Kabanata 10: Isang Nakabibiglang Balita
"Ano! Totoo ba!" bulalas ni Lolita at Ermita na halos hindi makapaniwala sa kanilang narinig. "Hindi ka ba nagbibiro, Clarita?" tanong ni Ermita saka bumaling ng seryosong tingin kay Clarita na kasalukuyang kumakain ng bagong lutong sopas.
Sila ay kasalukuyang nasa kantina at kumakain ng kanilang pananghalian, hindi masyadong marami ang tao doon dahil ang iba ay nasa kanilang mga silid, ang iba naman ay nakiki-isyoso sa ginagawang arko para sa santacruzan na tatlong araw na lamang ay gaganapin na.
"Kailan pa ba ako naginungaling sa inyo? Totoo nga! Muntikan nga kaming mahuli kagabi ngunit ang gilas niya!" kinikilig na wika ni Clarita.
"Saka iyong sinaad mo kanina? Iyong katambal mo sa santacruzan? Siya ba?" tanong muli ng dalaga, muli itong ngumiti, ibinaba niya ang hawak niyang kutsara at pumangalungbaba.
"Oo, siya nga." Saad niya dahilan upang mapatayo ang dalawa sa kanilang mga silya habang ang kamay ay nasa lamesa, nanlalaki ang mga mata at saka sumigaw.
"Eh?! Hindi ako makapaniwala!" sigaw nilang dalawa, dahilan kung bakit nagsitinginan ang ibang mga kumakain sa kanilang tatlo.
"Ah . . . patawad, hindi namin sinasadiya. Magpatuloy na kayo sa pagkain." Nahihiyang saad ni Ermita habang kinakamot ang kaniyang ulo, humihingi ng tawad sa ibang mga kababaihang kumakain.
Hindi nagtagal ay dumating si Teodora na dala ang kaniyang pananghalian at umupo sa tabi nila Clarita, kaagad ay ibinalita nila sa dalaga kung sino ang makakapareha ni Clarita sa santacruzan.
"Ngayon, sino ang mapalad na binata?" ni Teodora saka uminom ng tubig, huminga naman ng malalim si Lolita at siya na ang tumugon.
"Ate Teodora, huwag kang mabibigla ah," panimula nito, tango lamang ang naging tugon ng dalaga habang umiinom pa rin ng tubig. "Si . . . si Kuya Eduardo daw po." Nininerbiyos niyang saad.
At ang inaasahan ngang mangyari, muntikang mailuwa ni Teodora ang tubig na kaniyang iniinom. Subalit napigil niya ito at nilulon na lamang, ito ang dahilan kung bakit siya nasamid.
"Ano?! Ala eh totoo ba?!" gulat niyang saad saka bumaling ng tingin kay Clarita, huminga naman ng malalim ang dalaga saka ay tumango na lamang.
"Ala eh! Eh bakit siya?!" nabibigla pa rin nitong tanong, ikinangiti naman nito ni Clarita, saglit pa siyang sumubo sa kinakain niyang sopas at kalaunan ay tumugon.
"May lalaki ba aking kakilala bukod kay Eduardo at Juanito dito sa seminaryo na maaari kong imbitahan upang maging kapareha ko? Si Eduardo ang mas malapit sa akin, kaya siya ang naisip kong aking makakapareha." Tugon ni Clarita, nagkatinginan naman ang tatlo matapos iyon.
"Eh iyong patungkol sa nangyari kagabi? Ikuwento mo naman kay Teodora!" nang-uuyam na saad ni Ermita saka siya uminom ng tubig. "Anong nangyari?" tanong naman ni Teodora saka muling tumingin kay Clarita.
"Hay, kayo talaga oo. Sige ito na nga." Tugon niya habang nakapangalungbaba pa rin, kasabay nito ay ngumiti siya.
---
"Binibining Clarita! Bakit may ilaw pa diyan sa iyong silid!" mariing sigaw ni Ginang Lucifera nang malamang may sindi pa ang gasera sa loob ng silid ni Clarita.
Nagkatinginan sila ni Eduardo at sabay na napalunok, kaagad namang bumulong si Eduardo. "Binibining Clarita, wala na akong ibang daraanan pa. Iyon na lamang ang tanging paraan upang makalabas ako rito!" wika nito, nanlaki naman ang mga mata ng dalaga saka napatingin sa gilid.
Sa balkonahe.
Kaagad namang tumakbo ang binata patungo doon at basta na lamang tumalon, nanlaki ang mga mata ni Clarita at kaagad tinakbo ang pinagdaanan ng binata. Nang huli niya itong makita ay nakalambitin ito sa isang matibay na sanga ng isang katabing puno.
Nakababa nang maayos si Eduardo at kaagad na nakatakbo patungo sa damuhan, walang ibang nakakita sa binata na ipagpasalamat ng dalaga.
"Binibining Clarita!" sigaw na ang narinig ng binibini mula sa pintuan, nanlaki ang kaniyang mga mata at kaagad na nag-isip ng paraan. "Binibining Clarita!" sigaw pa ulit ni Ginang Lucifera, dahilan ito lupang magising ang ibang mga tao sa mga katabing silid.
Malakas na kalabog dahilan ng malakas na pagkatok.
Halos masira na ang pintuan.
Kaagad na hinipan ni Clarita ang sindi ng kaniyang kandila at siya ay nagtungo sa kaniyang tukador at ikinalat ang kaniyang mga gamit. At ang nangyari pagkatapos noon ay . . .
"Binibining Clarita lumabas ka riyan ngayon din!" muling sumigaw ang nagagalit nang rektora at puwersahan nang sinipa ang pintuan dahilan upang mabuksan ito, dito na tumambad ang nakahandusay na dalaga.
Nabigla ang ginang.
"¡Ay Dios mío! ¡Qué pasó señorita Clarita!" (Oh my God! What happened Miss Clarita!) sigaw niya at kaagad na nilapitan ang dalaga, ni animo ay nahimatay ito ngunit hindi.
Kunwari lamang iyon.
Isa lamang iyong palabas.
---
"Ala eh ano?! Pinalabas mong nilooban ka-" hindi na naituloy ni Teodora ang kaniyang pagbulalas dahil kaagad na tinakpan ni Ermita ang kaniyang bibig.
"Manahimik ka kung maaari! Mabubuking siya kung magkataon!" ganti ng dalaga rito, tumango na lamang si Teodora at nanatiling tahimik nang malaman ang nangyari.
Tinanggal ni Teodora ang nakatakip na kamay sa kaniyang bibig at saka siya bumulong. "Ipinaabot mo ba ito sa mga kinauukulan?!" saad niya, umiling naman ang dalaga at saka siya sumaad.
"Hindi, wala namang maysala. Hindi naman talaga iyon totoo, isa lamang palabas. Sinabi ko na rin sa mga kaguruang huwag nang ipaalam sa mga kinauukulan, at huwag na ring ipaalam sa aking ama." Panimula ng dalaga.
"Sinabi ko ring wala namang nanakaw o nawala sa mga gamit ko dahil pinalabas kong noong dumating ang ginang ay kapapasok pa lamang ng manlolob sa aking silid, at kaya ako nagsindi ng ilaw ay upang takutin kung sino man iyon." Dagdag niya pa rito.
"Ala eh, mautak ka rin ano?" biro ni Teodora, nagsitawa naman ang apat at kalaunan ay nagpatuloy na sa pagkain ng kanilang pananghalian.
Araw ng pista, isang masayang umaga ang bumungad sa mga mag-aaral ng seminaryo. Punong-puno ng mga bandiritas ang mga bakod, ang kalsada ay napupuno rin ng mga tao. Mga binata at mga dalaga na nakasuot ng magagandang mga damit, nga ginoo at ginang na nais lamang ipakita ang kanilang estado sa buhay sa pamamagitan nga ng pagsusuot ng mga mararangyang kasuotan.
May mga bata rin, sumusunod sa mga manunugtog na mosiko ang ilan, animo ay nainusentihan sa mga taong tumutugtog instrumentong naglilikha ng kayhali-halinang mga tunog.
"Ihanda niyo na ang arko!" sigaw ni Ginang Bonita at tinawag ang mga trabahador na lalaki na nababalot ng magandang puting barong at kayumangging pantalon bilang kasuotan. Pinaghandaan ng seminaryo ang araw na iyon kaya naman talagang pati sa mga kasuotan, maski mga empleyado ay bibihisan nila ng maganda.
Inilabas nga ang ginawang arko, ang mga bulaklak nito ang nagsisilbi nitong kulay. Ang mga kawayan na sariwang-sariwa pa ay naniningkad rin ang kulay. Nang ilabas nga ang barkong arkong iyon ay nagsisigawan at nagsipalakpakan ang mga kababaihan, napangiti naman ang sangkaguruan ng seminaryo dahil sa isang obra maestra na nasa kanilang harapan.
"Dalian niyo na! Nailabas na ang arko tapos ang musa ay naririto pa rin? Diyos ko po santisima!" naiiritang saad ni Ermita nang makita niyang hindi pa halos nakagayak para sa santacruzan si Clarita.
Sila nila Lolita at Teodora ay nasa silid nito at inaayusan ang dalaga, rinig na rinig na sa labas ang sigawan at tugtugan ngunit abala sila roon.
"Ala eh kung tumutulong ka kaya ey baka mapabilis pa tayo!" saad naman ni Teodora habang sinusuklay ang buhok ni Clarita, nilalagyan naman ng kolorete ni Lolita ang mukha nito.
"Sabi ko naman kasi sila Bekang na dapat ang gumawa nito ngunit mapilit itong dalawa." Tugon naman ni Clarita, napailing naman si Ermita at saka ay ngumiti na rin. Tinahak niya ang isang kahon na nakapatong sa kama ni Clarita, kaniya itong binuksan at namangha siya sa kaniyang nakita.
Isang kasuotang Maria-Clara na kulay bughaw, bughaw na kagaya ng langit. Mahabang palda, magandang blusa, maririkit ang mga disenyo ng pañuelo at tapis, at hanggang sa sapatos ay bughaw din, gayon din ang medyas na hanggang hita ang haba. Makinang rin ang damit dahil ang mga materyales ng tela nito ay gawa sa mamahaling seda, ang kaniyang mga gagamitin ding alahas ay makikinang at gawa sa tunay na ginto, mapa-hikaw, porselas, at kuwintas.
Nang magsuot ang mga ito ni Clarita ay mas lalo silang namangha sa kaniyang kariktan. Dahil sa resulta ay ipinagmamaki nila Ermita, Lolita, at Teodora ang kanilang mga sarili. Tuwa at galak ang nadarama nila nang lumabas na sila sa silid, nagtungo sila sa hagdan upang makababa sa unang pasilyo kung saan naghihintay si Eduardo upang samahan ang dalaga bilang kapareha nito sa santacruzan.
"Eduardo! Ang ganda ng kasuotan mo ngayon ah! Balita ko ikaw ang magiging kapareha ng Binibining Clarita sa may santacruzan?" sumambit ang isang binata kay Eduardo, napalingon ang binata sa sumambit nito sa kaniya at napagtantong si Antonio ang sumaad, pagkatapos noon ay lumapit si Antonio kay Eduardo.
"Antonio, anong ginagawa mo rito? Saka bakit hindi mo kasama si Lorenzo?" tugon ni Eduardo rito, nang makalapit si Antonio sa kaniya ay tumugon naman ito.
"Huwag kang mag-alala, hindi ako naparito dahil doon sa alok namin, naririto ako upang pagmasdan ang aking kaibigan. Patungkol naman kay Lorenzo, sabi niya ay may mahalaga siyang gagawin ngayong araw at walang oras para sa pistahan. Kaya ako lamang ang naririto, pinilit ko nga siya ngunit ayaw niya. Sinabi kong sasali kayong dalawa ng Binibini sa santacruzan, ngunit ayaw niya pa rin talaga ng sumama." Tugon nito.
Napatango na lamang si Eduardo. "Medyo kinakabahan nga ako, hindi pa kasi ako nakararanas ng ganito. Pinakiusapan lamang ako ng Binibining Clarita, hindi ko naman siya matanggihan dahil-" hindi naituloy ng binata ang kaniyang sasabihin nang marinig niyang tumatawa si Antonio.
"Asus maryosep! Alam ko na iyan, hindi mo siya matanggihan dahil may nararamdaman ka para sa kaniya, hindi ba?" pabirong nitong saad, nanlaki naman ang mga mata ng binata at kaagad tumugon.
"Hindi sa ganoon, ngunit talagang hindi ko siya matanggihan." Saad niya, pinabayaan na lamang ni Antonio si Eduardo sa kaniyang sinaad, sandali pa ay natanto ni Eduardo ang isang bagay.
"Oy Antonio, ako ba talaga ang ipinunta mo rito o si Binibining Clarita?" prangka nitong saad, nanlaki naman ang mga mata ng binata at kaagad itong napahalakhak.
"Eres tonto, sí lo confesaré. No estoy aquí por usted, ni por la señorita Clarita. Pero Señorita Ermita." (You silly, yes I will confess. I am here not because of you, nor Miss Clarita. But Miss Ermita.) Kaagad napangiwi si Eduardo.
"¡¿Qué?! Señorita Ermita?!" (What?! Miss Ermita?!) bulalas ng binata, napahinga naman ng malalim si Antonio at direktang tumingin dito.
"¿Hay algún problema? Me gusta ella, y llevamos meses intercambiando cartas." (Is there a problem? I like her, and we have been exchanging letters for months.) Saad pa niya, hindi na lamang kumibo si Eduardo at iling na lamang ang itinugon nito.
"Narito na ang Binibining Clarita!" napabilulalas si Antonio nang makita ang marikit na dalaga sa kaniyang magarang kasuotan, patapik nitong itinulak si Eduardo na nakatulala dahil sa taglay na kagandahan ni Clarita, nagulat ito dahil sa kaniyang ginawa kaya naman kaagad niya itong binatukan.
"Aray ko naman!" pasimple nitong daing, hindi na ito pinakinggan ni Eduardo dahil nilapitan niya na si Clarita na kasalukuyang bumababa sa hagdan.
"Napakaganda mo ngayon, Binibining Clarita." Bati ng binata rito, ngiti ang itinuon ng dalaga bago magsalita. "Salamat, napakaguwapo mo naman ngayon, bagay ang suot mong bughaw na barong sa bughaw kong kasuotan." Papuri naman ng dalaga.
"Entonces, ¿nos vamos entonces?" (So, shall we go then) alok ng binata at inilahad niya ang kaniyang kanang kamay upang abutin ang kay Clarita, hindi naman tumanggi ang Binibini at kaagad inilahad ang kaniyang kamay. Nang maghawak sila ay wala itong kasing higpit, dinadama ng dalawa ang mga sandaling lumilipas.
Masaya ang naging takbo ng araw na iyon, dahil pagkalipas ng tatlong taon ay nasungkit muli ng seminaryo ang unang premyo sa santacruzan.
Palakpakan.
Musika.
Paghanga.
Kasiyahan . . .
At pagkabigla.
"Binibining Clarita, ipinatatawag ka po sa opisina ng Ginang Lucifera upang kasusapin ka po patungkol sa isang bagay." Ang nagwika ay si Rebecca, kasalukuyang nagbibihis ng ordinaryong pananamit ang dalaga nang dumating ang katulong.
"Oo sige, susunod na ako." Tugon niya rito, kalaunan nga ay nakapagbihis at sumunod na ang dalaga, nagtungo ito sa opisina ng ginang.
Pagkarating niya rito ay kumatok siya sa pinto, pinagbuksan ang dalaga ni Fortunata na kaagad ding lumabas ng silid pagpasok ng binibini. Bumungad kay Clarita ang rektora at isang lalaki, kaagad namang nagsitayo ang mga ito nang makapasok siya sa opisina.
Kaagad nagwika ang lalaki nang makalapit ang dalaga sa kanila. "Hindi na po ako magpapaligoy-ligoy sa balita, Binibining Clarita Abellana." Panimula nito.
"Soy Roberto Dela Cruz, abogado. Estoy aquí para decirte que tu padre, Joselito Abellana, falleció por un accidente." (I am Roberto Dela Cruz, a lawyer. I am here to tell you that your father, Joselito Abellana had passed away due to an accident.)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top