Kabanata 3: Ang Banta at si Teodora

Natapos ang klase sa umaga, handa nang managhalian ang mga binibini upang sila ay magkaroon ng lakas para susunod nilang klase. Nanatiling nakaupo sa kaniyang silya si Clarita habang ang ibang mga mag-aaral ay nakalabas na ng silid.

Iilan na lamang silang naiwan sa loob, kabilang  na roon sila Ermita at Lolita na nagsisinop ng kanilang gamit sa kanilang mga bayong. Akmang tatayo na si Clarita upang lumabas na rin sa silid-aralan nang may nakita siyang kamay na humampas sa kaniyang lamesa.

Bahagya siyang nagulat at unti-unting napatingin kung sino ang gumawa noon, hindi na siya nabigla nang makita niyang si Margarita ang kaniyang kaharap, may poot sa mga mata nito at halatang hindi pa rin siya makapagpatuloy dahil sa naganap kani-kanina lamang.

"Hoy babae! Sino ka sa iyong akala?! Wala kang karapatang angkinin ang mga akin dito sa seminaryong ito!" bulyaw nito kay Clarita, nanatili namang tulala ang dalaga habang wala pa ring ekspresyon ang kaniyang mukha.

"Tungkol ba ito sa pagpapalit ng mga silya?" nagtanong si Clarita, sa tagpong iyon ay ilang beses nang iginulong ni Margarita ang kaniyang mga mata, huminga siya ng malalim saka tumugon sa binibini.

"Oo, dahil nga doon . . . at hindi lamang dahil doon!" tugon nito, may anghang na animo ay pulang sili na labis na nakasasakit sa mata ang mga binibitawang salita ng may poot na si Margarita.

"Ngunit sinabi ng rektora na—" hindi na naituloy ni Clarita ang kaniyang tugon, pinutol itong muli ni Margarita sa pamamagitan ng agarang pag-tugon dito. "Maaari mo naman sanang pigilan ngunit hindi mo ginawa?" saad nito, hindi na nakatugon pa Clarita, umayos na lamang siya ng upo habang tulalang nakatingin sa kaniyang lamesa.

"Alam mo? Lumalabas na kaagad ang iyong pagkaintrimitida, sipsip ka at nagmamagaling!" nanlaki ang mga mata ni Clarita saka ay napatingin kay Margarita na ngayon ay pilyang nakangiti sa kaniya habang nakapamewang ito.

"Ako lamang ang reyna sa silid-aralang ito at hindi iyon maaagaw ng isang katulad mong ingrata! Ako ang palaging nangunguna sa klase at sumasagot sa mga katanungan dati, ngunit ngayong dumating ka na . . . sa tingin mo ay magaling ka na?" nang-uuyam pa nitong wika.

Sa pagkakataon din ngang iyon ay hindi na nakatiis ang isang binibini, biglaan siyang tumayo sa kaniyang silya at nagdulot ang kaniyang pagtayo ng kaunting ingay. May poot siyang lumapit sa inaaping si Clarita at kaagad itong ipinagtanggol.

"Ala eh! nasapawan ka laang ay ganiyan na kung umasal ey, hindi kasalanan ni Clarita na pagpalitin kayo ng silya ey. Ikaw laang itong galit dahil nasasapawan ka!" pumamewang rin ang binibini saka nito ikinumpas ang dala niyang abaniko.

Ang Binibining ito ay si Teodora Calista, tubong Taal sa Batangas kaya may tonong pang-Batangueña ang kaniyang pananalita. Matapang dahil ang lahi nila ay kasama sa hukbong nagtatanggol sa bayan, tatlo ang heneral, lima ang tenyente, at walo ang sarhento. Siya lamang ang babaeng anak sa kanilang pamilya at puro lalaki ang nauna at sumunod.

Ang mga magulang ng binibini ay ayaw maapektuhan ang kaniyang seksuwalidad ng mga kalalakihang nakapalibot sa kaniya–sa madaling wika ay hindi sila papayag na maging binalaki ang nag-iisang dalaga sa kanilang pamilya. Kaya napagdesisyunan ng kaniyang mga magulang na ipasok siya sa isang seminaryo, dito na rin nila natagpuan ang seminaryo nila Ginang Lucifera at ipinasok dito si Teodora.

Hindi ganoon karikitan ang dalaga ngunit may kagandahan namang itinataglay, hindi man ganoon kaganda sa pisikal na anyo ay maganda naman sa panloob na karikitan. May mga kaibigan siya na ayaw din kay Margarita ngunit napili nilang tumahimik noong una, ngunit ngayong alam na niyang may tatapat na sa mapagmataas na dalaga ay oras na rin para siya ay umaksiyon.

"Cállate bastarda de hablar raro!" (Shut up you weird-talking bastard!) mapoot ring tumingin si Margarita sa binibini.

"Ala eh sabihin mo na ang gusto mong sabihin ey, kakaiba na kung kakaiba akong magsalita basta hindi pa rin ako papayag na kokomprontahin mo si Clarita dahil laang nasapawan ka niya!" pabalang na tugon ni Teodora. Ang itinugon ng binibini ay narinig rin ng ibang mga mag-aaral na naroroon, nagsalita na rin si Lolita.

"Tama si Ate Teodora! Hindi mo dapat siya komprontahin dahil lamang doon, siguro nga ay naiinggit ka lamang kay Ate Clarita kaya labis ang putok ng iyong mga butse!" saad nito, biglaan na lamang ding tumayo si Ermita at sinang-ayunan ang winika ng nakababatang binibini.

"Sang-ayon ako kay Lolita, magtigil ka na dahil walang may gusto nito. Isang insidente lamang ito at hindi namin kasalanan nila Clarita kung napunta kayo ng mga kasama mo sa likurang bahagi ng silid-aralan!" saad naman ni Ermita, ngunit imbis na intindihin ay dinuro niya pa ito.

"Hoy babaeng akala mo ay baboy na dahil sa katabaan at ikaw batang paslit na akala mo kung sinong pantas! Huwag kayong sumawsaw dito dahil si Clarita lamang ang kinokompronta namin, hindi kayo!" bulyaw nito, napakuyom ang dalawa at hindi sila nakaimik.

"Ayos lamang kung kami ang nalipat sa likuran ngunit hindi kami papayag na mawala sa katayuan si Margarita dahil siya ang reyna dito!" nagwika si Paulita na magkakrus na ngayon ang mga braso.

"Dahil nga nasa likod si Margarita ay hindi rin niya nasasagot ang mga katanungan dahil pinapakyaw nitong intrimitidang ingrata! Akala mo naman kung sinong pantas na magsasabing 'Hindi naman po ako perpekto Señor Ordoñez' pero ayan, pakiramdam niya ay kung sino na siya dito!" si Sonya naman ang nagwika, ngunit sumaad muli si Teodora.

"Ala eh sabihin niyo nga? Alam niyo namang matalino itong si Clarita ngunit inyo siyang hinihila pababa ey. Bakit? Gusto mo, Margarita na ikaw na laang ang laging nangunguna sa klase? Ala eh nakatatawa ka naman, napakaambisyosa mo, pangit ka naman!" nanlaki ang mga mata ni Margarita sa sinaad ng dalaga.

"Anong sabi mo? Ako, pangit? Tumingin ka nga muna sa salamin—" pinutol na kaagad ni Teodora ang itutugon ni Margarita dahil sa agaran nitong pagwiwika.

"Ala eh tumingin na nga ako sa salamin ngunit ikaw ay hindi pa ey. Alam ko iyon dahil pakiramdam mo kasi ay kung sino ka nang magaling. Ala eh oo ey! Sabihin na nating maganda ka nga sa panglabas na anyo, ngunit lamang ang lahat sa iyo sa pangloob na kagandahan dahil maitim ang iyong budhi! Ala eh ako naman ang magsasabi sa iyo ey, manalamin ka muna bago ka kumompronta sa iba!" nangigil si Margarita dahil sa sinabi ni Teodora kaya naman kaagad itong tumalikod at lumakad palayo.

"Tandaan niyo ito! Oo, nagwagi ka nga ngayon, Clarita, ngunit sa susunod ay ako naman ang lalampaso sa iyo!" Muling wika ng dalaga bago siya lumabas ng silid-aralan kasama sila Paulita at Sonya.

Nang tuluyan silang makalabas ay naging panatag na ang apat, ang ilan din sa mga dalaga na naroroon ay nagdesisyong lumabas na lamang rin ng silid at magtungo sa kantina upang mananghalian.

"Ala eh ayos ka lamang ba, Clarita?" tanong ni Teodora at siniyasat ang mukha at braso ng dalaga, magiliw naman na tumugon si Clarita na parang walang nangyari.

"Ayos lamang ako, hindi niyo na kailangang mag-alala pa." Tugon nito saka ngumiti. "Hindi naman ako natatakot sa kanila, marami na akong nakilalang tulad ni Binibining Margarita. Marahil sa mga paaralang napuntahan ko, palipat-lipat ako ng paaralan dati . . . kaya wala akong nagiging kaibigan, bagkus ay marami akong mga kaaway, nang dahil sa marami akong nagdadalawang kaya ganoon." Muli siyang ngumiti pagkatapos niyang magwika.

"Ngunit ngayong taon, nangako sa akin si Ama na hindi niya na ako ililipat sa ibang paaralan. Kaya lubos akong naging masaya nang mabalitaan ko iyon, mula sa España ay sumakay ako sa barko at nakarating dito sa Pilipinas tatlong araw makalipas. Ngunit sa unang araw ko pala sa klase ay magiging kagaya pa rin ng dati ang lahat." Saad nito at tinakpan niya ang kaniyang mukha, lingid sa kanila ay tumatangis na ito.

"Hayaan mo na iyon, iyo naman nang iwinika na ganoon nga ang naging buhay mo, hindi mo masasabi kung ano ang kahihinatnan ng iyong buhay. Normal na lamang ito sa mga matatalinong mag-aaral na katulad mo sa aking pagkakalam, hindi ka pa ba nasanay?" nagtanong si Ermita, tango lamang ang naging tugon ni Clarita dito.

"Dapat nga ay nasanay na ako ngunit hindi pa rin, palagi na lamang ganito ang lahat. Palagi na lamang ganito! Hindi na nagbago ang takbo ng aking pag-aaral, isa lamang malaking palabas ang pagiging matatag ko . . . sa totoo ay . . . masyado nang masakit." Nagtinginan ang tatlo saka muling bumaling kay Clarita.

"Alam mo po, Ate Clarita. Kami po ni Ate Ermita ay ang lubos na naapektuhan ng mga kasamaan ni Ate Margarita, palagi niya kaming kinokompronta at ipinahihiya dati dahil sinubukan naming kalabanin siya, ngunit nagpakababa na lamang kami dahil doon. Dahil kami na rin ang naapektuhan . . ." Saad naman ni Lolita.

"Ngunit ngayon, may pag-asa nang mabago ang nakagisnan dito sa silid-aralan! Alam naming mabuti kang tao . . . ngunit dito, kailangan mong lumaban." Si Ermita naman ang nagwika.

"Ala eh kailangan nga, Clarita . . . ala eh kailangan mong makipagtagisan upang sa ganoon ay mahinto na ang pagiging mapagmataas ni Margarita ey. Alam kong sa tingin mo ay hinahamak ka namin ngunit hindi, alam namin ang iyong kakayahan. Buong silid natin ay magidiwang kapag bumagsak si Margarita!" may saya sa tonong bigkas ni Teodora.

Nanlaki ang mga mata niya nang marinig ang mga dahilan ng tatlo niyang kamag-aral, kaagad siyang napatingin sa mga ito at nagwika siya.

"Ngunit paano kapag aawayin naman nila ako? Ako lamang ang magtatanggol sa aking sarili?" siya ay nagtanong, ngumiti ang tatlong dalaga saka sila nagkatinginan at muling gumaling ng tingin kay Clarita.

"Por supuesto que no, no te abandonaremos en medio de todo. Nos tienes, y todos nuestros compañeros de clase aquí se opondrán a Margarita." (Of course we will not abandon you in the middle of everything. You have us, and all of our classmates here will stand against Margarita.) Saad ni Teodora habang nakangiti pa rin.

"Hindi ka namin iiwan sa kawalan, Clarita . . . kahit kailan ay hindi pa kami nang-iwan ng isang tao sa gitna ng dalamhati." Bulalas naman ni Ermita.

"Esto no es una orden Hermana Clarita, esto es un favor. Te estamos preguntando si podrías ayudarnos con la Hermana Margarita." (This is not a command Sister Clarita, this is a favor. We are asking you if you could help us out with Sister Margarita.) Si Lolita naman ang nagwika.

"Pabor? Para pabagsakin si Margarita?" tanong muli ni Clarita, sabay-sabay namang tumugon ang tatlong dalaga. "Ganoon na nga!" bulalas nila, napangiti na lamang ang dalaga saka siya napatango.

"Sige, kung para sa lahat at para sa pagbabago ay gagawin ako, alang-alang sa mga dalagang ma-aaral rito." Saad ni Clarita, bumalik nang muli ang mga ngiti sa kaniyang labi.

"Muy bien, nuestra pausa para el almuerzo casi ha terminado . . . deberíamos ir a la cafetería y comer. He reservado alimentos que creo que no puedo comer yo mismo, bueno . . . podemos comer juntos y compartiré mi almuerzo con ustedes tres." (All right, our lunch break is almost over . . . we should head to the cafeteria and eat. I've reserved foods that I think I can't eat myself, well . . . we can eat together and I'll share my lunch to the three of you.) Masayang wika ng dalaga.

"Ay sakto! Nagtitipid pa naman ako ngayon dahil may nais akong bilhing nobela!" bulalas ni Lolita ngunit kinurot siya ni Ermita sa bandang hita.

"Lolita! Nakahihiya naman kay Clarita kung makikikain ka lamang! Hindi ka na ba nahihiya?" may galit nitong saad, napayuko at napakuyom na lamang ang dalaga.

"Ala eh hayaan mo na, Ermita . . . kung ako rin ay nahihiya ngunit sa kabilang banda ay gusto ko. Sa katunayan ay nagtitipid rin ako ngayon ey dahil hindi ako binigyan ng buwanang pang-baon dito sa seminaryo." Saad naman ni Teodora na nakahawak na ngayon sa balikat ni Ermita.

"Oo nga, mahihiya pa ba kayo, mga kaibigan ko na kayo mula ngayon," wika naman ni Clarita habang nakangiti siya. "Y como muestra de agradecimiento por haberme defendido antes, compartiré mi almuerzo con todos ustedes, es suficiente para los cuatro, no puedo terminarlo todo solo." (And as a token of appreciation for defending me earlier, I will share my lunch to all of you, it is enough for the four of us, I cannot finish it all by myself.) Saad niya pa.

"Bien vale," (Okay fine,) tugon naman ni Ermita saka siya ngumiti. "Pero ngayon lamang ito ha? Nakahihiya kasi sa iyo, Clarita." Wika niyang muli.

Lalabas na sana sila ng silid-aralan nang may marinig silang kumakatok sa pintuan, hindi muna sila sumagot at napatigil sila sa paglalakad. Hanggang sa bumukas ito at nilulan ng pintuan ang isang lalaki–isang matipunong binata.

Sandali pa ay tinanggal nito ang suot niyang sombrero at ngumiti siya, para siyang anghel kung tutuusin. Sandali pa ay inilabas naman ng mga binibini ang kanilang mga abaniko at ito ay kanilang ikinumpas, ipinangtakip nila ito sa kanilang mga mukha pagkatapos.

"Mawalang-galang na po, mga binibini. Dito po ba ang silid-aralan ng Binibining Clarita Abellana? May nais lamang po sana akong ibigay."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top