Kabanata 4


  Hindi naglaon ay dumating na ang araw na kinakatakot mo, dumating na iyong araw ng pag-alis ng tatay mo, sinamahan ng pamilya ko ang pamilya mo papunta sa airport. Nasa byahe pa lang tayo ay nakakapit ka na noon sa tatay mo at iyak ka ng iyak,gusto kitang lapitan at tapikin ang likod mo pero dahil katabi mo ang tatay mo ay nahiya ako. Mahal kong Cristina, sana isipin mo na hindi pa katapusan ng mundo. Madami pa ang nagmamahal sa iyo at isa na ako doon.

Nasa airport na tayo, naghihintay na lang tayo ng ilang oras bago umalis ang tatay mo papuntang ibang bansa. Nakahawak ka pa rin sakanya at sumisigaw ka na gusto mong sumama. Awang-awa ako sa iyo noon, hindi ko alam ang gagawin ko para mapatahan kita. Gusto ko sabihin na magiging maayos ang lahat at mabilis lang naman ang panahon, hindi mo namamalayan ay nandyan na ulit ang tatay mo.

Habang papaalis na ang tatay mo, pinipigilan mo siya gamit ang paghila sa mga kamay niya pabalik sa iyo. Hindi na rin matigil ang iyakan naming lahat dahil naiintindihan namin kung ano man ang nararamdaman mo, kinuha ka na ng nanay mo pero wala pa ring tigl ang pag-iyak mo. Dahan-dahan ka nang bumitaw sa iyong ama, kalat na kalat ang boses mo sa paligid, halos pagtinginan na tayo ng lahat ng tao sa airport.

 Wala ka pa ring pakialam kahit alam mo na nakatingin na sila sa iyo, tuloy ka pa rin sa pag-iyak, dahil doon ay nilapitan na kita at niyakap. Pasensya ka na mahal kong Cristina, wala akong magawa noong mga panahong iyon kundi ang magpakatatag lamang para sa iyo dahil iyon ang bilin sa akin ng mga magulang ko.

Umuwi na tayo sa atin, natigil ka na sa pag-iyak ngunit kapag naaalala mo na ang tatay mo ay bumabalik ka nanaman sa pagluha. Nakita ko ang nanay mo noon, hindi na rin niya mapigilan ang hindi umiyak noong nakikita niyang ikaw ay naluha. Alam ko naman na hindi rin niya gustong malayo sa kanyang pinakamamahal na asawa ngunit kailangan nilang gawin iyon para mabigyan ka nila ng magandang buhay. Doon ko natutunan na ang tunay na pagmamahal ay makasamang sakripisyo. 

Hindi ka naimik pag-uwi natin, animo'y ayaw mong kausapin ang bawat tao sa paligid mo. Mahal kong Cristina, ano na nga ba ang nangyayari sa iyo? Hindi ikaw ang babaeng minahal ko. Gusto kong magpakatatag ka dahil wala na iba pang tutulong sa iyo kundi ang sarili mo lamang. Mahal na mahal kita at pangako ko, nandito lang ako sa oras na kailangan mo ako.

Nagkulong ka raw sa kwarto oong pagpasok mo sa bahay ninyo, ginawa mo na ito noong mas bata pa tayo. Noong nagtampo ka sa akin dahil nagseselos ka noon kay Sandra, pero iba na ang sitwasyon ngayon dahil wala na ang tatay mo para ikaw ay suyuin at sabihin na hindi na niya gagawin ang umalis pa sa tabi mo.

Dahil nga wala kang kinakausap ni isa sa amin ay naisipan ng nanay mo na baka sakali ay kapag ako ang nakipag-usap sa iyo ay hindi mo ako ipagtabuyan at mahing mahinahon ka na sa pag-iyak mo. Hindi naman na ako nag-isip pa, pumayag agad ako na ako ang kakausap sa iyo para patahanin ka at matingnan kung maayos ang iyong kalagayan.

Pumasok ako sa kwarto mo, nakahiga ka at nakatalikod. Nakaharap ka sa dingding, puro hikbi lamang ang aking naririnig mula sa iyo. Hindi ko naiwasan na hindi mapaluha dahil sa nakita ko, doon ko nalaman na sobrang mahal mo ang tatay mo.

Tumabi ako sa iyo, hindi mo pa rin ako tinitingnan kahit alam mo na nandito na ako sa loob ng kwarto mo. Makaraan ang ilang minuto ay tumingin ka na sa akin, agad-agad kang bumangon at niyakap mo ako. Kinausap mo ako noon at ang tanging sabi mo lamang ay gusto mo ng isang buo at asayang pamilya pero hindi mo na magagawa iyon simula ngayon dahil nga wala na ang tatay mo.

Nalungkot ako noon dahil nararamdaman ko naman ang sakit na dinadaing mo, kung ako rin naman ang nasa pwesto mo ay sigurado ako na ganoon rin ang gagawin ko, hindi naman maiiwasan ang maging malungkot lalo na kapag magulang mo ang nawala sa tabi mo hindi ba?

Simula noon ay pinangako ko na hindi na ako aalis sa tabi mo para hindi mo maramdaman ang lungkot. Alam ko naman na babalik rin ang tatay mo sa tamang panahon pero hindi iyon ngayon, kailangan mo muna magtiis at maghintay. Pansamantala, kami muna ang mag-aalaga sa iyo habang wala ang tatay mo. Saka nakalimutan mo na ba? Nandyan pa rin naman ang nanay mo sa tabi mo at sigurado akong kahit kailan ay hindi ka niya hahayaang mag-isa.

Kumalma ka na konti kaya niyaya kitang lumabas ng kwarto mo. May hinandang meryenda ang nanay mo para sa atin, alam kong ginagawa lang niya iyon para hindi ka makaramdam ng lungkot. Mahal kong Cristina, nandito pa kami. Kahit papaano  ay pamilya mo na rin kaming maituturin kaya naman sana huwag mong iwaglit iyon sa isipan mo.

Masaya ako na bumalik na ulit sa dati ang mukha mo, may konting ngiti na rin sa mga labi mo ngayong nakita mo ang paborito mong meryenda na banana cue. Umiyak ka ba dahil wala na ang tatay mo o umiyak ka dahil gutom ka na? Cristina, sabihin mo sa akin ang totoo. Ginamit mo lang ba iyon para makain mo ang paborito mo? Nilinlang mo kami. Pagkain lang pala ang katapat mo.


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top