Best friend

Mystery author

"Ikaw ang pinaka best friend ko" 5 words , a thousand knives to the heart. Masakit diba? Kapag yung mahal mo, ang isip sayo, kaibigan lang. Nothing more nothing less daw. Kahit gaanong kasakit, umaasa ka parin? Ano magagawa natin diba? Kaibigan siya, palagi na lang nandoon. Hindi pa maiwasan. Mabigyan na nga siya ng letter para sa Hogwarts, nagaapparete yata ng walang license. Kung si crush, gustong iwasan, tapos ilang minuto lang,kausap na uli. Pano kaya yun? Ayaw mong umamin, sige lang sa pagtago at umasa. Gusto mong umamin, para mawala na ang bigat sa puso. Gusto mo malaman kung hanggang sa kaibigan ka lang. Pero, nakakatakot kaya, kapag hindi ibinalik yung nararamdaman mo. Baka, masira pa nga yung friendship niyo eh. Kahit sa isip pa lang nga iniwanan ka na, umiiyak ka pa, pano naman sa totoong buhay? Sige, hindi ka umamin, tapos dumating ang "other half" ng mahal mo , tapos sa kasal, best man/maid of honour ka lang. May masuntok ka mamaya, joke! Kapag mahal mo, dapat ang kasiyahan niya ang unahin mo. Pero, sayang nga lang lahat NG sinakripisyo mo. Siguro, sa oras na yun, may mahanap kang iba na mamahalin mo rin. Pero, baka umulit nga lang ang nakakainis na "best friend kita" Haaaay, hayahay ang buhay! So, aamin ka ba? Aasa? O kakanta ng let it go? ( An: napaka walang hiya ) Kasi, minsan mas masakit kumapit at sumakay sa unaasa boat kaysa sa maglet go at move on. Pero bago ka pumili, ask yourself these two things. Is our friendship worth the risk? Will I take the risk?

----------

Mystery author: I was asked to make a collab so here. Sheesh. Why did I agree? Shoutout to those who escaped the friend zone! Teach these to ppl plss HAHA! They could use your advice..

Mystery author: ARWolfy

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top