Kabanata 9: Flores De Mayo
Filipinas, Mayo 1885.
Ang pagsisimula ng bagong buhay.
Flores de Mayo. Ito ang isa sa pinaka-aabangan ng sambayanan sa siyudad ng Cabanatuan, ang pagdiriwang kasi ng pista ay bilang pasasalamat na rin sa Inahang Birhen sa magagandang nangyari sa nagdaan na taon. Masaganang ani, tagumpay sa negosyo, at iba pang maaaring ipagpasalamat.
Mayo rin kadalasang nasisilayan ang pamumulaklak ng mga halamang matatagpuan sa lugar, katulad na lamang ng mga rosas, gumamela, at orquídeas. Mga puno katulad ng mangga, cacao, lansones, kamias, kamatchile, at mansanas.
Nang matapos ang klase kinahapunan ay masasayang lumabas ang buong klase upang bumalik na sa kanilang mga silid, kasama ni Clarita sina Lolita at Ermita. Nauna na sa kaniyang silid si Teodora kasama ang iba pa nitong mga kaibigan, kaya silang tatlo na lamang ang nagsama-sama.
"Ako ay nasasabik na sa kaganapan ngayong darating na linggo! Sino kaya ang mapipili upang ikatawan ang ating paaralan sa gaganaping santacruzan?" tanong ni Ermita, nanlaki bigla ang kaniyang mga mata at napatigil siya sa paglalakad.
Dahil dito ay napatigil din ang dalawa sa paglalakad at napatigin kay Ermita, pumamewang ito at ngumisi. "Alam ko na kung sino ang maaaring magrepresenta ng ating seminaryo!" bulalas nito.
Huminga muna ito ng malalim bago siya muling sumaad. "Iyon ay si—"
"Clarita Abellana!" nanlaki ang mga mata ng lahat ng mga nasa klase nang tawagin ng rektorang si Ginang Lucifera ang pangalan ni Clarita, kaagad namang tumayo ang dalaga sa kaniyang silya.
"Bakit po, Rektora?" kalmado niyang tanong habang may matatamis na mga ngiti sa kaniyang labi, ngumiti naman ang rektora saka tumugon. "Napagpasyahan ng mga kaguruan na ikaw ang itatalaga ng ating seminaryo upang kumatawan sa santacruzan, mabuti pa ay maghanda ka na ng iyong susuuting pang-sagala at humanap ng iyong kapareha."
"Hemos reconocido tu atrevida belleza, al mismo tiempo, eres el mejor alumno de este seminario. ¡Así que mejor te elegimos porque eres una estrella deslumbrante!" (We have recognized your daring beauty, at the same time, you are the top student of this seminary. So we better choose you for you are a glaring star!) ngiti nito, hindi kaagad nakasagot si Clarita sa iwinika ni Lucifera. Kalaunan ay nahimasmasan rin siya nang paupuin na siya ulit.
"Todos ustedes ayudarán para hacer el arco, nuestro objetivo es ganar esto porque en los últimos tres años, perdimos." (All of you shall help for making the arch, we are aiming to win this thing because in the past three years, we lost.) Tango lamang ang naiganti ng mga mag-aaral bago pa tuluyang tumugon ang rektora
"Eso es todo y buen dia." (That is all and good day.) Lumabas ang rektora pagkatapos, pagkalabas nito ay nagsigawan and mga mag-aaral at lumapit kay Clarita habang tuwang-tuwa sa inihayag ng Ginang Lucifera.
"Alam naming magiging ikaw iyon!" bulalas ng isa habang natutuwang pumapalakpak.
"¡Es muy obvio en realidad!" (It is very obvious actually!) saad pa ng isa na tatalon-talon dahil sa tuwang nadarama.
"¡Sí, predecible por el pensamiento!" (Yeah, predictable by thought!) sabad pa ng isa, dito na tuluyang napayuko si Clarita dahil hindi niya alam kung paano mag-uumpisa. Dito na sumabad si Teodora sa mga mag-aaral.
"Ala eh magtigil na nga kayo diya ey! Ala eh tignan niyo nga at hindi makapaniwala si Clarita na siya ang mapipili tapos gagani-ganiyan kayo? Ala eh dios mio!" saad nito, nagsitahimik ang lahat pagkatapos noon.
"Alam niyo dapat, ipaliwanag muna natin kay Clarita kung ano ba dapat ang gawin at kung paano maghanda." Sumabad na rin si Ermita at kinuha ang isang kuwaderno sa kaniyang mesa.
"Inilista ko na dito ang lahat-lahat kahapon pa, at handa kaming tulungan ka dahil espesyal ka sa amin, hindi ba mga kamag-aral?!" wika nito at kalaunan ay bumulalas, nagsingitian ang mga kapuwa nila mag-aaral at malakas na sumigaw ng katagang "Oo!"
"Paano natin siya hindi tutulungan eh siya lamang naman ang dahilan kung bakit napatalsik dito sa seminaryo ang bruha at ang kaniyang dalawang alipores!" sumabad ang isang mag-aaral.
"Tama! Malaki ang utang natin sa kaniya, kaya kahit dito lamang ay mabayaran namin iyon!" masayang tugon ng isa pang mag-aaral.
Dito na nga ibinigay ni Ermita ang kuwaderno kay Clarita, at kalaunan ay binuklat ito ng dalaga upang basahin.
May tatlong dapat isaalang-alang sa gaganapin na santacruzan, hinati ko sa tatlo ang mga ito upang sa gayon ay hindi malito ang bumabasa.
·Ang unang dapat asikasuhin ay ang gagamitin mong damit.
·Pangalawa ay ang gagamiting arko—kami na bahala roon.
·At ang huli ay—kailangan mo ng lalaking kapareha sa santacruzan at sagala.
-Ermita.
---
Malamlam ang liwanag na nagmumula sa gasera, habang isinusulat ni Clarita ang isang liham. Ito ay isang liham patungkol sa kaniyang susuuting damit sa santacruzan, ipinaalam niya na sa kaniyang ama na nasa Maynila ang tungkol doon at humihiling na sana ay padalhan siya nito ng kasuotang na gagamitin.
Nang matapos niya ang liham ay kinuha niya ang manikang regalo sa kaniya ni Eduardo at niyakap ito ng mahigpit, ngumiti siya habang dumudungaw sa labas ng nakabukas na durungawan at pinagmamasdan ang mga kumikinang na tala sa madilim na kalangitan.
Ngunit biglang may narinig siyang kumatok sa kaniyang pintuan.
Napalingon siya sa direksiyong iyon at ngumiti, malamang ay iyon na ang kaniyang hinihintay. Dala ang kaniyang manika ay dali-dali siyang nagtungo sa pintuan at binuksan ito, bumungad sa kaniya ang isang binata–si Eduardo.
Marahan itong bumulong. "Binibining Clarita, bakit niyo po ako ipinatawag sa ganitong oras? Malalim na po ang gabi!" saad nito habang nagmamasid kung may daraan ba sa pasilyo.
"Oo, ito lamang naman ang iuutos ko ngayon," panimula niya saka ibinigay ang liham sa nakasilip na binata. "Nagmamadali kasi ako, pakihulog naman sa kahon ng mga liham sa labas itong liham ko?" utos niya rito, tango lamang ang naitugon ng binata sabay kuha ng kaniyang liham.
Ngunit . . .
Biglaang bumukas ang pintuan sa dulo ng pasilyo at iniluwa nito ang isang babae na may hawak na lampara. Nakapantulog ito at rinig na rinig ang yapak ng kaniyang tsinelas na gawa sa pinaghalong kahoy at katad.
"Si Ginang Lucifera!" bulalas ni Eduardo nang makita niya ang babae, nanlaki naman ang mga mata ni Clarita at kaagad binuksan ang kaniyang pintuan at hinila ang binata papasok sa kaniyang silid.
Sinara niya kaagad ang pinto habang nakahawak sa kamay ng binata, sakto namang humangin nang malakas dahilan kung bakit namatay ang gaserang may sindi. Namalayan nila ang pagdaan ng ginang kaya naman kaagad silang tumahimik.
Nang makadaan ang ginang ay nakahinga sila ng maluwag, dito na rin napansin ni Clarita at Eduardo na magkahawak ang kanilang mga kamay. Nanlaki ang kanilang mga mata at kaagad bumitaw sa pagkakahawak sa isa't isa, dito na rin sila napatalikod dahil sa hiyang nadarama sa kanilang mga sarili.
Walang kaano-ano ay biglaang na lamang napahagikgik si Clarita at humarap siya kay Eduardo, matatamis ang mga tawa na makikita sa kaniyang kumikinang na mga mata. Ang liwanag ng buwan ang nagsilbing liwanag sa silid, kaya naman muling nagtungo si Clarita sa lamesa at sinindihan ang gasera.
Muling nagliwanag ang buong silid, saglit pa ay inilagay ni Clarita ang manikang kaniyang yakap sa isang bakanteng silya at tumingin siya kay Eduardo.
"Malapit na tayo doon, kung nahuli siguro tayo baka kung ano na ang nangyari?" tawa ng dalaga, napangiti naman ang binata at tumugon. "Oo nga po, Binibining Clarita. Baka mapagkamalan tayong . . . alam niyo na?" tugon nito habang tumatawa na rin ng marahan.
Hindi na tumugon pa si Clarita, subalit ay ngumiti na lamang ito, marahan siyang lumapit sa binata at tumingin sa mga mata nito.
Ngumiti muli siya.
"Eduardo, salamat . . . salamat dahil kahit sa ganiyang estado mo ninais mo pa rin akong maging masaya, kaya ko namang gumastos para dito. Ngunit iba pala kapag galing sa iba, at kapag alam niyon kung ano ang pinagdadaanan mo. Eduardo, salamat dahil iniregalo mo sa akin si Salome, ang aking manika." Wika ng dalaga, saglit pa siyang tumalikod at kinuha ang manikang ibinigay sa kaniya ni Eduardo.
"Ang manikang ito ay nagpapaalala sa akin sa aking ina, isinunod ko sa kaniyang pangalan ang pangalan ng manikang ito–Soledad. Kaakibat noon ay naaalala kita dito, at ang—" hindi na kaagad nakasagot si Clarita nang kaagad na sumabad si Eduardo.
"Narinig ko po, Binibining Clarita. Narinig ko po ang iwinika ni Binibining Ermita, Binibining Teodora, at Binibining Lolita sa inyo. Naiintindihan ko po iyon Binibini, sa kadahilanang nangibabaw ako sa wikang Kastila noong ako ay nag-aaral pa." Tugon nito, kaagad naoagtanto ni Clarita ang ibig sabihin ng binata kaya naman nanatili itong tahimik.
"Sinabi ko na po sa inyo minsan ang naging daloy ng buhay ko, Binibini. Naging kagaya niyo rin po ako, isang marangyang tao. Ngunit ang aking ama ay pinaslang, at kinamkam ng mga Espanyol ang aming mga ari-arian." Tango lamang ang naitugon ng dalaga sa isinaad ni Eduardo.
"Narinig ko si Binibining Ermita, at ang kaniyang sinabi patungkol sa isang katulad ko at katulad mo," nagsimula muli ito.
"Eduardo es como Juanito, también es un–empleado de este seminario, más que eso es el conductor de Clarita y su sirviente." (Eduardo is like Juanito, he is also an employee at this seminary, rather than that–he is Clarita's driver, and her servant.) Saad niya, nanlaki ang mga mata ni Clarita nang marinig ito.
"Oo, iyon nga ang sinabi ni Ermita sa akin. Alam mo rin bang ako ay umiiwas—" muli ay hindi naituloy ng dalaga ang kaniyang sasabihin nang muling sumabad si Eduardo habang ito ay nakayuko at kuyom-kuyom ang kaniyang kamay.
"Sa pag-akto at mga kilos niyo pa lamang po noong mga nakaraang araw, Binibining Clarita. Sa mga iyon po ay naihihiwatig ko nang umiiwas po kayo sa akin, iniiwasan niyo pong hawakan ko ang kamay ninyo sa tuwing bababa po kayo ng kalesa. Minsan kapag nag-utos po kayo ay iniiwasan niyong tumingin sa akin," wika nito, pagkatapos niya ay saglit siyang tumigil at direktang tumingin sa mga mata ng dalaga.
"At minsan, Binibining Clarita. Minsan nang magkaroon kayo ng sakit, noong may lagnat po kayo—" ngunit sa pagkakataong iyon, si Clarita naman ang pumutol ng kaniyang isinasaad.
"Oo, natatandaan ko noong nagkaroon ako ng sakit. Nanaginip ako." Nagsimula siya at sandali pa ay tumigil, ilang segundo ang lumipas at nagpatuloy siya sa pagsasalita.
"Isang maaraw na panahon, presko ang hangin, sa isang burol na punong-puno ng mga bulaklak. Nakatayo ako doon at nakita kita, papalapit ka sa akin at . . . niyakap mo ako." Pagkatapos noon ay napatigil si Clarita at napayuko, siya naman ang kumuyom ang kamay.
"Binibining Clarita—" muli ay hindi nakaimik si Eduardo nang bigla siyang tunghayan ng yakap ng dalaga, dahilan rin ito upang mawalan siya ng balanse. Napahiga siya sa sahig habang si Clarita ay nakapatong sa kaniya, ang ulo ng dalaga ay nakaratay sa kaniyang kanang dibdib habang ito ay nakapikit habang nakangiti.
"Binibining Clarita—" pinutol muli ni Clarita ang sasabihin ng binata sa pagtugon nito sa mahinang tono. "Eduardo, nais ko pa sanang humingi ng isa pang pabor?" saad niya sa binata.
"O—opo, s—ige po." Nauutal na tugon ni Eduardo, bahagya namang napatawa si Clarita dahil doon, dahil nga nakaratay si Clarita sa kaniyang kanang dibdib ay rinig na rinig nito ang tibok ng puso ng binata.
"Eduardo, kinakabahan ka. Wala kang dapat ikakaba, hindi naman ako isang mapusok na dalaga." Ngumiti si Clarita saka siya tumayo sa pagkakaratay, ganoon din naman si Eduardo. Matapos iyon ay humawak ang dalaga sa kaniyang dibdib.
"Eduardo, nais ko sanang ikaw ang maging kapareha ko sa santacruzan?" saad ng dalaga, nabigla naman ang binata. "Ano po? Hindi po maaari, Binibining Clarita—" hindi naituloy ng binata ang kaniyang sasabihin nang idampi ng dalaga ang kaniyang hintuturo sa labi nito.
"Huwag ka nang tumanggi, Eduardo. Nais ko sanang ikaw dahil . . . kaibigan kita, at ikaw lamang ang lalaking malapit sa akin sa lugar na ito." Saad niya, hindi nagtagal ay napa-oo na lamang din si Eduardo na ikinagalak ni Clarita.
"Aasahan kita, Eduardo. Aasahan kita!" bulalas ni Clarita, nakangiti ito habang nakatingin kaye Eduardo. Lunukin ang ang mga mata, at may matamis na ngiti.
Ngunit . . .
"Binibining Clarita! Bakit may ilaw pa diyan sa iyong silid!" wika ng isang babae, at ang boses na iyon ay kay . . .
Lucifera.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top