16

We spent an hour eating ice-cream inside her father's car before we continue on our trip. Masaya kaming nagkuwentuhan tungkol sa ilang bagay na gusto niyang itanong sa akin na gusto ko ring itanong sa kaniya.

We're obviously trying to get to know each other more. Halos isang buong araw na kaming magkasama at nananatili pa rin kaming masaya sa isa't-isa, in a not-so-romantically way.

Hindi boring kasama si Alyssa. She made me laugh from the times that she casually jokes on me. Nakikita ko yung funny side niya while we were eating ice cream. Aba'y humuhugot ba naman na sana hindi kasinglamig ng ice cream ang buhay niya lalo na kung may kasama siyang hot sa tabihan.

And that made me burst out laughing and nearly drop my ice-cream on her clothes. Mabuti na lang at nakontrol ko ang sarili ko kaya't napigilan kong mangyari ang hindi dapat mangyari.

I don't want to ruin that precious moment.

"In the span of one to ten. Gaano ka ka-excited na makita si Samantha?" ang tanong ni Alyssa sa akin nang maipit kami sa traffic papunta sa address ng bahay ni Sam.

I looked outside, there's a lot of bored and frustrated looking drivers who is trying to find some ways to pass the time just like us.

"Ten," ang simpleng sagot ko.

"Wow, that's really high. Excited na excited ka na nga talagang makita siya," dagdag pa niya.

Tumingin ako sa kaniya. "Kung matagal mo nang hindi nakita ang isang taong mahalaga sa buhay mo, I'm sure ganito rin ang excitement na mararamdaman mo."

She sighed. "Unfortunately, wala pa akong taong gustong makita sa ngayon. Lahat naman kasi sila nasa malapit, kung may aalis man, mukhang ako iyon."

"Looks like you're my other version," I smiled. "Pero hindi ako nang-iiwan."

"Neither do I," she winked at me. "Aalis ako kung pakiramdam ko e hindi na ako masaya sa isang bagay. I won't leave anybody if I'm happy being with them. What's the sense of doing that anyway?"

I didn't say anything in return. But I'm glad she's not someone who would leave without any reason. Ang suwerte siguro ng lalaking magiging kasintahan niya.

Kung puwede lang sana...

"Maiba nga tayo, habang naghihintay ako sa'yo kanina habang nagpapagupit ka, hindi ko maiwasang isipin kung ba't sa tinagal-tagal ng panahong lumipas e ngayon mo lang naisipang hanapin si Sam?" sunod na tanong niya sa akin.

I have to answer her honestly with this one. "To be honest with you, I was just really busy. Yung mga panahong iyon e hindi pa ako gan'on kakilala sa industriya ng pag-aartista. My manager keeps getting me a project to do para lubos akong makilala ng mga tao. And that's why I lose the time for myself, hindi ko alam kung anong dapat kong i-priority, ayoko naman kasing sayangin yung opportunity na sumikat ako noong mga panahong iyon kaya medyo na-overwhelmed ako. At medyo nawala siya sa isipan ko hanggang sa bigla na lang bumalik yung pakiramdam na nararamdaman ko sa kaniya nung unti-unti nang lumuluwag, and at the same time, mas lalong dumadami ang mga projects ko."

"And you're still waiting to see her again all this time?"

I nodded. "Yup, gusto ko talaga siyang makita, matagal na."

"Seryoso ka ba talagang gusto mo siyang makita dahil gusto mo pa rin siya? I know there's a sentimental value between the two of you, siya kasi yung first love mo, pero sa dami nang mga naggagandahang artista na nakakasalamuha mo e wala ka bang natipuhan man lang sa kanila?" Alyssa shrugged. "Kasi kung si Sam pa rin talaga, aba'y mukhang talbog ang mga sikat na artista sa ganda niya?"

That's when I found a flaw in her statement. Hindi lang ang ganda ni Sam ang nagustuhan ko sa kaniya, she was kind and gentle. Mahinhin kumilos pero sabik makipagkulitan sa tuwing may panahon siyang makipag-asaran sa amin.

She always smile and that made me, obviously, feel so elated.

"Hindi lang dahil sa ganda ni Sam kaya ako nagkagusto sa kaniya. She possessed a lot of things na talagang sinumang lalaki eh magkakagusto sa kaniya," aniko. "Besides, showbiz isn't like what you think it is."

"Almost perfect huh?" Alyssa nodded. "So what do you think about showbiz then?" I saw a hint of mischievous grin on her lips.

"Well, karamihan naman sa aming mga artista e nagtatrabaho lang talaga professionally. Yung mga love team na napapanuod mo, lahat ng yun, if not all, e experimented lang. They'll see kung papatok sa madla yung love team na bubuuin nila, at kapag hindi naging matunog yung love team, then they'll find another one para ipartner sa kanila," ang sabi ko sa kaniya. "One example that I can give e sina Adrian at Jolina. Pinagpares sila sa isang movie and that's the final show na nakita mo silang magkasama."

"Hindi naman kasi magaling umarte si Adrian, halatang pilit. Si Jolina lang nagbuhat nung movie nila," komento pa ni Alyssa.

"Exactly, see, even you, mas napansin mo pa yung acting nila kaysa sa mismong chemistry nilang dalawa. Their love team flopped," hindi ko maiwasang matawa.

Naalala ko noong kasagsagan ng issue tungkol sa kanilang dalawa. Kung anong bilis ng paglabas ng pelikula nila ay gan'on din kabilis itong nawala sa mga sinehan.

Mabuti na lang at yung mga pelikula na ginawa namin ni Julia e pumatok sa takilya bago kami tuluyang nawala sa spotlight. Hindi na rin kasi maganda ang sitwasyon namin noon kaya agad din na gumawa ng paraan ang mga manager namin para masolusyunan ang love team namin.

They created a manipulated statement regarding about the reason why I'm distancing myself away from Julia as well as how people couldn't see us anymore in any projects.

All is well in the end.

"Same as you and Julia, right?" sunod na tanong ni Alyssa sa akin.

"Indeed. Julia and I is no longer canon. Pero kahit na premade lang kaming dalawa, aminado naman ako na kahit umaarte lang kami na may gusto kami sa isa't isa e masaya naman kaming naging magkatrabaho, she didn't say anything against me. Dahil alam kong wala naman siyang masamang masasabi tungkol sa akin," ang sagot ko sa tanong niya.

Muli nang umandar ang mga sasakyan at umuusad na rin ang traffic sa wakas. Kita ko sa mga mata ng mga driver na nasa malapit na nakahinga sila nang maluwag dahil sa nangyari. Ikaw ba naman, maipit sa gitna ng traffic habang ang araw ay tirik na tirik pa sa kalangitan?

Malapit na rin namang maghapon at tantiya ko ay gagabihin kami pagdating namin sa bahay ni Sam.

"Sa wakas umabante rin tayo," bumuntong-hininga si Alyssa. "Anyway, what if may feelings pala sa'yo si Julia? Anong gagawin mo?"

Nakatitig na sa kalsada si Alyssa kaya't malaya kong pinagmasdan ang mukha niya. Mabuti na lang at hindi niya ako napapansin.

Tumawa ako dahil alam kong walang gusto si Julia sa akin. "Wala siyang gusto sa akin. Sa tuwing magkasama kami sa shooting, lagi ko siyang nakikitang nakatingin sa cellphone niya tuwing break at napansin ko na may ka-chat siyang lalaki na Chad ang pangalan. At isa pa, magpapakita lang siya ng affection sa akin kapag may camera na nakatutok sa amin o di kaya ay may fans na lalapit sa amin. Tapos kapag wala na sila, ayun, dinidedma na niya ako."

I can't help but remember those times how I tried my best to make Julia like me. Bukod sa napagplanuhan nga na ipagpares kami sa isa't isa, gusto ko rin na magkaroon ng totoong chemistry sa aming dalawa.

Unfortunately, halata namang hindi siya interesado sa akin kaya naaalala ko lang noon si Samantha dahil sa tingin ko e may pag-asa ako sa kaniya.

Agad na sumimangot si Alyssa matapos marinig ang sagot ko. "Umay naman n'on. Gan'on ba talaga kayo?"

"Sinabi mo pa, pero hindi naman technically lahat. Karamihan lang talaga gan'on. Tuwang-tuwa nga ako nung nawala na yung love team namin ni Julia e," napangiti na lang ako.

"Kung nanunuod lang ako ng TV, baka nasubaybayan kita," ang sabi pa niya.

"No worries, nasa Internet naman na ang lahat ng tungkol sa akin kung gusto mong mag-catchup," aniko.

Saglit na lumingon si Alyssa sa akin. "Well, the internet will show me everything about Allendale. But it won't show me everything about the real Allan. So tell me more about yourself, yung hindi alam ng mga fans mo," ngumiti siya.

Napakamot ako ng ulo. "Halos naikuwento ko na nga sa'yo ang lahat e. Kilala mo na kung sino ang first love ko, pati na rin mga napagdaanan ko bago ako naging sikat na artista. Bukod don, wala naman ng espesyal tungkol sa akin dahil normal lang akong tao gaya mo.

"Talagang sinuwerte lang ako dahil sa opportunity na ibinigay sa akin. Kaya yung dating ako na puro pangarap lang na makuha ang mga gusto ko, e nagbago na dahil halos lahat ng bagay na gusto ko noon e nakuha ko na," aniko.

Tahimik na tumango si Alyssa at saka bumuntong-hininga. She didn't look at me but I can see the sad look in her eyes. Hindi ko alam kung anong dahilan at biglang nagbago ang ekspresyon niya, pero sa tingin ko ay may pumasok sa isip niya na hindi ko alam kung ano.

I awkwardly laugh as I wait for her response. "Uy," bulong ko.

Dahan-dahan siyang lumingon sa akin. "Yes?"

"Natahimik ka?" ang tanong ko sa kaniya.

Muli siyang bumuntong-hininga. "Napaisip lang kasi ako. Pa'no kung ito yung normal na buhay para sa akin, natatakot lang ako na baka hindi ko makuha yung gusto ko kagaya mo. Hindi kasi ako sinisuwerte, sa totoo nga, mas madalas pa akong minamalas."

"It's not like that, Alyssa."

"What if in order to change my normal life, e gumawa ako ng desisyon na babago sa buhay ko?" she looked at me.

Hindi ko alam kung ano ang iniisip niya pero may kutob ako tungkol sa malaking desisyon na gusto niyang harapin.

"Pa'no kung pumayag akong maikasal sa anak ng bestfriend ng daddy ko. What do you think will be my new life? Siguro naman, kahit na hindi ako sinuwerte e hindi na gan'on ka-average ang magiging buhay ko."

Now I can feel where she's getting those ideas. Biglang bumigat ang pakiramdam ko sa paligid. Hindi ko alam kung pa'no ko siya papayuhan dahil wala ako sa katayuan na mayroon siya.

I don't know how it feels to be partnered with a stranger you didn't even know at all. Iba ang sitwasyon niya sa naging sitwasyon ko.

Kung sa showbiz, ang mga premade love teams ay madaling mabuwag. Hindi naman biro ang totoong buhay. Arranged marriage will never be a good option to face as a normal person.

Kaya wala akong magawa, wala akong masabi. Gusto ko man ulitin yung mga sinabi ko sa kaniya tungkol sa kung ano ang nilalaman ng puso niya ay hindi ko magawang banggitin sa kaniya.

I just lose it in an instant.

"Ano sa tingin mo? Normal pa rin kaya ako kung gagawin ko yun?" ang tanong niya sa akin.

"Masaya ka ngayon, pero kung mapipilitan kang magpakasal sa taong hindi mo naman gusto, e magiging normal na lang sa'yo ang araw-araw na panghihinayang na sana hindi mo yun tinuloy," aniko. "Arrange marriage is not an opportunity everyone would ever grab if it's against their heart."

Muli na namang bumuntong-hininga si Alyssa. "Hay buhay naman talaga o, I wish I have another normal life with an another normal problem. Hindi yung ganito. Kahit kailan hindi naging normal na problema ang arrange marriage di ba? It wasn't supposed to be a normal problem for women to face," nakikita ko ang mga luhang nagbabadyang tumulo mula sa mga mata ni Alyssa.

Naglabas ako ng panyo at pinunasan ko ang gilid ng kaniyang mata. "Alyssa, you can always say no. It's normal for girls to decline such kind of arrangement."

Napansin kong humigpit ang kapit ni Alyssa sa manibela ng sasakyan. "Kung hindi ako magpapakasal, malaki ang magiging epekto nito sa daddy ko."

"Pero sa'yo naman nakadepende ang lahat, kung ayaw mo naman kasi, ba't mo ipipilit? Kung gusto mo, handa akong kausapin yung lalaki na ipapakasal sa'yo to give him closure, na hindi ka pabor sa gustong mangyari ng tatay ninyong dalawa."

Umiling si Alyssa. "Salamat, pero wag ka nang mag-abala pa. Sa tingin ko naman ay kaya ko siyang i-handle, lalo na at nakita ko na siya. Nakita ko yung mga litrato niya at mukha siyang inosente," she shrugged. "Mas inosente pa nga ang pagmumukha niya sa'yo sa totoo lang."

"Talaga lang ha?" I saw her head nodding slowly.

"Yup. That's why half of me is telling myself na di rin ako yung babae na nararapat sa lalaking gaya niya. Mismatch kami sa isa't isa," aniya.

"Ibig sabihin ba nito e naisip mo rin na magkasama kayong dalawa?"

Tumango siya. "Oo, naisip ko rin ang tungkol sa bagay na yan."

"Malamang curious ka kung ano ang mangyayari kung sakaling maging kayo nga. Kung sakaling naiisip mo naman ang mga bagay na yan, malamang sa malamang, inihahanda mo na ang sarili mo para harapin 'to."

She nodded her head. "I'm still thinking about it. Mula nang umalis ako hanggang ngayon, hindi ko pa rin maiwasang problemahin ang nangyayari sa buhay ko. I don't know, I'm not really sure about anything anymore. Basta! Hindi pa ako ready..."

"I see, there's a possibility na may feelings ka na rin sa lalaking iyon kahit hindi gan'on kalaki. You're curious and scared at the same time."

She shook her head. "I could only imagine."

"I am imagining it right now, ikaw at yung lalaking yun, nakaupo kayo sa sanga ng puno—"

Bigla niya akong tiningnan nang masama kaya tumigil na ako sa pagsasalita. "Don't you dare, Allan."

Hindi ko maiwasang humagalpak ng tawa dahil kahit si Alyssa ay hindi magawang i-maintain ang nararamdaman niyang inis sa gusto kong sabihin.

"Oo na, titigil na. Ni hindi ko nga matapos yung kanta dahil hindi ko naman alam mismong pangalan niya."

"He have a beautiful name though, Allan." Seryosong sambit niya sa akin.

"Anong pangalan niya?"

She smiled. "Dornan."

"Kung si Dornan ang nakita ni miss Becca, malamang hindi na niya pinalitan ang screen name niya," I can't help but complain.

Dornan is a really good name after all.

"Maganda naman ang Allendale ah, kahit ako mas gugustuhin ko yung pangalan na Allendale kumpara sa Allan, masyado kasing generic."

Tumango ako. "Generic nga ang pangalan ko, at oo, maganda nga ang screen name na ibinigay sa akin. Pero sa sitwasyon ko, I'm always Allan while Allendale is a million lightyears away from me. Unreachable and impossible to become me. Malayong-malayo, sobra."

Alyssa shook her head. "Sige, sabi mo eh," and she focused her eyes on the road without anything to add anymore.

Did I just hear a hint of irritation in her voice?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top