Para kay Ate Idol, Rayne. (pilosopotasya)

Para kay Ate Idol, Rayne. (pilosopotasya)

 

1 //

Hello, Ate Rayne. Haha. Ito yung sinasabi kong gift ko sayo. XD sorry, ito lang aa ? Gusto ko kasing sabihin lahat ng nararamdaman ko sayo ee. So, sana magustuhan mo itong munting mensaheng inihanda ko para sayo. ^_____^v

~~~~~

Dear Ate Rayne,

ang dami kong gustong sabihin sayo. Hindi ko alam kung paano ko uumpisahan. Hindi ko alam kung ano ang una kong sasabihin. Nalilito ako. Megesh~ =O=

so, Ito. Haha. Una, gusto kong mag sorry sa pagiging silent reader sa AFGiTMOLFM at Best Friend, a year ago. Kasi, nahihiya ako sayo ee. >___<;; baka kasi snob-in mo ko we. Pero, ito sasabihin ko. from the start, idol na kita. Fan mo na ako. Di lang ako nagsasalita. Tahimik lang ako.

Eversince i read your AFG, sobra mo na akong pinahanga. After kong basahin nga yun, finollow ko na agad yung watty account mo ee. Siguro, a week agot after ko mabasa yung AFG. O__o?? Basta. Di mo lang alam ate rayne, pero kahit di mo pa alam na nag eexist ako sa mundong ito, proud na proud na ako sayo. Pinag yayabang ko pa nga yung AFG mo sa mga kaibigan ko ee.

Gusto ko nun sabihin sayo kung gaano ako kasaya na nabasa ko yung story mo. Gusto kong sabihin lahat ng nararamdaman ko ng mabasa ko yun. Kaso, wag nalang pala, kako. Natatakot kasi ako na baka snob-in mo. Kasi, mejo sikat ka na nun ee. Mas sikat ka nga lang ngayon. Inisip ko kasi dati na kapag ang isang tao, naging sikat, hindi na sila namamansin ng mga fans nila.

Ganun nasa isip ko dati kaya di nalang ako nag abalang mag send ng message sayo, mag post sa MB mo, or mag comment/vote man lang sa story mo. Natatakot ako. Baka snob-in mo lang ako. Kaya ayun. Nanahimik nalang ako. Mejo malungkot pa nga ako nung time na yun kasi, gustong gusto kitang makausap. Kasi, idol na idol na kita nun.

Gusto kong sabihin sayo kung gaano ako ka proud na nakilala kita bilang author sa wattpad. Gusto kong sabihin na, Fan mo ko. Idol na idol kita. Pero nagbago ang isip ko. Takot kasi ako na snob-in mo. Tsaka mejo mahiyain pa ako NOON. >"<

kaya lang, nung nabasa ko na yung That Twisted Love Story mo, binasag ko na yung katahimikan ko. Haha. Kasi naman, ang ganda ganda ng story na yun! Nakakaiyak. Yun bang feeling ko, sasabog or mababaliw ako kapag hindi ako nag comment dun.

Tsaka, sorry, kasi, parang hinusgahan ko dati yung mga sikat na author sa wattpad. Sabi ko kasi dati,

'naku, yung mga sikat na author na yan sa wattpad, ganyan lang yan. Sikat lang sila. Magagaling lang silang gumawa ng story. Pero hindi naman sila namamansin ee.'

well, dati pa naman yun, Ate Rayne. You see, na snob na rin ako ng isang mejo sikat na author sa wattpad. Kaya parang sumama yung loob ko. Sorry talaga Ate Rayne. TT_____TT napatunayan ko naman na mali ako. na hindi lahat ng sikat, snober. Napatunayan ko yun ng napansin mo ako. Di mo lang alam ate kung gaano ako kasaya dahil dun. Yung nirereplyan mo mga comments ko sa Facebook Page mo, tapos, yung nag post ka ng 'Happy Birthday Mariss ♥ (advance)' sa Message Board ko. Di mo lang alam, Ate Rayne. Halos magtatalon ako sa tuwa kapag pinapansin mo ako.

OA ko ba ? Yun kasi talaga yung nararamdaman ko ee. Kinukwento ko pa nga yun sa nanay ko ee. Haha. Dati kasi, naiinggit lang ako sa mga nababasa kong reply mo sa kanila. Dati, akala ko, imposible na mapansin mo ako. Dati, inggit na inggit pa ako sa ibang wattpad members na mejo pinapansin mo. Sa Facebook Page, sa mga post sa Message Board mo, sa mga comments nila sa works mo. Naiinggit ako jan dati kasi, buti pa kako sila, pinapansin mo. Ako kaya, papansinin mo kapag sinubukan ko?

Haha. Naisip ko nga noon, para akong tanga. Paano ko malalaman kung papansinin mo ako o hindi kung hindi ko susubukang gawin yung ginagawa ng ibang readers mo? Then, nung nag comment ako sa 'on publishing... AFGITMOLFM' mo, kinakabahan pa ako nun. Gusto ko ng burahin yung comment ko. Kaso biglang namatay yung phone ko. Madaling araw na nun. Mga 1AM. Namatay phone ko kasi lobat! Naiiyak na nga ako nun sa kaba ee. Kaya sabi ko sa sarili ko,

'bukas nalang. Di naman nya siguro mababasa yun, agad.'

Kaya natulog nalang ako. Nung kinabukasan naman nun, hapon. Nag computer ako sa shop. Tapos nakita ko sa Home ng Wattpad ko na talagang nakakagulat ha. Sabi ko pa nga,

'WTF?!! IS THIS FOR REAL?!'

sabi ko nung nabasa ko yung post mo sa Message Board ko na,

'Happy Birthday Mariss ♥ (Advance)'

ilang beses kong nirefresh yung wattpad ko. Baka kako sira. Kaso hindi. Napangiti nalang ako. Ang saya kaya. Gusto kong maiyak nun sa saya ee. At nagguilty at the same time. Kasi sinabihan ko agad na yung mga sikat sa wattpad ay puro snobbers. sabi ko sa sarili ko,

'mali pala ako. Hindi pala lahat ng sikat, snobers. May mga natitira pa palang namamansin.'

sobrang saya ko talaga ate rayne. Mejo active na nga ako sa TTLS nun ee. nag vovote na ako. Pero minsan, di ako maka comment kasi abnormal tong Asha na to. Bagal ee.

So, ayun. Sorry talaga Ate Rayne. Yan talaga ang mali sa ugali ko ee. Nagiging judgemental ako tsaka may ugali akong 'insecure' haha. Madami kasi akong insecure sa buhay. Mahirap ee. Ganun yata talaga.

Haha. Pero inaamin ko naman yun. Di ko naman ikinakaila kasi alam kong totoo. Kaya, isang malaking SOOOORRYYY PPPOOOO, Ate Rayne. Kasi, ang laki ng kasalanan ko sa inyo. TT______TT

gusto kong mag thank you kasi, ang bait bait bait bait mo. Nakakausap na kita ngayon sa Facebook. Dahil dun sa Theory shmeory [?] mo. Haha. Sumali ako dun kahit na hindi ako sigurado kung tama yung mga kalokohang theory na binigay ko sayo. Napaka dami pa. Hahaha.

Nung nag reply ka nga sa theory ko, wwaahh !!! Binugbog ko yung Ate ko sa sobrang saya ee. Haha. Sobra kasing saya. Kala ko talaga, hindi mo rereplyan yung theory ko. Kala ko, babasahin mo lang. Good thing, nag reply ka.

Mula sa Theory, hanggang sa kung ano ano na yung idinaldal ko sayo. Madaldal ako nu ? Haha. Pati dun sa panaginip ko about kay Ate Alyloony, kinwento ko pa sayo. Buti nga pinapansin mo pa ako ee. Buti nirereplyan mo pa ako. Iniisip ko nga, baka naiinis ka na sakin kasi ang daldal ko. Ang ingay ko. Nakakainis na ako. Ganito. Ganyan. Yadada. Yadada.

Nung nabasa ko naman yung chapter 46 na new update ng #TTLS mo, grabe lang ang saya ko ng apat na beses nabanggit yung Mariss sa chapter nay un. Nung una, akala ko, mali lahat ng theory ko kasi nasa kalahati na ako ng chapter, wala prin yung pangalan ko kaya di na ako umasa. Tsaka di ko rin anman expected na may tama yung theory ko kasi, ean ko, puro kautuan lang yata yung nilagay ko dun. Hahaha.pero sobrang saya ko talaga, Ate Rayne. Sobraaaaaa~ :) to the point na pinakita ko pa sa nanay at ate (hindi kay tatay. Di naman ako papansinin non ee. XD) yung pangalan ko at sinabing,

‘woy ! tingnan nyo ! sikat na ako ! kasali ako sa casting ng chapter 46 ni Ate Idol. Wahaha !’

Sobrang saya ko Ate. Promise. Ni hindi sumagi sa isip ko na mapapansin mo ako. Lalo na ngayong nakakausap na kita Paminsan minsan. Sobrang saya ate. Ganun pala kako ang feeling kapag nakakausap mo yung Idol mo. Ang saya ko kasi nakakausap ko yung idol ko paminsan minsan. Ang saya ko kasi nakakausap kita paminsan minsa,. :)

Hindi ko alam kung ano tumatakbo sa isip mo kapag nakikita mo mga comments, votes, tweets, messages ko sayo. Baka kako may possibility na nabwibwisit ka na sa kadaldalan ko sa buhay. Pero kahit na ganun, okay lang sakin. Kahit magalit ka sa sobrang kulit ko, sa mga non sense tweets at messages ko sayo, okay lang sakin. Yes. Titigil ako kung sinabi mo. Pero hindi sasama ang loob ko. Kasi masaya ako na nalaman mong nag eexist ako. Kasi nalaman mo na lahat ng nararamdaman ko. Masaya na ako dun, Ate. Masaya na ako.

Yung Happy Birthday mo lang sakin nun, di ko naman inaasahan yun ee. Yun lang, Ate Rayne. Masayang masaya na ako. Sobra sobra nay un, para sakin. Pero higit pa dun ang binigay mo. Pinansin mo ako. Para na nga tayong Cyber Friends ee. Haha. Naging sobrang saya ko, Ate Rayne. As in, sobra. Sobra sobra na. Kaya, okay lang sakin Ate Rayne kahit na snob-in mo na ako sa mga susunod na araw, linggo, buwan. Okay na ako Ate Rayne. Kasi, nalaman mo na lahat ng nararamdaman ko. nalaman mo na kung gaano kita iniidolo.

Salamat Ate Rayne..

Gusto ko rin malaman mo na, hindi kita inidolo ng dahil sa galing mo gumawa ng story. Hindi kita inidolo dahil ikaw ang pinaka magaling na manunulat para sakin dito sa wattpad. Kasi, honestly, ang pinaka nahuhusayan ko dito is Alyloony, HYSTG and FG.

Pero Im sorry. Baka kasi isipin mo, ang plastic ko kung sasabihin ko na mas magaling ka sa kanila. Baka sabihin mo, sipsip ako. XD kaya i want to be honest with this. Kahit dito. Pero, i want you to know na ikaw ang Number 1 idol ko dito. Hindi dahil sa stories na ginawa, ginagawa, at mga gagawin mo pa.

Kundi dahil, isa kang mabuting tao. Tunay na kaibigan. Responsible daughter of your parents.

Ang swerte ng mga magulang mo kasi nagkaroon sila ng anak na tulad mo. Nakita ko kasi yung post mo sa Real Account mo nun. Yung about sa dad mo. Naka follow ako dun ee. Naiyak pa nga ako nun ee. Kasi nung time na yun, may sakit yung tatay ko. Kaya natouch ako. Natouch ako sa thought na yun. Ang bait mo, Ate Rayne. Natutuwa ako sayo.

Swerte rin ang mga kaibigan mo kasi tunay kang kaibigan. May iba din akong nakita sa Facebook Page mo. Yung picture na about sa message nila nung birthday mo. Binasa ko yun. Pati mga comment mo dun. Nakakatuwa. Napapangiti nalang ako sa nababasa ko. Idol mo nga din pala si Daniel Padilla.

nakita ko sa parang last note ng AFG. Dun mo kinuha pangalan ni Nate. Tsaka kay Elmo. Hehe. Parang lumalabas na stalker mo ako. Kasi lahat tinitingnan ko. >o< sorry ya. Baka na-invade ko na yung privacy mo. Hahaha. Joke lang. XD di mo naman ipopost yun kung private diba ? Kaya tinitingnan ko lahat. Haha. Pati mga comments nila binabasa ko ee. XD

ayan Ate Rayne. Nasabi ko na yata halos lahat. Napaka haba. At mejo masakit na sa mata kasi tutok sa screen ee. May tama pa naman mata ko. Mejo malabo. Hahaha.

I really admire you ate rayne. I really really admire you. Higit sa lahat. Hangang hanga ako sayo.

Sana mabasa mo. Sana maapreciate mo tong munting mensahe na to. (munti daw xD)

and Ate Rayne, pwede ba kitang tawaging Ate Idol ? :) gusto ko kasing maiba ee. Hahaha. Pa-unique. Pero baka may tumatawag na sayo ng Ate Idol ee? Hahaha. Pero okay lang. Uhm, Pwede ba Ate Rayne yun ? na Ate Idol nalang itawag ko sayo ? Hahaha.

Ano. Sana, mapublish na sila as a book. Especially, yung AFGiTMOLFM mo. Tapos, sana, maging successful yung That Twisted Love Story mo. Susuportahan kita, Ate Rayne. Kung sakali man na maging book lahat ng stories mo, I Promise. (")(^__^)v bibili ako ng mga books na yan. Mga story mo na napublish ng isang Publishing Company. Kahit na hindi ako makakapuntsa book signing mo, Ate Rayne, bibili parin ako. Kahit na gustong gusto kitang makita sa personal at makapag pa-autograph ng books sayo, okay lang. Ang mahalaga sakin, mabili ko yung books mo at masuportahan kita. Idol nga kita diba ? :)

kung sakali man na mapublished as a book yung mga works mo, sana makapunta ako sa book signing event at makapag pa-autograph sayo. Kaso, malabong mangyari yun, Ate Rayne. Nueva Ecija ako ee. Malayo ako sa Manila/QC. Kahit gaano ko kagusto na makapunta sa mga book signing events sa mga susunod, hindi pwede ee.

Bukod sa malayo at mahal ang pamasahe, hindi pwede. Bawal ako sa crowded area. May asthma ako ee. Tsaka di ako marunong bumyahe. Kung dito lang sana sa Nueva Ecija yung mga book signing events nyo, pwede akong pumunta. Yun nga lang, tatakas lang ako. Haha. Di kasi ako papayagan kapag nagpaalam ako. Sanay na rin naman akong tumakas. Hobby ko yun kaya na-master ko na. Hahaha. Pwede rin naman, sakaling magpa-games ka sa twitter / facebook. Syempre, sasali ako nu ! Kahit ano pa premyo nyan, sasali ako. Hahaha.

Mejo magulo na akong kausap no, Ate Idol ?

Sabi ko sayo, madami akong gustong sabihin ee. Wala pa jan yung tungkol sa stories mo. Yung mga masasabi ko dun. Sa susunod na yun. Mahapdi na mata ko ee. Hahaha. Tsaka mejo mahal na ang babayaran ko sa computer shop. =____=

sige. Dito nalang, Ate Rayne ! Masyado ng mahaba ee. Dinaig pa one shot. XD Dejks. ^__^

Wag mo sana akong makalimutan, Ate Rayne. Ako na yata ang pinaka makulit at pinaka madaldal mong Fan. Hahaha. Lagi mong tatandaan na nandito lang ako para sayo. Tuwing may problema ka, pwede mo akong lapitan. Sabi nila, mahusay daw ako mag advice. (sabi nila. XD) tsaka. Ate Rayne, hindi kita iiwan, kahit iwan ka na ng mga Fan mo, nandito parin ako.

So, last na talaga to. iLoveyouuu, Ate Idol. Keep up the good work. And sana, wag kang magbabago. Kahit na maging isang super sikat ka na, na novel writer.

Sumikat man o Lumubog ang isang Pilosopotasya, nandito lang ang makulit na si Mariss para suportahan ka. Kahit anong mangyari, nandito lang ako para sayo. Idol na Idol talaga kita. Hahaha.

So, more stories to write para may mabasa ulit akong mga kakaibang stories. Haha. Salamat kasi napansin mo na ako at nalaman mong nag eexist ako dito. Yun lang ang hangad ko. Salamat talaga, Ate Rayne. Sana, maging successful ka sa future kahit na ano pa man ang gusto mong career. Sana, makamit mo lahat ng pangarap mo. Good Health para sayo and sa Family mo. Sige na. Take Care Always, Ate Idol. I Love You Very Much ! God Bless.

Your Number Zero Fan,

MarisolMariano (Mariss)

~~~~~

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top