Kabanata 11: Sa Malamig na Lansangan

"A-anong sabi niyo? W-ala na si Ama?" nanlumo ang dalaga sa kaniyang narinig, nanlalaki ang kaniyang mga mata at nabibigla pa rin sa mga nangyayari.

"Didirektahin na kita, Binibining Clarita. Ang iyong ama ay nabaon na sa utang at ang lahat ng kaniyang mga ari-arian at mga salapi at kailangang mapasamahalaan dahil sa laki ng danyos nito." Nagsimulang tumulo ang luha sa mga mata ni Clarita, ni animoy magkakahalong emosyon ang nasasakaniya.

"Paano na ako?" tanong niya habang patuloy na tumatangis, walang emosyong tumugon ang abogadong si Roberto.

"Hindi ko na po problema iyon, Binibining Clarita. Maging ang inyong tahanan, negosyo, at iba pa na nasa España ay kailangan ding ipangbayad dahil sa mga utang ng inyong ama." Saad nito, saglit pa itong huminga ng malalim bago muling nagwika.

"Sa madaling sabi po, walang-wala na po kayo, Binibining Clarita. Kailangan niyo na rin pong lisanin ang seminaryong ito, wala na pong sasagot sa inyong mga gastusin. Wala na po kayong pera, unabis." Nang matapos itong magsalita ay kaagad itong umalis ng silid at naiwan ang rektorang si Lucifera at ang kawawang si Clarita.

"Sandali!" sigaw ni Clarita at lumabas na rin ng opisina. "Sanadali!" umiiyak siya habang hinahabol ang abogado.

"Paano ang ama ko?! Anong nangyari sa kaniya!" sigaw niya habang patuloy pa ring tumatangis, masakit na masakit ang kaniyang puso sa mga biglaang nangyari.

Huminto sa paglalakad ang abogado at hinarap muli ang binibini. "Inilibing na ang inyong ama, ang gobyerno na ang sumagot sa libing ng inyong ama dahil sa laki ng utang niya." Mas lalong nanlumo ang dalaga at napasalampak na lamang sa sahig, tinalikuran siya ng abogado at lumakad na ito palayo.

Hagulgol.

Kalungkutan.

Iyak.

Umiiyak siya. Matindi. Masakit.

"Binibining Clarita! Anong nangyari sa inyo at kayo ay tumatangis dito sa pasilyo?!" ang sumigaw ay si Rebecca na patungo na sana sa ibaba ngunit nakatakda niyang masalubong ang binibini sa pasilyo ngunit nabigla siya nang makita itong tumatangis.

"Binibining Clarita!" utas niya pang muli ngunit patuloy lamang ito sa paghagulgol. "Binibining Clarita! Magtigil na po kayo, para pong pinapasan niyo na ang langit at lupa!" saad pa ng dalaga at inalalayang tumayo ang dalaga.

Patuloy pa rin ito sa pagtangis kahit na ganoon, doon ay nakasalubong nila si Ginang Bonita at namataan nito ang dalaga. "Binibining Clarita, anong nangyari at ganiyan na lamang ang inyong pagtangis?" nagtanong ang ginang.

Hindi nakasagot ang dalaga dahil hindi ito matigil sa paghagulgol, muli ay tinanong ng ginang ang dalaga. "Binibining Clarita, anong nangyari?" tanong niyang muli, ngunit kagaya ng kanina ay hindi nakasagot ang dalaga.

Saglit pa ay naging malalim na ang paghinga nito, hanggang sa paunti-unti siyang nanghina at bumagsak sa balikat ni Rebecca, nang dahil sa presyon at pagkabigla ay tumaas ang kaniyang dugo at nawalan siya ng malay.

"Binibining Clarita!" parehas na napasigaw si Rebecca at Ginang Bonita nang mangyari iyon, kaagad nilang idinala si Clarita sa silid nito ngunit natagpuan nila ang maraming taong naghahakot ng mga gamit ng dalaga palabas.

Nagtaka sila ngunit inintindi muna nila ang dalaga kaya sa silid na ni Ginang Bonita dinala si Clarita, ihiniga nila ito sa higaan upang makapagpahinga.

"Bekang, maiwan mo na kaming dalawa rito, kapag nagising siya ay itatanong ko kay Binibining Clarita kung bakit ganoon lamang ang kaniyang pagtangis, at kung anong nangyayari sa kaniyang silid." Wika nito, kaagad namang tumugon si Rebecca.

"Opo Señora, mauna na po ako." Tugon niya saka lumabas ng silid, pagkalabas ng katulong ay pumasok naman sa silid ang rektorang si Ginang Lucifera.

"Bonita, maaari ka bang kausapin?" tanong nito sa kapatid, kaagad namang tumugon ang babae. "Opo, Ate Lucifera. Ano po ba at tungkol saan po ba iyon?" tugon ni Bonita.

"Huwag ka sanang mabibigla sa aking sasabihin." Panimula niya sa kaniyang sasabihin, tumango naman bilang tugon si Bonito bambang nakatingin at nakikinig sa kaniyang ate.

"Bonita, simula ngayon ay hindi na natin mag-aaral si Binibining Clarita, dahil . . . siya ngayon ay isa nang pulubi-mas mahirap pa siya sa isang daga ngayon." Saad ni Lucifera, nanlaki naman ang mga mata ni Bonita at napasinghap.

"Ano?! Bakit?" nabibigla niyang wika, napaiwas naman ng tingin si Lucifera. "Sa kasamaang palad, aking mahal na kapatid. Pumanaw ang ama ng Binibining Clarita dahil sa isang aksidente, maraming utang ang kaniyang pamilya kaya ang ipinangbayad dito ay ang lahat ng mga ari-arian nila." Tugon niya, nanggigilid ang luha sa mga mata ng ginang at nanggigigil na napaiwas ng tingin.

Tumayo ang ginang at tumalikod, nang hindi siya makapaghunus-dili ay inihampas niya ang kaniyang mga kamay sa lamesa. "Mga hayop ang mga taong iyon! Mga wala silang awa! Mga kalam ang bituka! Mga walang puso at kaluluwa!" umagos ang mga luha sa mga mata ng babae.

"Ate! Ate Lucifera-" hindi na naituloy ni Bonita ang kaniyang sasabihin nang humarap ang kaniyang ate sa kaniya.

"Binantaan nila ako, Bonita! Binantaan nila ako!" tumatangis na saad ng ginang, malalim na rin ang kaiyang paghinga kaya naman pinaupo at pinakalma na ni Bonita ang kaniyang ate.

Nang maglaon ay kalmado nang nagkuwento si Lucifera patungkol sa nangyari, sabay saad ng mga katagang;

"Wala akong kasalanan, binantaan lamang ako."

---

"Ano? Hindi!" nabigla si Lucifera nang mabalitaan mula sa abogadong si Roberto ang nangyari sa ama ng dalagang si Clarita, nabibigla man ay pinilit niya pa ring kumalma.

"Ipaliwanag mo ang nangyari? Nais kong maunawaan." Saad pa niya, huminga naman nang malalim ang abogado at saka ito tumayo, kumuha siya ng tabako mula sa kaniyang bulsa at sisindihan iyon.

Nanlaki ang mga mata ni Lucifera at napasinghap siya. "Ginoo, bawal po ang kaniyang dito sa loob ng seminaryo-" hindi na siya makapagsalita pa nang putulin ni Roberto ang kaniyang pagsaad.

"Señora Lucifera, este es un asunto muy importante. El padre de la desafortunada señorita Clarita había superado algunos problemas, e incluso trató de rebelarse contra su propio país-" (Miss Lucifera, this Is a very important matter. The father of the unfortunate Miss Clarita had overcome some issues, and even tried to rebel against his own country-) ngayon ay si Roberto naman ang hindi nakapagsalita nang biglaang tumugon ang ginang.

"Conozco este tipo de movimientos y, sin embargo, ¡los españoles robaron la riqueza de la familia! ¡Cómo podéis soportar ver a una pobre alma huérfana!" (I know this kind of move, and yet the Spanish stole the family's wealth! How could all of you stand seeing a poor orphanned soul!) galit niyang wika ngunit kalmado pa rin ang ginang at piniling huwag nang mag-umpisa.

"La señorita Clarita es una estudiante inteligente, aunque no tiene riquezas, ayudaré a esta pobre alma." (Miss Clarita is a smart student, even though she is out of wealth, I will help this poor soul'" Panimula niya saka siya tumayo sa kaniyang kinauupuan.

"Alam kong malaki ang potensiyal ng bimibini kaya hindi ko siya palakawalan, kahit pa-" muli ay hindi niya naituloy ang kaniyang sasabihin.

"Kahit pa ikamatay mo?" nanlaki ang mga mata ng ginang sa narinig, napaupo muli siya at direktang nakatingin lamang sa abogado.

"Isa itong babala, Ginang Lucifera. Kung mananatili rito ang binibini kahit na manilbihan siya bilang kasambahay o katulong ay mahaharap ka sa isang malaking kaso. Magdadahilan ito sa pagsasara ng seminaryong ito, at ang lahat ng sa iyo ay mawawala katulad ng isang pilibusterong gaya ni Joselito Abellana." Naging malalim ang paghinga ng ginang.

"Naiintindihan ko na ang lahat, maaaring binangga ng ama ni Binibining Clarita ang gobyernong Kastila. Ngunit pakiusap, huwag niyong idamay ang isang inosenteng dalaga sa mga nagawa ng kaniyang ama!" tugon naman ng ginang, umiling-iling ang abogado.

"Ang kasalanan ng ama, ay kasalanan ng buong pamilya." Simpleng saad ni Roberto, ngumiti siya at umupong muli sa silya.

"Señora Lucifera, tiene dieciséis horas para pensarlo y para echar de aquí a la hija de ese filibustero. Esta es una orden del gobierno español, si aún se niega. . . sabes lo que te pasará." (Miss Lucifera, you have sixteen hours to think about it, and to throw the daughter of that filibuster away from here. This is an order of the Spanish government, if you still refuse . . . you know what will happen to you.)

Pagkatapos noon ay may taong kumatok sa pintuan, at nang bumukas ito ay bumungad si Fortunata na maglilinis lamang sa loob ng silid. Ipinatawag niya sa kasambahay ang kapuwa nitong si Rebecca na ipinatawag naman si Clarita patungo sa opisina ng rektora.

At dito na nagsimula ang lahat.

---

"Hindi ako makapaniwalang ginawa nila iyon kay Binibining Clarita, napakasama ng mga taong iyon!" galit na saad ni Bonita, malalim ang kaniyang paghinga at nangigilid na ang kaniyang luha dahil sa nadaramang magkahalong awa at galit.

"Bakit kailangang madamay ni Binibining Clarita?! Hindi na ba sila naaawa? Hindi ba nila alam ang kahihinatnan ng dalagang iyan kapag naglaong walang sumuporta sa kaniya?!" napaiwas ng tingin si Lucifera at napahinga ng malalim.

"Ang seminaryo lamang ang iniisip ko, Bonita. Iniisip ko rin ang ating kahihinatnan kung sakaling tulungan natin si Binibining Clarita. Tayo na rin mismo ang mapaparusahan, tayo na rin mismo ang . . . nagdurusa." Napadukdok siya at saka ay humagulgol na lamang, muli ay pinakalma ni Bonita ang kaniyang ate saka ay ihinatid niya ito sa kaniyang silid upang magpahinga na.

"Ganoon po ba, Ginang Bonita?" tanong ni Clarita sa sa ginang nang magising siya at ipaliwanag sa kaniya ng ginang ang mga nangyari.

"Hindi maharap ni Ate Lucifera ang mga ito at ayaw niya talagang pakawalan ka, ngunit siya naman ang mapapahamak kung mananatili ka pa rito." Dagdag pa ng ginang, tango lamang ang naging tugon ng dalaga.

"Salamat po at handa niyo po akong tulungan sa mga kinahaharap ko ngayon, pero kung mas marami naman po ang mapapahamak ay hindi na po ako makikiusap. Opo, aalis po ako rito kung iyon ang inyong nais para sa akin." Tugon naman ni Clarita.

"Nais ko pong ngayon na ako lumisan, at ayaw ko pong malaman ng aking mga kamag-aral ang estado ko at ang pag-alis ko. Ayaw ko pong isipin at alalahanin pa nila ako, alam ko na siguro ang aking kahihinatnan." Ngumiti ang dalaga at tumayo ito sa kaniyang higaan.

Lumabas siya ng silid at tinahak ang daan palabas ng seminaryo, ngunit bago pa man siya makalabas ay nakita niya si Rebecca na bitbit ang kaniyang manika, nanlaki ang kaniyang mga mata nang makita iyon.

"Binibining Clarita!" tawag nito sa kaniya, tumigil siya at sinalubong ang katulong ng matamis na ngiti. "Alam ko po ang nangyari, Binibining Clarita! B-bakit nangyari sa iyo ang ganitong kalalang bagay?! Ma-mahirap maging isang dukha, bakit ibinigay sa inyo ng Diyos ang ganito kalaking problema!" naluha siya dahil sa nararamdamang awa, ngunit nakangiti pa rin si Clarita sa mga pagkakataong iyon.

"Hindi ko na iniisip ang aking kinabukasan, wala na akong pake-alam sa buhay ko. Mamamatay ako sa gutom . . ." saglit siyang napatigil upang bumuntong-hininga.

"Que así sea, no me importa." (So be it, I don't care.) Saglit pa ay lumapit si Clarita kay Rebecca saka niya hinawakan ang kaliwang kamay nito.

"Alam kong nalulungkot ka ngunit huwag mo nang isipin, ang isang tulad ko ay wala nang silbi sa lipunan." Napakuyom siya, pasimpleng inabot ni Rebecca ang manika.

"Sinabi ng mga taong kumuha sa mga gamit ninyo na hindi daw iyan kasama sa mga kukuhanin, kaya naisipan ko pong idala iyan sa inyo. Ngunit . . . malalaman ko na lamang ngayon na pinalalayas na rin kayo rito sa seminaryo, bawal rin daw po kayong manilbihan o pumasok man lamang upang magtrabaho rito upang mabuhay."

"Nais ni Ginang Lucifera ang makabubuti para sa iyo ngunit mapalaganap siya kapag tinulungan ka niya, narinig ko ang lahat. Isinusumpa ko sila! Mga wala silang puso! Mga Kastilang salapi lamang ang habol!" hinihingal na siya, tumatangis at mababakas ang nadarawang galit at awa.

Ngunit . . .

Tumalikod si Clarita.

"Sa malamig na lansangan ako ay pupulutin, doon na rin siguro mamamatay dahil sa gutom. Mabuti na iyon kaysa may madamay at masaktan pa upang mabigyan ako ng buhay na kagaya nito."

Ngunit may . . .

Isang lalaki.

"Hindi totoo iyan, Binibining Clarita."

"No sufrirás más de lo que yo tuve." (You won't suffer more than I had.)

Niyakap niya ang dalaga mula sa likod.

"Hindi ko hahayaang pagdaanan mo ang mga pinagdaanan ko noon."

"Hindi ako papayag."

Tunog ng pagtangis galing sa isang lalaki ang bumungad sa tainga ni Clarita, nanginginig, umiigting, at punong-puno ng emosyon.

"Sumama ka sa akin, hindi kita pababayaan."

Napauwang ang labi ng dalaga sa kaniyang narinig, nanlaki ang kaniyang mga mata at basta na lamang tumulo ang mga luha ng nababatid ang bawat emosyon paroon.

"E-duardo."

"Salamat."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top