Kabanata 15: Isang Paanyaya
"Ah . . . opo, sige po tatawagin po namin siya." Utal na saad ni Rosio habang nakatayo sa harap ng isang matangkad at matipunong ginoo, nanginginig ang kaniyang kalamnan dahil pumapasok sa kaniyang isip ang mga nangyari noon. Mababatid sa kaniyang mga mata ang takot na nadarama noong mga oras na iyon.
Ang ginoong naghihintay ay isang umuusbong na heneral, isang labing walong taong gulang na binata. Ang lahat ng tao sa Panciteria De Joseng ay pinagtitinginan siya, pinag-uusapan, at pinagbubulungan.
Ito ay si Heneral Jacinto De Vera, isang heneral na mula sa isang marangyang pamilya. Anak ng isang yumaong kapitan, hindi base sa ranggong pang-sundalo kung hindi sa ranggong politikal. Ang kaniyang yumaong ama ay ang dating alkalde ng Cabanatuan, bagaman abominable dahil sa mga naipatupad nitong mga batas ay lubos na iginagalang ng karamihan.
Ang kaniyang ina naman ay isang dating may-ari ng isang sikat na pagawaan ng tela, ngunit pumanaw na rin ito at naiwan sa heneral. Sa murang edad ay namulat ang binata sa pagsusundalo, siya ay nag-umpisa sa edad na walo at dahil sa kaniyang angking galing ay isa siya sa mga naging batang heneral sa bansa.
"Clarita! Bumaba ka dali!" sigaw ni Rosio sa dalaga na binubunot ang sahig matapos itong lampasuhin ng krudo, napatingin ang dalaga kay Rosio at kumunot ang kaniyang noo.
"Ha? Bakit? May problema ba?" tanong niya, marahang napatango si Rosio. "Palagay ko ay malaki!" bulalas niya, huminga muna siya ng malalim bago siya magpatuloy sa kaniyang sasabihin.
"Naalala mo ba iyong ginoo na tumulong sa atin doon sa merkado? Isa siyang heneral! Hinahanap ka niya, sa palagay ko ay dahil doon sa pagsampal mo sa dalawang babae na inapi kami ni Nieves!" biglaang nanlumo ang mukha ni Clarita nang marinig ito, siya naman ang huminga ng malalim at saka siya tumayo mula sa pagkakaluhod sa sahig.
"Ituloy mo na muna itong binubunot ko, ako na ang bahala doon." Walang emosyon niyang tugon at naglakad sa pasilyo patungo sa ibaba, inilibot niya ang kaniyang tingin sa loob ng panciteria at nabanaag nga ang ginoo na nakaupo na ngayon sa isa sa mga silya at lamesa doon.
Ikinuyom niya ang kaniyang mga kamay at pasimpleng ngumiti, bagaman nag-aalangan kung tutuloy o hindi ay lumakad na siya patungo sa lamesang iyon.
Kada segundo, isang hakbang ang nababanaag, ni animo kapag tumatama ang suot niyang sapatos sa kahoy na sahig ay lumilikha ito ng mahinang kalampag at pagkatapos noon ay impit na langitngit.
Nang makarating siya sa kinauupuan ng binata ay saglit siyang huminto, hindi muna siya nagsalita hanggang sa mapansin siya nito at mapagtantong siya ang kaniyang ipinatatawag.
"Ikaw ba ang binibini na nagngangalang Clarita Abellana?" tanong nito, hindi muna tumugon si Clarita. Ni hindi niya matingnan ng diretso ang mukha ng binata, may nararamdaman siyang kung anong mangyayari na nagpapabilis sa pagtibok ng kaniyang puso.
Napansin ni Jacinto na nakatayo lamang si Clarita kaya naman kaagad siyang napasaad, tumayo siya at itinuro ang upuan bago siya magwika. "Binibini, umupo ka sa silya." Alok niya sabay ngiti sa binibini, tango lamang ang naitugon ni Clarita at sinunod na lamang ang sinabi nito.
"Nais sana kitang kausapin patungkol sa isang bagay, ang—" hindi niya na naituloy ang kaniyang sasabihin nang biglaang tumugon si Clarita.
"Ang nangyari ba sa Merkado? Alam ko nang mangyayari ang bagay na ito ngunit sige, kung aarestuhin o kakasuhan niyo ako ay handa ko itong harapin." Direkta niyang tugon kay Jacinto, bahagyang umiling ang binata at pumangalong-baba habang nakangiti pa rin.
"Ako ang umayos sa mga nangyari, ako rin ang nanindigan upang huwag ka nang madamay. Kaya—" napahinto siya sa pagsasalita nang mamataan niyang kinalampag ni Clarita nang marahan ang lamesa.
Tumingin ito sa kaniyang mga mata nang direkta, walang ekspresyong namamataan sa kaniyang mukha, madilim ang kaniyang paningin ngunit kalmado lamang siya. Malalim ang kaniyang paghinga ngunit hindi siya kumikilos, hindi siya makagalaw at wala siyang kibo.
"Sabihin mo, ako po ba ay iyong sisingilin dahil doon? Patawad ngunit wala akong maibibigay, wala akong maibabayad kung pera lamang ang usapan, mabuti pang ipakulong niyo na lamang ako." Akma na siyang tatayo nang bigla siyang pigilan ni Jacinto sa pamamagitan ng pagdakma nito sa kaniyang pala-pulsuhan.
Nakatayo na silang dalawa ngayon, si Clarita at tinalikuran si Jacinto ngunit naabot nito ang kaniyang pala-pulsuhan. Unti-unting bumabagal ang takbo ng oras para sa kanila.
"Sandali!" napasigaw na ang binata, napahinto si Clarita nang dahil doon. Pinagtitinginan na sila ng mga tao, parang huminto ang takbo ng oras sa kanilang dalawa noong mga oras na iyon.
Biglang bumugso ang malamig na simoy ng hangin, pumapasok ito sa durangawan ng panciteria. Itinatangay ng hangin ang buhok at saya ni Clarita habang ang mahabang eskunong suot naman ng binatang si Jacinto ang itinatangay ng hangin mula sa kaniyang likuran.
"Ginoo, pinagtitinginan na tayo ng mga tao dito, bumitaw ka na po . . . nakahihiya." Nanlaki ang mga mata ni Jacinto at napabaling siya ng tingin sa mga tao doon, totoo nga at sila ay pinagpipiyestahan na ng mga matang matatalim ang tingin sa kanila.
"Ah . . . pa—patawad." Bumitaw siya sa kamay ni Clarita at tahimik na umupo sa kaniyang silya, hinarap naman siya ng dalaga at muli itong umupo sa silyang kaniyang inuupuan kanina.
"Patawad kung hindi mo natanto ngunit hindi salapi ang aking habol, nais ko sanang makipag-kaibigan sa iyo." Ngumiti si Jacinto, napaiwas naman ng tingin si Clarita dahil sa sinabi ng binata.
"Makipagkaibigan? Bakit?" biglaan niyang tanong, napasinghap si Jacinto dahil doon, ngunit kalaunan siya ay ngumiti rin.
"Dahil may nakikita akong potensiyal sa iyo, sa natatandaan ko ay isa kang—" hindi na naituloy ni Jacinto ang kaniyang sasabihin nang biglang sumabad si Clarita.
"Mestiza?" malamig niyang tanong, saglit pang napatikom si Jacinto bago siya tumugon. "Oo, ganoon nga. Dahil isa kang Mestiza, ang nakapagtataka ay . . . sandali, isa bang Kastila ang iyong ama at ang iyong ina ay isang Indio?" nagtanong muli siya.
"Oo, tama ka sa iyong sinabi." Pagsaad ni Clarita sabay ngisi nang marahan kay Jacinto. "Ngunit bakit? Bakit . . ." saglit siyang napatikhim at huminga ng malalim, tumingin siya nang direkta sa mga mata ni Clarita.
"Sabihin mo, bakit ganito ang estado mo? Itinuring ka bang isang pagkakamali o—" saglit muli ay napatigil siya nang mamataang marahang tumatawa si Clarita.
"Estás invadiendo mi privacidad, pero no sé tu nombre ni quién eres en este momento, y por cierto. . . Supongo que eres un general en ascenso. Por eso le rindo respeto a alguien como tú, si solo fueras una persona común, poco a poco te ignoraría." (You are invading my privacy already yet I do not know your name or who you are by this time, and by the way . . . I presume that you are a rising general. That is why I pay respect to someone like you, if you are just an ordinary person, I would gradually ignore you.) Nanlaki ang mga mata ni Jacinto sa narinig, napabulalas naman siya.
"Oh, perdón por intrigante. No necesitas ser tan grosero como un mendigo, como dijiste. . . Soy un general en ascenso, mi nombre es Jacinto De Vera, es un placer conocer a alguien como tú." (Oh, sorry for intriguing. You do not need to be as rude as a beggar, like you said . . . I am a rising general, my name is Jacinto De Vera, it is nice to meet someone like you.) Pagpapakilala nito habang nakangiti, ngiti lamang din ang iginanti ni Clarita.
"Soy Clarita Abellana, es un placer conocer a alguien como tú también. Aunque lo estés. . . ya sabes, muy parecido a un pervertido." (I am Clarita Abellana, it is nice to meet someone like you too. Even though you are . . . you know, much like pervert.) Nanlaki ang mga mata ni Jacinto dahil sa kaniyang narinig at napatikom na lamang siya.
"Sasabihin ko na sa iyo kung bakit ganito nga ang pamumuhay ko kahit ako pa ay isang Mestiza, hindi dahil isa akong bunga ng pagkakamali, o kaya naman ay bastarda, ngunit mag-asawa talaga ang aking ina at ama." Ngiti ni Clarita, naghanda namang makinig pa ang binatang si Jacinto.
"Bata pa lamang ako noong namatay ang aking ina dahil sa Enfermedad pancreática, at mag isa akong pinalaki ng aking ama, subalit ngayong taon lamang ay pumanaw siya. Nabaon siya sa utang kaya heto ako at walang nakuha kahit isang sentimo sa kaiyang pamana, dahil ang lahat ng aming mga ari-arian ay ang kolateral . . . sa aking paniniwala." Tugon ni Clarita, paunti-unting umuusad ang mukha ni Jacinto habang seryoso pa ring nakatingin kay sa dalaga.
"Anong ibig mong sabihin? Nasa Alta Sosyedad ka dati ngunit nang dahil sa utang ng iyong ama ay . . ." saglit siyang napahinto nang mamataan niyang tumutulo na ang luha ni Clarita, nanlaki ang kaniyang mga mata nang pagmasdan niya ang lumuluhang binibini.
"Ayaw ko na, ayaw ko nang pag-usapan ang mga bagay na nakalipas na. Kinalimutan ko na ang patungkol sa mga na iyon at—" biglaang sumabad si Jacinto sa pagsasalita kaya naman napatigil si Clarita.
"Ngunit, nababanaag kong nais mo ng hustisya hindi ba?" napatingin ang dalaga sa mukha ni Jacinto, muli ay ibinuka niya ang kaniyang bibig upang magwika.
"Ngunit . . . paano mo nalaman?" dahan-dahan niyang tanong, tumutulo pa rin ang luha sa kaniyang mga mata. Saglit pa ay dumukot ang binata sa kaniyang eskuno at paglabas ng kaniyang kamay ay may papel na siyang hawak, ibinaba niya ang papel at namataan ni Clarita na ito ay isang listahan.
"Seminario de Señora Lucifera Para Señoritas mejores estudiantes; Clarita Abellana, Teodora Calista Ermita Hermandez, Lolita Congreso . . ." (Miss Lucifera's Seminary for Young Ladies top students; Clarita Abellana, Teodora Calista Ermita Hermandez, Lolita Congreso . . .) napasinghap ang dalaga nang mabasa niya iyon.
"Entonces, fuiste allí. . . No puedo creer que hayas llegado tan lejos por esto. No quiero que me vuelva todo como ayer, seguro que es doloroso." (So, you went there . . . I cannot believe that you have went so far for this. I do not want it all to come back to me like it was yesterday, it surely is painful.) Tumulo muli ang luha sa mga mata ni Clarita.
"El director lo dijo así, la señorita Lucifera Halili-Márquez estaba tan desesperada por protegerte, pero no puede contarle a nadie lo que pasó. Ella reforzó su determinación de decírmelo, y me dijo que no abriera ese caso por el cierto peligro que podría costar." (The principal said it so, Miss Lucifera Halili-Marquez was that desperate to protect you, but she cannot tell anyone about what happened. She steeled her resolve to tell me, and she told me to not open that case up because of the certain danger it may cost.) Tugon naman ng binata, kalaunan ay inilagay niya muli ang papel sa bulsa ng kaniyang eskuno, ngunit paglabas ng kaniyang mga kamay ay panibagong papel nanaman ang inilapag niya sa mesa.
"También dijeron que en realidad estás desesperado por buscar esa justicia. Por tu padre y por ti. . . pero simplemente no puedo hacer un movimiento debido a su vida y entorno, yo, no. . . podemos hacerlo posible para ti, si te vas a unir a nosotros." (They also said that you are actually desperate to seek for that justice. For your father, and for you . . . but just cannot make a move because of your life and surroundings, I, no . . . we can make it possible for you, if you are going to join us.) Ngiti ng ng binata saka binuklat ang papel na inilapag niya sa lamesa.
At ang nakasulat sa papel ay ang mga katagang:
Te invitamos formalmente a unirte a un grupo de refugiados que queremos establecer . . . (We formally invite you to join a group of refugees that we want to establish . . .)
Los Illustrados De Las Filipinas.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top