Special Chapter - Our Second Date

I tied my hair in a low ponytail. Bihira na akong maglugay ng buhok ngayon dahil sa paglalagas nito. Kasama raw 'yon sa post-partum sabi ni Dra. Matias and I'm totally fine with it.

Motherhood changed my body, heart, and soul. It also changed our home. Everything is better now. Kung may ikinalulungkot man ako, 'yon ay ang panghihinayang na hindi naabutan ni Daddy o ni Mommy si Teddy. But I'm pretty sure they are happy for me. I have a loving husband whom I can share everything with. I have a son who always fills our home with so much love and happiness, and I couldn't ask for more.

I smiled at my own reflection as I put my mauve lipstick. Hindi ko mapigilang mapatitig sa itsura ko at i-check ang bawat sulok ng mukha ko. Pantay ba ang blush-on ko? Hindi ba sabog ang mga kilay ko? I wanted to look perfect today—it's our second date!

Gusto kong magandahan sa akin si Andrew. Gusto kong maglaway siya sa akin.

Napangiti ako sa huling naisip. Marahan kong tinapik ang pisngi ko para pigilan ang paglalim ng ngiti ko.

"Fudge, Lia! May balak ka pang akitin ang asawa mo?!" Tumayo na ako mula sa stool ng vanity ko at mabagal kong pinasadahan ng palad ko ang dilaw kong off-shoulder midi-dress.

"Perfect! One final touch." I sprayed my favorite perfume. Paborito rin ito ni Andrew, sweet and elegant—like vanilla and flowers. Kinuha ko na ang shoulder bag ko sa ibabaw ng kama at ang sandals kong nasa may paanan naman nito.

"Baby, Minda's here. Okay ka na ba?" Napalingon ako sa pinto nang marinig ang boses ng asawa ko. Kanina pa siya nakabihis at inaaliw si Teddy habang hinihintay akong matapos sa pag-aayos.

"Yes, baby... almost done!" I answered as I quickly put on my shoes. I looked at the vanity mirror one last time, and flashed a beautiful smile when I felt satisfied with my look. When I finally walked out of our room, I found my husband busy playing with our giggling Teddy.

Bakat ang matipunong pangangatawan ni Andrew sa suot niyang navy-blue button-down shirt. Pinaresan niya 'yon ng dark-wash jeans at tan loafers. Hindi ko mapigilang mapatitig sa kaniya nang matagal habang busy niya pa ring nilalaro si Teddy na karga-karga ngayon ni Minda.

Ang swerte-swerte ko, Lord. Thank You!

Dumiretso na muna ako sa ref para tignan kung kakasya pa ba hanggang mamayang gabi ang baby food na ginawa ko para kay Teddy. Hindi ko pa man tuluyang naisasara ang pinto ng ref, naramdaman ko ang pagyapos ng mga kamay ni Andrew sa baywang ko.

"Tapos ka na bang titigan ako, baby?" he whispered seductively.

"I'm not—" Hindi ko na natapos ang pagprotesta ko dahil sa pagdampi ng mainit niyang labi sa leeg ko.

"An-drew, nandiyan si M-Minda," nanghihina kong sagot sa bawat paglapat ng labi niya sa leeg at sa balikat ko.

"Hmm... nasa nursery. Pinapalitan ng damit si Teddy." Bumaba ang palad niya sa puson ko. "Can we go to our room?" he begged huskily.

Napalunok ako sa tanong niya. Alam ko na kung saan 'to mauuwi. Marahan kong inalis ang mga kamay niya sa puson ko at saka humarap sa kaniya.

"Andrew... ma-le-late na tayo." I quickly glanced at my wrist watch. Malapit na nga talaga kaming ma-late! "Last full show na 'yon, wala ng ibang slot," malambing kong dagdag.

He let out a deep sigh and locked his deep brown eyes on me.

"Wala ka ba talagang ibang gustong gawin, Aliyah?" Hinawakan niya ang kaliwang kamay ko at unti-unti niyang inilapit 'yon sa labi niya. He kissed it gently.

"Gusto mo lang ba talagang manood ng sine at kumain sa labas?" seryoso niya pang tanong, habang bahagyang nakakunot ang noo.

Napangisi ako sa tanong niya. Binawi ko ang kamay ko at isinampay ang pareho kong braso sa leeg niya.

"Andrew, I've already told you... gusto kong gawin 'yong mga hindi natin nagawa noon. I want a real date." I smiled at him. "That's what I want, a normal date."

Nawala ang kunot sa noo niya. Hinawakan niya muli ang baywang ko at saka inilapat ang noo niya sa noo ko. Hindi ko alam pero sa tuwing magdidikit ang noo namin, pakiramdam ko ay ligtas ako. Bukod sa halik at yakap niya, ito ang pinakagusto kong ginagawa niya.

"You deserve more than a normal date, baby. Sabihin mo lang sa akin, puwede tayong mag-honeymoon ulit abroad." I can feel his warm breath on my cheeks as he speak. "We can travel... European trip, maybe? We can have a fancy dinner... anywhere you want. We can—"

I shut him up with a tender kiss. A tender, deep kiss, until he parted his lips wider and started to devour my mouth. I can hear the sound of our lips locking onto each other. My hands automatically grabbed his slightly wet hair.

Mag pa-pa-late na lang ba kami?

I brushed off that thought. Hindi ko yata kayang gawin iyon nang alam kong nasa nursery lang si Minda.

Tumigil ako sa paghalik sa kaniya kasabay ng paghakbang ko paatras. Napayuko ako dahil ayokong makita ang mukha niyang malamang ay mukhang kawawang tuta ngayon.

"Aliyah, you okay?"

Nag-angat ako ng tingin at napahagalpak ng tawa nang makita kong puro na lipstick ang bibig niya!

Shocks! Hindi pala kiss proof ang ginamit ko kanina!

"Why are you laughing?" Mas lalo akong natawa nang ma-realize na wala siyang kaalam-alam sa itsura niya ngayon.

Dali-dali kong inabot ang kitchen towel sa may likuran ko at agad kong pinunasan ang mga labi ng asawa ko.

"Sorry, puro na lipstick 'yong bibig mo."

"What?!" His eyes widened but he let out a soft chuckle.

Lumakas lalo ang bungisngis niya habang patuloy ako sa pagpupunas ng bibig niya.

"Ayan napapala ko sa pakikipaglambuchingan sa asawa ko!" natatawang sabi niya.

Simula kasi nang malaman niya ang ibig sabihin ng lambuchingan, palagi niya nang ginagamit 'yon para tuksuhin ako... o kaya naman ay akitin.

We managed to fix ourselves. Muling inayos ni Andrew ang buhok niyang nagusot sa pagsabunot ko. Ako naman ay nag-retouch ng lipstick at muling nagpabango.

Tulog na si Teddy sa crib niya nang halikan namin siya sa noo para magpaalam. He's ten months old now, marunong na magsalita ng 'Dada' at 'Mama'. Marunong na rin manghabol kaya okay na rin na umalis kami habang tulog pa siya.

"Ingat kayo, Sir Andrew. Ako nang bahala kay Teddy!" nakangiting sabi ni Minda habang palabas na kami ng nursery.

Palangiti na ngayon si Minda at parang apo na rin ang turing niya kay Teddy. Magkasundong-magkasundo silang dalawa. Karamihan din ng mga alam ko tungkol sa pagiging ina—si Minda ang nagturo sa akin. Hindi ko siguro ma-susurvive ang fourth trimester ko kung hindi dahil sa kaniya.

***

Halos hindi gumagalaw ang mga sasakyan sa C5. Aligaga akong paulit-ulit na napapasilip sa relo ko, twenty minutes na lang kasi ay magsisimula na ang movie. Mukhang imposible na naming maabutan 'yon dahil naipit na kami sa walang katapusang traffic dito sa C5.

"Baby, sorry mukhang 'di tayo aabot. Walang galawan, e!" Nakasimangot si Andrew habang mariing nakatitig sa kalsadang unti-unti nang umiingay dahil sa pagbusina ng mga sasakyan. I held his hand on the steering wheel, making him glance at me.

"Hindi mo kailangang mag-sorry, okay lang. May next time pa naman," I answered with a cheerful tone.

Hinawakan niya rin ang kaliwang kamay ko, marahan niya pang pinipisil 'yon habang mariing nakatitig sa akin.

"Sorry talaga, Aliyah, kung hindi lang ako, k-kung hindi lang..." Kumunot ang noo ko nang mapansin na hindi niya magawang ituloy ang sinasabi niya. Lumikot din ang mga mata niyang kanina lang ay mariing nakatitig sa akin.

"Kung hindi ka lang ano, Andrew?"

He shyly licked his lower lip and chuckled uncomfortably. "Kung hindi lang ako naglandi kanina, baka umabot pa tayo."

I laughed so hard. Matagal na naubos ang tawa ko dahil sa sinabi ni Andrew.

"It's your fault though!" he added defensively. Wala sa sarili kong naituro ang sarili ko habang tumatawa pa rin.

"Bakit naman naging kasalanan ko?" tanong ko habang nagpupunas na ng mga nangingilid na luha dahil sa paghalakhak.

"You tempted me..." I looked at him with disbelief.

"Excuse me?!" protesta ko.

"Just by breathing." Parang nanuyo bigla ang lalamunan ko sa sinabi niya. Hindi iyon ang unang beses na sinabi niya 'yon, pero parang palaging 'yon ang una. Pakiramdam ko palaging parang unang beses ang lahat pagdating sa kaniya. Kahit pa paulit-ulit, kahit pa araw-araw ang mga 'I love you' at mga halik, hindi nakakasawa.

Hinding-hindi ako magsasawa.

"I love you, Andrew."

Hindi ko sinasadyang mabanggit 'yon, pero parang bigla na lang 'yon binulong ng puso ko.

"I love you more, Aliyah." He leaned closer and planted a delicate kiss on my forehead.

***

Pasado ala-siete na kami nakarating sa sinehan. Lagpas kalahati na ang palabas kaya hindi na lang din kami tumuloy ni Andrew sa loob. Nagpasya na lang kaming dumiretso sa restaurant para sa dinner namin. It was the Italian restaurant where we're supposed to have our first date, kung hindi lang umeksena si Bianca that night.

"We made it on time!" I said happily as I removed my seatbelt.

"We're actually a bit early, baby," my husband added, smiling at me.

Tama si Andrew, we were thirty minutes early for our reservation, pero ang ipinagtataka ko, puno na lahat ng lamesa sa restaurant. Kitang-kita ko 'yon habang naglalakad kami papalapit sa entrance.

"Good evening po, Ma'am, Sir." The host gave his big smile. "I'm so sorry po, pero fully booked na po ang Al Dente for tonight." Lumiit nang bahagya ang ngiti niya.

"I'm sorry, but we do have a reservation here," I said politely.

"Under what name po, Ma'am?"

"Ah... Mrs. Aliyah Tanya Romulo."

Hanggang ngayon parang naninibago pa rin ako kapag binabanggit ko ang apelyido namin ni Andrew. Nakakakilig, pero nakakapanibago kasi totoo na. Totoong mag-asawa na talaga kami.

Nakahawak sa kamay ko si Andrew habang hinihintay namin ang confirmation ng host ng Al Dente.

"Sorry po, Ma'am, pero wala po sa list namin." Nanlaki agad ang mga mata ko sa sinabi niya. Imposible 'yon, dahil ako mismo ang nag-book ng reservation!

Mabilis kong sinulyapan si Andrew.

"Can you double check it, please?" he asked as he gently caressed my hand. Muling tiningnan ng host ang tablet niya at makalipas lang ang ilang segundo ay muli itong umiiling na nagtaas ng tingin sa amin.

"I'm sorry, Sir, pero wala po talaga." Kinakabahan siyang ngumiti sa amin.

Inilabas ko ang cellphone ko para i-check ang email confirmation nila. Nabitawan ko ang kamay ni Andrew at agad na napasapo sa noo ko nang makita ang screenshot ng reservation na ginawa ko weeks ago.

"Shocks! I'm s-sorry, Andrew!" I stammered. "Maling date ang na-click ko, I chose May 18 instead of 8!" I groaned. I was so pre-occupied by a lot of things lately, mostly about AHG.

"It's okay, baby. Balik na lang tayo sa 18." Hinawakan niya ang baywang ko at saka ngumiti muli sa host.

"We'll see you soon po!" magiliw na paalam ng host.

Hindi ko mapigilang mainis sa nangyari—palpak lahat. My dream second date with my husband is a total disaster! Wala man lang isang natupad sa in-imagine ko. Me and Andrew cuddling inside the cinema. Me and Andrew exchanging sweet glances as we drink wine. Me and Andrew having deep conversations while eating pasta. Wala ni isang natupad!

"Sorry, Andrew... I ruined our date," I said while he was busy driving us home. My voice was shaking as I tried to stop myself from bursting into tears.

Napasulyap siya sa akin. "Aliyah, tonight was perfect, kasi kasama kita."

His voice, his words, as always, comforted me, pero hindi ko pa rin maiwasang malungkot.

"No, tonight was far from perfect. Wala man lang tayong nagawa sa mga plano ko." Tuluyan nang pumatak ang mga luha ko.

"Baby... we still have a lot of time." Muli niya akong sinulyapan. Unti-unting bumagal ang pagpapatakbo niya sa sasakyan hanggang sa tuluyan kaming huminto. Humarap siya sa akin at ikinulong niya ang pisngi ko sa mga mainit niyang palad.

"Aliyah, stop crying, please. Alam mo namang nanghihina ako kapag umiiyak ka." Agad kong pinunasan ang mga luha ko pero parang ayaw nila magpaawat sa kakatulo.

"Let's just go home, Andrew. Baka hinahanap na tayo ng anak natin," I smiled at him and touched the back of his hands that were still holding my cheeks.

Tumango siya at saka muling nag-drive, pero imbes na ideretso niya ang SUV niya—nag U-turn siya na nagpakunot ng noo ko.

"Hindi tayo uuwi nang malungkot ka, Aliyah," he declared.

Biglang nagtambol ang puso ko sa sinabi niya. Bigla akong nakaramdam ng hindi maipaliwanag na saya. Lagpas dalawang taon na kaming magkasama ni Andrew, pero hanggang ngayon para pa rin akong natutunaw sa bawat matatamis na salitang binibitawan niya.

I never knew that someone could love me this hard. And to experience that with my first love is truly a blessing.

***

Pinarada ni Andrew ang sasakyan sa tapat ng isang park. Madilim doon. May dalawang bench na naghahati sa liwanag ng nag-iisang poste ng ilaw sa buong park. Sa likod ng mga upuan ay may swing din, pero wala ng tao. Wala ni isang anino sa buong lugar, tanging kami lang ni Andrew ang naroon.

Inalalayan niya ako sa pagbaba ng sasakyan at hawak-kamay kaming umupo sa isa sa mga bench.

"Ano'ng meron dito, Andrew?" nagtatakang tanong ko.

"Dito?" Yumuko siya para sulyapan ang Bermuda grass. "Wala. Pero sa langit— marami... you'll see later." Isang pilyong ngiti ang naiwan sa mukha niya.

Hindi ko maiwasang mahiwagaan sa sinabi niya. Inangat niya ang mga kamay naming magkasiklop pa rin at mabilis niyang sinulyapan ang relo niya.

"Two more minutes, baby," he said playfully. Napasulyap naman ako sa sarili kong relo.

Ano ba'ng meron pagpatak ng 8:57 PM?

Wala akong clue sa pakulo ni Andrew, pero alam ko na sa tuwing makikita ko ang mga bituin sa langit at magkasama kaming dalawa, may magandang mangyayari. Kagaya no'ng sa beach house nila noon.

Naputol ang pagbabalik-tanaw ko sa mga magagandang ala-ala namin nang sunod-sunod na nahulog mula sa langit ang maliliwanag na bulalakaw. Nag-umpisa sa isa hanggang sa sinundan ng isa pa... at ng isa pa. Meteor Shower. Nanlaki ang mga mata ko at hindi ko mapigilang mapanganga sa bawat paglandas ng mga ito sa langit.

"Wow..." Wala akong ibang masabi kung hindi paghanga sa nakikita ng mga mata ko.

Ang bawat pagbasak ng bulalakaw ay parang sumasabay sa bawat tibok ng puso ko.

Wala sa sariling napalingon ako kay Andrew at nagulat nang makita siyang nakapikit.

"Andrew, open your eyes! Ang ganda kaya!" Hindi naman siya natinag sa sinabi ko at nanatili lang na nakapikit.

"I'm wishing, Aliyah," he whispered slowly.

"For what?" Unti-unti siyang dumilat at mariin akong tinitigan. Doon ko lang napansin na parang nanunubig ang mga mata niya. Inilapit niya sa kaniyang mga labi ang kamay kong nakakulong pa rin sa palad niya.

"For more than a lifetime with you and Teddy," he said after kissing my hand gently.

His voice was shaking. His deep brown eyes were giving me that look—that look of love that Dad explained well to me.

"Andrew..." malambing kong banggit sa pangalan niya nang makita kong parang babagsak na ang mga luha niya. Suminghot naman siya para pigilan 'yon.

"And for a baby girl" he teased as he kissed my hand again, this time with more intensity.

Magaan kong sinuntok ang braso niya na ikinatawa niya.

"Baliw! Teddy's just ten months, Andrew!" Nawala naman ang pamumungay ng mga mata niya dahil pinandilatan ko siya. Tawang-tawa siya sa reaksyon ko habang ako nama'y inis na inis sa biro niya.

Huminga ako nang malalim at wala sa sariling napatanong sa kaniya.

"In another lifetime, will you lie again?" Napahinto ng seryosong tanong ko ang pagtawa ni Andrew.

His deep brown eyes glistened as he stared at me, "Of course, I'll do anything to save you... even if you hate me after. Even if it kills me." A small smile formed on my lips.

"Ako rin. I'll do anything, Andrew."

He chuckled softly.

"You'll marry Marcus at tataguan mo ako ng anak?" mapang-asar niyang tanong. Nakataas pa nang kaunti ang kilay niya.

"No, except that!" Inirapan ko siya nang muli na naman siyang tumawa.

"It's okay, baby. Huwag kang mag-alala, kahit pa gawin mo ulit 'yon, babalik at babalik tayo sa isa't-isa. At kahit hindi na, pipilitin ko pa rin." Hinawakan niya ako sa baywang dahilan para umusog ako papalapit sa kaniya.

Isinandal ko ang ulo ko sa balikat niya at mabagal niyang hinalikan ang buhok ko.

"I won't give up on us. I'll never give up on us," he whispered, his voice filled with sincerity.

Hindi ko na napigilan ang sarili kong mapaharap sa kaniya. I aimed for his lips and kissed him slowly. I wanted him to know that like him—I will not give up on us. I did once and it both broke us, especially him.

I kissed him passionately. I explored his mouth deeply. For the first time, I guess, I was the one leading our kiss.

Everything became a blur in between walking from the bench and now—taking our clothes off inside his car.

Hindi ko alam kung bakit para akong hayok na hayok at nagmamadaling hinuhubad ang pantalon niya habang siya naman ay patuloy pa rin sa paghalik sa mga labi ko. Bumaba ang halik niya sa leeg at balikat ko, habang ako ay parang baliw na ibinaba ang off-shoulder dress ko. I felt his hands unclasping my bra, until I felt his cold hands cupping my breasts as he kissed them tenderly.

Tumigil siya saglit para i-adjust ang mga upuan namin. Gumapang ang isang kamay niya sa ilalim ng dress ko at naramdaman ko ang pagbaba ng underwear ko hanggang sa tuhod ko.

My eyes were closed the whole time he's doing that. Marahan akong nagmulat nang maramdaman kong umibabaw siya sa akin.

"I love you, baby," he said before devouring my lips.

I know the car was shaking as we made love. I can feel it as I rest one of my legs on the dashboard and the other one on the steering wheel. Malakas na yumuyugyog ang bawat sulok ng sasakyan. Hindi ko maiwasang mahiya o matakot. What if may makakita sa amin?

"An-drew... s-slow d-down," I said in between moans.

I know he heard me, but he intentionally ignored my words. His thrusts became deeper, wilder, even faster.

"Andrew... I'm—" I failed to finish my statement as we both came.

Napuno ng hingal naming dalawa ang loob ng sasakyan. Pareho kaming pawis na pawis dahil sa ginawa namin. Pareho kaming nagmamadaling binihisan at pinunasan ang isa't-isa. At pareho kaming biglang natauhan sa ginawa namin.

Napalitan ang mga habol-hininga naming hingal ng mga hagikgik. We had sex inside his car. The one thing that I told him I would never do.

"So... how was our second date, Mrs. Romulo?" he asked with a mischievous smile on his face.

"It was perfect, baby!" I exclaimed and then I softly kissed his cheek.

Habang nagmamaneho si Andrew pauwi ng bahay, hindi ko mapigilang mapatingin pa rin sa langit. Tapos na ang meteor shower pero may kakaibang bilis pa rin ang tibok ng puso ko. Alam kong dahil 'yon sa saya.

Mommy, Daddy... I know you're both happy for me. I have a loving husband whom I can share everything with. I have a son who fills our home with so much love and happiness. And maybe... just maybe, one more baby on the way.

Sinulyapan ko ang asawa ko na naka-focus sa pagmamaneho. May kakaibang ngiti sa mga labi niya at halata ko sa mga kayumanggi niyang mata na sobrang saya niya rin ngayong gabi. Nahuli niya ang nakaw kong tingin at malambing niya akong nginitian.

This man is my first and last. With him, I am always safe, and I am forever home.

***

I hope you all find a love that will make you feel home.

 MsLynLuna ☽

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top