Kabanata 14: Ang Kaganapan sa Merkado
Malimit ang paglipad ng mga kalapati sa labas ng katedral ng Cabanatuan, maririnig rin ang malakas na pagkalembang ng mga batingaw dahil sa oras na iyon ay katatapos lamang ng unang misa.
Ibinilin ni Joselina sa tatlo ang pamamalengke matapos ang misa, nauna na kasi ito sa pag-uwi kasama si Eduardo dahil may aasikasuhin daw ito sa isang kamag-anak nila.
Nang makalabas ang tatlo sa katedral at nabubugnot na sumaad si Rosio dahil sa palagiang Kastila ang wika ng homiliya ng arsobispo doon.
"Hay, kagaya ng dati wala nanaman akong naintindihan sa homiliya noong arsobispo, puro Kastila naman kasi." Dismayadang wika ni Rosio habang kinakamot-kamot niya ang kaniyang ulo.
"Sinabi mo pa, ano bang akala nila sa ating mga Indio, mga Buang?" sabad naman ni Nieves, sapagkat hindi nila mawari kung ano nga ba ang mga pinagsasasabi ng arsobispo kanina sa loob ng katedral.
Gumawa ng ingay si Clarita sa pamamagitan ng marahang pag-ubo dahilan kung bakit sila napalingon sa akin, nagkatinginan sila at kapuwa nanlaki ang mga mata nang mapagtanto ang isang bagay–hindi siya isang Indio, isa siyang Mestiza.
Dahil ang kaniyang ama ay isang Peninsulares at ang kaniyang ina ay isang Indio.
"Ah . . . walang opensa sa mga hindi Indio." Mabilis na wika ni Nieves, napatawa naman nang marahan si Clarita at tumugon sa kanila. "Gusto niyo ba talagang malaman kung ano 'yung pinagsasabi ng arsobispong akala mo kung sino kanina?" ngisi ni Clarita.
Nagkatinginan naman sila. "A-anong 'Akala mo kung sino?'" tanong naman ni Rosio, napabuga na lamang ng hangin si Clarita at walang emosyong tinugunan ang ignoranteng dalaga.
"Hay nako, ilang linggo na tayong nagsisimba ng magkakasama tapos ngayon niyo lang sinabing hindi niyo naiintindihan ang homiliyang paulit-ulit na lamang ng pesteng iyon?" pinagkrus niya ang kaniyang mga braso.
"Pinagtatawanan at kinukutya na nga kayo, hindi niyo pa rin nahahalata?" prangka niyang saad, muli ay nagkatinginan ang dalawa at tumugon sila ng sabay.
"Ano ba ang iwiniwika ng arsobispo?" tanong nila, umiling-iling naman ang dalaga at ngumiti ito. "Natural lamang iyon sa inyo ngunit kung sasabihin ko ito sa inyo ay baka ikasama lamang ng nararamdaman niyo." Tugon niya.
"Hindi bale, basta ay malaman lamang namin." Tugon muli ni Rosio, napabuntong-hininga si Clarita at muling sumaad. "Mapilit kayo ah, sige." Ngumiti ito at kaniyang ibinuka ang mga kaniyang mga labi upang muling magsalita.
"Ustedes los indios no son más que ratas en las calles, son lo que son por supuesto." (You Indios are nothing but rats on the streets, you are what you are of course.) Ngiti ni Clarita sa mga ito.
"Iyon ang unang sinaad niya sa kaniyang homiliya, na ang ibig sabihin ay mga daga sa lansangan ang mga Indio, na ganoon sila." Muli siyang sumaad.
"Sois todos holgazanes, sucios y más pobres que una rata. Les aseguro que todos ustedes no tendrán un lugar adecuado en el cielo." (You are all lazy, dirty, and poor. I assure that all of you will no have a proper place in heaven.) Saad niyang muli.
"Ang ibig sabihin naman noon ay mga tamad, madungis, at mahihirap pa sa daga ang mga Indio. Sinabi niya pang tinitiyak nitong walang lugar sa langit ang mga Indio." Nabagsak ni Rosio ang dala niyang bayong na gagamitin nila sa pamamalengke dahil sa narinig.
"Paulit-ulit na lamang iyon, nakaaantok na. Wala na ba silang ibang maisip na ihilomiliya at iyon palagi? Nasisimulan ko nang magsawa sa simbahang ito, sila na nga iyong banal sa paningin ng iba ay sila pa itong mas matalim pa kaysa sa isang gulok ang dila pagdating sa mga Indio, nakasasawa na." Isinuot ni Clarita ang kaniyang sombrerong Bangkuang at nagpatuloy sa paglalakad upang magtungo na sa merkado.
"Sandali, Clarita!" narinig nitong sumigaw si Nieves kaya naman lumingon siya sa mga ito. "Bakit?" tanong niya, napahinga naman ng malalim si Nieves bago siya tumugon.
"Hi—hindi ka ba nagbibiro? Ser—seryoso ka ba talaga sa mga iwinika mo?" tanong niya na ikinakunot ng noo ni Clarita, sa pangalawang pagkakataon ay nagpakawala si Clarita ng hangin galing sa kaniyang baga at nilapitan si Nieves na ngayon ay nangigilid na ang luha.
"Masanay na kayo, sa susunod na linggo hindi na ako magsisimba. Hindi ko na gusto ang pagiging matapobre ng mga sandamukal na alipores ni Satanas na nagbalat-kayong mga banal." Singhal ni Clarita.
"Pagod na akong marinig ang mga iyon, pagod na akong lagi na lamang tayong napapahiya dahil sa estado natin sa buhay." Walang emosyong dagdag niya sa kaninang sinaad at tinalikuran niya si Nieves at nanguna nang maglakad patungo sa merkado.
Bagaman ay nabigla ang magkaibigang Rosio at Nieves dahil sa sinaad ni Clarita ay sinamahan pa nila ito sa merkado upang mamili ng mga kakailanganin sa panciteria, magaling sa sipnayan si Clarita kaya naman noong nagsimula siyang magtrabaho ay nabawasan ang gastusin at unti-unting bumabangon sa pagkalugi ang panciteria.
"Clarita, sa tingin ko mas nakatipid tayo ngayon. Limang piso ang sobra sa ating salapi, kumpara noon na walang natitira sa ating pangbili." Bulalas ni Rosio habang tinitingnan at binibiliang ang mga salaping sobra sa kanilang pamimili.
"Bumaba lamang ang presyo ng bilihin ngayon, kung dati ang repolyo at sanahoria ay tatlong piso lamang kada-kilo, ngayon ay dalawang piso na lamang. Ang mga pangpalasa na dati ay limang piso, ngayon ay tatlong na lamang. Ang mga karneng panahog na dating sampung piso, ngayon ay pito na lamang." Napatingin ang dalawa kay Clarita habang hawak nito ang listahan ng kanilang mga binili.
"Ang galing, alam mo lahat ng presyo." Papuri ni Nieves, sila ngayon ay nakaupo sa ilalim ng isang puno malapit sa merkado. Matapos silang mamili ay nagpahinga muna sila dahil sa pagod at init dahil katanghaliang tapat.
"Inilista ko ang lahat ng presyo, kung sakaling tumaas o bumaba man ito ay madali ko nang pagpoproseso sa utak ko kung gaano karami ang ating gagastusin, siyempre ay kailangan na rin ito. Hindi pa lubusang nakababangon ang panciteria." Ngiti ni Clarita kay Nieves.
"Simula nga noong dumating ka ay unti-unti nang bumangon ang aming kabuhayan, ganoon na lamang ang pasasalamat namin sa iyo. Noon kasi ay hindi marunong magtipid si Inay kaya ayon, nalulugi. Ngunit ngayon ay ikaw na ang humahawak nito kaya mas nakakatipid tayo, dahil sa galing mo sa sipnayan." Dagdag naman ni Rosio.
Tumayo si Clarita sa pagkakaupo at nagyaya nang umuwi dahil wala naman na silang gagawin, pumayag naman ang dalawa at dinala ang kani-kanilang mga hawak na bayong.
Maraming taong nagsisidaan sa kalsada, maraming tao ang magkakahalo rito sa pamimili. Mga kalalakihang kadalasan ay mga ordinaryong Indiong nagtratrabaho bilang kargador sa palengke, ang mga kababihan naman ay mga katulong at mga nakaaangat sa Alta Sosyedad.
Narinig sa hindi kalayuan ang isang malakas na kalabog, bumagsak sa lupa ang isang dalaga na ikinagulat ng naglalakad na si Clarita.
Napabaling siya ng tingin sa pinagmulan ng kalabog at napansin niya si Rosio, pinupulot ang mga laman ng kaniyang bayong habang pinagtatawanan ng dalawang dalaga. Nanlaki ang kaniyang mga mata nang marinig niya ang isinumbat ng mga ito sa kaniyang kaibigan.
"¡Será mejor que mires a dónde vas, una rata apestosa como tú merece un castigo! ¡Solo mira mi vestido! ¡Todo está entrenado gracias a ti! Plaga indio!" (You better watch where you are going, a stinky rat like you does desserved punishment! Just lbetterook at my dress! It's all trained because of you! Pest Indio!) wika ng isang dalaga, hindi nakagalaw si Clarita sa kaniyang nasaksihan.
Sinipa ng mga dalaga si Rosio at hindi ito makaganti subalit ay halatang iniinda ang sakit ng mga ginagawa sa kaniya.
"Rosio!" napasigaw si Nieves nang mapansin rin niya ang nangyayari, kaagad siyang tumakbo palapit sa kaniyang kaibigan at inawat nito ang dalawang dalagang sinisipa si Rosio.
"Tama na po! Tigilan niyo na ang aking kaibigan!" pagmamakaawa nito, subalit siya rin ay itinulak ng dalawa at pinagsisipa rin.
"¡Tu plaga se merece todo esto! ¡Todos son ratones! ¡Ratas! ¡Idiotas! Como monos, todos ustedes son tontos!" (You pest does deserve all of this! You're all mice! Rats! Idiots! Like monkeys you are all dumbs!) tumagos sa puso ni Clarita ang mga sinasabi ng mga ito habang pinagtatatadyakan ng mga matapobreng mararangya ang kaniyang mga kaibigan.
Maraming dumadaan na tao, ngunit walang pumupuna sa mga nangyayari, mga bulag ang mga taong dumaraan. Kung mayroon mang makapapansin ay bubulong lamang ito at hindi aawat, tatalak lamang o kaya ay hahalakhak.
Hindi niya magawang kumilos, isang bagay ang nagpapaalala sa kaniya ng mga nangyayari. Naaalala ni Clarita ang nangyari kay Rebecca noon, ang mga pasa ay dahil rin sa pang-aabuso ng isang matapobre. Ayaw niya nang isipin ngunit bumabalik ang lahat at tila hinihila siya nito palabas sa reyalidad, patungo sa isang bangungot.
"Tama na! Magtigil kayo!" natauhan ang dalaga nang marinig niya ang sigaw ng isang lalaki, baritono ang boses nito. Huminto ang isang kabayo na sakay ang isang matipunong ginoo, nagulat naman ang dalawang dalaga at napahinto sa kanilang ginagawa kay Rosio at Nieves.
"Ano sa tingin ninyo ang ginagawa niyo?! May maidudulot bang maganda iyan?!" bumulyaw ang lalaki, hindi nakapagsalita ang dalawa dahil doon.
"Heneral, ah . . . makapagpapaliwanag po kami—" hindi na naituloy ng dalawa ang sasabihin sa ginoo nang bigla itong sumigaw.
"No hay nada que explicar porque vi lo que pasó, esta chica se disculpa sinceramente contigo pero ¡mira lo que hiciste! ¡¿Y quién diablos son ustedes para llamarse a sí mismas y damas de la Alta Sociedad si se están comportando así?!" (There is nothing to explain because I saw what happened, this girl is sincerely apologizing to you but look at what you did! And who the hell are you to call yourselves proper and ladies of the High Society if you are behaving like this?!) hindi na tuluyang nakatugon ang dalawang dalaga, natikom na lamang ang mga ito habang nakayuko.
Doon lamang naigalaw ni Clarita ang kaniyang katawan, hindi niya napigilan ang kaniyang sariling gigil na gigil na lumapit sa likuran dalawang dalaga.
"Sino kayo sa tingin ninyo upang gawin iyan sa aking mga kaibigan?" walang emosyong tanong niya sa nakatalikod na dalawang dalaga. Hindi umimik ang dalawa at nanahimik pa rin habang nakayuko.
Napasinghap si Clarita at nangigil, hinawakan niya sa balikat ang isang binibini at ihinarap niya ito sa kaniya, halata ang pagkagulat sa mukha ng dalaga.
Ni animo ay bumagal ang ikot ng mundo, ngunit mas mabilis pa sa kidlat ang ginawa ni Clarita sa binibini.
Umalingawngaw sa buong paligid ang tunog ng malutong na sampal.
Napatingin ang kasama nito kay Clarita ta halatang nagulat din, hindi na napigilan ng ginoo ang mga nangyari. Ngangang nanatili sila Rosio at Nieves dahil rin sa pangyayaring kanilang nasaksihan.
"Sabihin mo! Ano ang dahilan niyo! Sino kayo para gawin iyon!" sumigaw muli siya, bigla naman siyang itinulak ng kasama nito dahilan upang mapaupo siya sa lupa, akmang gaganti ito nang pigilang muli ng ginoo.
"Sino ka rin ba sa tingin mo? Isang Indio ka rin lamang naman!" sigaw nito, dahan-dahang tumayo si Clarita at pinagpag niya ang kaniyang sayang naalikabukan dahil sa buglaang pagkakaupo.
"Mali ka, hindi ako isang Indio, isa akong Mestiza." Seryosong tumingin si Clarita sa dalagang nagpupumiglas sa pagkakahawak ng ginoo.
"¡Eres presumido! Sí, puede que seas mestiza, ¡pero mírate a ti mismo! ¡Eres como ellos, pobre como el infierno, más pobre que una rata! ¡Ni siquiera puedes hablar español! Eres una especie de tonto!" (You smug! Yes, you may be a Mestiza but look at your self! You are just like them, poor as hell, poorer than a rat! You cannot even speak Spanish! You are a dumb of a kind!) sumbat nito, walang emosyong tiningnan ni Clarita ang nagkukumahog na dalaga.
"¡Déjame ir! ¡Déjame enseñarle una lección a este arrogante! Déjame ir!" sumigaw muli siya, lumapit si Clarita sa dalagang iyon na hawak pa rin ng ginoo, wala pa ring emosyon ang kaniyang mukha ngunit bakas dito ang galit na kaniyang nadarama noong mga sandaling iyon.
"No, déjame enseñarte una lección." (No, let me teach you a lesson.) Nanlaki ang mga mata ng binibini, dahil sa pagkakarinig ng kaniyang sinabi. Wikang Kastila, isa siyang mahirap ngunit nakapagsasalita ng Kastila.
Isang tunog ng malakas na sampal muli ang narinig, dito na nabitawan ng ginoo ang binibini. Nanlulumo itong bumagsak sa lupa, napangiti si Clarita dahil doon.
"Sí, puede que sea tan pobre como tú piensas, pero déjame decirte esto. No degrades a los que pueden ser mejores de lo que crees, solo porque tienes ese estilo de vida elegante y todo ese dinero, eso no significa que puedas degradarnos. Recuerde, los indios son los que nacen aquí y los verdaderos dueños de esta tierra, los españoles son extranjeros que tomaron este país como su colonia. Una vez que tengan suficiente de esta discriminación conocida, verá." (Yes, I may be poor as hell like you think, but let me tell you this. Do not degrade the ones who may be better than you think, just because you have that fancy lifestyle and all that money, that does not mean you can degrade us. Remember, Indios are the ones who is born here and the true owner of this land, the Spaniards are foreigns who took this country as their colony. Once they have enough of this known discrimination, you will see.)
"Kayong dalawa, tayo na." Sambit ni Clarita, kaagad namang natauhan ang dalawa niyang kaibigan at kinuha nito ang kanilang mga bayong, kaagad silang umalis ng merkado nang parang walang nangyari.
Mariing napangiti ang ginoong umaawat kanina lamang.
"Qué movimiento tan persistente, ya me gustas. Te juro que te encontraré." (What a very persistent move, I like you already. I swear I will find you.) Ngumiti ito at sumakay sa kaniyang kabayo.
Parang kawawang mga batang naiwan ang dalawang dalaga, pareho silang walang gimik at pinagtitinginan ng sangkatauhan sa merkado.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top