Kabanata 6
Kinabukasan, para hindi ka na malungkot sa nangyari sa inyo ni Sonia. Naisipan kong sabihin sa nanay mo at sa nanay ko na kung pwede ay dalhin nila tayo sa parke. Para naman makalanghap ka ng sariwang hangin at hindi mo masyadong maisip ang mga nangyayari sa iyo. Sinabihan ko na din si Sandra na sumama sa atin, laking tuwa ko na pumayag pala ang kanyang mga magulang na sumama sa atin. Nangako naman ako sa iyo hindi ba? Gagawin ko ang lahat para lang mapasaya kita.
Nandoon na tayo sa parke, tahimik ka pa rin habang kinukulit ka namin ni Sandra na makipaglaro ka sa amin. Ano pa bang gusto mong gawin ko sa iyo para lang mapangiti kita? Alam ko naman na sunod-sunod ang problema mo dahil umalis ang tatay mo para magtrabaho sa ibang bansa at pangalawa nakipag-away ka kay Sonia na hindi mo naman ginagawa dati pero bakit ba bigla kang nagbago?
Naalala kong paborito mo nga pala ang sorbetes at ang lobo, sakto naman na may nagtitinda sa parke nito kaya agad-agad na sinabi ko sa nanay natin na bilhan tayo, para naman mawala ang lungkot sa mga mata mo. Sa totoo lang, hindi ko na alam kung paano pa manunumbalik ang mga ngiti sa labi mo.
Agad namang binigay sa atin ng tindero ng sorbetes at ng mga lobo ang mga binili natin. Ang paborito mong kulay ay pula at ang paborito mong lasa ng sorbetes ay ube. Kahit saglit, nakita ko ang ngiti sa mga mata mo ngayon na nasa harapan mo na ang ilan sa iyong mga paborito. Samantalang ako naman ay paborito ko ang kulay asul na lobo at ang paborito kong lasa ng sorbetes ay tsokolate.
Nakakatuwa dahil hanggang ngayon ay tanda ko pa rin ang gusto mo kahit sa malilit na bagay. Ganoon nga siguro kapag mahal mo ng totoo ang isang tao. Kahit sa maliliit na bagay ay maaalala mo siya. Kahit naman anong mngayri, hindi ko hahayaan na makalimutan kita. Ayaw ko at kahit kailan ay hindi ko gagawin.
Ngumiti ka na ulit at nakipaglaro ka na sa amin ni Sandra. Alam mo bang sobrang saya ko dahil nakita ko na ulit ang ngiti mo? Ang ngiti na alam ko sa puso kong hindi mo pineke. Naghahabulan tayo ni Sandra sa park, abala naman ang mga magulang natin para ihanda ang piknik na hinanda nila para sa atin.
Habang nagtatakbuhan tayong tatlo, bigla namang may sumanggi sa iyo na batang lalaki. Tumatakbo rin siya kaya naman ikaw ay kanyang nadali. Hnabol ko siya para ipagtanggol kita sakanya, pinangako ko kasi sa sarili ko na wala nang mananakit pa sa iyo habang kasama mo ako hindi ba?
Kinausap ko siya, agad naman akong nilapitan ni Sandra para ako ay pigilan sa gagawin ko. Hindi naman porket gwapo ang batang lalaki na iyo ay titiklop na lang ako, alam kong hindi naman ako kagwapuhan at kulang ako sa palligo kumpara sa batang iyon pero mali naman kasi ang ginawa niya sa iyo. Nainis pa ako dahil mukhang natitipuhan ni Sandra ang batang iyon, ano naman ang meron sakanya? Gwapo lang siya pero hindi niya kaya ang pag-aalaga ko sa inyong dalawa ni Sandra. Mukha ngang hindi sanay sa simpleng buhay ang lalaking iyon, hindi rin yata nadadapuan ng mikrobyo o lamok ang balat noon, sobrang puti kasi niya eh.
Mabuti na lang ay agad naman siyang nagsorry sa atin noong malaman niya na nakasanggi pala siya. Kahit mukhang suplado ang mukha, may malasakit naman pala siya sa kapwa kahit papaano, pero kahit ganoon ay hindi pa rin ako kumbinsido sakanya, kahit kilig na kilig na si Sandra sa tabi ko dahil nakita niya ang batang lalaki na iyon.
Pauwi na tayo at nakita ko kayong magkatabi ni Sandra sa sulok. May pinag-uusapan kayong dalawa at iyon ang bagay na hindi ko alam. Mukhang tuwang-tuwa ka sa pinag-uusapan niyo kaya naman pinabayaan muna kita dahil isa lang naman ang gusto ko, ang maging masaya ka kahit hindi ko alam ang dahilan o kahit hindi ako ang dahilan noon.
Hinatid ka na namin sa bahay niyo, nagpasalamat naman ang nanay mo sa akin dahil nakita raw niya kung gaano ka naging kasaya sa muli mong paglabas sa bahay niyo. alam ko na maliit lang ang nagawa ko pero para sa magulang mo ay malaki na iyon dahil gusto lang rin naman niya na sumaya ka at hindi magkulong sa kalungkutan na nararamdaman mo sa lahat ng bagay na nangyayari sa iyo. Pinangako ko naman sa nanay mo na mauulit ang paglabas nating ito. Basta masaya ka, doon tayo mahal ko/
Pagpasok namin sa kotse ni Sandra para siya naman ang ihatid namin sa kanila ay agad kong tinanong kung bakit kayo nagbubulung-bulungan sa sulok kanina, hindi niya agad ako sinagot pero dahil sinabi ko na magagalit ako sakanya at hindi ko siya papansinin oras na hindi niya sabihin sa akin kung ano ang bagay na iyon ay agad siyang natakot sa akin at umamin siya kung ano iyon.
Nagulat ako sa nalaman ko, kinikilig ka rin pala doon sa batang nakasanggi sa iyo sa parke kaya naman pala panay ang harutan ninyo ni Sandra sa tabi, ano bang ginagawa ko? May mali ba sa kinikilos ko? Bakit ang batang lalaki na iyon kahit nasaktan ka na dahil sakanya ay kilig na kilig ka pa rin? Samantalang ako na lagi kang pinoprotektahan at lagi mong kasama hindi mo man lang nakita kahit isang beses? Hindi ko alam pero noong mga oras na iyon, masasabi ko na unang beses mong winasak ang puso ko.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top