Kabanata 13

Wala akong maalala noon, tanging mukha mo lang ang tinitingnan ko. Nagkakagulo na kayong tatlo, sa kotse pa lamang ay hindi na kayo mapakali. Gusto kong magsalita noon pero walang tinig na nalabas mula sa aking bibig. Hindi ko alam kung bakit bigla akong nagkaganoon dahil wala naman akong ginawa na masama sa aking kalusugan para mawalan ako ng malay.

Ngunit ang tanda ko lamang noong mga panahong iyon  ay kasama kita sa aking panaginip. Nakaputi tayong dalawa at nasa isang tahimik na lugar. Walang umiimik sa atin, naglalakad lang tayo habang magkahawak ang ating mga kamay. Sana ganoon na lang lagi, sana mahawakan ko pa ng matagal ang iyong kamay sa mas matagal na panahon pa. Parang ayaw ko na magising sa panaginip kong iyon dahil iyon na ang pinakamagandang panaginip sa buong buhay ko.

"Alam mo bang mahal na mahal kita, Cristina? Kahit ano pa ang nangyari at mangyayari sa buhay natin ay ikaw kang ititibok ng puso ko. sana ganoon ka rin mahal ko. Sana sabihin mo rin sa akin ngayon na mahal mo ako." iyon ang mga salitang binanggit mo sa pakakaalala ko. Noong mga oras na iyon ay napangiti na lamang raw ako dahil sa wakas ay nagkatotoo na ang gusto kong mangyari. Sinabi mo raw iyon habang pinipisil ang mga daliri ko at bahagya mong hinalikan ang mga ito.

Hindi ko maiwasang hindi kiligin noong mga oras na iyon. Sana ang mga panaginip, pwede rin sa totoong buhay ano? sana lahat ng hiling sa panaginip kahit minsan ay magkatotoo. Kung mangyari man iyon mahal ko, ako na ang pinakamasayang tao sa mundong ito, ngunit alam ko naman sa sarili ko na napakalabong mangyari noon. Kaya hanggang ngayon ay hanggang hiling na lang ako sa Diyos.

"Alam mo din bang mahal na mahal din kita, mahal kong Leonardo? Matagal na, sobrang tagal na. Simula bata pa lamang ay iyon na ang nararamdaman ko, ngunit hindi ko muna pinansin dahil bata pa lamang tayo, sabi ko ay baka magbago pa ang mga iyon pero nagkamali ako dahil sa bawat pagkakataon na pwede kitang makasama ay mas lalong lumalalim ang pagmamahal ko para sa iyo." iyon ang sagot ko sa aking pagkakaalala, agad ka namang ngumiti sa akin at pinisil mo pa lalo ang mga daliri ko at hinalikan mo ulit ang mga ito.

Sabay naman tayong napangiti, sa wakas ay nasabi na rin natin sa isa't isa ang mga salita na matagal na nating gustong marinig sa isa't isa. Sobrang saya natin noon, walang mapaglayan ang mga ngiti natin, kung hihiling nga lang tayo sa Diyos ay panigurado iyon ay ang hindi na matapos ang pangyayaring ito sa buhay natin.

Bigla namang nagkaroon ng iba pang tao sa panaginip na iyon, nandoon ang mga magulang natin, si Carlos at si Sandra. Noong una ay hindi ko maintindihan kung bakit sila kasama sa aking panaginip pero ilang saglit pa ay lumabas na si Marco, dala-dala niya ang singsing natin. Noon ko napagtanto na itong panaginip na ito pala ay kasal nating dalawa, mahal kong Leonardo.

"Alagaan mo si Cristina, pare. Nagparaya ako kaya huwag mong sasayangin ang ginawa kong sakripisyo para sa kaligayahan ni Cristina. Magmahalan kayong dalawa dahil kayo talaga siguro ang para sa isa't isa at hindi kami. Kapag sinaktan mo siya ako ang una mong makakalaban." iyon ang naalala kong sinabi ni Carlos sa iyo at tumango ka naman bilang tugon, niyakap niyo ang isa't isa pagkatapos ay tumingin si Carlos sa akin at ngumiti siya.

Masaya ako dahil tanggap na ni Carlos ang desisyon ko na ikaw ang papakasalan ko at hindi siya, alam kong mahirap ang magparaya sa pagmamahal pero para sa kaligayahan ko ay iyon ang ginawa niya. Alam ko naman na hindi mo sasayangin ang naging sakripisyo niya hindi ba mahal kong Leonardo?

"Alagaan niyo ang isa't isa ha, alam ko naman simula pa lamang na siya ang mahal mo at sinubukan ko lang na ako ang mahalin niya kaso wala talaga eh, ikaw at ikaw pa rin ang pinili ni Leonardo. Wala naman na akong magagawa doon dahil buong-buo na ang kanyang desisyon, Cristina. Mahal na mahal ka niya at alam ko sa sarili ko na kayo talaga ang para sa isa't isa. Magpaparaya na ako sapagkat iyon ang nararapat." iyon ang sabi ni Sandra sa pagkakaalala ko, napangiti naman ako bigla dahil doon

Nakakatuwa dahil tanggap na nila ang mga desisyon natin. Sana ay mahanap na rin nila ang taong para sakanila tulad nating dalawa na nahanap na ang isa't isa. Malay natin, si Carlos at Sandra pala ang para sa isa't isa, hindi ba mas maganda iyon mahal kong Leonardo? Paniguradong mas sasaya ang bawat isa kapag ganoon nga ang nangyari sa ating apat.

Nagsimula na ang seremonya noong mga oras na iyon. Wala akong ginawa kundi hawakan lang ang mga kamay mo at tingnan ka sa mga mata mo.  Hindi ko na alam kung saan ko ilalagay ang tuwa sa puso ko. Ayaw kong pumikit ng mga oras na iyon sapagkat baka hindi na ikaw ang makita ko pagkamulat ko.

Masaya ang lahat para sa atin, suportado naman nila tayo sa ating desisyon. Sa wakas makakasama na kita ngayon mahal ko. Makakasama ko na kayo ni Marco, iyon naman talaga ang matagal ko nang gustong gawin eh, ang maalagaan kayo nang sabay ng anak mo. Pangako, hindi kita bibiguin, hindi ko sasaktan ang damdamin niyo ni Marco bagkus ay mamahalin ko kayo ng buo.

"Leonardo" iyon ang sinabi ko noong magising ako sa aking kwarto, kasama ko doon si Carlos. Panaginip lamang pala ang lahat, akala ko ay totoong makakasama na kita mahal ko, alam mo bang unti-unting dinurog noon ang puso ko?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top