Epilogue
Huminto kami sa tapat ng maliit na lomihan nila Mang Fred. Kabuwanan ko na pero hindi ko alam kung bakit parang hindi pa rin ako tapos maglihi. Gustong-gusto ko kumain ng lomi, kung puwede nga lang pati ang kapeng barako nila Mang Fred ay iinumin ko na rin.
Kagaya ng palaging ginagawa ni Andrew, pinagbuksan niya ako ng pinto.
"Careful, baby," malambing niyang paalala. Nahihirapan na akong tumayo at hinihingal na rin ako kapag matagal naglalakad. Kahit nga hindi matagal naglalakad, kahit ilang hakbang lang, hinihingal na agad ako!
"Aba naman! Mabuti at napasyal kayo dine!" magiliw na bati ni Mang Fred nang makalapit kami sa bukana ng lomihan niya.
"Ka-laki na niyan, Aliyah ah!" nakangiting sabi niya kasabay ng pagsulyap sa tiyan ko.
"Kabuwanan na po ni misis," magalang na sagot ni Andrew na mas lalong nagpalaki sa ngiti ng matanda.
"Galing po kami sa beach house, birthday po kasi ni Andrew ngayon," dagdag ko.
"Ganoon ba?! Happy birthday, Andrew! Gusto mo ba ng kalderetang kambing, ipapaluto ko?" alok ni Mang Fred. Medyo natakam ako ah?
"Naku, hindi na po, Mang Fred. Lomi lang ang sinadya namin... hindi pa rin po kasi tapos maglihi si misis," natatawang sagot ni Andrew.
Doon ulit kami umupo sa dati naming pinuwestuhan noong unang beses kaming pumunta rito sa lomihan. 'Yong gabi na hinalikan ako ni Andrew sa beach house. 'Yong gabi na unang beses niyang sinabi na mahal niya ako. Napangiti ako nang bigla kong maalala lahat ng 'yon.
"Libre ko na ito, Andrew. Huwag na huwag kang maglalabas ng pera. Ito'y regalo ko na at birthday mo pala e!" sabi ni Mang Fred habang inilalagay sa lamesa namin ang dalawang order ng lomi.
"Thank you po!" magiliw namang tugon ng asawa ko.
"Mainit pa, Aliyah... hipan ko muna," malambing na sabi ni Andrew sa akin habang pinipigaan niya ng calamansi ang lomi ko.
"Ha? Ako na, kaya ko naman hipan." OA na rati si Andrew, pero mas naging OA pa siya simula no'ng kinasal kami. Halos ayaw na akong pagtrabahuhin at pakilusin sa condo. Bumalik kami sa dating condo niya kung saan kami nag-umpisa.
Paminsan-minsan ay nasa Café Amor ako, pero madalas ay nasa AHG. I continued my father's legacy as the CEO. Si Steph na ang naging main proprietor ng café and we hired additional staff to help her out.
Life has been good so far. Walang problema, walang sikreto, walang kahit na ano'ng gumugulo sa isipan. Kung meron man akong iniisip ngayon ay kung makakaya ko bang i-ire ang panganay namin ni Andrew.
Biglang humilab ang tiyan ko nang sumagi 'yon sa isip ko. Napakapit ako bigla sa gilid ng lamesa.
"Baby, are you okay?" nag-aalalang tanong ng asawa ko.
"Y-Yes okay lang ako," sagot ko, at saka ako humigop ng sabaw. Baka gutom lang si baby. Hinimas ko ang tiyan ko. Naramdaman kong bahagyang nawala ang sakit. Gutom lang talaga siguro siya.
Aabutin ko pa sana ang baso ng tubig, pero napahinto ako, biglang nalukot ang mukha ko. Muli na naman kasing humilab ang tiyan ko. Shocks! Hindi na lang yata gutom 'to!
"Aliyah? Okay ka lang ba talaga?"
Yumuko ang asawa ko para tignan ang mukha ko na pilit kong itinatago sa kaniya. Hindi ako makasagot sa tanong niya dahil mas tumindi pa ang sakit ng tiyan ko. Nag le-labor na ba ako?
"Phone... Andrew. C-Can you get my phone? Naiwan ko sa sasakyan," mabagal kong usal. Pinipilit kong itago ang sakit na nararamdaman ko. I don't want him to panic. An OA Andrew panicking is not a good idea—especially now.
"O-Okay!"
Mabilis siyang tumayo at kumaripas ng takbo para kunin ang cellphone ko sa loob ng sasakyan. Muli na namang humilab ang tiyan ko at napatayo na ako sa sakit. The pain is getting more intense and more frequent. I decided to follow Andrew, pero hindi pa man ako nakakalayo sa lamesa ay muli na namang humilab ang tiyan ko.
"Aghhh!" Isang impit na sigaw ang lumabas sa bibig ko kasabay ng pakiramdam nang pag-agos ng mainit tubig sa binti ko.
Agad na napatakbo papunta sa akin si Mang Fred at Andrew. Halos matisod pa nga ang asawa ko sa bilis ng takbo niya papunta sa akin.
"Fuck!" malakas na mura niya nang maibalanse muli ang katawan kong muntik nang mabuwal mula sa kinatatayuan ko dahil sa sakit.
Parang wala na akong kontrol sa sarili ko, pakiramdam ko'y isa-isang nababali ang buto sa balakang ko. And I'm not dumb; I fully realize what's happening to me right now.
"Andrew! Manganganak na ako!" Naestatwa ang katawan niya sa sinigaw ko. Agad naman siyang nabalik sa reyalidad nang kurutin ko ang braso niya sa sobrang sakit. The hell!
"Shit! Shit! Shit! Shit!" Halatang nagpapanic siya habang inaalalayan ako pabalik ng sasakyan.
"Kumalma ka la-ang Andrew! Kailangan ka ng mag-ina mo!" rinig kong sigaw ni Mang Fred na parang biglang nagpabalik sa katinuan ni Andrew.
Imbis na akayin ako ay binuhat niya na ako papuntang sasakyan. Panay ang ungol ko sa sakit sa loob ng kotse.
"Deep breaths, baby... deep breaths," paulit-ulit na bulong niya habang nagmamaneho.
Halos paliparin niya na nga ang sasakyan. Kung normal na araw lang 'to ay malamang galit na galit na ako sa pagiging agresibo niya sa kalsada, pero ngayon, wala na akong pakialam basta makarating lang kaming ligtas sa ospital.
"Aghhhhh!" Hindi ko na napigilan pa ang malakas na pag-sigaw. Mahigpit na hinawakan ni Andrew ang kamay ko.
"Malapit na tayo, Aliyah... hang in there." Paulit-ulit niyang hinahalikan ang likod ng palad ko.
"Baby, 'wag ka muna lumabas, please... malapit na si Daddy sa ospital," pakiusap niya sa baby namin kasabay ng paghaplos sa tiyan ko.
Nakita kong kumunot ang noo niya, siguro'y napansin niyang sobrang tigas na ng tiyan ko.
Pagdating namin sa emergency room ay agad akong isinakay sa wheel chair. Tinawagan ni Andrew si Dra. Matias para i-update sa sitwasyon ko.
Ayoko na nga sanang pasamahin pa si Andrew sa delivery room. Ayokong makita ako ng asawa kong nasasaktan. Pakiramdam ko kasi mas ma-to-trauma pa siya kaysa sa akin. Baka mauna pa siyang mahimatay, lalo na kung paano siya nag-react kanina sa lomihan. Pero mapilit si Andrew at sumama pa rin siya sa loob.
Ilang buwan ko nang pinractice 'to. Alam ko na kung paano umire nang maayos, I even enrolled in a prenatal class for this. Pero ngayong naandito na ako sa delivery room, hinawakan ko na lang nang mahigpit ang kamay ni Andrew at ipinagpasa-Diyos na lang ang lahat.
A few more push and I finally heard our baby's first cry. Ang lakas ng iyak ng anak namin. Pero hindi nagpatalo ang hagulgol ng asawa ko. Being a father really made him a bit softer than the old Andrew. Hindi na tuloy ako nakaiyak dahil sa iyak niya at sa iyak ng anak namin.
"It's a boy!" masayang sigaw ng doktora na ikinagulat ko. Napatigil naman sa paghagulgol si Andrew. Tumingala ako at nagkatinginan kaming dalawa.
"B-boy? Boy po ang baby namin?" nagtatakang tanong ni Andrew sa doktora na inaasikaso ang pagputol sa umbilical cord ng anak namin.
"Yes, Mr. Romulo!"
Ang buong akala namin ni Andrew ay babae ang anak namin, iyon kasi ang sabi sa huling ultrasound. Amora Luisa sana ang pangalan niya, from our mothers' names.
"It's Teddy then!" Andrew cheerfully announced.
"Yes, Andrew, it's Theodore Matthew!"
Ramdam na ramdam ko ang init ng katawan ni Teddy nang nilapag siya ng nurse sa dibdib ko. Maingat ko siyang niyakap at agad naman siyang tumigil sa pag-iyak. Ipinatong din ni Andrew ang kamay niya sa likod ni baby Teddy.
"He's so small..." naluluha niya pang sabi. Andrew gently touched Teddy's hands, and we were both surprised when Teddy held onto his father's index finger tightly.
"Yet, he's so strong," I chuckled.
Kinuha na ng nurse si Teddy para linisan at bihisan.
"You did so well, Aliyah, Thank God you're both safe," he said, his voice steady yet filled with warmth. He tenderly pressed his lips against my forehead.
"Happy birthday, Andrew..." I whispered.
"Thank you, my beautiful wife. Sobrang special ng regalo mo," he answered back.
I chuckled and sighed in relief. Pinapanood ko lang ang mga nurse na asikasuhin si Teddy habang nililinisan naman ako ng doktor at ng ibang nurse. I instinctively looked at Andrew's direction when I felt that his eyes were fixated on me.
He's staring at me... giving me that look. Kabisado ko na ang tingin na 'yon. Dad explained it well to me.
"This is the happiest birthday I ever had..." nakangiting sabi sa akin ni Andrew.
He leaned forward and planted a feathery, delicate kiss on my lips... just like our first kiss.
***
You can now read the two special chapters plus bonus content after my Thank You Note.
MsLynLuna ☽
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top