17

How will I say this, mula kasi kanina habang nasa biyahe kami, hindi ko malaman kung ba't biglang nagbago yung mood ni Alyssa.

Hindi naman siya galit sa akin pero sa tuwing tinatanong ko siya o may sinasabi ako sa kaniya, she's always responding in one liner. Tipong simpleng tango, o di kaya'y oo at hindi lang ang direktang sagot niya sa akin.

Kaya hinayaan ko muna siyang magmaneho nang tahimik dahil busy siya sa ginagawa niya. Habang nagmamaneho siya, biglang pumasok sa isipan ko na tingnan ang cellphone ko.

Pero dahil ayaw kong masira ang napag-usapan namin na wala munang gagamit ng cellphone ay minabuti ko na lang na ipirmi ang sarili ko at panuorin ang araw na unti-unti nang lumulubog sa di kalayuan.

The color of the sky reminded me of my past. Kung anong iginanda ng mga ulap ay siyang unti-unting pagdilim ng kalangitan, it's like a metaphor of what life really means.

Napansin ko rin na kakaiba ang pakiramdam na pinagmamasdan mo yung langit mula sa umaandar na sa sasakyan kumpara sa bintana ng isang condo unit na matatagpuan sa 9th floor ng isang condominium building.

"Magpa-gas muna tayo, paubos na kasi yung gas ng kotse ni daddy. Baka di na umabot sa destinasyon natin," sambit ni Alyssa sa akin nang ituro niya ang isang gasoline station sa di kalayuan.

"Sure, ako nang bahala," aniko.

She shook her head. "Don't mind it. It's my father's car, ako na ang magbabayad."

"Well, wala naman sa akin kung ako ang magbabayad—"

"Ako na. Hindi ko alam na medyo mapilit pala si Allan?" she smirked at me. "Just let me handle this, okay?"

I will admit, nagulat ako sa sinabi niya, pero kung ayaw niyang ipilit ko na ako ang magbabayad ng gas, what's the point of pushing anyway? Ayaw ng tao, so I let it go.

Tinanguan ko na lang siya hanggang sa ihinto niya ang sasakyan sa gasolinahan. Tahimik na ang paligid at iilang mga sasakyan ang tumitigil sa gasoline station para magpa-gas.

"Wait me here, bibili lang ako ng foods," ang sabi ko kay Alyssa nang siya na ang sunod na magpapa-gas.

Tumango siya at saka humarap sa gasoline boy na umasikaso sa amin. She smiled at him and pays for the amount that she wanted to fill the car with.

Agad na akong lumabas ng kotse at nagpunta sa convenience store na nasa tabi lang ng gasoline station. Halos lahat naman kasi ng mga gasolinahan ay may ganitong store sa malapit.

I rarely see places like this without the two of them together.

Nang makalabas ako ng sasakyan ay lumanghap muna ako ng preskong hangin at sandaling nag-unat ng mga braso. "Heaven," bulong ko sa sarili ko.

Bago ako naglakad palayo e nilingon ko muna si Alyssa. I saw her looking at me but then she looked away. Napakamot na lang ako ng ulo, ano bang nangyari? Why did everything had changed all of a sudden?

Thinking about the reasons why, I went to the convenience store alone by myself.

As I entered the place, the cashier looked at me once, then twice, as if she had seen me somewhere. Hindi ko siya pinansin at agad akong nagtungo sa shelf kung saan matatagpuan ang mga chips at snacks.

Habang namimili ako ng pagkain, napapansin ko na nakatingin sa akin yung babaeng cashier. I even caught her pointing her phone at me as if she's taking some stolen photos of me.

Pinalampas ko muna ang mga ikinikilos niya, there's no reason to panic. If she's a fan of mine, I'd rather take this situation wisely than doing mistake that I can't bring back anymore.

One mistake is enough but doing more than twice is foolishness. I mean, natuto ka na sa isang pagkakamali, bakit kailangan mo pang ulitin kung alam mo na ang dapat mong gawin? Unless you don't have an idea how to solve it, then that's probably where you'll get an exception.

But in my case, I can't be exempted for this situation. I have to deal with this stranger, even if she's a fan, in the wisest move as possible.

And that move is to go to the counter, show her the things that I want to buy, and pay the amount of all of them. Then after that, I'll just go outside, and continue the trip with Alyssa.

Unfortunately, that plan didn't end well. Dahil nung pagkalapit ko sa cashier ay agad niya akong tinanong kung puwede humingi ng autograph at magpakuha ng litrato.

Her face was full of excitement, halos manginig ang kamay niya sa paghawak ng notepad na hinugot lang niya sa drawer sa tabihan niya. She gave it to me along with a blue inked pen and waited for my response.

"Fan na fan mo ako, Allendale!" she clasped her hands, smiling. Kulang na lang ay magtatalon siya sa tuwa.  Mabuti at walang ibang customer sa loob kung 'di ako lamang.

I can't help but smile back. "Pasensiya na miss, hindi ako si Allendale. Impersonator lang niya ako," I did the same solution that I had done already.

Yung excitement sa mukha niya ay biglang napalitan ng pagtataka. "Impersonator?"

"Yup, I'm trying to look like him para gumawa ng mga video parody tungkol sa kaniya. I'm one of his fans too," aniko. "Gusto mo pa rin ba ng autograph? Kahit na hindi ako yung totoong Allendale?"

"Ah eh..." she slowly pulled the notepad and the pen away from me. "Sorry po, akala ko kasi si Allendale po kayo, Sir. Pasensiya na."

Itinabi niya yung notepad at agad na inasikaso ang mga item na ipinatong ko sa counter. She carefully placed them in a paper bag after scanning the prices.

Tahimik niyang ginawa ang trabaho niya at tahimik lang din akong naghintay sa kaniya. I wouldn't lie that it's hard to see a fan being turned down like this.

Pero kailangan kong pigilan ang sarili ko. I can't have myself exposed right now. Not now, lalo na at hindi ko pa nakukuha yung gusto ko, at hindi pa ako nakakadating sa destinasyon namin ni Alyssa.

Matapos kong magbayad ay agad ko nang tinanggap ang sukli ko. Nginitian ko na lang yung cashier at pansin ko na kahit na nahihiya siya ay nagawa naman niyang tumango at banggitin ang mga katagang: "Thanks for dropping by, please come again."

I nodded as I leave the premises thinking that I'll probably never be entering this place ever again.

Dala ang paper bag na naglalaman ng mga pinamili ko ay nakita ko sa di-kalayuan ang nakaparadang sasakyan ni Alyssa.

From the distance, I can see a glow on her face coming from her phone. Napailing na lang ako habang naglalakad papunta sa kotse niya, akala ko ba walang gamitan ng cellphone. Why is she using her phone?

Tahimik akong naglakad habang palinga-linga sa paligid. Lumubog na ang araw at malapit nang dumilim ang kalangitan.

The gasoline station isn't as busy as it was when it's morning. Maging ang paradahan ng sasakyan ay may iilan lang na kotse ang nakaparada.

The door in the nearby comfort room opened and I saw a woman going outside while on call. Pinanuod ko siya hanggang sa makapunta siya sa kotse niya na nakaparada hindi kalayuan sa kotse ni Alyssa.

It's fairly dark and I couldn't see her face but her voice sounded familiar.

Sinubukan kong alalahanin kung saan ko huling narinig ang boses na iyon pero bigo akong maalala ito. "Memory gap," bulong ko bago ako kumatok sa bintana ng kotse ni Alyssa, letting the voice be forgotten.

Itinabi niya ang cellphone niya at saka binuksan ang pintuan.

"Akala ko ba wala munang cellphone," ang tanong ko sa kaniya nang pumasok ako sa loob.

Inilagay ko sa backseat ang mga paper bag na dala ko bago ko isinara ang pinto. Meanwhile, Alyssa looked at me, her expression had changed once again.

Bumuntong-hininga siya. "I just checked Sam's profile, tama naman yung address na pupuntahan natin. And I just.." tumingin siya sa labas ng bintana.

"And just what?" ang tanong ko sa kaniya.

Umiling-iling siya. "I just want to say something to you. I'm a straightforward person and I want you to know na medyo naiirita na ako sa personality na ipinapakita mo sa akin."

Medyo bumilis ang tibok ng puso ko. One of the things that I hate is confrontation. Takot ako sa ganiyan, ayaw kong makita ang sarili ko na may kaharap akong tao para sa isang kumprontasyon.

Lalo na at si Alyssa itong nasa harapan ko ngayon.

"P-paanong personality?"

Hinilot niya ang kaniyang sintido. "Ayos ka namang kasama, but all this Allendale persona that you hate is getting into my nerves. I know you don't like that persona pero heto na at gusto kong sabihin sa'yo na kailangan mong tanggapin yung pagiging si Allendale mo. Tandaan mo, kung hindi ka naging si Allendale, wala ka sa kinatatayuan mo, hindi ka sikat, at mananatili ka bilang isang normal na mamamayan ng Pilipinas na kagaya ko.

"You'll live a pretty average life like most of us do if you didn't become Allendale. Pero kung siguro gan'on nga ang nangyari, baka pati si Samantha napunta sa iyo," she stopped talking and waited for my response.

Namuo ang katahimikan sa loob ng sasakyan, tanging ang aircon lang nito ang aming naririnig.

I couldn't help but feel the pain of the words she had told me. Aminado akong nasaktan ako ng kaunti sa mga sinabi niya, gan'on na ba ang mga ikinilos ko mula pa kanina?

Did I just lose my cool with her?

I felt so disappointed to the things that I've done, to the things that I've said to her. Nadala lang ako ng agos...

"Sorry, Allan, pero kailangan ko lang talagang sabihin yung totoo. Ayokong magsinungaling sa'yo," malungkot niyang dinagdag sa mga sinabi niya.

Dahan-dahan akong napatingin sa labas ng bintana. "Pasensiya na sa mga nagawa ko. Hindi ko alam na sumobra na pala ako."

Doon ko naramdaman ang kamay niya sa balikat ko. "Hindi naman ako galit, nagsasabi lang naman ako ng totoo," hinagod niya ang likuran ko.

Lumingon ako sa kaniya at nakita ko siyang nakangiti. "Pero kasi..."

"It's fine. At least alam mo na kung anong nararamdaman ko. Gusto ko lang naman din na tulungan ka na maka-getover sa sitwasyon mo ngayon. Alam ko rin kasi na nahihirapan ka sa kalagayan mo. Pero ikaw kasi yan eh, kahit na ilang beses mong ikutin ang mundo, ikaw at si Allendale e iisa. You don't have to hate yourself, dapat nga mas mahalin mo pa ang sarili mo. Dahil maraming tao ang namamatay na lang na may galit sila sa sarili nila, alam mo kung bakit?

"Dahil hindi sila kuntento sa buhay na mayroon sila," ang sabi niya sa akin na talagang mabigat ang dating sa akin.

I forced a smile on my lips. "Thanks for telling me this," inalis niya na ang kamay niya sa likuran ko. "Promise, I'll change."

"No, you don't have to change. You just need to accept yourself," aniya.

This time, I genuinely smiled back at her. "Salamat."

Muling humawak sa manibela si Alyssa. "Now that everything is okay. Ihanda mo na ang sarili mo. Base sa estimation ko, makakarating tayo sa bahay ni Samantha sa loob ng isa't kalahating oras."

I felt so blessed to have Alyssa with me. And in that moment, I had forgotten the fact that I am here with her to see Sam.

Dahil sa sitwasyon na iyon, parang gusto kong dumiretso na kami sa beach at hayaan na lang ang nakaraan ko bilang isang nakaraan.

Like what she said, I just have to accept the fact, that past is past.

And Sam is written all over it.

I nodded my head. "Handa na ako," bulong ko sa sarili ko kahit na alam kong hindi na iyon ang totoo...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top