11

We've found Sam's place. Technically, Alyssa found it herself with her sleuthing prowess.

Tama nga si Alyssa at may paraan siya para malaman ang lokasyon ng isang tao. She did use some of Samantha's Facebook posts to collect data about her exact location and previous whereabouts.

Finally at nalaman namin kung saan ko siya muling makikita. It's just a mile away from the resort that I was talking about. It's convenient for me and Alyssa. Dadaanan lang naman namin saglit si Samantha then we're off to go.

Somehow, there's a feeling of mixed excitement and worry going on inside of my head. Sa dinami-rami ng taong gusto kong makita, ba't si Sam pa?

I really wonder why.

Ano bang meron si Sam na wala ang iba?

Why is she so special that even until now, I still hold this kind of mysterious attachment to her. Is it because she's the first person I have really liked? Or is it because of my feelings that ended up unrequited?

Hay, baka gusto ko lang talaga ng closure. That maybe saying my feelings to her will change everything. I just want to know what she would say to me in return.

Did she like me on or before leaving her, or it's just my fantasy?

Ewan. Basta ang mahalaga ngayon, malapit na ulit kaming magkita. Sa tinagal na rin ng mga panahong lumipas, siguradong marami na ang nagbago. Marami na ang nadagdag at nawalang mga tao sa buhay naming dalawa.

I went out of her orbit too far. But I really hope it's not too late to come back again.

"Maliligo lang ako," nagpaalam ako kay Alyssa.

I need to take a shower. Mahaba ang ibabiyahe namin ngayong araw at hindi maaaring mangamoy pawis ako sa gitna ng biyahe. It doesn't feel comfortable, lalo na at pawisin ako.

There's no deodorant with me right now. Naiwan ko ang lahat sa sasakyan ko. Unfortunately, my car is still with my crew, so I guess I'm quite fucked up.

Time to trust my proper hygiene, check.

Meanwhile, Alyssa is just busy with her phone. She's looking on her map app and she's tracing the route that we would take later on. Abala siya sa ginagawa niya at simpleng tango lang ang itinugon niya sa bawat tanong ko sa kaniya.

Agad akong nagtungo sa banyo at naligo. There are fresh set of clothing inside the cabinet of this unit's bathroom and I wore them after having a shower.

The water was cold, and there's no heater to warm its freezing temperature.

I went outside, topless, while drying my hair with a towel. This time, napalingon na sa akin si Alyssa. And for a quick second, her eyes widened as she sees my body.

"Ba't parang nakakita ka ng multo?" natatawa kong tanong.

She didn't respond immediately.

"Chill, hindi naman lahat ng artistang lalaki may abs. There are actors like me who doesn't have that," aniko habang hinihimas ang tiyan kong walang abs.

"Pero may plano naman akong magkaroon ng abs. I'll have my diet soon," nginitian ko lang si Alyssa.

Geez, why am I babbling too much.

But Alyssa didn't react to what I've just said, she pointed to my waist instead. "Anong tattoo yan?"

Napatingin ako sa tattoo na nasa bandang beywang ko, just a few inches above my V-line. It's visible enough when I'm wearing nothing on top.

My tattoo is simply an illustration of a burning beehive.

"Ito ba? Ano lang namin 'to noong highschool pa ako. Sort of club. Na may pagka-fraternity," aniko.

"Fraternity? Member ka ng frat?" gulat niyang tanong sa akin.

Agad akong umiling. "It wasn't like that. Sabi ko, parang fraternity, brotherhood. Pero walang hazing na ginaganap. Doon kasi sa pinasukan kong highschool university e may club na dapat salihan. Lahat ng mga estudyante e mandatory na sumali sa isang club o higit pa."

I showed him the whole tattoo without lowering my pants too low.  "And here's the mark of the club na sinalihan ko. Isang nasusunog na beehive."

"Ba't naman nasusunog na beehive?"

"Ang sabi ng leader namin noon, sumisimbolo raw siya sa amin bilang mga bubuyog na hindi mapipigilan ng apoy. Kasi alam mo naman na kapag pinausukan ang bahay ng bubuyog, maraming mga bubuyog ang mamamatay o di kaya'y aalis. Kaya ang tattoo na to ang nagpapa-alala sa amin na kahit anong mangyari, hindi kami magkakawatak-watak kahit na masunog pa ang beehive namin," aniko.

Samantha walked into my direction, nakatitig ang kaniyang mga mata sa aking tattoo.

"Puwede ko bang hawakan?" ang tanong niya sa akin.

I looked around, then I nodded. "S-sige."

Halos pigilan ko ang paghinga nang naramdaman ko ang pagdampi ng kaniyang palad sa aking katawan. She didn't move her hand but I know she's admiring the beauty of my tattoo.

"Nakaka-miss," aniya.

"Ang alin?"

Tumingala siya sa akin. "I was a member of a theatre club before. Isa ako sa mga props women ng grupo. I usually paint stuff. At ang pagta-tattoo ay isa sa mga ginagawa ko noon," she lowered her gaze back to my tattoo again. "Kaya nang makita ko 'tong tattoo mo. Talagang na-surprise ako dahil ang ganda ng pagkakaguhit nito. The lines, the texture of your skin. Nag-match parehas kaya ganito kaganda ang resulta."

Dahan-dahan akong tumango. "May tattoo ka ba?"

Agad siyang umiling. "Ako? Wala. Wala akong balak magpa-tattoo. Ang gusto ko, ako yung maglalagay ng tattoo," napangiti siya.

Hindi ko maiwasang makaramdam ng kaunting hiya. I'm standing in front of her half naked, and all she's talking about is the importance of the beauty of a tattoo.

"Anyway, kahit wala kang abs, macho ka pa rin namang tingnan. Amputi mo pa naman," tumawa si Alyssa at agad siyang tumayo at naglakad pabalik sa kinauupuan niya.

"Thanks," I honestly feel good of what she said.

Little did she know, medyo insecure ako dahil hindi ako buffed gaya ng mga kapwa ko sikat na mga aktor. Most of them are having a huge allocated time to workout, samantalang ako naman ay nasa condo lang, nagbabasa ng mga libro o di kaya'y naghahanda para sa mga susunod kong projects.

Buti na lang at hindi ako tinawanan ni Alyssa. Her compliment did lighten up my morning so far. Hindi ko makakalimutan ang mga salitang sinabi niya.

Habang isinusuot ko ang damit na nakita ko sa banyo ay bigla na lang napatingin sa akin si Samantha. Her eyes are wide again but now it looked like she had an idea in mind.

"Wait, I didn't expect na wala kang abs. Kaya naisip ko na what if, yung disguise na gagawin natin for you is something that will make you look like not you?"

Napangiti ako. "That's the whole sense of disguising, you know?"

"I know. Pero may mga ideya lang ako kung pa'no natin mapu-pullout to. I mean, maraming artista na sinubukang mag-disguise pero hindi pa rin nakatakas sa mga paparazzi na sumusunod sa kanila di ba? So, ang naiisip ko, pa'no natin gagawin ang disguise mo without just using makeup?"

I shrugged. "Hindi ko alam. Sinubukan ko na nga di ba dating mag-disguise, pero hindi naman ako nagtagumpay gaya nga ng sinabi mo."

"Yung buhok mo," itinuro niya ang buhok ko. "Nasubukan mo na bang magpakalbo?"

"Magpakalbo?" I was caught off guard. "H-hindi pa. Pero isa yun sa gusto kong masubukan."

"Gusto mong i-try?" ang sunod na tanong niya sa akin.

Napakamot ako ng ulo. I did want to try it but I can't do it right now. Sa ngayon kasi, ang buhok kong ito ang isa sa mga greatest assets ko. It makes me look innocent and at the same time, naughty.

"Gusto, pero hindi ako puwedeng bigla na lang magpakalbo. Signature hairstyle ko kaya 'to," aniko.

Dahan-dahan siyang tumango. "That makes sense. Hmmm," she acted like she's thinking deeply.

Nakahawak siya sa kaniyang labi habang nakatitig sa sahig. Maya-maya lang ay tumingin siyang muli sa akin, her eyes glistened as she prepared to speak.

"Noong nasa theatre club ako, may ginagawa kami para pagmukhaing kalbo yung gaganap na kalbong character. We called it, wig reconstruction."

Napakunot ako ng noo sa kaniyang sinabi. "Wig reconstruction?"

She smiled. "Well, crafty ang karamihan sa members ng theatre club lalo na sa props group. Kaya naisipan nila na para makatipid sa makeup ang isang actor e magiging adaptive sila sa mga resources na meron kami. At sa panahong iyon, marami na kaming mga wig na kailangan nang i-replace, kaya may naisip kaming paraan."

"Pa'no?" ang tanong ko.

"Wig reconstruction, as we call it, is simply just making the actor wear it and have all of its hair to be cut out. At kapag wala ng buhok yung wig, ang gagawin lang namin ay lagyan ng finishing touches ang mismong wig niya. Like blending the color of the skin, at ako ang gumagawa no'n," kumindat sa akin si Alyssa.

"Seryoso, kaya mo?"

She glared at me. "Bakit? Sa tingin mo ba hindi ko kaya?"

Agad naman akong umiling. "N-no! That's not what I mean. Curious lang ako kasi masyadong mahirap yung ginagawa mo lalo na kung baguhan ka pa. Marami na rin kasing makeup artist na nag-makeover sa akin sa mga shooting na pinupuntahan ko and yet they're struggling to find the perfect way para sa ganiyang klase ng mga makeup."

Bumuntong-hininga siya. "Look, Allan. Hindi sila nahihirapan sa ginagawa nila. It takes time to perfect something like that. Hindi naman kasi puwede yung mindset na puwede na yung 'puwede na' sa larangan ninyo. Kaya kung iniisip mo na nahihirapan sila dahil nababagalan ka sa kanila, nagkakamali ka."

I almost flinched upon hearing what she said. Hindi ko inaasahan na gano'n ang isasagot niya. I mean, she's right. No doubt about that. I just can't believe that she had the audacity to speak like that to me—not that I hated it, in fact, I like her audacious personality.

Mula kagabi ay hindi siya nahirapang kausapin ako. She treated me the way how a normal person would treat others. Walang halong kamalisyosohan at lalong walang halong lihim na intensiyon.

Alyssa is just being Alyssa.

Napangiti tuloy ako sa sinabi niya. "Alam mo, tama ka. Now that you've said it, pasasalamatan ko sila sa magandang serbisyo na ibinibigay nila sa akin."

Alyssa nodded her head. "Well, that's not bad to do after all. Good for you, Allan."

"Anyway, what's the plan?"  sunod kong tanong sa kaniya matapos kong maisuot ang damit ko.

Tinitigan niya ako sa mata. "You know, kailangan nating bigyan ka ng new style. Disguise. At gagawin ko yung naisip ko para sa iyo."

"Seryoso ka ba talaga sa bald look?" natatawa kong tanong sa kaniya.

For real, I didn't know what to expect if I was bald. I mean, it's certainly a part of my bucket list. Pero hindi pa ako gano'n ka-confident na magagawa kong ma-pull-off ang gano'ng klase ng hairstyle—walang buhok rather.

Biglang naging seryoso ang reaksiyon ng mukha ni Alyssa. "Oo, seryoso ako. Pero nasa iyo ang desisyon, do you want a bald look or what?"

Dahil sa tanong niyang iyon ay hindi ko maiwasang biglang mapalunok habang hinahawakan ang aking buhok. I mean, she's not going to cut even at least one strand of my hair right?

So I finally decided.

"Okay, let's see how I look if I'm completely hairless."

Did I just saw her smile?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top