Kabanata 13: Ang Panliligaw

Isang buwan ang lumipas matapos makapasok si Clarita sa La Panciteria De Seleng, ang pagsisimula ng kaniyang bagong buhay ay hindi niya ganoon ikinahirap nang dahil na rin sa tulong ni Eduardo na ipasok siya sa trabaho.

Nang dahil nawalan nga ng trabaho ang binata dahil sa pagbagsak ni Clarita ay napilitan itong tumulong na lamang din sa panciteria kaysa pahirapan pa ang sariling maghanap ng ibang trabaho.

Linggo ng umaga, sarado para sa araw na iyon ang panciteria dahil ang buong pamilya ay kailangang magsimba at mamalengke na rin. Nagagalak at nasasabik naman si Rosio sa araw na iyon dahil binilhan siya ng kaniyang inang si Joselina ng bagong damit upang ipangsimba.

Si Clarita naman ay namimili ng kaniyang isusuot sa kaniyang mga damit na nakasabit sa kaniyang aparador, kinuha niya ang puting blusa at luntiang saya upang maiba naman ang kaniyang ayos, hindi kasi malimit ang pagsusuot niya ng mga madidiin na kulay.

Iginayak niya ang sarili, siya ay naglinis ng katawan at inayos ang kaniyang buhok matapos niya itong mapatuyo at suklayin. Itinirintas niya ang kaniyang buhok at nilagyan niya ito ng simpleng payneta.

Matapos iyon ay isinuot niya ang blusa at saya at nagsuot ng simpleng sapatos, lumabas siya sa kaniyang silid nang nakaayos kalaunan. Namataan iyang lumabas si Eduardo sa silid nito, nang maagip siya ng mga mata nito ay pasimple itong ngumiti at lumapit sa kaniya.

"Clarita, naparikit mo kahit simple lamang ang iyong suutin. Kagaya ka pa rin ng dati, hindi kumukupas ang iyong kagandahan." Papuri nito, sa tatlong buwang pananatili ni Clarita sa piling nila Eduardo ay nakasundo niya ang mga ito bilang isang ordinaryong tao.

Hindi na kasi siya ang Claritang mayaman at nakaaangat kaysa sa iba, wala nang balita ang dalaga sa kaniyang mga kaklase sa seminaryo. Isinawalang-bahala niya na lamang ito at lumapit kay Eduardo.

"Ilang beses mo na bang nasabi sa akin iyan? Kada linggo ay naririnig ko ang mga katagang iyan sa iyo. Hay Eduardo, kung gusto mo akong mapasagot ng oo at maging nobyo kita ay dapat alam mo na, mas galingan mo pa." Napakamot naman sa ulo ang binata at napangisi.

Sa tatlong buwang nanatili at nagtrabaho doon si Clarita ay mas lalo pang lumalim ang pagsasamahan nila ni Eduardo, sa mga pagkakataon ding iyon ay mas lalo pang umigting ang nararamdaman ng binata sa dalaga.

Hanggang sa isang araw ay umamin siya habang sila ay naglalakad pauwi galing sa pagbisita sa isang kamag-anak ni Eduardo.

---

Papalubog ang araw habang ang dalawa ay naglalakad galing pagbisita sa sa isang kamag-anak ni Eduardo, kinakabahan ang binata habang nakasunod lamang kay Claritang nauuna sa paglalakad.

Nadarama niya ang preskong paligid dahil sila ay nasa gitna ng kabukiran, napapalibutan sila ng mga mala-luntiang palayan na kauusbong pa lamang ng mga bungang sa Oktubre pa aanihin.

Sa kanilang tikog ang pasalubong na araw na nagbibigay-liwanag sa paligid, lumilikha ito ng kahel sa kalangitang bughaw na may mga puting ulap na nakapalibot. Isang magandang tanawin at maaliwalas na hapon.

Hindi siya mapakali dahil nararamdaman niyang may mga paru-paro sa kaniyang tiyan, may nais siyang sabihing hindi niya masabi. Nais niyang lumabas ang mga iyon galing mismo sa kaniyang bibig, ngunit hindi niya kaya.

Ngunit kaniya itong nilabanan, nilabanan niya ang kaniyang nararamdamang nerbiyos. Alam niyang ito na ang tamang pagkakataon upang aminin niya ang kaniyang nararamdaman sa dalaga, ngunit paano kung gayong ganito ang estado?

Napahinto siya sa paglalakad, nakatingin siya sa lumulubog na araw. Unti-unting lumakas ang bugso ng hangin, malamig ito dahil hapon na at hindi na at wala nang epekto ang init na dala ng papalubog na araw.

Namataan ni Clarita ang paghinto ni Eduardo sa kaniyang paglalakad kaya ito ay napahinto rin at hinarap ang binata, pagkaharap nito ay direktang nagkatinginan ang dalawa.

Mata sa mata.

Nabigla ang dalawa sa naganap at kaagad napatalikod sa magkabilang direksiyon, ang kanilang mga pisngi ay namumula at nag-iinit iyon patungo buo nilang mga mukha.

"Ba—bakit Eduardo? Ikaw ba ay m—ay suli—suliraning dinada—dala?" utal na tanong ng dalaga habang nakatalikod pa rin ito, malalim ang kanilang paghinga at pareho na ngang nakararamdam na may mga paru-paro sa kanilang mga tiyan.

"Wala Clarita, patawad." Tugon naman ng binata, napapikit nito sa kaniyang nasabi, alam niyang iyon na ang tamang pagkakataon ngunit inuunahan siya ng kaba.

Napabuntong-hininga naman si Clarita at naglakad nang muli na parang walang nangyaring nakahihiya, ngunit halata sa dalaga ang pagiging mahiyain dahil nangyari, hindi siya makapag-isip ng maayos kaya nagpatuloy na lamang siya sa paglalakad.

Nang mamataan ito ni Eduardo ay napayuko na lamang siya, sumunod rin siya sa paglalakad at muli ay idinistansiya niya ang sarili sa dalaga. Hindi niya alam kung ano nga ba ang gagawin, tanong siya nang tanong sa kaniyang sarili kung ano nga ba ngunit pinapangunahan siya ng kaba.

Muli siyang napatigil.

"Clarita!" sigaw niya rito, napatigil muli sa paglalakad ang dalaga, bumaling ito ng tingin kay Eduardo.

Ang sinag ng papalubog na araw ay nagbigay ng hindi mapapantayang kinang sa mga mata ni Clarita, isama pa rito ang biglaang pagbugso ng malamig na hangin dahilan kung bakit naitatangay nito ang kaniyang saya at nakalugay niyang buhok.

"Eduardo? Ano iyon?" tanong nito, bago pa man tumugon si Eduardo ay huminga muna siya nang malalim, tiningnan niya mata sa mata si Clarita na ikinagulat naman nito.

Hindi na naialis ng dalaga ang tingin niya sa mga mata ni Eduardo.  "E-Edua—" hindi na ituloy ni Clarita ang kaniyang sasabihin nang magsalita kaagad ang binata.

"Clarita, may gusto akong amimin sa iyo." Kinakabahan niyang saad habang nakasara ang dalawa niyang kamay, saglit siyang napapikit at napayuko bago siya muling magwika.

"Clarita, gusto kita! Noon pa!" pareho silang nabigla, si Eduardo nang masabi niya ang mga katagang iyon, at si Clarita nang marinig niyang iwinika ito ni Eduardo, halos hindi siya makaalis o makagalaw man lamang sa kaniyang kinakatayuan.

"Clarita, te amo desde el fondo de mi corazón." (Clarita, I love you from the bottom of my heart.) Wika pa ni Eduardo, malalim pa rin ang paghinga nito. Alam niyang nakaharap sa kaniya ang dalaga at nakikinig ito sa kaniyang isinasaad.

"Nais kong kunin ang iyong kamay, Clarita." Dumilat siya at direktang tumulingin sa mga mata ng dalaga na talaga namang nanginginang at nangungusap, ang kaniyang mukha ay maaliwalas at halatang nabigla ito sa sinaad ni Eduardo.

"Maaari ka bang ligawan?" namula ang mukha ng dalaga at hindi kaagad napatugon, natauhan siya nang biglang humampas ang malakas na bugso ng malamig na hangin sa kaniyang mukha.

"E-Eduardo," namataan ng binata ang kaniyang pagngiti, habang bumubugso pa rin nang malakas ang hangin ay namataan niya itong naglalakad papalapit sa kaniya, itinatangay ng hangin ang buhok at saya ng binibini kaya naman ay nagbibigay ito ng kakaibang imahe para sa binata.

Maihahalintulad siya sa isang anghel.

Iyon ang nasa isip nito, ang mga dahon ng malunggay sa kalapit na puno ng akasya ay dahan-dahang napupungay at itinatangay ng hangin patungo sa kanila, kay sarap pagmasdan ng tagpo sa pamamagitan ng mata.

Parang bumagal ang pag-ikot ng mundo.

Ganito ang nararamdaman ng isang taong umiibig, sa mga pagkakataong iyon ay alam na ni Eduardo at Clarita ang pakiramdam at ang eksena, kung paano ito nangangahulugan sa wika ng mga nakaranas na ng ganito.

Tuluyan na ngang lumubog ang araw, at sa pagkakataong iyon ay namamataan na ang mga bituin sa langit. Naghahalo ang madilim na kulay bughaw at kahel sa mga ulap. Nababalot iyon ng mga talang makikinang, sing kinang ng mga mata ni Clarita sa nagdaang tagpo.

"Eduardo, maaari." Maigsing tugon ngunit ikinasiya ng binata, hindi nito ipinahalata ang nararamdamang labis na kaligayahan sa kaniyang puso. Abot langit naman ang saya para sa binata gayong pumayag na si Clarita na ligawan siya nito, alam niyang malayo pa ang kaniyang lalakbayin.

Alam niyang iyon pa lamang ang umpisa.

---

"Ha?! Totoo?! Walang halong biro?! Nililigawan ka ni Ku—" hindi na naituloy ni Rosio ang kaniyang sasabihin nang takpan ni Clarita ang kaniyang bibig.

"Huwag kang maingay, ayaw ko munang malaman ng iba, at saka si Nieves . . . hindi ba ay may gusto iyon kay Eduardo?" tanong ni Clarita, inalis naman ni Rosio ang nakatakip na kamay sa kaniyang bibig.

Sila ngayon ay nasa itaas na pasilyo ng bahay na tinutuluyan at akma nang bababa si Rosio nang tawagin siya ni Clarita upang kausapin saglit.

Dito na inamin ni Clarita na nililigawan siya ni Eduardo, tatlong araw makalipas ang kanilang naging tagpo sa gitna ng kabukiran ay nagsimula nang magpamalas si Eduardo kay Clarita na nililigawan na nito.

Walang alam ang mga tao sa bahay patungkol sa nangyayari at si Rosio na ang unang nakarinig paukol sa konseptong iyon, labis siyang nabibigla dahil sa kaniyang narinig kaya sa labis niyon ay napasigaw siya nang wala sa oras.

"Oo nga, pero tingnan mo naman ang ipinagkaiba niyong dalawa? Ikaw mukhang Diyosa tapos siya mukhang Tikbalang." Napatawa silang dalawa sa birong iyon, pagkatapos ay naging kalmado nang muli si Clarita.

"Bakit mo naman kami ipinagkukumpara? Maganda rin naman siya at may nagkakagusto rin naman sa kaniya." Tugon ni Clarita, pumamewang naman si Rosio at ngumisi.

"Alam mo kasi, Clarita. Oo sabihin na nating may hitsura rin si Nieves, pero para ba kay Kuya ang ganoong mukha? Eh wala pa nga sa kalingkingan ng aking kagandahan." Huminga nang malalim si Clarita.

"Akala mo naman nakatatawa ang biro mo? Huwag mong sabihan ng ganoon si Nieves, kung maririnig ka noon ay tiyak kong magagalit iyon sa iyo." Tugon naman ni Clarita.

"Hay, sige na nga. Pero hindi talaga ako pabor kapag siya." Nangungulit pa rin ito, itinawa na lamang ng dalawa ang mga iyon saka tuluyan nang bumaba upang kitain si Ginang Joselina at Nieves sa ibaba, gayon din si Eduardo na sa mga pagkakataong iyon ay nagsimula nang magsimba.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top