12
That's it.
We're all finally set to start our roadtrip. Plinano na ni Alyssa ang lahat ng dapat naming puntahan. And the first location that she wants us to go was into the nearest souvenir shop in this area.
May nakita naman kaming malapit na shop at aminado akong hindi ko inasahan ang mga makikita ko roon. Aside from weird materials that I've never seen before, there are some other items that I think is connected with witchcraft.
I don't know if dreamcatchers are a thing for witches but there's a lot of them hanging inside by the window.
"First time mo pa lang bang makapunta sa ganito?" Alyssa had asked me while she's looking for some items at the props section.
Marami roong mga iba't ibang style ng wig na madalas kong nakikita sa props department tuwing may shooting akong pinupuntahan.
I casually nodded at her. "Hindi ako mahilig bumili ng souvenirs. So, yeah, first time."
I looked around, searching of something interesting that will catch my attention. Unfortunately, none of the items here is good enough for my taste. Kung hindi generic, masyadong weird, at kung hindi naman weird, masyadong mahal para sa gano'ng klase ng item na hindi mo naman talaga kailangan.
Like lucky charms? Are those items worth a souvenir? Unless the tourists wants something supernatural then it's probably is. But for me, a natural person, lucky charms are not appealing.
"Alin sa mga 'to ang gusto mong subukan?" Alyssa showed up in front of me while holding two different wigs from each of her hands.
Isang kulay itim na short straight hair sa kaniyang kanang kamay at isang long blonde hair naman ang sa kaliwa.
"Hmmm, kailangan ba talaga? I mean, magpapakalbo naman ako suot niyan."
Alyssa looked at me, "Of course you will need this. Aba'y lalabas tayo ng shop na to na suot mo ang isa sa mga wig na to. Pumasok ka rito as Allendale, you'll come out as another person. So come on, pick," lumapit siya sa akin at saka ipinakita ang hawak niyang mga wig. "Itong maiksi lang, o itong mahaba? If I were you, I'll go with this long hair. Sexy and daring," she winked at me.
I know how awkward it is to see yourself wondering what hair you should wear next. Aside from looking normal with that short hair, the longer ones gave me an idea of complete disguise. Like nobody had ever seen me with a long hair before.
Because never in my life I will choose to grow my hair that long. Hindi bagay sa akin at masyadong mainit sa ulo kung sakaling susubukan ko. Kahit nga na maiksi ang buhok ko, init na init pa rin ako kadalasan.
"Yung maiksi na lang, mas presko sa ulo," I pointed on the short black wig.
Alyssa smiled. "Okay. Anyway, may iba ka pa bang gustong bilhin?"
I looked around. "Wala e."
"Well, ako meron. Hawakan mo muna tong wig, I just have to search something to buy for myself. Souvenir." Masiglang sambit ni Alyssa bago niya iwan sa akin ang maiksing wig na pinili ko.
As she left me alone and wander around the souvenir shop once more, I just decided to look for something that I could buy as well. Total souvenir shop naman ito, it won't hurt if I buy something to keep.
First time ko namang umalis nang walang pagpaplanong ginawa at ang bagay na mabibili ko rito ang siyang magpapaalala sa akin na nagawa ko 'to.
That I've been a runaway even for at least once in my whole career. Dahil baka sa pagbalik ko ay hindi ko na magawang gawin ang pag-alis nang walang paalam dahil sigurado akong hihigpitan na ni Rebecca ang pagbabantay sa akin.
I went back to the weird part of the souvenir store. Doon ay ako lang ang mag-isang naghahanap ng item na magugustuhan. Well, kami lang naman ni Alyssa ang kasalukuyang customer nila rito kaya solong-solo naming dalawa ang magliwaliw sa loob ng shop.
It's just weird to see different kinds of craft that none of us will totally buy for some reason. I mean, para sa'n itong mukhang unggoy na sculpture? It doesn't even look special. Aside from its random markings, the only distinguishing thing about it is a signature underneath it that says, Wichita 1999.
It's really weird for me to display something like this in my house.
Tipong gigising ka sa umaga, tapos paglabas mo ng kuwarto, bigla mo na lang makikita ang sculpture ng unggoy na iyon sa salas at bigla ka na lang mapapaisip kung bakit, at sa anong dahilan ba't mo iyon binili.
I walked away of the weird part of the souvenir store and went to the quite normal ones. Yung mga shelf na naglalaman ng pins, mga picture frame, keychains, and other cute stuff that tourists really loves to buy as a gift to their loved ones.
There, I found several items that immediately caught my attention. I saw a blue pendant engraved with a well-known saying, 'Quod Erat Demonstrandum' translated into 'Which was to be proved.'
I like it, and I picked it up. "Magugustuhan ni Alyssa 'to," bulong ko habang tinatanaw sa kalayuan si Alyssa na abala sa paghahanap ng souvenir na balak niyang bilhin.
I imagined her wearing this pendant on her neck. It will match perfectly with her soft skin, contrasting the smoothness of her body. If only I have no reputation to uphold, I would let myself do something scandalous with Alyssa.
Napailing na lang ako dahil sa naisip kong kahalayan. I should stop entertaining my lustful desires. It is quite unhealthy for me.
I looked for more items to consider buying but found nothing more special than this necklace. Agad ko na lang na pinuntahan si Alyssa habang abala siya sa pagpili kung ano ang bibilhin niya sa dalawang item na hawak niya sa magkabilang-kamay.
"Uy, Allan. What do you think should I buy?" she showed me the two items.
Sa kaliwang kamay niya ay may hawak siyang snowglobe habang sa kanang kamay naman niya ay may nakapatong na locket.
"Ikaw, ano bang trip mong bilhin?" I asked her.
She stared at me before looking down on the items that she's holding right now. "Well, maganda kasi tong snowglobe. Plano kong i-display sa kotse ng daddy ko. Ito namang locket," she opened it and showed me that it's empty. "Balak kong lagyan ng special na picture nating dalawa. Like remembrance na nagkasama tayo."
Napangiti ako matapos niyang sabihin ang rason kung ba't iyon ang plano niyang bilhin.
"Ba't di mo bilhin parehas?" ang tanong ko sa kaniya.
"Well," she looked at the items she's holding. "You're right, bilhin ko na tong dalawa. Tapos mamaya, pa-picture tayo," she smiled at me.
"I'm game for that, and oh," agad kong ipinakita sa kaniya ang pendant na nakita ko kanina. "Balak kong bilhin to para sa'yo."
"Talaga?" she took the pendant from me and looked at it with curiosity. "Ang ganda. S'an mo nakita 'to?"
"Doon sa shelf sa banda r'on, nagustuhan ko kasi yung naka-engraved sa pendant. Kaya kinuha ko na. Anong masasabi mo?"
"I like it. Lalo na at galing 'to sa'yo," ang sabi niya pa.
"Masaya ako at nagustuhan mo yan. Hindi kasi ako magaling mamili ng regalo," napakamot ako ng ulo.
"Ano ka ba. Lahat ng regalo, espesyal para sa taong pagbibigyan mo. Lalo na kung yung pagbibigyan mo, e itinuturing kang espesyal sa buhay nila. Gaya nito, you're giving me something that one of your greatest fans will be dying to have, tapos ako itong makakatanggap ng regalo mula sa'yo. That's why this is special." Her smile didn't fade away.
Ngumiti na lang ako dahil hindi ko alam ang sasabihin ko sa kaniya. Iniisip ko kasi kung anong itsura niya kung sakaling suotin niya ang pendant na iyon.
She would look like a beautiful lady, one thing that I'm sure of.
"Thanks," aniya.
Then my attention was caught by the door of the shop, opening. May isang babae na pumasok sa loob, at agad na nagtungo sa weird part ng shop na ito.
"Tara na, baka may makakilala sa'yo rito," ang sabi ni Alyssa sa akin bago niya hilahin ang kamay ko at dalhin sa counter.
Habang naglalakad kami ay napapansin ko na nakatingin si Alyssa sa babaeng kapapasok lang sa loob ng shop. On the other hand, the stranger kept herself busy by herself, not giving any attention to us.
Nakahinga naman ako nang maluwag dahil hindi niya ako napansin. If she's one of my fans, then all hell would break lose. Isang post lang sa Facebook na kasama nila ako, siguradong may mga fans akong hahanapin ako lalo na kung nasa malapit lang sila.
Fortunately, Alyssa is taking control of the situation. Alam niya kung ano ang dapat gawin. Imbes na magtagal kami rito ay agad niyang binilisan ang pagkilos.
She paid for the things she had chosen to buy, as well as what I also wanted to buy for myself. Sabi ko pa nga sa kaniya na ako na ang magbabayad ng mga pinamili namin pero siya itong nagpumilit na siya na ang sasagot sa lahat ng bibilhin namin ngayon.
I let her do what she wanted and we immediately left the store and went directly on her father's car. Sa pagpasok namin sa loob ay narinig ko siyang bumuntong-hininga.
"Phew, finally, maisusuot ko na rin 'tong pendant na binigay mo para sa akin," ang sabi ni Alyssa matapos niyang ilabas ang pendant mula sa box na pinaglagyan nito.
She looked at me and winked, "Can you do the honor?" natatawa niya pang tanong sa akin.
Napangiti ako at agad na kinuha ang kuwintas sa kamay niya. "Siyempre naman, ako naman talaga dapat ang maglalagay nito sa leeg mo."
I don't know but I think I saw a hint of smile on her lips when I managed to put the necklace around her neck. Tumingin siya sa salamin at pinagmasdan ang sarili nang ilang segundo bago niya ako lingunin at pasalamatang muli.
"Thanks, na-appreciate ko talaga 'to."
"No problem. Anyway, s'an tayo?"
She looked at her phone. "Well, before we go to the nearest barber shop. I want you to wear this first."
Inilabas niya ang wig na binili namin kanina. Its the short black hair that I've chosen and it looked inviting in my eyes.
"I see," I took it from her and started to place and arrange it on my head. "Pa'no ba to?"
"Wait, let me help you."
Si Alyssa ang naglagay ng wig sa akin. She carefully placed it on my head as if she's one of my professional hairstylist. Kung pa'no siya kumilos ay kahalintulad din ng paraan kung pa'no ako ayusan sa dressroom ko ng mga professional stylers.
Habang inaayos niya ang wig sa ulo ko ay pinagmamasdan ko lang ang pag-indayog ng kuwintas sa kaniyang leeg. I didn't look lower than that as I am not a pervert.
Di kalaunan ay agad ko ring inilihis ang tingin ko sa kaniyang likuran lalo na at baka mapansin niyang kung saan-saan na nakakarating ang tingin ko. I don't want to make her think wrong of me, now that she knows I am a decent person.
"Ayan, ayos na."
Muling umupo si Alyssa at itinutok sa akin ang rearview mirror. "You looked a lot different than before, medyo hindi ka na gan'on ka-Allendale. Kung makikita ka ng mga tao, iisipin nila na ka-look-alike ka lang ni Allendale. Right, Allan?"
Tama si Alyssa. Base sa itsura ko sa salamin ay hindi ko nga maipagkakailang nagbago nga ang dating ko kumpara sa dating itsura ng buhok ko. I looked like I'm one of my fans who is trying to imitate my look, which I would say, he did pretty well.
Napakamot ako ng ulo at naramdaman ko ang kakaibang sensasyon sa kamay ko nang dumampi ang mga daliri ko sa anit ng peluka na suot ko. It felt strange having to touch an artificial scalp on your head.
"Mukhang ayos nga," aniko.
"Gusto mong kuhanan kita ng picture?"
"Sige."
Then she pulled out something from her bag that was sitting on top of the seat. "Thanks God, I brought my camera."
It was a digital camera, looks old but still working. Halata na madalas itong gamitin ni Alyssa dahil sa mga bakas ng gasgas sa gilid nito, it was used so many times before and I wonder how many pictures did it take.
At sa pagkakataong iyon ay napaisip rin ako kung ano ang mga litratong nakuhanan ng lente ng camera na iyon.
"You're always prepared," bulong ko pa. Dahil minsan ay naisip kong sana pala pati ako laging handa, hindi yung sumasabay lang ako palagi sa agos ng tubig.
Alyssa smiled. "My mom told me to always bring a camera wherever I go. Para daw kung sakaling emergency, e may evidence kaming magagamit. You'll never know at this point in time. Maraming puwedeng mangyari, gaya ng pagkikita nating dalawa."
I was glad we've met. "Same, same."
Then she raised her hands holding the camera that is pointing towards us. "Say cheese," aniya.
And we both smiled rather than saying it.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top