10
Nakatulog ako nang mahimbing.
Sa sobrang himbing ay hindi ko namalayan na umalis pala si Alyssa. I woke up seeing her note on top of the bedsite table.
She told me she's just about to buy us coffee.
Napangiti ako dahil akala ko ay tuluyan na siyang umalis. Iyon naman pala ay bumili lang siya ng kape. That gives me an idea that she's grown comfort with me and she's treating me like a common guy instead of being a famous actor.
The next thing I do is turn my phone on. To my surprise, Rebecca hadn't called me after I turned my phone off. Mukhang nakatulog na siya makalipas ng alas-tres ng umaga.
Unfortunately, lots of unread messages has been stored in my inbox. Si Rebecca pa rin ang nag-text no'n and she'll never stop sending messages to me until I respond to them.
But what can I do? I don't want to ruin the mood yet. Kung sakaling sagutin ko ang manager ko, she would probably threaten me about my career, about my future as Allendale Rodriguez.
Minabuti kong wag muna siyang intindihin. Susulitin ko muna ang araw na ito as my very own ditch day.
Biglang bumukas ang pinto at pumasok si Alyssa na may dalang dalawang plastic cup na umuusok-usok pa. "Tamang-tama at gising ka na. Good morning, bumili lang ako ng kape sa labas."
Tumingin ako sa note na iniwan niya. "Nabasa ko nga yung note na iniwan mo."
She shrugged. "I always leave notes whenever I leave. Nag-iwan din naman ako ng note para kay mama bago ako umalis ng bahay. Anyway, heto ang kape na sinasabi ko. Tara't magkape habang mainit-init pa."
I smiled. "Nagkakape ka pala. Akala ko hindi."
"Of course. Ba't naman ako hindi magkakape?"
"Hindi lang halata sa itsura mo."
Alyssa smiled. "Bakit, ano bang itsura ng mga taong nagkakape?"
"Well, it depends. Gaya ko, mahilig ako sa kape dahil kailangan ko ng pampagising. Madalas kasi sa schedule ng mga shooting ko ay gabi, minsan madaling araw. Kaya ending, iinom ka talaga ng kape kahit ilang tasa pa ang maubos mo."
"Hmmm, same as college life," umupo si Alyssa at ipinatong ang dala niya sa mesa malapit sa mga pinagkainan namin kagabi. "Magigising ka ngayon sa kapeng 'to kung gano'n."
"Exactly."
Tumayo ako at sinamahan siyang magkape.
"So anong plano?" tanong niya sa akin.
"Pupunta tayo sa beach."
"Saan?"
"I have an idea. Gusto mo bang mag-island hopping?"
Bahagya siyang tumango. "Oo, pero masyadong mahal yung gano'n. Di kaya ng budget ko."
"Well—"
She raised her left hand to stop me. "No. Hindi ibig sabihin na kasama kita sa biglaang bakasyon na 'to ay ikaw na agad ang gagastos para sa ating dalawa. Gusto ko rin sana ng island hopping pero hindi ba puwede yung simple lang?"
Dahan-dahan akong tumango. "Kung 'yan ang gusto mo. Edi sa Paradiso resort tayo. Malapit lang 'yon sa hometown ko. May balak din akong puntahan doon kaya sulit kung doon tayo pupunta."
Tumango si Alyssa. "Sure. Anyway, ano bang pupuntahan mo ro'n?"
"It's not a place. Pero isang tao na naging parte ng buhay ko noon."
She looked at me with a curious expression in her eyes. "Ex mo?"
Umiling ako. "Sana naging ex ko man lang siya. Pero hindi. We've never been a thing. Napakatorpe ko kasi para sabihin ang nararamdaman ko sa kaniya noon. Kung uso lang yung linyang 'sana all' noon, baka iyon ang lagi kong sinasabi."
"Ba't ka naman naging torpe? May itsura ka, tsaka kung sinuman ang babaeng iyon, ang suwerte niya't nagkagusto ka sa kaniya."
"Well, sadyang hindi ko lang alam ang gagawin ko noon. 18 pa lang ako no'n no, nagtatrabaho ako sa isang manufacturing company bilang production worker. Tapos doon ko siya nakilala, contractual worker din gaya ko. Nagustuhan ko siya, pero hindi ko masabi na gusto ko siya. Sa totoo nga niyan, iniwasan ko siya dahil sa crush ko siya."
Sumimsim ng kape si Alyssa. "Relatable. Ganiyan din ako noong highschool ako. Yung crush ko iniwasan ko rin para hindi ko siya harapin. Di ba?"
"Yeah. Gusto ko kasing mapansin niya na iniiwasan ko siya. Para naman malaman ko kung may concern ba siya sa pag-iwas ko. Pero bago pa iyon mangyari, dumating na nga yung opportunity para mag-artista ako, kaya doon natapos ang lahat. Nag-resign ako sa trabaho at nag-focus sa pag-aartista."
"So balak mong bisitahin yung babaeng iyon hoping na may pag-asa ka pa sa kaniya?"
Hindi ko siya masagot ng diretsahan. "Puwede. Pero hindi naman sa gusto kong maging kami kung sakali. Gusto ko lang siyang kamustahin, bilang dating katrabaho."
"May plano ka pa bang umamin sa kaniya?"
I didn't know it will end up like this, me telling her about Samantha.
"Posible. Pero malamang hindi."
"Kasi torpe ka pa rin up until now?"
"Well..." I trailed off.
Hindi ko siya muling sinagot ng diretsahan. Halos kalahating minuto na ang lumipas at nagtanong muli si Alyssa.
"Baka may gusto ka ng iba kaya hindi mo na sasabihin sa kaniya ang naramdaman mo noon. Kasi kung sasabihin mo sa kaniya, may magbabago kaya?"
Ininom ko na lang ang kapeng dala niya. "Ewan. Gusto ko lang naman talaga siyang makita ulit."
"Sige, sasamahan kita. Daanan natin ang bahay niya—pero teka, alam mo ba kung saan ang bahay niya?"
"Ni Sam?"
"Samantha ang pangalan niya?"
"O-oo. Samantha."
"O sa'n naman ang bahay ni Samantha?"
Hindi ko na naman siya muling nasagot.
"Hindi mo alam? Ano ba naman 'yan Allendale. Akala ko naman alam mo."
"Well, ilang taon na rin kasi ang nakalipas. Ni hindi nga kami nagkausap no'n matapos kong mag-resign sa trabaho. And please, Allan na lang itawag mo sa akin."
"Oh, okay. Allan," sumimsim siya ng kape. "Naintindihan ko naman na hindi mo alam kung anong nangyari sa kaniya, pero pa'no natin siya mapupuntahan kung hindi mo alam kung sa'n siya makikita?"
"Sa Facebook? Baka may mga post siya na puwede nating gamitin as clues."
She looked at me as if she's tired of my own ways of solving something. "Hay, ako nang bahala sa iyo. Just tell me her full name and I'll locate her. Kung mahilig siyang gumamit ng social media, malamang may makita akong trace na naiwan niya."
"Ok," aniko.
"So what's her full name?"
"Samantha," I paused for a moment as I tried to remember her surname.
"Samantha...?"
Then I remembered it. "Samantha Marilag."
She's as majestic as her surname...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top