlooking the blue painted gate.

"Nandito na tayo," she said in a matter of fact tone.

Sumilip din ako sa bintana at pinagmasdan ang bahay ni Samantha na nasa harapan na mismo ng mga mata ko. With that, I even think that she's finally here, just a few meters away from me.

Hinawakan ko ang dibdib ko at saka huminga nang malalim. If I have to accept myself, I should have my past. And right at this moment is where the past and my future will meet in the present time.

There's nothing I can do but to continue.

"Goodluck sa akin," aniko.

Alyssa smiled at me. "This is it. The moment of truth. Anuman ang mangyari, sana matanggap mo. Maraming taon na ang lumipas, alam kong alam mo na marami nang bagay ang nagbago kay Sam," she placed a comforting hand on my shoulder.

"Sige," wala na akong ibang masabi pa.

"Dito lang ako sa loob ng kotse. Ikaw na ang bahala, maghihintay lang ako sa iyo rito," ang sabi pa ni Alyssa bago ako lumabas ng pintuan.

Tinanguan ko siya. "I'm on it."

A small curve on her lips told me that everything will be alright. It gave me hope, somehow, despite the nagging feeling inside my body that I couldn't shake away.

Pagkasara ko ng pinto ay bigla akong nakaramdam ng malamig na simoy ng hangin. I looked up into the sky and realised that the moon will probably not going to show itself tonight.

Makulimlim ang kalangitan at wala ni isang bituin ang makikita roon. I have this feeling that it will rain any moment soon.

Umiling ako at saka tumalon-talon nang bahagya sa aking kinatatayuan. This is it. I started stretching my arms, and my body. Sinubukan kong pabilisin ang pagtibok ng puso ko hindi dulot ng kaba kung di ng adrenaline rush.

Matapos kong maghanda ay agad na akong tumawid ng kalsada at saka huminto sa harapan ng gate ng bahay ni Samantha.

Huminga ako nang malalim, lumingon sa direksiyon ni Alyssa kung saan ay nakatingin lang siya sa akin na may ngiti sa kaniyang labi, bago ko tuluyang pinindot ang doorbell sa pader.

I heard a loud 'dingdong' inside and a few seconds later, a familiar voice chimed in along with a hurried footsteps.

"Nandiyan na, sandali lang," that voice...

It was her voice. Hindi ako nagkakamali na sa tagal ng panahon na lumipas ay muli ko na namang maririnig ang tinig niya.

So many memories began flashing in front of my eyes. Quick snapshots of what we've had before. Yung bawat araw na binabati niya ako oras na pumasok na ako sa loob ng building kung saan kami magkasamang nagtatrabaho, hanggang sa huling sandali ng kaniyang pamamaalam sa akin nang umalis ako sa kumpanyang iyon.

It was then, the time, that I last heard of that voice. And it was so enchanting to hear it again.

Sandali akong tumingin kay Alyssa at saka sumenyas sa kaniya na si Samantha nga ang nakatira sa bahay na iyon. She even showed me a thumbs up before closing the window of her car, leaving this to me all alone.

That's when the door portion of the gate opened, revealing a seemingly changed woman in front of me. "Ginabi ka na Dey—" natigilan si Samantha nang makita niya ako.

Agad na nanlaki ang kaniyang mga mata bago niya tuluyang takpan ang kaniyang bibig gamit ang kaniyang mga kamay. "A.. Allan?"

I smiled at her. "Magandang gabi, Sam."

Inalis ni Samantha ang kamay niya sa kaniyang bibig at saka tumingin sa paligid kung may nakatingin sa aming dalawa. "A-anong ginagawa mo rito?" she looked more shock than surprised.

She wasn't expecting me, I know that. Yet somehow, I can't see it in her eyes, I couldn't feel her the satisfaction upon seeing me once again.

"Gusto kitang makita, kamustahin," aniko.

She gestured me to come inside. "P-pasok ka. Baka abutan tayo rito ng ulan," she looked up.

Sumunod ako sa kaniya bago niya sinara ang gate.

Sa loob ay nakita ko nang malapitan ang bahay na tinitirhan ni Samantha. It's an average looking house, tingin ko ay may dalawang kuwarto ito sa loob bukod sa may maliit itong terrace sa labas.

May mga orchids din siyang inaalagaan na nakasabit sa gilid ng mga pader habang may mga tanim siyang halaman sa maliit niyang hardin sa ilalim nito.

She's taking her time for good. Maalaga talaga siya sa mga halaman lalo na at ito ang kalimitan niyang ikinukuwento sa akin noon.

"Tinuloy mo pala ang pagga-garden mo," komento ko pa habang nakatingin ako sa mga magagandang bulaklak na tumubo roon.

"Oo e, alam mo naman ako, mahilig sa bulaklak," tumawa si Sam. Iyon pa rin ang hagikgik na naririnig ko, walang nagbago sa dating tawa niya, nakatutuwa.

"Nakapagpundar ka na rin pala ng bahay," sunod ko namang binigyang pansin ang bahay niya.

Pero agad na umiling si Sam. "Nako, hindi namin bahay yan. Nangungupahan lang kami rito."

"Oh," I couldn't help but feel sorry for her. I can understand how hard it is to save money for one to buy a house. "Doon ka pa rin ba nagtatrabaho?" I feel like I need to ask this.

Tumango siya. "Oo, regular na ako ro'n."

"Good for you," aniko.

Mahirap maghanap ng trabaho lalo na kung mabubuhay kang contractual buong buhay mo. If I didn't become the person that I am right now, I can see myself the same as what she is as of today:

Stuck in the employment world.

"Ikaw, kamusta ka naman? Di ko akalaing magkikita pa tayo ulit at talagang pinuntahan mo pa talaga ako rito. Sikat na sikat ka na e," ang sabi pa ni Samantha. "Bagay din pala sa'yo ang kalbo a, nakuwento mo sa akin noon na gusto mo ngang subukan yan."

Napakamot ako ng ulo. "Bagay ba? Biglaan nga lang e, pero masaya naman ako na nagustuhan mo. At tungkol naman sa tanong mo kung kumusta ako, e masasabi ko naman na ayos lang ang lahat. Medyo nakaluluwag-luwag na kumpara dati," aniko.

"Gan'on ba, masaya naman ako na nagkita tayo ulit. Nagulat lang talaga ako dahil bigla ka na lang dumating," matawa-tawa niyang sambit sa akin.

"Well, sa totoo kasi niyan—" bigla akong natigilan.

Isang iyak ng sanggol ang nagpatigil sa gusto kong sabihin kay Sam. Wala naman sanang problema kung hindi ito nanggagaling sa loob ng bahay na inuupahan ni Sam, pero wala akong magawa kung di ang makaramdam ng kutob.

Kutob na baka...

"Nako, umiiyak na si Carl," dali-daling naglakad papasok ng bahay si Samantha.

Sumunod ako sa kaniya ngunit hindi kasingsigla ng kaniyang mga hakbang ang paglalakad na ginawa ko. Habang tumatagal ay parang bumabagal ang takbo ng oras.

Maging ang tunog na naririnig ko sa paligid ay biglang humihina, tinatalo ng malakas na bulahaw ng iyak ng bata.

Ngunit bago pa ako makasilip sa loob ng bahay ay agad na lumabas si Samantha habang karga ang isang sanggol sa kaniyang mga bisig.

Isinayaw niya ito sa harapan ko at saka ito kinausap. "Dito na si mommy, tahan na, shhh shhh," paghehele niya rito.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko.

Hindi ko in-expect na ganito ang pagbabagong naganap sa buhay ni Samantha. That all this time, I've been thinking of her yet she's already been taken by another person. Kailan pa? If only I've been catching up with her, baka nalaman ko agad nang maaga.

Matagal akong umasa na may tao akong babalikan pero doon pala ako nagkamali. I should've done something to prevent this from happening.

But wishing for this not to happen is so unfair for the baby that she's cradling on her hands. That baby deserves to be born, dahil alam kong mahal siya at aalagaan siyang mabuti ni Samantha.

"A-anak mo?" my body was too late to respond in the current situation.

"Oo, sigurado akong guwapo rin to paglaki. Carl Anthony ang pangalan niya," lumapit sa akin si Samantha at ipinakita niya sa akin ang itsura ng kaniyang anak na lalaki.

Carl stopped crying and was now looking at me. He looked so innocent, at medyo na-guilty ako sa mga bagay na pumasok sa isipan ko kanina. I shouldn't blame this poor baby for the sake of my own feelings.

Wala akong masabi. Tanging ang paghawak sa kamay ng baby ang siyang nagawa ko. Hindi ko alam kung paano ko ipaliliwanag sa kaniya ang lahat.

Nagtitimpi ako na sabihin sa kaniya ang dahilan kung ba't nandito ako. I don't want to ruin something that I know was still under construction.

Sam is happy now with her life and I have to accept that fact. She's never going to be mine...

"Alam mo ba, doble kayod kami ni Deyrol dahil sa kaniya," Samantha is looking on her baby.

"Si Deyrol?"

She looked at me. "Naaalala mo pa ba siya? Siya yung lagi kong sinisilayan sa canteen tuwing breaktime natin."

"Siya ba ang napangasawa mo?"

Tumango siya. "Oo, kaso hindi pa kami kasal. Nagli-live in pa lang kaming dalawa. Wala pa kasi kaming budget, nag-iipon pa."

"M-mabuti naman kung gan'on. Masaya akong makita kang masaya sa kaniya," ang sakit, gusto kong sabihin sa kaniya na gusto ko siya, na may nararamdaman ako sa kaniya pero hindi ko iyon magawa.

Ngumiti ako kahit na alam kong hindi ako natutuwa. Parang dinudurog yung puso ko nang unti-unti ko nang makita ang katotohanan na wala na talaga akong pag-asa sa kaniya.

"Salamat, ikaw ba, kamusta lovelife mo?"

Para akong sinampal nang marinig ko ang tanong niya.

"W-wala naman," tumingin ako sa malayo, nagpipigil ng luha na anumang oras ay nagbabadyang tumulo mula sa mga mata ko.

"Wow, sa gandang lalaki mong yan, wala ka pa ring jowa. Nako, ang suwerte ng babaeng mapapangasawa mo," kinindatan niya ako.

Tangina, gusto ko sanang isigaw sa kaniya na siya sana ang babaeng iyon pero tamang pagpipigil lang ang aking nagawa. Ano bang magbabago kung sasabihin ko sa kaniyang gusto ko siya?

Gusto ko mang subukan pero ayaw kong makasira ako ng buhay ng iba. Kung mahal siya ni Deyrol, doon ako masaya. At least, kahit papaano, alam kong hindi siya mapapariwara.

"Gusto mo ba ng juice, kape? Ipagtitimpla kita—"

"Thanks pero kailangan ko na ring umalis. Dumaan lang naman ako rito para mangamusta, at nakita ko naman na masaya ka sa buhay mo ngayon," I looked around. "Maayos naman ang lahat, gaya ng dati."

Tumango siya sa akin at ngumiti. "Salamat. Ayos naman ang lahat, wala naman kaming problema sa ngayon."

"Sige, mauna na ako. Pakisabi na lang kay Deyrol na napadaan ako para mangamusta. Ang pogi kamo ng anak niya," ang sabi ko pa.

Tumawa si Sam. "Nako, siguradong matutuwa yon."

"Imbitahan mo ako sa kasal ni'yo. Asahan mong makakadating ako," I don't know why I'm doing this but my mind couldn't handle the struggle anymore.

It's like my mind is telling this as its way to defend myself. To prevent her from seeing the real intention behind my actions.

"S-sige," aniya.

"Mauna na ako, ako na ang magsasara ng gate at baka abutan pa kayo ni Carl ng ulan," ang sabi ko sa kaniya bago ako tuluyang naglakad palayo.

"Bye, Allan."

I nod my head before waving goodbye. Matapos non ay agad na akong lumabas ng gate at isinara rin iyon paglabas ko. Hindi ko na siya nagawang lingunin pa.

When I finally got out, I looked up to the sky and hear some thunder growling from the clouds.

It will rain. It will indeed rain over me.

Lupaypay akong naglakad papunta sa sasakyan ni Alyssa at saka kumatok sa bintana upang buksan niya ang pinto.

She saw my face and her expression is hard to paint when it happened. "A-anong nangyari?"

"May anak na siya," sumalampak ako ng upo bago ko isinara ang pinto.

Tumingin sa labas si Alyssa. "So it's her baby, after all. I was expecting na pamangkin lang niya yung baby na nakikita ko sa pictures niya."

"A-alam mong may anak siya?" gulat kong tanong sa kaniya.

"No, I said, I thought that that baby isn't hers. Pero nagkamali ako," biglang lumungkot na may halong pagsisisi ang boses ni Alyssa.

"Dapat sinabi mo sa akin habang maaga pa," I can't help but blame her.

Hindi sana ako nakakaramdam ng ganitong sakit ngayon. Hindi ko sana nakita nang harap-harapan ang sagot sa tanong na matagal kong pinaghandaan.

"I don't want to spoil the moment. It's not my fault to assume. Tsaka sinabihan kitang ihanda mo ang sarili mo sa anumang makikita mo di ba? Dahil kahit ako, nang makita ko yung mga pictures ni Sam habang hinihintay kita sa gas station kanina, nakaramdam na ako, kinutuban na ako na alam kong may possibility nga na ito ang mangyayari."

Bumuntong-hininga ako. "Perhaps I wasn't ready to see the truth after all."

Ipinikit ko ang aking mga mata at muli ko na namang naramdaman ang paghagod ng mga kamay ni Alyssa sa balikat ko.

"At least nalaman mo na ang dapat mong malaman. You can finally move on from her," I can feel that she's smiling.

"Move on. Move on sa taong hindi mo naman nakarelasyon," bulong ko pa.

"Sad life, but that's reality."

Iminulat ko ang mga mata ko at tumingin ako kay Alyssa. "Gusto kong uminom."

Akmang kukuha ng bottled water si Alyssa sa mga pinamili ko sa convenience store kanina nang bigla ko siyang pigilan at hawakan sa kaniyang braso.

"Gusto kong uminom ng alak, Alyssa."

Her eyes widened. "Oh, I see."

"Can you find a nearby bar, my treat."

Wala nang sinabi pa si Alyssa at agad siyang naghanap ng malapit na bar na matatagpuan sa lokasyon namin ngayon.

Wala pang kalahating minuto ay may nakita na kaagad si Samantha. "May nahanap na ako," ang sabi niya sa akin.

Pero wala na akong nasabi pa at lumingon na lang sa bintana sa aking tabihan.

Unti-unti kong nakikita ang pagpatak ng ulan sa bintana at kasabay nito ang hindi ko na mapigilang pagbuhos ng luha mula sa aking mga mata.

"Tangina talaga."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top