Kabanata 3
Lumipas ang tatlong taon, pitong taong gulang na tayo noon. Malapit na ang pasukan kaya naman abala tayong bumili ng gamit natin pang-eskwela, tutungtong na tayo sa pagiging Grade 1. Siyempre ikaw nanaman ang kalapit ko sa upuan, hinding hindi ako magsasawa na ikaw ay tingnan. Doon rin pala pumasok si Sandra, iyong bata na umagaw sa aking baon ko noong tayo ay nursery pa lamang. Inis na inis ako noon sakanya kapag nalapit siya sa iyo, pakiramdam ko ay inaagawan na niya ako ng pwesto sa buhay mo. Lagi mo ako inaaya na kumain sa canteen na kasama si Sandra pero dahil nagseselos ako noon sakanya ay hindi ako nasama sa inyong dalawa.
Simula noong naging malapit kayo sa isa't isa ay tila nawala na ako sa buhay mo mahal ko. Umuuwi ako na hindi ka na kasama dahil nagtatampo ako sa iyo noon, kahit gusto mo na sabay tayong umuwi ay hindi ako napayag. Hinahatid at sundo na lang ako ni tatay noon kapag uwian na.
Alam mo ba na lagi kitang tinitingnan noon sa may bintana ng kwarto mo para malaman ko kung ayos lang ang kalagayan mo? Alam mo bang kahit gusto na kitang kausapin ay nanalo pa din ang tampo sa puso ko. Hindi ko alam kung anong nangyari sa iyo noong mga oras na iyan, hindi ko alam kung anong nakita mo sa Sandra na iyon para makalimutan mo na ako ang una mong nakasama noon pa lamang.
Dumating ako sa punto ng kalungkutan kung saan ayaw ko na pumasok sa eskwela dahil makikita ko nanaman kayong dalawa ni Sandra at kakainin lang ako ng lungkot at inggit na hindi ako ang kasama mo kundi si Sandra. Hindi ba kaaway ko iyan noong nursery pa lamang? Bakit mo siya sinamahan?
Ayaw kong kumausap ng kung sino noong mga panahon na iyon. Ang nasa isip ko lang ay malungkot ako at gusto ko muna makapag-isa. Nagulat na lang ako na makita kita sa bahay namin, niyaya mo akong pumasok tayong dalawa. Ano naman ang nangyari sa iyo at tila nagbago yata ang ihip ng hangin bigla? Bigla ka na lang lumapit sa akin na para bang hindi mo alam na ako ay nagtatampo na. Hindi kita pinansin noon at pumasok na lang ako sa bahay namin, hinyaan kitang pumasok na mag-isa. Doon ka kay Sandra, masaya naman kayong dalawa hindi ba?
Doon ko napagtanto na hindi ko pala kaya na wala ka sa tabi ko. Noong nakita kita aaminin ko na kahit inis ako sa iyo ay kahit paapaano ay napangiti mo ako sapagkat nakita ko nanaman ang mukha mo. Ang mukhang iyan ang kumukumpleto sa araw ko. Alam mo bang ilang araw kong ninanais na makita iyan? ngunit dahil lang kay Sandra ay nagbago na ang lahat sa atin.
Sa palagay ko noong araw na iyon ay hindi ka na din nakatiis na hindi ayusin kung ano man ang tampuhan natin, bigla na lang kita nakita sa bahay pagkatapos ng klase mo noon. Dahil inis pa ako noong mga oras na iyon ay pinagsarudahan kita ng bintana kung saan mo ako nakitang nakadungaw, aaminin ko na kahit inis ako sa iyo noon ay sinisigurado ko pa din na maayos ang pag-uwi mo, mahal ko.
Dahil malakas ka sa nanay ko ay madali kang nakapasok sa kwarto ko, ramdam ko na nais mo na makipag-ayos dahil alam ko rin na alam mo na kung bakit ayaw kong pumasok sa ekswela, dahil iyon sa inyo ni Sandra. Bigla na lang ako naluha noong nakita kita kaya agad kang lumapit sa akin.
May dala kang lapis at papel noon, wari ko ay nais mong makipaglaro sa akin noong mga sandaling iyon pero hindi pa rin ako natingin sa mga mata mo dahil mas lalo akong nasasaktan sa tuwing ginagawa ko ito. Nawala ka sa akin mahal ko, tila ba nakalimutan mo na ako at hindi ko maintindihan bakit ang dali lang para sa iyo na gawin iyon. Hindi mo ba ako mahal tulad ng pagmamahal ko sa iyo?
Pasensya ka na mahal kong Leonardo dahil nasanay ako na tayo lang ang meron sa ating mga mundo. Hindi ako sanay na wala ka sa tabi ko kaya ganoon na lang ang reaksyon ko noong pumasok si Sandra sa mga buhay natin. Hindi ko naman alam na masisira tayo. Pilit mo akong pinapatawa noon siguro dahil na din matagal mo nang hindi nakikita ang mga ngiti ko.
Hindi naman kita natiis noon mahal ko, mahal kita eh. Anong magagawa ko? Pinatawad kita noon at pinangako mo naman na hindi mo na hahayaan na maramdaman ko na wala akong puwang sa buhay mo. Sabay na tayong pumasok ulit, bumalik na rin ang dati nating sila. Pinakilala mo sa akin si Sandra at sinubukan ko naman na kilalanin siya. tama ka naman, mukhang mabait naman siya at mapapagkatiwalaan kaya hindi naglaon ay naging magkaibigan na rin kami. Nasama na siya sa atin kapag wala tayong pasok, laro dito at laro doon ang ginagawa nating tatlo.
Dumaan ang tatlo pang taon, sampung taong gulang na tayo noon. Walang nagbago sa ating tatlo, ikaw pa rin ang tampulan ng asaran nating tatlo. Kahit magkaiba na tayo ng seksyon ay sinisigurado nating magkakasama naman tayo sa oras ng tanghalian at reses. Walang naging problema, sabay tayong napasok at sabay-sabay rin tayong uuwi sakanya-kanyang bahay. Kapag walang pasok, bibisita tayo sa bahay ng isa para makipaglaro, manunuod ng mga pelikula o di kaya naman ay mga palabas sa telebisyon. Hindi naglaon ay naging magkaibigan na rin ang mga magulang natin at ang mga magulang ni Sandra. Hindi natin namamalayan na lumalaki na lalo ang ating pamilya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top