Kabanata 6

Alam kong ikaw lang ang magpapakalma sa akin noon, ikaw lang ang gusto kong makausap at sa iyo ko lamang gustong sabihin ang tanging dahilan kung bakit ko ginawa iyon dahil alam ko sa sarili ko na maiintindihan mo ako. Sana ay naipaliwanag mo ding maigi sa aking ina kung ano ang totoong nangyari sa eskwela.

Malungkot pa rin ako dahil sa nangyari, hindi pa rin kasi mawala sa isip ko noon ang mga tanong na tinanim sa akin noong mga kataga na sinabi ni Sonia sa harapan ko. Kung ano-ano na lamang ang naiisip ko, hindi ko na alam kung paano ba mawawala ito.

Nagulat na lang ako paggising ko isang araw ay pumasok sa kwarto ko ang aking ina. Nakangiti siya sa akin na para bang wala akong maging kasalanan noong mga nakaraang araw sakanya. Ano naman kaya ang dahilan kung bakit ganoon na lang siya kasaya? Iniisip ko kung anong ginawa kong mabuti pero wala naman akong maalala.

Nagulat na lang ako noong bigla niya akong niyaya na mamasyal sa parke, nagyaya ka raw kasi sakanila kaya naman naisip nila na maganda nga iyon na ideya. Ikaw talaga mahal ko, alam mo kung paano pagaanin ang loob ko kaya mahal na mahal kita simula pa noong una dahil alam ko na ang pag-ibig mo ay ang kalakasan ko.

Hindi na ako nag-isip pa, pumayag na rin ako at napuno ng saya ang aking puso na makakalabas na akong muli at isa pa ay maayos na kami ng aking ina. Isa ito sa mga pinapanalangin ko noong mga nakaraang araw, masaya naman ako dahil iyon ay natupad na.

Pumunta na tayo sa parke, napakadaming tao. May bilihan din ng mga laruan at lobo. Pansamantala ay naibsan noon ang pag-iisip ko sa mga nasabi ni Sonia laban sa aking pamilya. Alam mo ba na noong bata ako ay ito ang paborito naming pasyalan ng tatay ko? Masaya ako kasi nakapunta ulit ako doon pero hindi na gaanong masaya dahil wala na ang tatay ko.

Bigla akong natahimik sapagkat naalala ko nanaman siya sa pamamagitan ng pagpunta natin dito. Ngunit huwag ka mag-alala sa akin mahal ko, hindi naman ako inis sa iyo noong mga panahon na iyon, mas lalo nga kitang minahal dahil doon. Alam kong sinabi mo iyon sa mga magulang ko para maging masaya ako sa araw na iyon at pangako, nagawa mo ang gusto mo mahal ko. Napasaya mo ako dahil doon.

Nagulat na lang ako na may dala-dala kang sorbetes at lobo, natuwa ako dahil hindi mo talaga nakalimutan ang mga paborito ko. Doon ko napagtanto na kilalang-kilala mo talaga ang buo kong pagkatao. Ang paborito kong kulay ng lobo ay pula habang sa sorbetes naman ay ube. Bumili ka rin ng para sa inyo ni Sandra. Alam mo, isa iyon sa mga araw na hindi ko makakalimutan dahil ako ay masaya.

Ganoon nga talaga siguro kapag mahal mo ang isang tao, kahit maliliit na bagay na gusto niya ay tanda mo. Kung hindi mo natatanong, alam ko pa rin naman ang paborito mong bulaklak atiyon ay ang sampaguita. Tanda mo ba noon na lagi kitang binibilhan ng sampaguita tuwing linggo dahil nagsisimba tayo? Lagi tayong merong dala pag-uwi natin mula sa simbahan. Simple lang ang kasiyahan mo pero mas masaya ako dahil ako ang nakakapagbigay nooon sa iyo.

Nagulat na lang ako noong habang naglalakad tayo ay may nakasanggi sa akin na isang batang lalaki. Aminado ako na gwapo siya, sobrang linis tingnan at parang lumaki siya sa ibang bansa at nandito siya para magbakasyon lamang. Nasaktan ako pero ayos lang naman sa akin iyon dahil alam kong hindi naman niya sinasadya.

Pinuntahan mo siya at kinausap para humingi ng pasensya sa akin, hindi mo naman kailangan gawin iyon pero nagpapasalamat na rin ako dahil pinakita mo lang na gusto mo akong protektahan at alagaan. Hindi mo talaga ako pinababayaan na masaktan, hindi lang pala ako kundi dalawa kami ni Sandra na inaalagaan mo. Minahal kita lalo dahil doon, alam mo ba iyon mahal ko?

Ito ang pinakamasayang araw ko pero alam mo bang ito rin ang pinakamsakit para sa akin mahal ko? Dito kasi sinabi sa akin ni Sandra na mahal ka din niya, gusto ka niya at wala akong magawa noon kundi ang suporatahan lamang siya dahil kaibigan natin siya. Ayaw ko naman saktan ang puso niya at sabihin na mahal din kita at nauna ako sa iyo, sinabi ko na lamang sa sarili ko na baka lumipas din naman ang nararamdaman ko kaya pababayaan ko na lang ito.

Habang nasa kotse tayong tatlo nila Sandra ay kinikilig siya sa iyo. Tawanan kami ang tawanang dalawa dahil ang dami niyang kwento tungkol sa iyo, hindi ko alam pero nakaramdam ako ng selos noong mga panahong iyon. Alam ko naman na kaibigan natin siya pero hindi ba pwedeng iba na lang ang gustuhin niya? Nasasaktan ako sa tuwing ikekwento niya kung gaano ka kaalaga sakanya, ganoon ka rin naman sa akin pero bakit ang sakit sakit pa rin?

Todo tingin ka sa amin noon, siguro ay nag-iisip ka na kung sino ang pinag-uusapan naming dalawa mahal ko ano? Alam mo ba na gusto rin kitang ikwento kay Sandra kaso lang ay naunahan niya ako na gawin iyon? Paano na ngayon? Paano na ako makakalapit sa iyo na walang takot kung lagi kong maiisip na may ibang tao na masasaktan kapag pinagpatuloy ko pa kung ano ang gusto ko.

Mahal ko sa totoo lang ay nasasaktan ako. Sana ay pwede kong sabihin ang lahat ng ito sa iyo pero wala akong lakas ng loob para sabihin iyon. Masakit pero tatanggapin ko, siguro naman ay lilipas din itong nararamdaman ko.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top