14
Matapos ang masarap at may kabigatang tanghalian ay agad na kaming dumiretso sa barbershop na ilang metro lang ang layo mula sa diner na kung saan kami ay kumain.
Medyo tirik na ang araw at nararamdaman ko na ang init ng ulo ko dahil sa suot kong peluka. I was on the verge of scratching my head but my mind keeps telling me to endure the final moments of that wig. 'Mamaya kalbo ka na'
Dahil oras na pumasok ako sa loob ng barbershop. This wig will be nothing but a piece of used prop.
Nakita kong nag-uunat ng mga braso si Alyssa nang maglakad kami papalapit sa barbershop. "Ang sarap ng kinain natin kanina, sulit yung presyo."
"Sulit, pero dahil dun, mas maraming fats akong kailangang tunawin. Magwo-workout agad ako nito pag-uwi," aniko habang hawak ang tiyan ko.
Alyssa gently tapped my stomach. "Yang bilbil mo, mawawala rin yan agad kapag nag-workout ka. Kaya enjoyin mo muna tong araw na to, don't limit yourself. Kain lang nang kain."
"Kakain tayo mamaya, pag nakarating tayo sa resort," ang sabi ko pa sa kaniya.
"Sabi mo yan ha," she nudged me.
Tumango ako. "Kailan ba ko humindi sa 'yo. Of course we'll eat nonstop later."
"Deal."
Tumigil kami sa harapan ng barbershop. I stared on the sign for a short moment, thinking if I should be doing this. I mean, handa naman ako sa plano namin ni Alyssa pero hindi ko pa rin maiwasang mapaisip kung magwo-work ba itong gagawin naming dalawa.
I had done a disguise back then and it ended up in a bittersweet way. That's why I want to make sure if cutting my hair will do some change at this moment.
"This is it, ready ka na?" kinulbit ni Alyssa ang braso ko.
"Tingin mo gagana talaga 'to?" napakamot na ako ng ulo dahil sa init. "Siguradong mahahalata nilang wig tong suot ko."
"Ako nang bahalang kumausap sa gugupit sa buhok mo. Gusto ko lang naman makita mo kung anong itsura mo kung kalbo ka, unless you want to keep it that way?" she was looking on the wig that I'm wearing.
Nagkibit-balikat ako. "Well, naiintindihan naman kita. Sige na, game na ako."
Alyssa smiled at me and that smile made me feel giddy. Ewan ko ba, it's like being with her gives me that sensation that I can break through walls and crush everything that will stand before me.
Yung mga ngiti niya, yung simpleng pagtawa niya, nakaka-inspire. Kaya tuloy lahat ng kaba na naramdaman ko sa gagawin ko ngayon e agad na naglaho.
Her words enforced me to become more spontaneous than I usually do. Which I would say is not bad after all.
Pumasok kami sa loob, binuksan ko ang pintuan at si Alyssa ang pinauna ko.
Kung anong init sa labas ay siyang biglang inilamig naman sa loob ng pagupitan dulot ng centralised air-condition system nila rito.
May walong mga upuan kung saan uupo ang mga customer at apat sa mga iyon ang okupado sa mga oras na 'to. Karamihan sa mga barberong walang ginugupitan ay nagbabasa ng diyaryo samantalang ang natitira ay abala sa panunuod ng basketball show sa TV.
"Perfect," narinig kong bulong ni Alyssa. "Doon tayo sa dulo."
Hinila ni Alyssa ang kamay ko para sumama sa kaniya sa bakanteng manggugupit na nasa dulo. Si kuyang manggugupit ay abala sa panunuod ng tv, narinig pa namin ang mga bulong niya na sana manalo yung team na tinayaan niya ng singkuwenta.
Alyssa grabbed his attention. "Manong, papagupit ho sana itong kasama ko."
Agad na tumayo si manong at humarap sa amin. He looked at me then to Alyssa. "Sige boss, dito," he asked me to sit down.
Umupo ako gaya ng sinabi ni manong at pinagmasdan ko ang itsura ko sa salamin. I looked really different and it made a perfect disguise for me.
Naisipan ko tuloy na paano kaya kung magpakalbo nga ako? The chances are high that nobody will recognise me that easily, lalo na at nasanay sila sa itsura ng buhok ko.
I saw the other customers getting their own haircuts. May ilang nakapikit at may isang nakatitig sa reflection niya sa salamin. Based on that customer's expression, he's probably wondering if getting a faded hairstyle was a good idea.
Meanwhile, Alyssa was busy talking to the barber. Halata sa mukha ni Alyssa na medyo nahihirapan siyang pakiusapan si manong dahil kumukulot ang noo nito na tila naguguluhan sa mga sinasabi niya.
"Ito ho kasing kasama ko, hindi pa ho siya nakakapagpakalbo dati, e sabi ko kung gusto niyang ma-experience na magpakalbo edi magpakalbo siya. Pero ayaw niya raw kaya ho naisipan ko na pagsuotin siya ng wig tapos yung buhok po sa wig na suot niya ngayon yung gugupitan ni'yo po ng buhok," hinawak-hawakan pa ni Alyssa ang wig na suot ko.
Medyo nakuha naman ni manong ang punto ni Alyssa kaya't tumango na lang siya at lumapit sa akin. "Siya sige, gagawan natin ng paraan 'yan."
"Salamat ho," Alyssa clasped her hands and is about to hug the barber.
Mabuti na lang at nakapagpigil siya ng kaniyang emosyon dahil pagtitinginan kami rito kung sakaling yakapin niya nga si manong. I will laugh of course if that happens.
Lumapit si Alyssa sa akin. "Hintayin na lang kita sa labas, hahanap lang ako ng mabibilhan ng ice cream. I think may convenience store few blocks away from here," lumingon sa kaniyang likuran si Alyssa. "Basta, sa labas na lang tayo magkita. Enjoy."
Tumango ako. "Sige, wag ka lang paliligaw."
Tumawa siya. "As if namang maliligaw ako," and off she go.
Nang makalabas na si Alyssa ng barbershop ay agad akong tumingin sa repleksiyon ko sa salamin. Nang makita ko ang itsura ko at ang suot kong wig ay bigla akong nakaramdaman ng bugso ng damdamin.
I feel like this is the moment that I'll do something more spontaneous than what I've done already. Kaya bago pa simulan ni manong ang paggupit sa buhok ng wig na suot ko ay kaagad kong tinanggal ang wig sa ulo ko.
Walang nakapansin sa mabilis kong pagkilos bukod kay manong. He was even surprised of what I did like he's ready to do his job already.
"Manong, pakikalbo ho talaga ako," ang sabi ko sa kaniya.
I just want to surprise Alyssa. I want her to see what I'm going to do.
Tumango lang si manong bago niya kinuha ang mga gamit niya para simulan ang kaniyang trabaho. At habang nakatingin ako sa repleksiyon ko sa salamin, unti-unti kong napagtanto na walang masama sa gagawin kong ito.
I want to experience this and I'll be experiencing this today.
That's when I hear the razor getting to life, as it cruises above my head, without a wig, cutting every strands of hair that I have...
Inabot ng humigit-kumulang kalahating oras ang paggupit sa akin ni manong. Inayos niya talaga ang bawat gupit na ginagawa niya maging sa pagpahid ng cream sa ulo ko na hindi ko pa alam kung ano ang tawag.
He just told me that he's putting that cream on his customer's head if they only got their first bald cut happen. At dahil ito ang first time ko, he told me some tips on how should I adjust considering that I've never tried it before.
Habang ginugupitan niya ako kanina, napaisip ako kung anong magiging reaksiyon ng mga taong nakakakilala sa akin. I'm not worried even if miss Becca would scold me once she saw my hairless head.
Siguradong pagsasabihan niya ako dahil wala sa mga roles na kasalukuyang pino-portray ko ang magpapakalbo sa istorya. Should I be regretting what I did? Maybe there's a pinch of hesitancy in my mind right now but this is much better than letting this unplanned escape ends up getting bland in my opinion.
Like a plot twist, for Alyssa.
Hanggang sa marinig ko na lang mula kay manong ang isang katanungan na hindi ko inasahang itatanong niya.
"Puwede bang magtanong? Habang ginugupitan kasi kita, may napansin lang ako," nakatitig ang kaniyang mga mata sa akin.
"Ikaw ba si yung sikat na artista, si Allendale?"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top