Kabanata 7
Ilang araw ang lumipas, hindi ko nakita ang anino mo kahit saan. Ano na nga ba ang nangyari sa iyo mahal ko? Iniisip ko na baka may nasabi ako sa parke na hindi mo nagustuhan kaya hindi ka nagpapakita sa akin pero noong inalala ko naman, wala naman akong matandaan. Mahal ko, may alam ka bang hindi ko alam?
Hindi na lang din ako nagpakita sa iyo noong mga panahon na iyon, nag-isip din ako sa sinabi ni Sandra sa akin. Hindi naman malayong magkagusto ka din sakanya dahil mabait siya at maganda pa. Ano na lang ang laban ko doon eh simple lang naman ako sa buhay at siya iyong lagi na madaldal sa aming dalawa, alam ko na madami siyang makekwento sa iyo kaysa sa akin na tahimik lang sa isang tabi at walang ginawa kundi ang tingnan ka lang sa iyong mga mata.
Ilang araw rin akong nag-isip ng kung ano-ano sa inyo ni sandra, wala nga akong kinakausap noon ni isa sakanila. Ayaw muna kitang makita dahil baka kung ano lang ang masabi ko sa iyo at baka iyon pa ang maging dahilan ng isang malaking away sa atin. Kahit naman inis ako sa iyo noong mga panahon na iyon ay hindi ko pa rin naman matago sa sarili ko na mahal kita Leonardo.
Pasensya ka na sa inaasal ko, hindi ko rin naman alam kung bakit ako nagkakaganito pagdating sa iyo. siguro nasanay ako na kaibigan lang ang turin sa iyo ni Sandra ngunit noong nalaman ko na may gusto na siya sa iyo ay biglang nagbago ang lahat. Iniisip ko, paano kung isang araw ay sabihin mo din sa akin na gusto mo din siya? Wala na ba akong pag-asa na patunayan ang sarili ko sa iyo at ipakita ang pagmamahal ko? Haynaku, bata pa ngalang siguro tayo kaya ganito pa ang pag-iisip ko. Hayaan mo mahal ko, baka naman lumipas din ito.
Nagulat na lang ako noong kausapin ako ng nanay ko tungkol sa iyo at sa inaasal ko. Siguro ay naisip niya na mali na ang ikinikilos ko kaya kinausap niya ako. Sinabi ko naman ang totoo sakanya, ayaw ko naman kasi ang magsinungaling lalo na at nanay ko siya. Ikaw ang nagturo sa akin mahal kong Leonardo kung paano ang maging masunurin at tapat sa kanila, sabi mo kasi ay sila ang kayamanan na meron tayong mga anak kaya naman dapat ay alagaan natin sila at huwag na huwag sasaktan hindi ba?
Sinabi niya sa akin na gagawin naman niya ang lahat para magkabati tayo. Ayaw rin naman niya na nagkakaganoon ako kaya kakausapin raw niya ang nanay mo. Noong una ay ayaw ko, natatakot ako na baka malaman mo rin kung ano ang sinabi ko sa magulang ko pero pinangako niya naman sa akin na wala naman makakaalam noon kundi kami lamang, sinabi rin niya na baka puppy kove lang naman ang nararamdaman ko at mawawala rin ito kapag naglaon ang panahon. Gusto ko maniwala sakanya na ito ay ganoon lamang pero pakiramdam ko ay hindi. Sana mali ako, sana mawala rin ito.
Nakalipas ang ilang araw, sinabihan na ako ng nanay ko na ako ay pupunta na raw sainyo para makapag-usap tayong dalawa. Labis naman ang galak sa puso ko dahil sa wakas ay makikita ko na rin ikaw, mahal ko. Alam mo bang matagal kong tiniis na mangyari ang araw na ito? Matagal akong naghintay, kamusta ka na kaya? Ano na kaya ang nangyari sa iyo simula noong pumunta tayo sa parke? Pinagpalit mo na ba ako kay Sandra kaya ka nagkakaganyan? Iyon ang mga tanong ko sa sarili ko na alam ko ay kailangan ng sagot, na magmumula lamang sa iyo mahal kong Leonardo.
Kumatok na ako sa kwarto mo, wala akong narinig na boses mula sa iyo. Nagtatampo ka ba sa akin mahal ko? Hindi ko na hinintay pa napagbuksan mo ako ng pinto sapagkat iniisip ko noon na mukhang wala ka namang balak na gawin iyon kaya ako na lang ang nagbukas ng pinto para sa sarili ko.
Nakita kita sa higaan mo, nakatalikod ka sa akin. Nakaharap ka sa bintana ng iyong kwarto, ayaw mo akong lingunin pero alam kong alam mo na nandoon ako at hinihintay ko lamang na lingunin mo ako. Nakakapanibago, hindi ka naman matampuhin na katulad nito, madalas ako pa nga ang lagi nagtatampo sa iyo noon. Ano ba talaga ang nagawa ko?
Lumapit ako sa higaan mo, halata kong sobra kang nagtatampo. Naalala ko, baka dahil ito doon sa batang lalaki na nakabangga sa akin sa parke? Kaya ka ba nagtatampo dahil sakanya? Hindi naman ako naging malapit sa batang lalaki na iyon ah. Bakit nagkakaganyan ka?
Natuwa naman ako dahil nagsalita ka na, hindi mo din siguro ako natiis at nainip ka na. Marahil madami kang gustong malaman sa akin, sinasabi ko na nga ba, hindi mo ako kayang tiisin. Ganoon din naman ako sa iyo hindi ba? Kaya ayos lang sa akin, ibigsabihin pinapahalagahan mo kung anong meron sa atin.
Tama nga ako, iyong lalaki nga sa parke ang dahilan kung bakit bigla kang nagtatampo sa akin nang ganyan. Mukha namang mabait iyong batang lalaki kaya walang duda na hindi ko magustuhan ang ugali niya pero hindi siya ang pinag-uusapan namin ni Sandra noong nasa kotse tayo kaya hindi ko napigilang matawa sa sinabi mo. Siguro ay iyon ang sinabi ni Sandra sa iyo para hindi siya mabuking na gusto ka niya.
Sumakay na lang ako sa mga bagay na alam mo, ayaw ko na rin kasi ng gulo at isa pa sabi nga ng nanay ko baka naman puppy love lang ito kaya papabayaan ko muna sa ngayon ang nararamdaman ko.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top