Prologue

Halos hilahin na ako ng antok kahihintay sa pagdating ni Andrew. Nakakapagod din palang magluto ng kare-kare at pritong liempo, isabay mo pa ang pag-bibake ng cake at paglalagay ng kaunting dekorasyon para sa birthday niya. Isn't this too much? Baka mamaya isipin niya na masyado akong nag-effort para sa birthday niya. Hindi kaya mahalata niya ako?

I shook my head. No Lia—you just want him to feel special today, dahil birthday niya. Ayon lang 'yon. Walang ibang meaning... walang ibang feelings.

Tumuwid ang upo ko nang marinig ang kalansing ng mga susi niya. It's already 11:00 PM, siguro ay nakipag-inuman pa siya sa mga katrabaho niya. I don't mind; it's his birthday after all. Bigla akong nahiya. Parang gusto ko na lang pumasok sa kuwarto ko at huwag na lang salubungin ang pag-uwi niya.

I hate being like this. Naiinis ako sa sarili ko sa tuwing gumagawa ako ng mga ganitong bagay para kay Andrew, tapos bigla akong mapapaisip kung tama pa ba ang mga ginagawa ko. If my actions are enough to keep him, but not too much to expose what I have been keeping.

Tumayo ako sa may pintuan at kinuha ang birthday popper na binili ko kanina sa convenience store. Pagtulak niya ng pinto ay agad akong bumati kasabay ng pagpihit sa birthday popper.

"Happy birthday, Andrew!"

Hindi man lang siya nagulat—ni hindi man lang nga siya ngumiti. Saglit na lumutang sa hangin ang mga confetti bago kumalat sa sahig. Nahulog ang ilan sa balikat niya at may iilang piraso ring nahulog sa aking buhok. Dahan-dahan niyang inalis ang blue and white confetti sa buhok ko.

"Thanks, Aliyah," mahina niyang usal habang pinapagpag ang mga confetti sa balikat niya.

Hindi niya nagustuhan. I'm sure of it. His face was so serious. Walang bahid ng saya, parang hindi niya birthday.

Bumigat ang loob ko at bigla kong naramdaman ang kanina pang pinipigilang pagod at antok. But there was something stronger than those feelings. Hurt. I was hurt. Am I just too sensitive? Hindi dapat ako mag-expect ng kahit na ano sa kaniya. Kagaya ng sinabi ko kanina, ginawa ko lang ito dahil birthday niya. Nothing more.

"Sorry... nagkalat pa tuloy ako," nahihiyang sambit ko. Humakbang ako palayo sa kaniya para kunin na ang walis.

"No... I actually like it. Hindi lang ako sanay," malumanay niyang sagot habang naglalakad papunta sa dining area.

Nanlaki ang mga mata niya nang makita ang mga ulam at chocolate cake sa lamesa. Pinasadahan niya rin ng tingin ang balloons na idinikit ko sa pader na pinagigitnaan ng gold na 'Happy Birthday' banner.

"Ah... ipinagluto kita. Sabi ni Leo, favorite mo raw 'yan, e!" Pilit ko siyang nginitian.

Isinandal ko ang walis sa likod ng pinto at lumapit sa kaniya. Nagulat ako nang kinuha niya ang kutsara mula sa plato niya at agad tinikman ang kare-kare. I saw him smile a bit.

"Hmm... masarap. I didn't know my wife could cook so well!" Inilipat niya ang tingin niya sa akin.

Wife? Wife? He called me his WIFE! Maybe he's just drunk? Pero hindi siya amoy alak. He actually smells nice—manly and fresh. He always smells nice.

Complicated pa sa salitang complicated ang relationship namin ni Andrew. We are married and living under the same roof, but we don't sleep on the same bed. Married on paper only. Maybe that's the proper way to describe it. Kung paano kami napunta sa ganitong sitwasyon ay isang malaking katangahan na hinding-hindi ko na maitatama pa.

Okay lang sana, we can still go on with our own lives kung nakaya ko lang pigilan ang sarili kong mahulog sa kaniya. I fell for him. I don't know when, maybe even before our wedding. Maybe even before that night. I really can't tell. All I know is that I am still falling, and I'm doing everything I could just for him to NEVER discover that.

"Ha? Ano ka ba? Tsamba lang 'yan! I just followed your mom's recipe," nakangisi kong sagot sa compliment niya habang sinasandukan siya ng kanin.

He smiled again. This time, his dimples were evident.

Parang may kakaiba rin sa kulay kayumanggi niyang mga mata. His serious face is now gone. He is more relaxed. He is happy, but I am happier.

"Eat first. Gutom ka lang kaya akala mo masarap," sabi ko bago ako tumalikod.

Maglalakad na sana ako palayo sa kaniya, pero bigla niyang hinawakan ang magkabilang braso ko. Napaigtad ako at napahinto ang aking mga paa.

He is strong and muscular. He is taller than me. His physique will certainly pass for a model. Kahit hindi malakas ang paghawak niya sa braso ko ay agad akong napaharap sa kaniya. Tinatraydor yata ako ng katawan ko.

Tinitigan niya ang aking mga mata. His deep brown eyes, staring into mine, gave me shivers. He is hypnotizing me. Nakakatunaw. Nakakatakot. His thin lips above his cleft chin were slightly opened. Parang may gusto siyang sabihin.

Hinaplos niya ang kanang pisngi ko at marahang inilagay ang iilang hibla ng aking buhok sa likod ng aking tainga. Napasinghap ako. Sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko ay unti-unti kong nakalimutan ang antok at pagod na kanina ko pa pinipigilan.

What is he doing?

Siguro naman ay hindi niya naririnig ang mga nakaliliyong tanong sa isip ko. And I hope he couldn't hear my heart beating so loudly—na para bang tatalon na ito palabas ng aking dibdib.

"This is probably the happiest birthday I ever had," he said huskily.

He leaned forward and planted a feathery, delicate kiss on my lips.

He kissed me? He kissed me!

Napakurap-kurap ako at agad yumuko nang mapansin kong umiinit na ang aking pisngi. For sure, pulang-pula na ako ngayon. 

Nag-angat ako ng tingin nang marinig ko ang ang palayong yabag niya. Nakangiti siya habang marahang bumabalik sa upuan niya.

Mabilis akong naglakad papunta sa upuan ko. I didn't mind the silence between us. Nagsandok ako ng kaunting kanin at kare-kare sa plato ko kahit na hindi ko alam kung makakakain pa ba ako pagkatapos ng halik na 'yon. Parang may kung ano'ng nakabara na sa lalamunan ko.

"What... was... that?"

Ayon na lamang ang nasabi ko. Nagdadalawang-isip kung narinig ba niya ang tanong ko.

"Why did you do that?" dugtong ko habang kunwari'y hinahati ang baka ng kare-kare kahit hindi naman kailangan dahil sobrang lambot nito.

Ayokong tumingin sa kaniya. I heard him give out a small chuckle. 

Ano'ng nakakatawa, Andrew Matteo Romulo?

"Why? Was that your first kiss? Sa lips?" pang-aasar niya sa akin. Hindi pa rin ako makatingin sa kaniya. Pinili kong titigan na lang ang plato ko.

Oo. That was my first kiss. Noong kinasal kami, sa noo lang niya ako hinalikan at hindi na rin naman ipinaulit iyon ng kakilala niyang Mayor na nag-kasal sa amin. Hindi sa gusto kong ulitin! Sadyang iba lang talaga ang sitwasyon noon.

Pero ngayon, inaasar ako ng asawa ko dahil nakuha niya ang first kiss ko! Ayokong magpatalo! Ayokong pagtawanan niya ang reaksyon ko!

Pinuno ko ng hangin ang baga ko at sinalubong ko ang mapang-asar niyang tingin.

"Yes, it was. Ano naman sa'yo di ba? For sure, hindi lang ako ang babaeng nahalikan mo!"

What the fudge? I sounded so jealous.

"Please don't do that again, Andrew," I uttered slowly.

"Ayokong gawin mo ulit sa'kin 'yon, lalo pa't wala ka namang feelings sa akin. Okay?"

Natigilan ako at agad kong iniyuko ang ulo ko. Maski ako ay nagulat sa sinabi ko. Narinig ko ang pagkiskis ng upuan niya sa tiles. Naaninag ko ang pag-usog niya papalapit sa lamesa. At kahit hindi ako nakatingin sa kaniya, ramdam na ramdam ko pa rin ang pagkapako ng tingin niya sa akin. 

Hindi ko dapat sinabi iyon na para bang hinahamon ko siya o parang naghihintay ako ng confirmation. Matagal ko namang alam ang sagot—WALA.

Wala siyang nararamdaman sa akin na kahit ano. Married on paper only. I reminded myself that. Para kahit ano pang isagot ni Andrew sa mapaghamong tanong ko, I won't get hurt. I can still keep him.

"Are... you sure?" mabagal niyang binigkas na para bang sinadya niya upang mas marinig ko ang bawat salita.

"Ha?" Iyon lamang ang lumabas na salita mula sa aking bibig dahil sa pagkagulat sa sinabi niya. 

Inulit ni Andrew ang tanong niya, "I said... are you sure... na wala akong feelings sa 'yo?"

***

MsLynLuna ☽

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top