Chapter Eight
Fuck!
Ysrael's
I WAS watching Ate AM as she bathed my nephew Yuan. Ang taba ng binti ni Yuan. Pakiramdam ko kapag bumagsak ang binti niya sa akin mababalian ako ng buto pero siyempre hindi naman mangyayari iyon. Tuwang – tuwa ako sa pamangkin ko. He's nine months old and he's very cute. Palagi akong nandito sa bahay nila Ate para na rin matuto kung paano mag-alaga ng bata. Marunong naman na ako kahit paano dahil ako ang nag – alaga kay MM sa unang tatlong buwan ng buhay niya, but that was years ago, and I wanted to be a better father for my child now.
Iyak nang iyak si Rina nang sabihin niya sa aking buntis siya. Ilang beses niyang sinabi sa akin na alam niyang hindi iyon ang inaasahan naming dalawa nang magdesisyon kaming subukan ang bagay na ito. Rina is kind. Hindi ko inasahan iyon. I now understand why my father wanted to arrange an engagement for us – mabuti siyang tao. She's a lovely person. Ilang beses na akong nakasama sa mga events niya at kahit ilang taon na ang nakalipas mula nang manalo siya sa beauty pageant na sinalihan niya noon ay ginagawa niya pa rin ang adbokasiya niyang tumulong sa mga batang hindi pinalad na magkaroon ng pagkakataong mag-aral.
I like Rina. She's easy to be with.
"Oh, Rael, kunin mo muna si Yuan." Ibinalot ni Ate AM si Yuan sa towel at saka ibinugay sa akin. Medyo nag – aalangan pa nga ako kasi ang bigat talaga ng batang ito but he's so cute. Inalalayan kong maigi ang likuran niya. Yuan made cute sounds, and it made me smile. Inilapag ko siya sa gitna ng kama kung saan siya bibihisan ni Ate AM.
"Hi, Yuan, I'm your Uncle Rael. You're so cute, yes you are. Be a good boy ha? H'wag tutulad sa tatay— Aray!" Napadaing ako nang biglang may humampas sa likuran ko. Nang lumingon ako ay nakita ko si Kuya Yael.
"Kung ano – anong pinagsasabi mo diyan sa anak ko."
"Ang sakit, Kuya. Ano bang ginagawa mo rito? Sabi ni Ate AM kasama mo raw si Yuna."
"Tulog na si Yuna kanina pa sa kwarto niya. Pinagsasabi mong h'wag tutulad sa akin ang anak ko? Malamang anak ko iyan, sa akin mana iyan!" Natawa ako nang batukan ni Ate AM si Kuya. "Aray naman, Abnoy..." Napangiwi ako – iyong pag – aray ni Kuya may kasamang landi.
"H'wag na h'wag kang magsasalita ng ganyan sa mga anak ko, Ysmael! Jusko ha! Si Yohan, gabi – gabi kong pinagdadasal na h'wag mong maging kaugali! Kung kailangan lumakad ng paluhod sa Baclaran para lang maging mabait ang panganay ko gagawin ko h'wag lang magmana sa'yo!"
"Mahal naman..." Biglang tumawa si Ate AM.
"Sabagay, kay Yanessa palang paldo na. Naisalin lahat ng topak ng Kuya mo sa panganay niyang babae, Rael!" Natawa na rin ako kasi tumawa si Ate AM. Napailing si Kuya Yael.
"Ano bang ginagawa mo rito Rael? Ba't hindi mo kasama si Rina?"
"Magkikita kami mamaya. May doctor's appointment kami. Kasama namin iyong best friend niya kasi gusto niya ng gender reveal, sa best friend niya raw ibibigay iyong gender ng baby namin."
"Uso pa pala iyon. Di naman kami nagganoon ng Ate mo. Basta kung buntis siya, buntis. Hihintayin na lang namin ang gender kapag nanganak na siya o kaya man tinatanong na namin sa doctor."
"Yael, abutan mo ako ng diaper." Sabi ni Ate AM. Agad na sumunod si Kuya. Hinayaan ko na silang dalawang bihisan si Yuan. Ako naman ay tumayo sa gilid at pinagmamasdan silamg dalawa. They looked so synced. Si Ate AM ang nagsuot ng diaper, si Kuya ang nagpahid ng baby oil sa dibdib at tiyan ni Yuan, si Ate AM ang nagsuot ng sando at short, si Kuya Yael naman ang nagsuklay sa kakaunting buhok ng pamangkin ko – I suddenly see myself in that situation but I was appalled when instead of seeing Rina, si Lucrezia ang nakita kong kasama ko at anak niya ang inaalagaan naming dalawa. Ipinilig ko na lang ang ulo ko para matapos na ang pag – iisip ko sa bagay na iyon.
Sa totoo lang noong gabing dinala ko si Lu sa ospital at nalaman naming buntis siya ay nakaramdam ako ng poot – poot para sa taong hindi ko kilala. Ilang beses ko ring naitanong sa sarili ko kung bakit nangyari iyon kay Lu. At kung bakit hindi niya agad sinabi sa akin na may nangyaring ganoon sa kanya. Kilala ko si Lu, hindi siya papasok sa isang sitwasyong alam niyang ikapapahamak niya. Sa pahapyaw niyang kuwento sa akin, malinaw na naganap ang gabing iyong sa party sa CLPH.
Isang bagay ang pumasok sa isipan ko noon – Lu might have been drugged that night. At sa isiping iyon ay hindi ako mapakali kaya matapos kong maihatid si Lu sa unit niya paggaling namin ng Bulacan ay lumipad ako ng CLPH gamit ang chopper ng mga Vejar. Si Kairos pa nga ang nagpalipad niyon para sa akin. Kinausap ko agad si Tino dahil siya ang in – charge sa lahat ng pagkain at inuming ipinapasok sa CLPH. Tinanong ko siya kung alam niya ba o aware ba siyang may drugs na pinasok nang gabing iyon at kahit alam ko na ang isasagot niya ay umasa pa rin akong kabaliktaran noon ang maririnig ko – wala siyang alam at siniguro niyang mahigpit ang pagpapasok ng ingredients at alak na gagamitin para sa gabing iyon. Pero kahit ganoon ay sinimulan kong hanapin ang lalaking iyon.
Ang sumunod kong pinuntahan ay ang operations manager – si Raphael – ang bunsong anak na lalaki ni Uncle Gabriel. Siya kasi ang may hawak sa guestlists. Hiningi ko sa kanya ang listahan ng lahat ng lalaking may asawang nag-attend ng costume party na iyon.
"Lahat? Ng may asawa? Bakit? Aagawin mo ba ang asawa nila, Kuya Rael?"
"Basta ibigay mo!" Pinanlakihan ko pa siya ng mga mata.
Ibinigay naman niya sa akin iyon pero out of the eight hundred guests that night, two hundred ang pumuntang may – asawa. Sumakit lalo ang ulo ko. Literal bang iisa-isahin ko ang mga lalaking ito? Siyempre hindi. Pero gagawan ko pa rin ng paraan. Ang una sa listahan ay si Midas Torerro kasama ang asawa niyang si Katarina Torerro. I checked on their background – happily married for a decade now, may kambal na anak at isang lalaking bunso pa. Hindi siya kasama sa pagbibintangan ko. Next is Romeo San Vicente, hindi rin siya kasi alas ocho palang ng gabi ay lasing na ito. Nasalubong namin ito ni Ody na naglulupasay sa may golf course at nagmamakaawa yata sa asawa niya.
I still have one hundred ninety – eight suspects at ibinigay ko na iyon sa assistant ko. After two days, sinabi niya sa akin na ni isa sa mga lalaking iyon ay walang nakausap si Lu. Hindi ko alam kung paano niya ginawa ang pinagagawa ko pero pinaghahawakan ko ang sinabi niyang iyon. Sasabog na ang ulo ko sa kakahanap sa lalaking iyon. Gusto ko siyang harapin at bugbugin dahil hindi niya dapat iyon ginawa kay Lu! Ang bait na tao ni Lu! Lahat ng magandang bagay ay dapat lang na mangyari sa kanya at hindi niya deserve na maiwanan na lang basta.
Plus, the child deserves a father. Hindi ako papayag na lalaki ang inaanak kong walang tatay- kung wala talagang tatay ang bata sa sinapupunan ni Lu ay ako ang tatayong ama para sa kanya. Dalawa silang magiging anak ko, ang anak ni Lu at ang anak namin ni Rina. I want a baby girl, si Rina naman ay baby boy. Sabi ko nga kahit ano basta malusog ang batang ilalabas niya sa mundong ito. Ganoon rin ang lagi kong dasal para kay Lu. I want to be with her every step of the way.
Nang gabing nakita ko siya sa Ernesto's kasama ang lalaking si Jorge ay nakaramdam na naman ako ng poot. Noong panahong iyon ay sigurado na akong siya ang ama ng anak ni Lu kaya sinapak ko siya. Pero imbes na makabuti ang ginawa ko ay nakasama pa ito. Napahiya si Lu sa pamilya nila Jorge kasi hindi nga siya ang ama ng batang iyon. Nasapak pa ako ni Red dahil sa katigasan ng ulo ko pero nanghingi rin ako ng tawad sa pamilya nila. Hindi ko iyon sinasadya. Nagdilim lang ang paningin ko kasi anong karapatan niyang hawakan ang tiyan ni Lu? Ako nga hindi ko ginagawa iyon tapos siya—.
"Aray, Kuya naman!" Napaigik ako nang hampasin ako ni Kuya Yael sa tiyan. Sa lahat ng parte ng katawan ko palaging tiyan ko ang tinatamaan niya. Buti na lang may abs na ako at hindi na gaanog masakit iyon.
"Sabi ng Ate Aly mo kakain na. Nagluto siya ng palabok tulala ka na naman. Ano bang iniisip mo? May problema ka ba?"
"Wala naman, Kuya."
"Wala pero lagi kang tulala. Bobo ka rin eh." Sabi niya pa sa akin. Natawa ako nang sabihin ni Yuan ang sinabi ni Kuya.
"Bobo." Sabay dutdot sa labi ni Kuya Yael.
"Nauna niya pang sabihin iyang bobo kaysa sa Dada. Ang kaya niyang sabihin ay Mama, Bobo saka kung ano – ano pa. Mauuna niya pang masabi ang pangalan ng mga kapatid niya bago sa Dada samantalang ako ang laging may karga sa arimunding na ito. Ang gwapo ng baby namin!"
"Bunso na ba siya?"
"Ano ka? Ga't kaya pa ni Aly mag-aanak pa kami!" Tumawa pa siya sabay yakag sa aking bumaba na. Pagdating sa dining area ay naroon na si Ate AM at si Yuna. Wala si Yana, nasa school pa, si Yohan naman ay nagpunta raw sa National Museum kasama ang girlfriend nito.
"Kumain ka na, Rael. Anong oras ang punta ninyo ni Rina sa doctor?"
"After lunch pa naman, Ate."
"Sige na. Upo. Akin na ang baby kong si Yuan na kakain ng palabok na walang shrimp kasi ang daming mamamana sa tatay niya iyong allergy pa sa seafood pero sa bagoong rin naman kita pinaglihi ay baby ko." Tumawa si Yuan. Si Kuya Yael ay nakangiti lang habang nakatingin sa mag – ina niya. Tumalikod si Ate Aly, si Kuya Yael naman ay hinarap ako.
"Ang swerte – swerte ko, Rael. Sana ikaw rin. Yuna, mahal ko, kain ka na rin baby ha?"
xxxx
"HI! I kissed Rina's cheek right after I greeted her. Sa ospital na kami nagkitang dalawa. Nauna siya sa akin roon ng sampung minuto dahil nahirapan akong maghanap ng parking. Nakaupo na siya sa waiting room kasama ang best friend niyang si Zelle. Kumaway lang siya sa akin at bumalik na sa pagbabasa ng kung anong magazine.
"Kumain ka ba?" Tanong ko sa kanya. Rina smiled at nodded at me. I even fixed her hair. May sumabit kasi sa bandang ilong niya – iilang hibla lang naman iyon. Rina is very pretty. I wouldn't mind waking up next to her every day in my life.
"Saan ka galing?" Malumanay na tanong niya.
"Sa office kaninang umaga tapos before lunch nagpunta ako sa bahay nila Kuya Yael sa Forbes para tingnan iyong baby nila. Si Yuan. Kinuha ko ang phone ko para ipakita sa kanya ang litrato ni Yuan na nakaupo sa bathtub kaninang pinaliliguan ni Ate AM.
"Hala! Ang cute naman niya! Sobrang taba saka may dimples siya."
"Diba? Pakiramdam ko siya ang paborito kong pamangkin. Lagi kasi siyang nakangiti."
"Sana kasing cute ng nephew mo ang baby natin."
"Siyempre, kanino pa ba naman magmamana iyan." Rina giggled. Napatitig ako sa kanya. Sa nakalipas na buwan na palagi kaming magkasama ay palagi kong sinasabi sa sarili ko na si Rina na ang babaeng makakasama ko habambuhay. I intend to marry her. Buntis siya, magkakaanak na kaming dalawa. Wala naman akong girlfriend at pakiramdam ko ay tamang panahon na para bumitaw na ako kay Mikee. I guess, I'm not in love with Mikee anymore – I haven't been in years. Malungkot na lang talaga ako dahil sa nangyari sa amin, malungkot akong sa kamatayan nawala ang babaeng mahal ko. I will always love Mikee – she will always have a place in my heart but that's it. Si Rina, siya na ang babaeng kasama ko ngayon, bukas at sa habambuhay. Wala akong nakikitang masama sa kanya. She's very kind, she's easy to be with, she is approachable, and my parents love her.
But do I love her? No. But could I fall for her? Maybe. Hindi ko pa alam. Malalaman ko siguro sa mga susunod na panahon pero ngayon kailangan kong gawin ang tama.
"Rael, invite natin si Lu sa gender reveal party ha? Gusto ko naroon din si Lu sa baby shower ko."
"Sure. Ite-text ko siya mamaya."
"Sige. Pero me-message ko rin siya. Kagabi magka-chat kaming dalawa. I always wanted to hang out with her pero lagi siyang hindi pwede. Marami ba siyang ginagawa?"
"Baka nahihirapan na siyang tumayo o maglakad. Ang laki na kasi ng tiyan niya. Mas malaki pa sa tiyan mo." Hinaplos ko ang umbok ng tiyan niya sabay ngiti.
"Tumaba si Lu?" Napatingin ako kay Rina.
"Hindi. Buntis siya."
"Ha?!" Napahawak si Rina sa dibdib niya.
"Didn't I tell you?"
"Wala kang binanggit!" Hinampas ni Rina ang braso ko pero napangiti siya sabay hawak ulit sa kamay ko. "Dalawin natin si Lu! Nakakatuwa naman pala iyon, best friend mo siya, buntis ako tapos siya rin, may best friend na ang baby natin! I want our kids to be best friend kasi itong si Zelle parang walang balak mag-asawa."
"Grabe, Girl?"
"Totoo naman! Dalawin natin si Lu ha? Omg! I'm so excited! Ibibili ko siya ng friendly preggy food!"
Napangiti ako. Natutuwa talaga akong magkasundo si Rina at si Lu. Everything right now is perfect...
xxxx
Lu's
"GUSTO KO talaga ng chippy, Ate Leina." Natawa si Ate Leina sa akin. Noong araw na iyon ay nasa unit siya kasi wala siyang kasama sa kanila. Ayaw niya ring magpunta sa Ernesto's kasi naroon naman daw si Mcbeth. Si Kuya Jorge daw kasi ay umuwi ng Mindoro para sunduin ang Tito at Tita nito dahil binyag ni Aviara bukas. Heto si Aviara, tulog na tulog sa baby cot na nakalagay sa couch na pinalibutan ni Ate Leina ng mga unan para hindi siya malaglag. Naroon rin naman kaming dalawa at binabantayan siya.
Grabe, dalawang buwan na lang ay lalabas na ang anak ko. Babae ang anak ko ayon sa huli kong ultrasound. Tuwang – tuwa si Mama nang malaman niyang babae ang anak ko – sabagay sabi naman niya basta raw malusog ang bata ay walang kaso. Sa susunod na linggo ay darating na rito si Mama para samahan ako hanggang sa manganak ako. She'll stay with me even after I give birth. Tutulungan niya akong mag – alaga sa baby ko.
"Hello, Anne anong ginagawa mo? Punta ka nga sa condo ko bili ka ng chippy iyong red." Natawa ako nang tawagan pa ni Ate Leina ang kapatid niya para lang utusan ito.
"Ate, nakakahiya baka may ginagawa iyon."
"Wala. Nasa office lang iyon. Saka malapit lang iyon dito. Hayaan mo na. Masama di napagbibigyan ang buntis. Lalo na at ngayon ka pa yata naglilihi. Kung kailan pitong buwan na iyan."
"Hindi ko nga alam eh." Hinaplos ko ang tiyan ko. Ang laki – laki na noon. Mukhang kabuwanan ko na nga at hindi pitong buwan palang.
"Noong naglilihi ako jusko, naaawa rin ako kay Jorge. Minsan namali siya ng bili, umiyak talaga ako. Paano ang bilin ko gusto ko ng gummy bears pero puro green lang tapos iyong nabili niya walang green. Ang sama talaga ng loob ko kaya madaling araw naghahanap sila ni Popsi ng gummy bears buong Metro mapagbigyan lang ako. Napaka-sweet ng asawa ko. Sama na rin natin ang tatay ko." Napangiti ako. Minsan ay nakakaramdam ako ng inggit kay Ate Leina o sa kahit na kaninong buntis na may asawa o boyfriend kasi may nag – aalaga sa kanila samantalang sa akin ay wala pero wala naman akong ibang sisisihin sa sitwasyong ito kundi ang sarili ko at ang takot kong mawala si Rael sa buhay ko. Ilang beses na akong humingi ng tawad sa anak ko dahil hindi ko maibibigay sa kanya ang buong pamilya, hindi tulad ng iba pero pinangako kong pakamamahalin ko ang anak ko habambuhay o kung may lalagas pa roon.
"Ikaw ba? Wala ka bang gusto maliban sa chippy ngayon?"
"Ang gusto ko ay pera."
"Same."
Nagkatawanan kaming dalawa. "Hindi, ang gusto ko healthy ang baby ko. Nakaisip na ako ng name, Ate."
"Talaga?"
"Oo. Azriella Rae. Tapos ang nickname niya Riel."
"Ang ganda! Pangmabait ang name ha!" Inabot ni Ate Leina ang tiyan ko. "Hello, Riel, my name si Tita Ganda! Ako ang pinakamaganda mong Ninang! Ninang ako at bawal tumanggi ang Mama mo. At dahil ninang mo ako, I will bestow upon you the gift of beauty."
"Thank you, Ninang Ganda."
"Ay baka si Annie na iyan." Sabi niya pa nang makarinig kami ng pagkatok sa pinto. Hindi ko naman na nilingon. Bahala na si Ate Leina. Baka nasabi niya sa kapatid niyang nandito siya sad dating unit niya kaya dito nagpunta. Pinagmasdan ko lang naman si Aviara. Parang anghel matulog ang bata. Sobrang cute niya. She was even making cute sounds in her sleep.
"Nandito na si Annie pero may bisita ka rin." Naulinigan ko si Ate Leina. Noon ako lumingon. Nakita ko si Rael at si Rina. Si Rina ay ngiting – ngiti sa akin. Si Rael naman ay may dalang kung ano – anong paper bag.
"Girl! Kanina ko lang nalaman na buntis ka rin pala." Sabi ni Rina sa mahinahong boses.
"Lu, may bisita ka, doon muna kami sa unit ko ha?" Nagpaalam si Ate Leina. Napansin kong nagyuko ng ulo si Rael nang makita ang magkapatid. Alam kong ayos naman na sila pero nahihiya siguro si Rael sa pinagsasabi niya nang gabing iyon.
"Hindi man lang naalalang sabihin sa akin ng best friend mong buntis ka! Nakakaloka!"
"Nakalimutan ko, okay?" Natatawang wika ni Rael. Naitirik ko ang mga mata ko lahat naman nakakalimutan niya ultimo iyong gabing may nangyari sa aming dalawa. Pero hindi naman iyon ang pinag-uusapan. I smiled at them.
"Hindi mo rin sinabi sa akin."
"Well, I didn't want to steal your thunder." Sabi ko na lang kay Rina.
"You're not! Ano ka ba. I'm so happy. Naisip kong magkakaroon na ng best friend ang anak ko. I want them to be friends. Ayokong matulad sa akin ang anak ko na kaunti lang ang kaibigan." Maraming beses kong sinabi sa sarili ko na dapat akong mainis kay Rina kasi nga nasa kanya si Rael. Wala akong ideya kung paano sya napunta sa silid na iyon nang gabing iyon, pero kahit na ganoon ay hindi ko magawang mayamot sa kanya dahil nararamdaman kong mabuti siyang tao at genuine ang lahat ng ipinakikita niya sa akin. I suddenly felt bad for her not having many friends... Hinawakan ko pa ang kamay niya.
"May iba pa akong kaibigan maliban diyan kay Ysrael gusto mo ipakilala kita? Mababait sila."
"Magagastos naman." Narinig kong sabi ni Rael. "H'wag mong isama sa Kpop mo si Rina."
"At bakit? Kung sa Kpop ang tunay na Ligaya bakit hindi?!"
"Anong Kpop? Korean Pop songs?"
"Oo! Alam mo ba iyon?"
"Nakakarinig ako madalas pero wala akong kilala sa kanila."
"Ay! Rina! Sandali! Diyan ka lang!" Tumayo ako. Mabilis pa naman akong kumilos kahit paano. Hinanap ko ang kayamanan ko sa loob ng kabinet ko at ganoon na lamang ang ngiti ko nang masilayan ko ang akong photocard binder. Apat iyon pero dalawa lang ang nilabas ko.
"Ano iyan?" Curios si Rina nang maupo ako sa tabi niya.
"Ipapakilala ko sa'yo ang ama ng anak ko at ang mga ninong niya."
"Ha?" Naguguluhan yata si Rina. Natawa naman si Rael.
"Here." Iniharap ko sa kanya ang unang binder at ang pinakapaborito ko sa lahat. "This is my priced possession. Mawala na ang lahat wag lang ito." Dahan – dahan kong binuksan ang binder. Siyempre ang laman noon ay puro photocard ni DO.
"Hala! Kamukha noong mayor!"
"Oo. Very busy itong baby daddy ko. Mayor s aumaga, kpop star sa gabi. Charot." Nagkatawanan pa kaming dalawa ni Rina. Ililipat ko ang binder nang pigilan niya ako. Sa bawat isang page ng binder ay ay siyam na sleeves. At sa page na iyon ay may siyam na DO NOO Photocard.
"Bakit puro noo niya?"
"Sus!" Nag-comment si Rael. "Iyan ang pinakamahal na photocard niyang si Lu. Jusko, nagpunta pa ng Macau iyan para lang makuha iyong photocard na iyan. Iyong isang pc niyan bili niya 4k tapos may nine pieces siya. Noong lumabas iyan sinuyod niyan buong Pilipinas, Hong Kong pati na rin yata Vietnam magkaroon lang siya."
"Ganoon talaga! Kundi ka uuwian, sunduin mo!" Pinanlakihan ko siya ng mga mata.
"4k isang picture. So, itong page na ito 36, 000 pesos?!" Nasigaw si Rina.
"Okay lang iyan. Investment iyan. Iyong sa NCT special edition nga pwede kang makabili ng bahay kapag binenta mo."
"That expensive?" Nanlalaki ang mata ni Rina.
"Investment." Wika ko pa. Natatawa ako. Rina seemed to be so interested. Siyempre, ire-recruit ko siya sa hobby ko. Lahat ay ipinakita ko sa kanya, lahat ng tanong niya ay sinasagot ko. Habang tumatagal ay talagang gumagaan ang loob ko sa kanya. Mayamaya ay napatingin ako kay Rael. Nakatayo lang siya sa may kitchen area at nakatingin sa aming dalawa – may ngiti sa labi niya. Napangiti na rin ako.
Doon na rin sila sa bahay naghapunan – kasalo namin ang mag-asawang Leina at Jorge. Mukhang ayos na talaga si Kuya Jorge at Rael.
Bandang alas ocho nang gabi nang magsabi si Rina na susunduin daw siya ng Mommy niya dahil inaya raw siya nito sa bahay ng Lola niya. Inihatid lang siya ni Rael sa harap ng building. Mayamaya naman ay bumalik na rin siya sa unit ko. Nakaupo na naman ako sa couch at nakataas ang paa habang nanonood ng TV. Lumundo ang couch. Ibig sabihin lang ay nakaupo si Rael sa tabi ko.
"Thank you ha." Sabi niya sa akin sabay kuha sa paa ko para masahihin niya. Tinaasan ko siya ng kilay. "You're nice to her. Kay Rina."
"I want her to be my friend."
"I guess you are already. Kanina habang pababa ay tinatanong niya kung kailan raw pwedeng magpunta ulit rito at kung anong ireregalo sa'yo sa baby shower mo o may baby shower ka ba?"
"Wala. Aanin pa iyon. Gastos lang iyon. Saka na lang magparty kapag lumabas na siya."
"Kuripot talaga." Natatawa si Rael. Napabuntong – hininga ako habang minamasahe niya ako. Iniisip ko kung ginagawa niya rin ito kay Rina.
"Lalaki ang anak ko." Sabi pa ni Rael sa akin.
"Ay?! Akin babae!" Natawa ako. Napailing siya.
"Gusto ko nga sana babae. Sabi kasi ng matatanda malambing raw ang babae. Pero in the end, ang gusto ko lang ay malusog siya. I'll love my kid no matter what."
"I know, Rael and you're going to be a great father." Hinaplos ko ang pisngi ni Rael. He loked at me, I looked at him and for a while I was transported back to that night in CLPH when I let go of all my everything just to give it to him.
"Fuck!" Rael suddenly hissed. Tila napapasong binitiwan niya ako at saka tumayo para makalayo sa akin.
"Napapano ka?" Takang – takang tanong ko.
"I have to go." Iyon lang ang sinabi niya sa akin at parang napapaso ang puwit na umalis na siya. Nang masiguro kong nakalabas na siya ng unit ko ay saka ko hinaplos ang tiyan ko.
"Tatay mo talaga parang bobo."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top