Kabanata 16: Pumapayag kami
Inalis ni Eduardo ang singkaw ng kaniyang kalesa upang ipasok ang gamit niyang kabayo sa kanilang munting kuwadra, malalim na ang gabi at nagniningning ang mga tala sa kalangitan noong mga oras na iyon.
Ang buwan na kalahati lamang ang hugis ay nagliliwanag rin sa langit, saglit pang pinagmasdan ni Eduardo ang mga bituin sa langit bago siya magtungo sa kuwadra upang doon ay ilagay ang kabayo.
Pagkalipas nga ng ilang sandali ay lumabas siya rito at muling tumingin sa kalangitan, ngunit nahagilap ng kaniyang mga mata ang isang durungawan ng silid ni Clarita.
May liwanag rito kaya naman siya ay nagtaka, kay lalim na ng gabi ngunit gising pa ang dalaga, pumasok na lamang siya sa loob at namataan ang madilim na hitsura ng pancitetia, nagtungo siya sa hagdan at umakyat paitaas upang tingnan kung bakit ganoon nga ang kaniyang namataan sa silid ni Clarita.
Ang mga kapuwa silid ay wala nang mga liwanag noong mga oras na iyon, halos maga-alas dos na rin kasi ng madaling-araw. Pagdating niya sa tapat ng pintuan ng silid ni Clarita ay namataan niya ang liwanag sa ilalim nito kaya naman sinubukan niyang kumatok nang tatlong beses.
Ilang sandali pa ang lumipas ay bumulas ang pintuan at iniluwa nito ang dalaga na nakadamit-pantulog. Sa una ay nagngitian muna sila bago pa man makapagsalita ang isa.
"Eduardo, anong ginagawa mo rito? Malalim na ang gabi, bakit gising ka pa?" naunang nagtanong si Clarita, iling lamang naitugon ni Eduardo bago siya magwika.
"Hindi, ako dapat ang nagtatanong niyan sa iyo, kagagaling ko lamang sa aking trabaho... ikaw bakit ka pa gising?" ibinalik ng binata ang tanong kay Clarita, napaiwas naman ng tingin ang dalaga at napahinga siya nang malalim.
"Hindi ako makatulog dahil iniisip ko ang isang bagay..." saglit pa ay tuluyan nang binuksan ni Clarita ang pintuan ng kaniyang silid at nagtungo siya sa isang tulador, kinuha niya ang isang sobre ba may lamang isang papel at ibinigay ito kay Eduardo.
"Dahil dito, nais ko sana ngunit alam kong matindi ang kapalit nito." Nang makuha ni Eduardo ang sobre ay kaagad niya itong binuksan at binasa ang mga nakasaad doon.
"Te invitamos formalmente a unirte a un grupo de refugiados que queremos establecer . . . Los Illustrados De Las Filipinas." (We formally invite you to join a group of refugees that we want to establish . . . Los Illustrados De Las Filipinas.) Nang ma asa niya ito ay nanlaki ang kaniyang mga mata at nanginig ang kaniyang mga kamay.
Saglit pa ay nabitawan niya ang sobre at ang papel dahil doon, dahan-dahang tumulo ang luha sa kaniyang mga mata.
At biglaan niyang sinunggaban ng yakap si Clarita.
Nabigla ang dalaga ngunit hindi siya nakapalag dahil mahigpit ang pagkakayakap sa kaniya ni Eduardo.
Mahigpit ngunit may sinseridad.
Mainit.
Nakagagaan ng loob.
Napasama na lamang siya sa agos at yumakap pabalik sa binata, dinama niya ito, tumagal ng ilang segundo ang kanilang pagyayakapan bago bumitaw si Eduardo.
Sa pagkakataong iyon ay hindi na siya tumatangis, nakangiti na lamang siya habang pinagmamasdan si Claritang nakaiwas sa kaniya ng tingin, napangisi siya at hinawakan ang kaliwang pisngi ng dalaga at ibinaling niya ito sa kaniyang mukha.
Medyo nailang naman si Clarita dahil sa ginawa ni Eduardo, ngunit wala siyang reaksiyon bukod sa pamumula at pag-init ng kaniyang pisngi. Muli ay ngumiti si Eduardo at nagtanong sa dalaga.
"Dime, ¿quién te dio esa invitación?" (Tell me, who gave you that invite?) saad niya, dahan-dahan niyang binitawan ang kaliwang pisngi nito.
Hindi kaagad nakatugon si Clarita dahil sa pagkailang, ngunit dahil sa kaharap niya si Eduardo ay pinipigilan niya ang kaniyang sariling gumawa ng reaksiyon.
"El que me dio esa invitación es . . ." (The one who gave me that invite is . . .)
---
"Soy Clarita Abellana, es un placer conocer a alguien como tú también. Aunque lo estés. . . ya sabes, muy parecido a un pervertido." (I am Clarita Abellana, it is nice to meet someone like you too. Even though you are . . . you know, much like pervert.) Nanlaki ang mga mata ni Jacinto dahil sa kaniyang narinig at napatikom na lamang siya.
"Sasabihin mo na sa iyo kung bakit ganito nga ang pamumuhay ko kahit ako pa ay isang Mestiza, hindi dahil isa akong bunga ng pagkakamali, o kaya naman ay bastarda, ngunit mag-asawa talaga ang aking ina at ama." Ngiti ni Clarita, naghanda namang makinig pa ang binatang si Jacinto.
"Bata pa lamang ako noong namatay ang aking ina dahil sa Enfermedad pancreática, at mag isa akong pinalaki ng aking ama, subalit ngayong taon lamang ay pumanaw siya. Nabaon siya sa utang kaya heto ako at walang nakuha kahit isang sentimo sa kaiyang pamana, dahil ang lahat ng aming mga ari-arian ay ang kolateral . . . sa aking paniniwala." Tugon now Clarita, paunti-unting umuusad ang mukha ni Jacinto habang seryoso pa ring nakatingin kay sa dalaga.
"Anong ibig mong sabihin? Nasa Alta Sosyedad ka dati ngunit nang dahil sa utang ng iyong ama ay . . ." saglit siyang napahinto nang mamataan niyang tumutulo na ang luha ni Clarita, nanlaki ang kaniyang mga mata nang pagmasdan niya ang lumuluhang binibini.
"Ayaw ko na, ayaw ko nang pag-usapan ang mga bagay na nakalipas na. Kinalimutan ko na ang patungkol sa mga na iyon at-" biglaang sumabad si Jacinto sa pagsasalita kaya naman napatigil si Clarita.
"Ngunit, nababanaag kong nais mo ng hustisya hindi ba?" napatingin ang dalaga sa mukha ni Jacinto, muli ay ibinuka niya ang kaniyang bibig upang magwika.
"Ngunit . . . paano mo nalaman?" dahan-dahan niyang tanong, tumutulo pa rin ang luha sa kaniyang mga mata. Saglit pa ay dumukot ang binata sa kaniyang eskuno at paglabas ng kaniyang kamay ay may papel na siyang hawak, ibinaba niya ang papel at namataan ni Clarita na ito ay isang listahan.
"Seminario de Señora Lucifera Para Señoritas mejores estudiantes; Clarita Abellana, Teodora Calista Ermita Hermandez, Lolita Congreso . . ." (Miss Lucifera's Seminary for Young Ladies top students; Clarita Abellana, Teodora Calista Ermita Hermandez, Lolita Congreso . . .) napasinghap ang dalaga nang mabasa niya iyon.
"Entonces, fuiste allí. . . No puedo creer que hayas llegado tan lejos por esto. No quiero que me vuelva todo como ayer, seguro que es doloroso." (So, you went there . . . I cannot believe that you have went so far for this. I do not want it all to come back to me like it was yesterday, it surely is painful.) Tumulo muli ang luha sa mga mata ni Clarita.
"El director lo dijo así, la señorita Lucifera Halili-Márquez estaba tan desesperada por protegerte, pero no puede contarle a nadie lo que pasó. Ella reforzó su determinación de decírmelo, y me dijo que no abriera ese caso por el cierto peligro que podría costar." (The principal said it so, Miss Lucifera Halili-Marquez was that desperate to protect you, but she cannot tell anyone about what happened. She steeled her resolve to tell me, and she told me to not open that case up because of the certain danger it may cost.) Tugon naman ng binata, kalaunan ay inilagay niya muli ang papel sa bulsa ng kaniyang eskuno, ngunit paglabas ng kaniyang mga kamay ay panibagong papel nanaman ang inilapag niya sa mesa.
"También dijeron que en realidad estás desesperado por buscar esa justicia. Por tu padre y por ti. . . pero simplemente no puedo hacer un movimiento debido a su vida y entorno, yo, no. . . podemos hacerlo posible para ti, si te vas a unir a nosotros." (They also said that you are actually desperate to seek for that justice. For your father, and for you . . . but just cannot make a move because of your life and surroundings, I, no . . . we can make it possible for you, if you are going to join us.) Ngiti ng ng binata saka binuklat ang papel na inilapag niya sa lamesa.
At ang nakasulat sa papel ay ang mga katagang:
Te invitamos formalmente a unirte a un grupo de refugiados que queremos establecer . . . (We formally invite you to join a group of refugees that we want to establish . . .)
Los Illustrados De Las Filipinas.
Napatingin si Clarita kay Jacinto na kasalukuyang nakangiti sa kaniya, inilapag niya ang papel sa lamesa at isinauli ito sa binata.
"¿Qué es esto?" (What is this?) nag-aalangan niyang tanong kahit alam niyang isa itong paanyaya sa isang grupo ng mga ilustrado, dito na tuluyang napangiti ang binata at saka siya tumugon.
"Este es un documento destinado a personas especiales como usted, las que son inteligentes y hermosas pero que desean algo como la justicia. . . ser prevalecido." (This is a paper meant for special persons like you, the ones who are inteligent and beautiful yet desiring for something like justice. . . to be prevailed.)
"¿Quieres que me convierta en Illustrada?" (You want me to become an Illustrada?) muling nagtanong si Clarita, ngumiti muli si Jacinto saka niya kinuha ang kaliwang kamay ng binibini gamit ang dalawa niyang kamay.
"Por supuesto, si te conviertes en uno. . . existe la posibilidad de que podamos encontrar la justicia para tu padre." (Of course, if you become one . . . there is a chance that we can find the justice for your father. Nanlaki ang mga mata ni Clarita at napatayo siya nang biglaan.
Pagkatapos noon ay umalingawngaw ang malakas na tunog ng sampal sa buong panciteria.
Gigil na gigil ang dalaga, hindi niya alintana ang mga nakatinging tao sa kanilang paligid, nakabibinging katahimikan ang sumunod na nangyari. Walang kibo ang mga taong kumakain sa panciteria, hindi sila makasubo sa kinakain nilang pancit bihon, ni animo ay nakakita ang lahat ng tao doon ng isang multo.
Ang tanging alam lamang ni Clarita ay nais niyang tumanggi, ngunit nais rin niyang pumayag. Kaya siya nabigla dahil siya ay naguguluhan, siya ay nalilito, siya ay nablablanko.
"Hindi ko alam! Ngunit . . . ngunit-" hindi niya na naituloy ang kaniyang sasabihin nang magsimula siyang tumangis, sa banda naman ni Jacinto ay nakangiti lamang ang binata.
Tumayo ito at kumuha ng isang tampipi sa loob ng bulsa ng kaniyang mahabang eskuno, inilahad niya ito kay Clarita habang marahang nakangiti. "Ito ang tampipi, ipamalas mo sa iyong mga tumulong luha." Saad niya, dahan-dahang kinuha ni Clarita ang tampipi saka nga nito pinunasan ang mga tumulong luha sa kaniyang mga mata.
"Alam kong naguguluhan ka, mag-isip ka muna nang pansamantala. Maghihintay ako sa iyong sagot." Wika niyang muli, tinalikuran niya ang dalaga at ni ultimo mga yapak niya ay naririnig dahil sa nakabibingining katahimikan.
Tumunog ang mga kampanilya na hudyat ng pagsara ng pintuan, makikita sa mga durungawan ang binata na lumalakad pasakay sa kaniyang kabayo. Nang makasakay siya rito ay kaagad niya itong pinatakbo, dito na siya nawala nang tuluyan sa paningin ng lahat.
Saglit pa ay nakatingin si Clarita sa mga taong kanina pa ay tulala na, walang ekspresyon siyang sumigaw. "Tapos na ang palabas! Magsikain na kayo mga kabaranggay!" nanlaki ang mga mata ng mga tao doon at kaagad ngang nagpatuloy sa pagkain, parang walang nangyari sa mga sumunod na naganap.
Saglit pa ay nakita ni Clarita ang papel na nasa isang sobre na, dinampot niya ito at kaagad binasa ang nasa gawing ibaba ng liham.
"Puede comunicarse con nosotros en . . ." (You may reach us in . . .)
---
"Mansion Villafuerte, Binondo, Maynila." Napatingin si Eduardo kay Clarita, hindi tulad ng karaniwang pagsulyap niya ay seryoso ito at may ipinahihiwatig.
"Niyaya ka ni Heneral Jacinto upang sumali sa kanilang grupo," panimula ni Eduardo, "ako naman ay niyaya ng aking dalawang kaibigan ngunit ako ay tumanggi, ngayong ikaw naman ang kanilang kinukumbida ay dito na ako nagkaroon ng lakas ng loob."
"Halina at tayo ay humayo patungong Binondo, sa madaling panahon."
Nanlaki ang mga mata ni Clarita at muli siyang napatangis. "Nais ko itong gawin alang-alang sa aking ama, at nais mo rin itong gawin alang-alang rin sa iyo. Sige, tayo ay humayo na, sa madaling panahon."
"Wala tayong pagsisisihan, dahil gugustuhin natin ang isusulat nating tadhana."
"Tama ka, wala tayong pagsisisihan."
"Magiging mga Ilustrado tayo!"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top