Kabanata 5: Bistado; Ang Karma ng Umiigting na Poot

"¡¿Cuál es el significado de este?!" (What is the meaning of this?!) galit na saad ng maestro at bigla na lamang nitong ibinato ang aklat na hawak niya sa pisara.

"¡Señorita Margarita, Señorita Sonya, Señorita Paulita! Tienes algunas explicaciones que hacer!" (Miss Margarita, Miss Sonya, Miss Paulita! You have some explaining to do!) saad nito, hindi pa rin nakagalaw si Clarita habang pinagmamasdan niya ang nakahandusay na katulong.

"¡Señor Ordoñez, déjeme explicar!" (Mister Ordoñez, let me explain!) sigaw ni Margarita, seryosong tumingin sa kaniya ang maestro, sandali pa ay kinuha nito ang isang yantok na isang metro ang haba, walang kaano-ano ay hinampas niya si Margarita, Sonya, at Paulita gamit nito.

Napadaing ang tatlo sa sakit, ngunit nanatiling tahimik ang buong silid aralan. "¡Fue por Clarita Señor Ordoñez, la sirvienta Indio acaba de burlarse de nosotros! ¡Comparándonos por el nombre de Clarita!" (It was because of Clarita Mister Ordoñez, the Indio maid just teased us! Comparing us by Clarita's name!) nagulat si Clarita nang madamay siya sa usapan.

"Clarita planeó todo esto, escuché lo que le dijo a la sirvienta, dijo que es mejor que Margarita, enséñenos y bofetadas por eso!" (Clarita planned all this, I've heard what she said to the maid, she said that she is better than Margarita, show and slap us by that!) paggigiit naman ni Paulita.

"Opo, si Clarita po talaga ang dapat sisihin dahil sinabi niya sa Indiong katulong na isampal sa amin ang katotohanang mas magaling pa siya kay Margarita!" sigaw naman ni Sonya, malalim na ang paghinga ni Clarita dahil sa mga binitawang salita ng mga dalagang iyon.

Ngunit . . .

"¡Mentiras!" (Lies!) sumigaw si Lolita at taas-noong tumayo sa kaniyang silya, masungit siyang tumingin sa tatlong dalaga na nabigla rin dahil sa kaniyang ginawa.

"¡Estoy con Lolita! ¡Las mentiras están sobre la propia Margarita!" (I stand with Lolita! Lies is upon Margarita herself!) sumigaw at tumayo rin si Ermita na pilyong nakangiti sa mga dalaga habang nakaduro sa mga ito.

"Ala eh, nagsisinungaling ang tatlong iyan ey Maestro!" sumaad na rin si Teodora.

Hanggang sa . . .

"Totoo po iyon, nagsisinungaling ang mga dalagang iyan." Saad ng isang mag-aaral na sinundan pa ng isa. "Estoy de acuerdo con ella, estos tres están mintiendo y querían a Clarita abajo." (I agree with her, this three are lying and wanted Clarita down.) Saad nito.

May isang mag-aaral pang tumayo at sumaad. "Kahapon pa po nila pinagbabantaan si Clarita, kung hindi raw po niya titigilan ang pagiging intrimitida nito sa buhay ni Margarita ay pababagsakin daw po nila si ito." Saad nito.

"Narinig ko rin po ang tungkol doon, nasasapawan po kasi siya ni Clarita kaya po ganoon na lamang ang poot niya rito kahapon." Saad pa ng isang binibini na tumayo rin sa kaniyang silya.

"Hindi! Hindi po totoo iyon! Sinabi rin po ni Clarita na baliktarin ang lahat sa kung ano man po ang gawin niyang kasamaan sa amin!" ganti naman ni Margarita, ngunit galit pa rin ang maestro.

"Kayong tatlo, magtungo kayo sa opisina ni Ginang Lucifera. Marami kayong ipaliliwanag sa amin, Margarita, Sonya, at Paulita." Malamig na sumaad ang maestro. "Ikaw naman Clarita, kayo nila Lolita at Ermita . . . idala niyo sa silid niya si Rebecca at pagpahingahin." Utos ng maestro at itinuro ang nakabulagtang si Rebecca.

Kaagad namang sumunod ang mga dalaga, sila Margarita ay nagtungo sa opisina ni Ginang Lucifera, at sila Clarita naman ay upang ihatid si Rebecca sa kaniyang silid. Inaalalayan nila Clarita ang upang sa gayon ay hindi ito matumba.

"Ang dalagang ito ay si Rebecca Sumawang, isa siyang katulong na matagal nang nakatitikim ng pagmamalupit galing kila Margarita, Sonya, at Paulita. Lumakas ang kaniyang loob nang masagap niyang bumabagsak na nga ang nang-aapi sa kaniya nang dahil sa iyo. Kaya naman nang siya ay maglinis ng silid-aralan kanina at muling komprontahin nila Margarita upang apihin, ay sinubukan niyang barahin ang dalaga gamit ang mga nangyari kahapon na nagpapatunay na mas magaling ka kaysa sa babaeng nang-aapi sa kaniya. Nagalit si Margarita at pinagtulungan nilang tatlo nila Sonya at Paulita ang kawawang ito, dahil doon ay nasa ganito siyang kalagayan."

Ikinuwento ni Ermita ang mga naganap habang wala pa sa silid Clarita, sila ay naglalakad at nalagpasan sa kanilang mga balikat ang nanghihinang dalaga, patungo sila sa ibabang pasilyo upang ihatid na si Rebecca sa kaniyang silid upang makapagpahinga. Doon nga nito nalaman ang pagkakakilanlan ng dalaga, at kung paano ito mamuhay sa loob ng seminaryong kaniyang pinagtratrabahuhan.

At sa pagtapak nila sa ibabang pasilyo ay nasalubong nila ang ilan ding kasambahay, kabilang na si Eduardo doon. Ang binata ay may kasamang isang kaibigang binata rin, ang binatang ito ay si Juanito Pelaez. Isang binatang may hitsura at matipuno rin ang pangangatawan dahil batak sa trabaho, ngunit hindi siya ganoong katangkaran.

Sa edad nitong labing-anim ay natuto na siyang mangalesa at gawin ang mga gawaing bahay na hindi kayang gawin ng mga babae, katulad ng pagsisibak ng kahoy, pag-aagiw, at minsan naman ay paglilinis ng tsimeneya sa mga kalan ng seminaryo.

May isang dalaga ring kasama sila Eduardo at Juanito na katulad ni Rebecca ay isa ring kasambahay sa seminaryo, siya ay si Fortunata Accusar. Isang labing limang taong gulang na dalagang sadiyang ibinenta ng sarili nitong magulang upang magtrabaho sa seminaryo dahil sa kahirapan.

May karikitan ngunit hindi kita dahil sa suot niyang mababang uri ng pananamit, katulad ni Rebecca ay tinutuya rin siya ng mga estudyante, ngunit may mga nagkukusang tulungan siya at tratuhin siya bilang isang tao, hindi isang maruming Indio na gaya ng pagtrato ni Margarita sa ibang sa tingin niya ay mas mababa sa kaniyang estado.

Pare-pareho silang nagkakantiyawan nang mamataan nila ang mga binibini, napasinghap sila nang makita nila si Rebecca na nanghihina habang nakaakbay ko pa Clarita at Teodora.

"Ate Bekang!" sigaw ni Fortunata saka tumakbo siya palapit sa mga binibini. "Ano pong nangyari sa kaniya, kay Ate Bekang!?" nag-aalala niyang tanong, si Ermita ang naunang tumugon kay Fortunata.

"Si Margarita ang may gawa nito sa kaniya, minaltrato niya si Rebecca hanggang sa mawalan siya ng malay." Tugon ni Ermita, kaagad namang sinapo ni Fortunata si Rebecca sa balikat ng mga binibini dahil nakahihiya daw umano para sa kanila iyon ani ni Fortunata.

"Hindi kami mag-aatubiling tulungan ang kahit sino, maski isa pa siyang kasambahay. Ang pagtanggap at pagiging patas ang unang adhikain nitong srminaryo, gayon din dapat ang mga mag-aaral nito." Tumugon naman si Clarita.

"Kailangan na daw po siyang madala sa kaniyang silid dito sa ibabang pasilyo, pagpahingahin daw po siya, iyon ang saad ng maestrong nakakita kung paano siya pagmalupitan ni Margarita." Si Lolita na ang sumaad, tango lamang ang naging tugon ni Fortunata sa mga binibini.

"Opo, iyon po ang gagawin namin," sumaad nga si Fortunata. "Tulungan mo ako dito, Kuya Juanito!" saad pa ng dalaga, dito ay lumapit nga ang binata at walang kaano-ano ay binuhat nito si Rebecca sa pamamagitan ng kargang pangkasal.

Nagsisinghap sila Ermita at Lolita saka ito napatalikod, masamang bumaling ng tingin si Clarita sa dalaga at iginulong nito ang mga mata. "Walang malisya ang pagkarga niyang iyan, kayo naman gumagawa kayo ng isang walang kuwentang agas." Prangkang saad ni Clarita at ipinaharap sa kanila ang dalawa.

"Asus, kayong dalawa ha . . . malay ko ba kung ano ang isinasaisip niyo. Kung ano man iyan tigilan niyo na." Wika ni Clarita saka siya na ang nanguna sa paglalakad. "Ipunta na natin si Rebecca sa kaniyang silid." Ngiti ni Clarita sa lahat, dito na lumapit si Eduardo at iginiya sila patungo sa silid ni Rebecca.

Nakarating nga sila sa isang maliit na silid, may isang bintana at ito ay nakabukas. May isa ring kama na kasya lamang ang isang tao, may komportableng unan, kumot, at banig. Mayroon ding isang lumang tukador at nakapatong dito ang isang iginuhit na larawan ng isang pamilya, katabi nito ang isang lampara na paubos na ang gaas.

"Ihiga niyo siya, Kuya Juanito." Wika ni Fortunata at itinuro niya ang higaan, kaagad rin naman siyang ihiniga ng binatang si Juanito at nauna na itong lumabas ng silid, lingid man sa kaalaman ng lahat ay panay ang sulyap ni Lolita sa mukha ng binatang ito. Tila ba ay naaaliwalasan siya sa kaniyang mukha at ayos.

"Basa ang kaniyang damit, kailangan itong palitan. Kung hindi ay uubuhin siya at maaari pa itong magtulak sa kaniya upang magkalagnat." Sumaad muli si Clarita at tumungo siya sa mga lumang tukador at kumuha siya ng tuyong panloob, baro, at saya.

"Ako na po ang magbibihis sa kaniya mga binibini, ako na rin po ang mag-aalaga kay Ate Bekang. Maaari na po kayong bumalik sa inyong silid-aralan, marami pong salamat sa pagtulong sa aking kawawang Ate Bekang." Kinuha ng dalaga ang mga damit sa mga kamay ni Clarita at sinamahan sila sa pintuan.

Bago pa man sila makalabas ay saglit huminto si Clarita sa paglalakad at bumaling sa dalagang kasambahay. "Ngayong kilala ko na si Rebecca, sa tingin ko . . . marapat na sabihin mo rin ang iyong ngalan ngayon. Ipagpatawad niya sana ngunit nalaman ko lamang ang pangalan ng binibining nakahiga sa kama dahil sa pagkarinig ko nito kay Ermita kanina, hindi ko siya natanong ng direkta. Nabigla nga rin ako dahil basta ko na lamang siyang nakita sa silid-aralan kanina na . . . nasa ganoong situwasyon na."

Ngumiti naman ang dalaga saka siya tumugon. "Ako po si Fortunata Accusar, Utson po ang aking palayaw, kagaya ni Ate Bekang ay isang katulong lamang din dito sa seminaryo. Ngunit hindi kagaya ng Ate Bekang ay mas maraming tumratrato sa akin ng patas at hindi ako pinagmamalupitan, masuwerte daw ako . . . iyon ang saad niya dahil sa situwasyon ko."

"Tama ka nga sa sinabi mo, lahat naman tayo ay masuwerte. Biniyayaan tayo ng Diyos ng buhay, at ito ay kailangan nating labisin dahil isa lamang ito. Ako si-" hindi niya na na ituloy ang kaniyang sasabihin nang bigla siyang tugunan ni Fortunata.

"Clarita Abellana po ang inyong ngalan, alam ko na po dahil magmula kahapon ay iwiniwika ka na po sa akin ni Ate Bekang. Gayon na rin ang iba pa po ninyong mga kaklase, bago pa man po kayo dumating ay kilala ko na po sila dahil din po kay Ate Bekang." Tugon naman nito.

Ngiti at tango lamang ang iginanti ng dalaga saka sila ay lumabas ng silid, bumungad sa kanila ang dalawang binatang sila Eduardo at Juanito.

"Kamusta po si Rebecca, Binibining Clarita?" ang nagtanong ay si Eduardo habang hawak niya ang kaniyang sombrero sa tapat ng kaniya ng dibdib.

"Maayos na siya, binihisan na siya ni Fortunata ng panibagong damit upang sa gayon ay hindi siya sakitin. Babalik na kami ngayon sa aming silid-aralan." Tugon ni Clarita kay Eduardo habang siya ay nakangiti, ngumiti rin pabalik ang binata.

Akma nang lalakad si Clarita nang marinig niyang sumambit si Eduardo. "Salamat po at tinulungan ninyo si Rebecca, makaaasa po kayo na kapag kayo naman ang gipit ay kami naman po ang gaganti." Tugon niya, habang nakatalikod si Clarita ay napangiti siya at muling bumaling sa binata.

"Aasahan ko iyon." Tugon niya rito at nagpatuloy siya sa paglalakad pabalik sa kanilang silid-aralan.

Habang sila ay naglalakad pabalik ay hindi maiwasang kantiyawan ni Ermita si Lolita patungkol sa binatang si Juanito, ngunit purong ekspresyon lamang ang nasa labi ni Clarita habang sila ay naglalakad.

"Akala mo siguro ay hindi ko napansin ano? Dios Mio Lolita!" tawa ni Ermita sa ngayon ay kinikilig nang si Lolita, ngunit nang bumaling ito kay Clarita ay nawala ang ngiti sa kaniyang mukha.

"Clarita . . . Clarita? Huy!" gulat niya rito sa pamamagitan ng pagdampi ng kaniyang kamay sa braso nito.

"Ay Eduardo ko!" nagulat na sambit ng dalaga, ikinabigla ng dalawa ang sinambit nito saka sila nagkatinginan, napatakip naman sa kaniyang bibig si Clarita.

"Parece que alguien está escondiendo algo." (It looks like someone is hiding something.) Nagwikang sabay ang dalawa at seryosong tumingin kay Claritang nabibila pa rin.

"Clarita Cresencio Jornadal Y Arellano Abellana, tama ba ang aming narinig mula mismo sa iyong labi?" baling ni Ermita, seryoso itong nakatingin.

"Ang saad niya ay 'Eduardo ko' base sa aking narinig, Ate Ermita." Sabad naman ni Lolita, ganito sila magtanong o mangantiyaw sa kung sino mang kaibigan nilang may itinatagong sekreto mula sa kanila at sa iba pa.

"Ah . . . eh . . .?" hindi kaagad nakatugon si Clarita, napaluno siya nang makita ang seryosong mga mukha ng mga dalaga, napaatras siya ng hakbang.

Mabuti na lamang ay . . .

Tumunog ang mga kampana mula sa giganteng orasan sa hindi kalayuan, hudyat na magsisimula na ang panibagong klase.

Kaagad silang kumaripas ng takbo pabalik sa kanilang silid-aralan upang sa gayon ay hindi sila mahuli.

Makapaghihintay ang pagkakataon, ang wika nila.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top