Chapter 9.2 - Moon

Warning: This chapter contains sexual scenes. These scenes are intended for plot progression and to enhance character development.

Hindi na kami natuloy ni Andrew sa Italian restaurant. Tahimik lang kami pareho sa sasakyan. Nakatulala lang ako habang paulit-ulit na nag re-replay sa utak ko ang ginawa ni Bianca. Hindi dapat ako nagtiwala sa kaniya, hindi dapat ako pumayag. Kasalanan ko, walang kasalanan si Andrew.

Binuksan ni Andrew ang ref at kinuha ang ulam na niluto ko kahapon para siguro initin. Hinayaan ko lang siya at naglakad na ako papunta sa kuwarto niya. Hindi Friday, pero gusto kong matulog na naaamoy siya, gusto kong ma-comfort ako ng idea na akin si Andrew... na walang ibang puwedeng mag may-ari sa kaniya—ako lang. Kahit pa parang hindi totoo yon dahil kay Bianca.

"Aliyah... it's Thursday," awat ni Andrew sa akin. Hinawakan niya ang braso ko para pigilan akong pumasok sa kuwarto niya.

I removed his hands. "I don't care! I'm too tired to care!" singhal ko.

Napaatras si Andrew, halatang nagulat sa boses ko. Nagpatuloy pa rin ako sa gusto ko. I quickly marched towards his room.

I changed into my night slip dress and curled up on his bed. Naaamoy ko si Andrew sa unan niya. My heart suddenly felt lighter. Kung amoy niya pa lang, ganito na ang nagagawa sa akin, paano pa kaya kung siya na mismo ang makatabi ko sa kamang 'to? I smiled a bit. I'm right, sleeping here will comfort me. Pinatay ko na ang bedside lamp at marahang ipinikit ang mga mata ko.

Hindi pa lumalalim ang tulog ko nang maramdaman ko na may mga bisig na yumayapos sa may tiyan ko. Baka nanaginip lang ako? Pero ramdam ko ang init ng balat niya. Inangat ko nang kaunti ang braso niya at hinarap ko siya.

Hinawakan ko ang pisngi niya, mainit ang pisngi niya. Hindi ako nanaginip. Magkatabi kami ni Andrew sa kama niya at nakatitig siya sa akin.

"Did I wake you up?"

"Yes," I softly answered.

"Tell me... are you in pain?" I chuckled bitterly. Ayon din ang tinanong niya sa akin that night. Iba lang ang sitwasyon ngayon, dahil hindi pa kami mag-asawa noon.

"Yes," sagot ko habang nakatitig lang sa kaniya.

"What can I do for you Aliyah... to ease the pain?"

"Kiss me."

He slowly moved his face closer to mine. Dahan-dahan niyang hinalikan ang mga labi ko. Nagbabadyang bumagsak ang mga luha ko, dahil naaalala ko na kanina lang, ang labi ni Bianca ang nakalapat sa mga labing hinahalikan ko ngayon. But, Andrew's kiss was different, he was so gentle. Ramdam ko ang lambot ng mga labi niya at ang bawat marahang pagdampi nito sa aking mga labi. Mabagal na pagdampi, na parang bang sinasamsam niya ang bawat paghinga naming dalawa.

Kumalas siya sa halik na pinagsasaluhan namin, dahilan para imulat ko ang aking mga mata. Tinitigan niya ang mga mata ko.

"I-I may not be able to stop myself, Aliyah," nauutal niyang sabi.

"Natatakot ka pa rin ba?" tanong ko.

"No. Hindi na, dahil mas takot akong mawala ka." I gasped at his answer. Bigla akong kinabahan, pero huli na. Naglakbay na sa leeg ko ang mga labi ni Andrew. Mahigpit na magkahawak ang mga kamay namin.

His kiss really did ease my pain. I can feel his moist lips on my neck as his grip on my hands tightened. Parang hindi ako makahinga sa ginagawa niya... puro halingling lang ang nagawa ko.

Natigilan kami pareho nang may narinig kaming malakas na katok sa main door.

"Shit!" we both exclaimed.

Nakita ko pang kumunot ang noo niya nang marinig niya akong nagmura.

"Get dressed. Ako muna ang lalabas," utos niya sa akin.

"What? I'm already dres—" Natigilan ako nang makita kong nakababa na pala ang strap ng pantulog ko at nakalabas na ang bra ko.

"Wear something else, Aliyah. Binabaliw ako ng suot mo..." he said slowly before leaving.

Fudge! Napalunok ako. Muntik na naman. Ilang beses kong tinapik-tapik ang pisngi ko para mawala ang pamumula nito. Mabilis akong nagbihis. Isinuot ko ang terno kong pajamas at saka lumabas ng kuwarto.

***

"D-Dad! What are you doing here?!" Papiyok kong tanong kay Daddy na nakaupo na sa sofa at kaharap ang naka-boxer brief lang na si Andrew.

Nilingon agad ako ni Daddy. "I'm sorry, pumunta ako rito nang walang abiso. I was just worried about you, Tanya."

Umupo ako sa tabi ng asawa ko at tinakpan ng throw pillow ang katawan niya. I heard him chuckle.

"Dad, is it about what happened earlier sa shoot? Okay na po 'yon," nakangiti kong sagot.

"Yes, about that. Sorry kung nangyari sa inyo ni Andrew 'yon. Hindi dapat nauwi sa gano'n ang shoot. The team should've prepared properly, kahit hanggang 'Plan E' pa 'yan." Nahalata ko sa boses ni Daddy na sinusubukan niyang i-comfort ako. Hindi ko akalain na ganito pala siya ka-concern sa amin ni Andrew.

"Dad, we're okay. In fact, we're more than okay," sabat ng asawa ko habang marahang inilalagay sa kanang balikat ko ang buhok ko. Napatingin ako sa direksyon niya.

Weird... what is he doing? Nanlalaki ang mga mata niya. Nginunguso niya rin ang leeg ko na para bang may itinituro roon.

"What?" bulong ko.

"Hickey... kissmark," mahinang sagot naman niya na halos magpaluwa sa mga mata ko.  Nagmamadali kong inipon lahat ng buhok ko sa may kanang balikat ko para matakpan ang sinasabi ni Andrew.

"Anong Mark, Andrew?" inosenteng tanong ni Dad.

Patay. Narinig ba ni Daddy? Gusto ko na lang matunaw. Buti na lang din at mabilis mag-isip si Andrew ng palusot.

"Oh, si Mark po, Dad... he's one of our firm's new architects!"

Mabagal namang napatango-tango si Dad na ikinaluwag ng pakiramdam ko. Buti naniwala siya!

"Ah... Anyway, Tanya, I am removing you from your position as the CEO of AHG, effective immediately." I gasped in disbelief.

"P-Po? But I still have two weeks, Dad!" I said nervously.

"I know anak—"

"If it's about Bianca, Daddy okay na po 'yon, if it's about my performance, I can still improve. I will improve, Dad."

"It's not about that. You did your best Tanya. You performed well and you made me so proud," nakangiting sabi ni Daddy. May nangingilid pa na luha sa mga mata niya.

"Then, what is this about?" I asked, full of concern.

He cleared his throat. "Since last year, I've been receiving death threats..."

Agad akong napahawak sa bibig ko. Last year pa? Pero ngayon lang niya sinabi sa akin?!

"I didn't believe it at first, until mabaril ako sa Iloilo. Actually, even after that, hindi ako natatakot. Pero kaninang hapon, I received an envelope. It was as always, addressed to me... pero this time it was different."

Inilapag ni Daddy ang isang brown envelope sa coffee table at agad naman itong binuksan ni Andrew. Laman nito ang ilang pictures ko sa office, sa Café Amor, sa mall, sa grocery store, sa lobby ng condo, at sa halos lahat ng lugar na pinuntahan ko no'ng mga nakaraang araw. Tumayo ang balahibo ko.

"They are not only after me, Tanya. I have to keep you safe. You have to leave Manila—Andrew will go with you. He can keep you safe," Dad said with watery eyes.

"Dad... w-who's after us?" nauutal kong tanong.

Daddy exhaled sharply. "I-I really don't know, Tanya. But you have to go... you need to go."

Mabilis akong tumayo at hinagkan si Daddy. For the first time in my life, ngayon lang ako nakaramdam ng matinding takot para sa pamilya ko—para sa mga mahal ko sa buhay, para sa amin ni Andrew.

Ilang minuto pa kaming kinausap ni Dad hanggang sa inutusan niya na kaming mag-impake. Nagmamadali naman kaming sumunod ni Andrew. Nanginginig pa ang mga kamay ko habang pilit isinisiksik ang mga gamit ko sa maleta. Napansin 'yon ni Andrew, malambing niyang hinawakan ang mga palad ko.

"Hey, baby, you're okay. Hindi ko hahayaang may mangyaring masama sa 'yo."

He planted a soft kiss on my forehead and then suddenly, all my fears and worries went away. My hands stopped shaking, but my heart started to beat so loudly. It was not because of fear... definitely, not fear.

Nagmamadali kaming ikinarga ang mga gamit namin sa sasakyan. Nang matapos na ay tumakbo agad ako papunta kay Daddy para pabaunan siya ng yakap bago kami maghiwalay.

"I love you, Tanya..." Dad softly whispered as he embraced me.

"Mag-iingat ka Daddy, I love you too," I answered, with my voice shaking. Nanlambot ang puso ko. Kung kailan pa nag-uumpisa na kaming magkaayos, saka ko pa kailangan lumayo sa kaniya.

Bago niya isara ang bintana ng sasakyan niya ay sinabi niya na papaikutan niya rin ng security ang Café Amor kaya wala akong dapat ipag-alala.

Pasakay na sana kami ng SUV nang biglang tinawag ni Daddy si Andrew. Dad gave me a quick glance. Alam ko na ang ibig sabihin ng tingin niya.

Sumakay na ako ng SUV at hinayaan kong mag-usap silang dalawa ng asawa ko. Nakasilip lang ako sa kanila, hindi ko naririnig ang pinag-uusapan nila pero kitang-kita ko sa mukha nila na seryosong usapan 'yon. I am so bad at lip reading but I know what Daddy said—'Keep Tanya safe'.

Bilog ang buwan sa langit at mabilis na nagmamaneho si Andrew papunta sa lugar na hindi ko alam. Pero hindi na ako natatakot dahil siya ang kasama ko. Hindi ako natatakot dahil naniniwala ako sa sinabi niya kanina—hindi niya hahayanang may mangyaring masama sa akin.

***

Umaga na nang maramdaman kong huminto ang sasakyan namin. Wala na si Andrew sa tabi ko. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko sa kaba. Agad akong bumaba ng sasakyan para hanapin siya, pero bigo ako.

Nasaan ba ako? Nasaan si Andrew?

Habang lumilipas ang segundong hindi ko siya nakikita, mas nagwawala ang puso ko. Parang tatalon na na ito palabas ng dibdib ko.

"Andrew!" Sigaw ko.

"Andrew!" Paulit-ulit kong tawag sa kaniya. Hanggang sa naramdaman kong may yumakap sa akin mula sa likod ko. Iyong yakap na kanina ko pa hinahanap.

"Hey, baby... I'm here," bulong niya sa akin. Inalis ko ang mga kamay niya sa may puson ko. Humarap ako sa kaniya.

"Don't do that again! 'Wag mo 'ko iiwan nang gano'n!" sigaw ko sa kaniya habang umiiyak. Mahinang hinahampas ang dibdib niya ng mga nakatikom kong palad.

Inilapit niya ako sa kaniya at ikinulong ako sa mga bisig niya.

"Hindi kita iiwan, Aliyah," he calmly said to me as he kissed the top of my head.

Nang mahimasmasan na ako, tinulungan ko si Andrew na ilagay ang mga gamit namin sa bungalow house na hinintuan namin. May isang kuwarto ito. Maliit ang sala at kusina.

Almost all of the pieces of the furniture were made of bamboo. Everything was dusty. Halatang matagal nang walang nakatira.

"Nasaan tayo?" tanong ko habang pinupunasan ang upuang kawayan sa sala.

"Nasa probinsya namin, sa Zambales. This is my Mom's house," he answered with a small smile in his face. Iginala niya ang mga mata niya sa kabuuan ng maliit na bahay.

"What? Ang layo naman natin?"

"The farther the better, Aliyah," he said firmly. Then he continued sweeping the floor.

"By the way, you should stay offline. Wala dapat makaalam na nandito tayo. Even your dad," seryoso niyang paalala sa akin.

Napahinto ako sa pagpupunas at napatitig ako sa kaniya. "What? Kahit si Daddy hindi alam na nandito tayo? Why?"

"That's what he wants, Aliyah. There might also be a mole working on AHG kaya it's safer na walang nakakaalam na nandito tayo." Muling bumilis ang tibok ng puso ko sa sinabi niya.

Paano si Daddy na naiwan sa Manila? Baka may mangyari na naman sa kaniya!

"I'm scared, Andrew," mahina kong tugon.

"Don't be, I'm here."

Those four words that usually calm me... failed to work their magic today. Dinadaga pa rin ang dibdib ko sa kaba.

"I'm scared for Daddy, and Steph... sila Jasper, and Gail... Paano kung may mangyari sa kanilang masama?" Biglang bumigat ang mga mata ko dahil sa mga nangingilid kong luha.

"Walang mangyayaring masama sa kanila, okay?" pag-alo sa akin ni Andrew. Muli niya akong niyakap nang mahigpit.

***

Bago mananghalian ay natapos na namin linisan ang kuwarto at kusina. Kaunting walis na lang ulit at punas sa sala and then were done. Umalis kami ni Andrew kinahapunan para mamili ng mga stocks namin sa mga susunod na araw.

"Turista kayo, iho?" tanong sa amin ng matandang lalaking nagtitinda ng isda.

"Opo, bagong kasal ho," magalang at nakangiting sagot ni Andrew sa lalaki.

"Aba, buti at dito niyo napiling mag-honeymoon sa Zambales. Maganda rito... may dagat, may bundok, maraming puwedeng pasyalan," magiliw na sabi naman ng matanda.

Halos maubo ako nang marinig ang mga salitang 'yon. Bagong kasal? Honeymoon? Paano kami mag ha-honeymoon, e, next year maghihiwalay na kami? Pero parang trinatraydor ako ng utak ko, bigla kong naalala ang ginagawa namin ni Andrew sa condo bago dumating si Daddy kagabi.

Napahawak ako sa leeg ko. Shocks! Nandito pa ba 'yong kissmark?

"It's gone, Aliyah," bulong sa akin ni Andrew, na para bang nabasa niya ang nasa isip ko.

Wala sa sarili akong naglakad pabalik ng sasakyan, nauuna nang kaunti kay Andrew. Hawak ko ang wallet niya sa kanang kamay ko, habang bitbit naman niya ang mga pinamili namin.

Isang lalaki ang biglang tumakbo sa gilid ko at mabilis na hinablot ang wallet sa kamay ko. Hindi na ako nakasigaw sa sobrang bilis ng pangyayari.

Narinig ko ang pagbagsak ng plastic sa kalsada. Natulala ako nang makita si Andrew na nasa harap ko na. Halos lumuwa ang mga kayumanggi niyang mata dahil sa pag-aalala.

"Are you hurt?" Umiling lang ako. He quickly checked both of my hands at saka kumaripas ng takbo para sundan ang snatcher.

"Andrew! 'Wag na!" awat ko sa kaniya, pero hindi niya na yata ako narinig.

Kumaripas ako ng takbo para sundan ang asawa ko. Nakita ko siyang nakatayo sa may labas ng palengke, samantalang ang snatcher naman ay nakadapa sa kalsada at dumadaing sa sakit, katabi ng nabitawan nitong kutsilyo. Hawak ni Andrew ang wallet sa kaliwang kamay niya. Biglang nanlaki ang mga mata ko nang mapansin ko ang pumapatak na dugo mula sa kanang kamay niya.

Fudge!

Nilapitan ko agad siya at natatarantang hinawakan ang dumudugo niyang kamay.

"May sugat ka, Andrew! Let's go to the hospital," nanginginig sa takot ang boses ko.

"No... hindi pwede. It's risky. Baka may makaalam kung nasaan tayo!" protesta niya.

"But you're—"

"I'll be fine, hindi naman 'to malalim," he said in his strong and manly voice. Mukhang hindi talaga siya nasaktan.

***

Magdidilim na nang makauwi kami sa bahay. Dali-dali akong kumuha ng bulak at antiseptic para linisan ang sugat niya. Mabuti na lang din at tumigil na sa pagdurugo ang sugat niya. Mabuti na lang din at hindi malalim ang pagkakasaksak sa kaniya ng snatcher.

"Bakit ba kasi hinabol mo pa? Wallet lang naman 'yan. We can still earn that money," sermon ko sa kaniya.

"It's not about the money, Aliyah," malumanay niyang pagdadahilan habang mariin pa rin niyang hawak ang wallet niya.

"E, ano? What's more important than your life at ginawa mo 'yon?"

"Ikaw..." he said, smiling directly at me.

"What? Hindi ako kasya sa wallet mo ha?!" natatawa kong sagot.

Nagtaas siya ng kilay at inabot sa akin ang wallet niya. Kahit na nagtataka ay binuksan ko 'yon at unti-unting napagtanto ang tinutukoy niya. It's our wedding photo. Mukhang masayang-masaya si Andrew... at ako, as Steph would describe it, mukhang natatae.

I chuckled. "Hinabol mo 'yong snatcher, because of this?" tanong ko sa kaniya na may kasama pang pagtaas ng kilay.

"Oo, that's far more important than money," he declared.

"You're unbelievable! Ganiyan ka ba ka-patay na patay sa akin!" pang-aasar ko sa kaniya.

"No, pero ganiyan kita ka-mahal," nakangiting balik niya.

Napalunok ako't agad na napayuko ako. Marahan kong ibinalik ang wedding photo namin sa wallet niya.

"Ano, Aliyah? Are you done teasing me?"

"Huh? I'm not teasing you!"

"Whatever you say... Now it's my turn to tease you, baby," mabagal niyang ibinulong sa tainga ko.

Napapikit ako dahil sa boses niya. Biglang lumakas ang kabog ng puso ko. Nagulat na lang ako nang bigla niyang hubarin ang puting shirt niya dahilan para mapapikit ako't mapaiwas ng tingin sa kaniya.

"No!" sigaw ko habang nakapikit.

"N-No, Andrew! We can't do that! May sugat k-ka, baka dumugo 'yong sugat mo!" Nakapikit pa rin ako habang pinapagalitan siya.

Dumilat lang ako nang marinig ko ang malakas niyang tawa, dahilan kung bakit mabilis na tumataas-baba ang malapad niyang dibdib.

"What are you talking about, baby? Magbibihis lang ako kasi may dugo 'yong damit ko," nakangisi niyang tugon sa akin.

Napatayo ako sa inis. "Ugh! Whatever! I hate you!" Hindi ko mapigilang bulyaw sa kaniya kasabay ng mabilis na pag-alis, pero mas mabilis niyang nahawakan ang braso ko.

"Where are you going, baby?" he teased huskily.

"Matutulog na 'ko!" singhal ko. Mabilis kong inalis ang kamay niya sa braso ko habang nakatitig sa leeg niya.

Ayan na namang lecheng Adam's apple na 'yan!

"Okay, let's sleep na kahit... 6:00 PM pa lang," he smirked.

"It's none of your business if I want to sleep early!"

"Yes, you're right, pero sayang lang 'yong oras kung tutulugan mo lang ako."

Ganito ba ang epekto ng nasaksak sa kamay? Hindi naman nabaldog ang ulo niya kanina, ah?

His deep brown eyes were more alive tonight. Sobrang saya niya tignan ngayon kahit na nakakainis ang mga hirit niya. He's cute when he's like this. No. Handsome. The more he does these childish gestures, the more I realize how manly he is. Hindi na siya takot ipakita sa akin ang totoong siya; it's like seeing the other side of the moon.

"What do you suggest then? What should we do?" Paghahamon ko sa kaniya.

"We can do our honeymoon here," he whispered. Namilog naman ang mga mata ko.

"We're not doing that! May expiration date tayo, Andrew!" May kaunting pait sa boses ko.

"Let's not think about that. Isn't it enough that I love you, and you love me?" he gently said while putting his hands on my waist.

"Oo! We love each other but—"

"What did you say, Aliyah?"

Kumunot ang noo ko.

"I said... we love each other, but love is not always—"

"Yes! We love each other!" masayang sigaw niya. Napatitig ako sa mga mata niya. Napaawang ang bibig ko nang mapansing tila nanunubig ang iyon. Anong nangyayari sa kaniya?

"Huh? W-What's wrong? W-Why are you tearing up?" I asked him anxiously.

"Because, finally, you said you love me!"

"W-What?! I didn't say—" Agad akong napalunok nang mapagtanto ko ang tinutukoy niya. Fudge! I said that... impliedly.

"I love you, Aliyah, "he said to me softly as tears streamed down his face.

"I love you too, Andrew." The words that I've been hiding for almost a year slipped out of my mouth breathlessly.

Pinunasan ko ang mga luha niya. Then, I saw how his deep brown eyes changed into something scary and hypnotizing at the same time. Inangat niya ang ulo ko gamit ang daliri niya na nasa baba ko at saka niya pinaglapat ang mga labi namin. May kakaiba sa halik na 'to. It's delicate and, at the same time, full of hunger. Ito na ba ang devour na sinasabi niya? But I'm not afraid. And I know that he is too. Ramdam ko sa halik niya na wala na rin siyang takot sa kung anong puwedeng mangyari sa gabing 'to.

My left hand is now on the back of his head, while my right hand is resting on his firm naked chest. Ang bilis ng tibok ng puso niya. Kinakabahan ba siya? Mabilis rin ang tibok ng puso ko, pero alam kong hindi kaba ang nararamdaman ko. Pinagkiskis niya nang bahagya ang mga ilong namin bago niya ibaba ang halik niya sa leeg ko. Napadiin ang hawak ko sa ulo niya na halos masabunutan ko na ang buhok niya. Naramdaman ko ang pag-angat ng aking paa, binuhat niya na pala ako na para kaming bagong kasal at saka marahang inihiga sa kama.

Tumigil siya saglit at tinitigan ang mga mata ko. Dahan-dahan niyang inilapit ang bibig niya sa tainga ko.

"Tell me if you want me to stop, baby... "

Napakurap-kurap ako. Ayon ba ang hinahanap niya sa mata ko, doubt? I want this. I badly want this, love.

"No... I don't want you to stop." Halos hindi ko na makilala ang boses ko.

Then he started to kiss me again. His right wounded hand clenching onto my left hand with an iron grip. Hindi niya iniinda ang sariwang sugat sa palad niya. His left hand tried its best to unbutton my dress. Pero parang nanghihina siya, hindi niya mabuksan nang maayos ang bestida ko.

He stopped kissing me and then he cursed.

"Fuck! Please don't wear this again. Baka punitin ko na lang 'to next time." Then he chuckled sexily.

Next time? Iniisip niya na agad ang next time. I swallowed hard.

"O-Okay," I said politely in between his hungry kisses.

Bigla akong nanlamig nang maramdaman kong undies na lang ang suot ko. My free hand started to look for something to cover my body. But then he stopped me. Maingat niyang inilapit ang katawan niya sa katawan ko, causing me to feel his body heat. Binitawan niya ang kaliwang kamay ko and he hugged me tightly. Magkadikit ang mga dibdib namin at ang bawat paghinga niya ay nararamdaman ko.

"Am I holding you right? Or are you still cold?" His voice sounded like a whisper.

I just looked at him—at his eyes full of hunger, his lips wet from our kisses, and his damn fucking sexy Adam's apple tempting me! Shit! This is not me!

Then I kissed him as if telling him that everything I'm feeling tonight is right... There's no question about it. Everything in this moment is right and real.

Pero wala pa rin talagang panama ang halik ko sa mga halik ng asawa ko. Para akong nanghihina at natutunaw sa bawat paglapat ng labi niya sa leeg ko, sa dibdib... sa iba't ibang parte ng aking katawan. Naliliyo ako. Hindi ko matandaan kung kailan at paano niya ako nagawang hubaran. I felt so fragile seeing how he looked at my naked body. In his deep brown eyes, I saw his burning desire.

"Fuck! You're so beautiful," he whispered. Then he gently kissed my forehead.

"I love you, Aliyah," he said huskily, gazing into my eyes, as if he's speaking to my soul.

"I love you too, Andrew," I softly answered.

Then I felt a sharp burning pain. Humigpit ang yakap ko sa kaniya.

"It hurts... Andrew..." He kissed the back of my ear over and over again, and then he whispered, "I'm sorry, baby, sorry... the pain will go away."

He was both right and wrong. The pain didn't go away, but I felt something else stronger than that—a union of our love and desire. He kept on showering me with kisses on my lips and neck. I can feel our rhythmic breathing. I can feel his heat. I can feel every inch of his firm body. I can feel his hands all over me. And then I felt a warm surge within me... The waves of pleasure and love crashed over us.

We were still both catching our breath, but I'm glad I was able to whisper what I wanted to say.

"I don't want us to end. Ayoko nang makipaghiwalay, Andrew."

"Hinding-hindi tayo maghihiwalay," sagot niya sa akin habang nakatitig sa aking mga mata. Nangingilid ang mga luha niya. Muling naglapat ang mga labi namin at sa pagpikit ko, nalasahan ko ang mga luha niya.

His love... so vulnerable. Yet, it's the only thing that I will never doubt. It will always be true and real.

We cuddled after, at least, this time alam kong siya ang unang sumiksik sa akin. We playfully teased each other bago matulog. Our honeymoon was almost a year late and we both agreed that we should make-up for it.

***

MsLynLuna

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top