15
In that moment I knew I fucked up.
Like several images of being shocked has popped up in front of my eyes. Naghalo-halo yung emosyon sa katawan ko, in just one question, I felt like a deer startled by a car headlight in the middle of crossing a road.
Did he really find out that I'm Allendale? Was I too obvious?
Paano kung mabuko ako nang dahil kay manong, what if they'll found out that I am indeed the man who's currently well-known in the showbiz industry?
Kahit na ang lamig ng bugso ng hangin dahil sa aircon ay hindi ko maiwasang biglang pagpawisan dulot ng kaba. Kailangan kong kumilos, pero bakit parang napako ako sa kinauupuan ko at hindi ko masabi sa kaniyang hindi ako si Allendale.
That I'm Allan, and I'm currently incognito right now, trying to stay anonymous?
Hanggang sa hindi ko napansin ang sarili kong tumatawa. And my muscles tend to act voluntarily as my hands had touched my shaved head.
"Kamukha ko po ba siya? Hindi po kasi ako si Allendale," I can't help but bring out my inner acting. "Sa totoo ho kasi niyan, balak ko pong maging impersonator talaga niya," I smiled in my reflection on the mirror.
Kahit tuloy si manong ay natawa na lang din nang bahagya habang kumakamot ng ulo. "Gan'on ba, akala ko kasi ikaw talaga si Allendale. Hawig na hawig mo kasi siya talaga, para nga kayong pinagbiyak na bunga. Gustong-gusto kasi siya ng anak kong dalagita kaya ko naitanong."
"Gan'on ho ba, kahit ako rin ho idol ko rin yun eh. Magaling ho kasi siyang umarte," my narcissistic side is having a guilty pleasure right now.
For gods sake, I know I am good at acting. But I can't deny the fact that lying to someone who likes me isn't making me feel any better.
"Puwede bang magpa-picture? Ipapakita ko lang sa anak ko," inilabas niya ang cellphone niya at inihanda ang camera.
Wala na akong nagawa kung hindi ang tumango at pagbigyan siya. Walang duda na tinanggap naman niya ang kasinungalingang sinambit ko sa kaniya na hindi ako si Allendale.
"Sige ho," aniko.
Tumabi si manong sa akin habang nakaupo ako at saka siya kumuha ng isa hanggang tatlong selfie na pare-parehas lang din ang pose na ginagawa niya sa bawat litrato.
I smiled, I showed my teeth, and I even did a wacky to give one of my fans a token of my gratitude. Sana'y tama itong ginagawa ko, I am risking myself to be known by my fans.
Nawa'y hindi makauwi nang maaga si manong para ipakita sa anak niya ang litrato naming dalawa. I doubt his daughter doesn't know social media, because one thing I'm sure about is that once he showed our pictures to his daughter, her daughter will upload it to the world wide web, depicting it as an evidence that her father had met Allendale.
Which is the truth, hiding in a veil of my own lie.
"Salamat sa'yo, paniguradong matutuwa ang anak ko kapag nakita niya ang mga 'to," nakangiting sambit ni manong habang nakatingin sa mga kuha niyang litrato.
"Sige ho, mauna na ako."
Inilabas ko ang wallet ko at nag-iwan ako ng tip kay manong. I left him a message that I'm sure he will understand before I continue paying my haircut to the cashier.
Matapos kong magbayad ay walang lingon-likod akong naglakad nang mabilis palabas ng barbershop. At gaya ng kanina, mula sa malamig na bugso ng hangin ay muli na naman akong nakaramdam ng maalinsangang dampi ng panahon.
Damn, I should've brought my sunscreen. Napatingin ako sa balat ko at agad kong nakita ang epekto ng sikat ng araw sa akin. Hindi man ako maselan sa sikat ng araw pero masyadong mainit ang panahon para ipagsawalang-bahala ko ang balat ko.
I covered my face from the heat of the sun as I looked around me. Hinanap ko kung saan posibleng nagpunta si Alyssa. Hindi naman niya ako iniwan dahil nasa malapit lang ang nakaparada niyang kotse pero wala siya sa loob nito.
The environment here is a little bit busier than usual. Kaya sa dami ng taong nasa labas ay hindi ko agad mapapansin kung sino sa kanila si Alyssa, let alone that Alyssa is shorter than me.
I decided to wander around the area, trying to find my own way to the nearest convenience store, that was according from her, would be located a few blocks away from here.
At gaya nga ng inaasahan, nang lumiko ako sa sumunod na kalye ay may convenience store nga roon. I saw Alyssa sitting outside, looking at the pendant that I gave her.
She was staring at it as if that pendant is something that she really like. Nakikita ko rin na nakangiti siya at parang may malalim na iniisip.
That's why in order to not disturb her peacefulness and abrupt the daydreaming that she's currently having, I decided to walk and stand a meter away from her.
"What's up," ang sabi ko sa kaniya.
She looked at me and stood up. "Wow, ang guwapo mo diyan. Parang totoo ha."
"Actually muntik na nga akong mabisto kanina ni manong."
Lumapit siya sa akin habang nakatingin pa rin siya sa ulo ko. "Anong nangyari?" nakaramdam akong kinikilatis niya kung totoo ngang nagpakalbo ako o hindi.
"Nakilala niya kasi ako matapos niya akong gupitan, aba'y tanungin ba naman ako kung ako raw ba si Allendale."
"Anong sabi mo?" her eyes squinted as if she's starting to dislike what she's seeing.
"Well, ayun, umakting ako. Sabi ko may plano akong i-impersonate si Allendale which is luckily, tinanggap naman niya. Tapos nagpa-picture na lang siya," aniko.
Nanlaki ang mata niya. "What? You let him take a photo of you? Pa'no kung i-post ni manong yun sa social media accounts niya?"
Umiling ako. "Trust me, that man is nothing of that sort. Ipapakita niya lang yun sa anak niyang dalaga na isa sa mga tagahanga ko."
"T-teka nga," she couldn't control herself anymore as she touches my head with her left hand. "Nagpakalbo ka talaga? For real?!" she sounded really surprised—that kind of reaction with a mixture of complete disappointment.
Fine, I know she will be shocked of what I did, but this is nothing out of her control. Ako ang nagdesisyong ituloy 'to at hindi ko ito pinagsisihang gawin.
"Oo, bagay naman di ba?" I smiled at her.
But my smile didn't make her feel any better. "Not gonna lie, it looked good. Pero hindi ba yan makakaapekto sa career mo?" umiling si Alyssa. "I shouldn't have asked you to do this. Pa'nong kung maapektuhan nito ang career mo?" biglang bumilis ang kaniyang pananalita na parang natataranta.
I looked at her eyes and hold her shoulders. "Chill ka lang, Alyssa. Buhok ko to at ako ang nagdesisyon na magpakalbo. I know it's a surprise, more than a shock to you, pero ito naman ang point ng lahat ng 'to di ba. We're doing spontaneous stuff that we didn't plan. And this is one of it. Bigla akong nagpakalbo at umayon iyon sa plano ko." I did my best to make my voice sound convincing.
Unti-unti ko nang nakikilala si Alyssa na alam kong magiging malaki ang epekto nito sa kaniya kung sakaling isipin niya na siya ang aako ng lahat kung sakaling hindi maging maganda ang resulta ng bawat kilos namin.
And I know that I'm doing a part of the trade too. Hindi lang niya in-expect na hindi ko susundin ang sinabi niya sa akin tungkol sa plano namin sa wig kanina. It was me to be blamed, if she's gonna blame herself. She was holding the end of the rope and I willingly obliged to cut the other end.
Alyssa continued shaking her head, definitely frustrated. "Hindi ko alam kung tama 'tong ginawa mo. What if it affects your career? Then it's all my fault since I urged you to try this one out."
Bigla niya akong tinalikuran at agad na naglakad palayo. Hindi ko naman siya hinayaan na iwan akong nakatayo ro'n kaya sinundan ko siya.
I didn't touch her but I raised my voice loud enough for her to hear. "Alyssa, come on. Wala kang ginawang mali, this isn't your fault. Wag mong sisihin ang sarili mo lalo na at ako ang nag-decide para sa sarili ko."
She glanced back for a short moment. "Sinisisi ko ang sarili ko dahil ako ang nag-udyok sa'yo na subukan 'yan. If I didn't open it up, siguradong hindi mo gagawin 'to," she continued walking again.
Mas mabilis ang hakbang ng kaniyang mga paa, halatang gusto niyang lumayo sa akin sa mga oras na ito. Pero dahil ako ang dahilan kaya siya nagkakaganito ay kailangan kong ipaliwanag sa kaniya na wala siyang ginawang mali.
In fact, I want to tell her that I really appreciated her presence. She made me do some daring leaps, some unforeseen situations that needs spontaneous reactions that contradicts my indecisiveness.
She made this professional ditch exciting for me, not gonna lie.
Sinundan ko siya hanggang sa makarating kami kung saan niya ipinarada ang kotse ng daddy niya. When she's about to open the door, I hold on to it before she could open it.
"Alyssa," bumuntong-hininga ako. "Alam kong iniisip mo na ikaw ang may kasalanan nito. Pero magtiwala ka sa akin. Hindi nito maaapektuhan ang career ko. Buhok lang 'to," hinawakan ko pa ang ulo ko.
She stared at me, her breathing is under control.
"Sa totoo nga niyan, gusto kong magpasalamat sa'yo. Kung hindi dahil sa'yo, hindi ko maiisipang gawin ito. At dahil nagawa ko na, hindi ako nagsisi na nagpakalbo ako. Gaya nga ng sabi ni manong, bagay naman sa akin," I smiled at her. "Di ba?"
Another few seconds of cold stare from her before her lips started curving. Ngumiti siya at akmang nagpunas ng namuong luha sa kaniyang mga mata.
She's really worried and concerned of my career. There's nothing for her to lose and I wouldn't blame her if she's right about what I've done.
Basta ang masasabi ko, ako ang nagdesisyon at ako ang aako sa consequences na haharapin ko pagbalik ko sa trabaho.
"Oo, bumagay naman sa'yo," she nodded.
Inalis ko ang kamay ko sa pintuan ng kotse niya. "Thanks."
"Pero sigurado ka ba talagang hindi niyan maaapektuhan ang career mo? Baka kasi —"
Umiling ako. "Trust me. It will not affect my career. In fact, baka matuwa pa ang mga fans ko sa bago kong look. It can be a trending topic on Twitter, imagine the things the simple haircut can do to my career," muli ko siyang nginitian.
"Pag-uusapan ka ng mga tao," aniya.
I clasped my hands. "Bullseye! That's what will happen. Isipin mo na lang na isa ito sa mga halimbawa ng good publicity. Kailanman di naging bad publicity ang hairstyle dahil iisipin ng mga tao na alam mo na, it's fashion."
She started laughing. "Fine, nakumbinsi mo na ako. Pero please lang, Allan. Sa susunod wag mo nang uulitin yung pabigla-bigla mong desisyon. Baka atakihin ako sa puso nito," she put her hand on her chest.
Natawa ako sa reaksiyon niya. "Sige. Ngapala, nasaan na yung ice cream?"
Sumimangot siya. "Bibili na sana ako nung magkita tayo pero dahil sa ginawa mo nainis ako. Kaya i-treat mo ko ngayon."
Napakamot ako ng ulo, at medyo nanibago na wala na akong makamot na buhok. Looks like I need to do a lot of adjusting.
"Can't say no to that. Tara, palamig muna tayo."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top