Chapter 9.1 - Moon
Warning: This chapter contains sexual scenes. These scenes are intended for plot progression and to enhance character development.
I sat silently on my bed. Pilit hinahanap ang 'bakit' sa mga nalaman ko kanina. Bakit nagsinungaling na naman si Andrew? Bakit hindi niya sinabi sa akin ang totoo noong unang beses ko siyang tinanong tungkol sa gunman? At bakit sa kabila ng lahat ng 'yon... mahal ko pa rin siya?
Tama ba si Marcus? Am I just too blind to see how fake everything was? Tinignan ko ang wallpaper ng cellphone ko; I smiled bitterly.
"But we look so real here... aren't we real?"
Muling tumulo ang mga luha ko at mabilis ko rin namang pinunasan ang mga ito. I don't want to cry because of him anymore. Kung nakakaya niyang araw-araw na magsinungaling sa akin, maybe he's not really in love with me!
"Aliyah, can we talk? Please?" Narinig ko ang mahinang tawag ni Andrew sa akin. His voice was shaking, and I could sense guilt and regret on it.
"About what? Tungkol sa ninong mo na bumaril sa Daddy ko? Na sabi mo rati ay hindi mo kilala?" I asked with sarcasm.
"Aliyah, I can explain! Please!"
Suddenly, I heard the sound of the doorknob turning, making me stand.
Shocks! Ni hindi ko man lang pala na-i-lock ang pinto ko bago ako mag-emote rito!
Napabuntong-hininga na lang ako at saka mabilis na nag-ayos ng buhok.
And there he was, my husband, standing in front of me, looking like a puppy. Kahit pa mas matangkad siya kaysa sa akin.
"Sorry, I'm really sorry, baby. I lied again," Andrew said to me with his puppy eyes.
Gosh! parang mabubuwal yata ako sa kinatatayuan ko. Bakit ba pagdating sa kaniya, parang ang bilis-bilis ko makalimot? Hindi kagaya ng galit ko kay Daddy na inabot pa ng taon.
"Okay... explain everything now, Andrew," I answered firmly while staring intently at his deep brown eyes. He took a deep breath before opening his mouth.
"Totoo 'yong sinabi ni Marcus, ninong ko si Santiago and bestfriend siya ni Dad... and he helped me finish school when both of my parents died."
Nakita ko ang lungkot sa mga mata niya nang sinabi niya 'yon. Isang taon lang ang pagitan ng pagkamatay ng mga magulang niya. I can't imagine how hard it was for him.
"But... we're not in good terms," pagpatuloy niya.
"Hindi ko na siya kinausap pa since last year—after I learned the truth about Dad's death."
I saw his fists clenched. Agad kong hinawakan ang kanang kamay niya para pakalmahin 'yon. Ngumiti siya nang bahagya, pero malamlam pa rin ang mga mata niya.
"Andrew, you can stop if it's hurting you. Puwede naman nating pag-usapan 'to sa ibang araw," I softly spoke as I gently caressed his knuckles.
"No, I owe you the truth, Aliyah." Pilit siyang ngumiti, siguro para hindi ko mahalata ang lungkot niya.
"Hindi naaksidente si Dad. May foul play... at si Santiago ang kasama niya sa sasakyan that day, who miraculously survived."
Umiwas siya ng tingin sa akin, pero nakita ko pa rin ang pagtiim ng bagang niya. I can feel his pain. I wish I could do anything to wash that pain away. Hindi ako sanay na nakikita siyang ganito. Mas hinigpitan ko ang hawak sa kamay niya.
"So... you think may kinalaman si Santiago sa nangyari sa dad mo?"
Ibinalik niya sa akin ang tingin niya. Bakas sa mga mata niya ang namumuong galit dahil parang dumilim ang mga ito.
"Yes, Aliyah. I know may kinalaman siya. I just don't have the evidence yet." He gulped, maybe to stop his voice from breaking. "Siguro nga, kaya niya ako pinag-aral para burahin kahit papaano ang guilt niya... or to control me," he firmly added.
Sinulyapan niya ang magkahawak naming mga kamay at inilapit niya 'yon sa labi niya. He kissed the back of my hand tenderly.
"I'm sorry if I lied, Aliyah. Natakot ako no'ng makita ko siya sa office ng daddy mo. I sensed that something bad would happen, but I chose not to tell you, dahil ayoko nang madagdagan pa ang mga iniisip mo." His voice is full of sincerity. His brows furrowed slightly.
"You should have told me, Andrew. It's my dad we're talking about." My voice was shaking.
"No, ako muna. As long as kaya ko pa, it's my problem."
"But we're—"
Pinigilan ko ang sarili ko. Gusto ko mang sabihin na... we're husband and wife and we're supposed to share everything, pero hindi nga pala kami gano'n.
"We are what, Aliyah?" usisa niya.
"N-Nothing."
Marahan niyang binitawan ang kamay ko at saka hinawakan ang magkabilang pisngi ko. Nakita ko ang mabilis niyang pagsulyap sa mga labi ko bago tinitigan ang mga mata ko.
"I'm sorry, baby."
Hindi ako makapagsalita dahil sa sobrang lapit niya sa akin. Napalunok ako, ngayon ko lang yata napansin how sexy his Adam's apple is.
Gosh, Lia, Stop!
Naramdaman ko ang unti-unting pamumula ng pisngi ko at parang unti-unti ring nanlambot ang mga tuhod ko. What is this feeling?
"Don't ever lie to me again," nagmamadali kong banggit para itago ang kung anumang nagpapabilis ng tibok ng puso ko.
Kahit hawak niya ang pisngi ko, hindi ako makatingin sa kaniya nang diretso. Hindi ko kaya. Baka kung saan ako dalhin ng mga mata niya.
Inalis niya ang mga kamay niya sa pisngi ko. Yumuko siya nang kaunti para magpantay ang mga noo namin, bago niya marahang idinikit ang noo niya sa noo ko.
"Please look at me, baby. I want my wife to look at me," he softly said.
Our lips were so close that I could almost taste his breath. I could feel his breath. Wala sa sarili akong sumunod sa gusto niya. I looked at him with longing. Isang buwan kaming hindi nakapag-usap nang maayos; isang buwan kaming hindi man lang nagkita sa bahay na parehas naman kaming nakatira. I miss him so much. I miss him so much, like that one month felt like a year.
"I missed you, Andrew," I whispered to him, and the next thing I knew, I'm kissing him.
I saw how his deep brown eyes widened bago siya pumikit para tanggapin ang halik ko. I'm kissing him, my husband, as if I'm letting him know that nothing in this world can change how I feel about him.
Dahan-dahan kong isinampay ang mga nanghihina kong braso sa batok niya. Naramdaman ko na lang ang mga kamay niya sa baywang ko na unti-unti akong hinihila para mas lalo pa kaming magkalapit sa isa't-isa. Sa gitna ng pag-angkin ko sa mga labi niya, gumapang naman pababa sa likod ng mga hita ko ang mga kamay niya. I felt that he's slowly lifting me.
Umangat ang mga paa ko sa sahig at pinag-ekis ko ang mga binti ko sa likod niya, na para bang kulang pa ang pagkakalapit namin sa isa't-isa. Marahan niya akong binuhat at mabagal siyang lumakad papunta sa pader malapit sa kama ko.
Naramdaman ko ang palad niya sa likod ng ulo ko bago niya ako tuluyang isinandal sa malamig na dingding. Nanatiling nakahawak sa may puwitan ko ang kaliwang kamay niya. Buhat-buhat ako nito na para bang ang gaan ko. Maingat niyang inalis ang kamay niya sa likod ng ulo ko.
Suddenly, I felt that he's moving his hand on his chest. I slightly opened my eyes and saw that he's quickly unbuttoning his polo using his right hand. Habang ginagawa niya iyon ay parang dumidiin naman ang kaliwang kamay niyang nakasalo sa may puwitan ko.
Shit! Is this really happening?
Wala sa sariling napapikit akong muli. Parang naliliyo ang isip ko sa mga nangyayari.
Hindi pa rin napuputol ang malalim naming halikan, pero parang ang dami nang nangyari. Bumaba ang mga labi ni Andrew sa leeg ko dahilan para maramdaman ko ang init ng hininga niya.
Mababaliw na yata ako.
Hindi ko na napigilan ang sarili kong ibulong ang pangalan niya.
"Andrew..."
He suddenly stopped kissing my neck. Nagmulat ako ng mga mata at mahinang napasinghap nang mapansin kong wala na siyang pang-itaas. Napalunok ako at napasulyap sa namumungay niyang mga mata. Inalis niya ang kamay niya sa likuran ko at maingat akong itinayo.
"Fuck! Shit!" malakas niyang mura habang humahakbang paatras sa akin.
"I'm sorry, baby, am I too fast? Natakot ba kita?" nag-aalalang tanong niya.
I chuckled. This guy is unbelievable. I initiated that kiss tapos tatanungin niya ako kung natakot ako? Natakot nga ba ako? No. It was not fear. Definitely not fear.
"No, of course not," nakangiti kong sagot sa kaniya habang nakahawak sa leeg ko, kung saan niya ako huling hinalikan.
"Ikaw? Natakot ka ba Andrew?" I asked him, looking directly at his deep brown eyes which were full of something that time... desire.
"Takot na takot, Aliyah. I'm so scared that I might lose control and—" Huminto siya sa pagsasalita at saka lumunok. Napansin ko na naman ang paggalaw ng Adam's apple niya.
"That you might lose control, and...? And what, Andrew?"
"And devour you..."
Napaubo ako nang malakas sa sinabi niya. Devour me? Lamunin? Kainin nang buo? Gosh! Nalunok ko yata ang laway ko at nagtuloy-tuloy pa ang pag-ubo ko.
"Are you okay? Do you need water?" natatarantang tanong niya sa akin. Tumango ako at dali-dali naman siyang lumabas ng kuwarto, para siguro kumuha ng tubig.
***
The following days, napansin kong may nagbago sa ikinikilos ni Andrew. He will always wait for me to come home at may mga pagkakataon pa ngang nakakatulog na siya sa sofa sa sala kahihintay sa akin. Kapag napansin niyang nakauwi na ako, agad siyang babangon para mag-goodnight na may kasama pang paghalik sa buhok ko. Pero kapag Friday night na, sa sala siya matutulog at papasok na lang sa kuwarto kapag paparating na si Minda—umaga na ng Sabado.
"He's giving me mixed signals, Steph!" Nakakunot-noo kong kuwento kay Steph nang minsan kaming sabay nag-lunch sa labas.
"Ano ba kasing nangyari after ng momol niyo?" tanong ni Steph habang pinaglalaruan ang carbonara sa plato niya.
"Wala. Wala na! Gano'n lang, pa-goodnight lang every day," nahihiyang sagot ko.
"E, 'di kaya gano'n si Andrew. Baka kulang na sa lambing, Li. Binitin mo kasi, e!" nakangisi niya pang pang-aasar sa akin.
"Can you lower down your voice? Nakakahiya," bulong ko sa kaniya. She chuckled and then I heard my alarm. Mabuti na lang din at baka kung ano pang lumabas sa bibig ni Steph.
"I need to go na, Steph. May meeting pa ako, bawi na lang ako next time!" Nagmamadali kong paalam sa kaniya.
"Oo! Bawi ka next time kay Andrew, galingan mo!" Natatawa pa niyang pahabol.
Napaaga ang pagdating ko sa conference room. Wala pa ang marketing team, pero nandoon na si Frances. Naka-set up na rin ang laptop and projector, plus ang folders na may portfolio ng mga pagpipiliang female model para sa print ads and TVCs ng La Lune Boutique Hotel, ang bagong venture ng AHG.
I was about to scan the folder nang biglang nagsidatingan na ang mga taga-marketing.
"Good afternoon po, Ms. Lia!" Alice, the marketing head, greeted with a smile as she sat in the chair opposite mine.
Sumandal ako sa upuan ko at ngumiti rin pabalik sa kaniya. "Good afternoon. May hinihintay pa ba tayo?" I asked her directly.
"Wala na po, all good na. I think this will be quick lang din po kasi two models na lang 'yong options. Sila na lang din po kasi 'yong kayang mag-commit sa schedule ng shooting natin in two weeks."
"I see..." I mumbled and then I slowly open the folder.
Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang mga pinagpipiliang models—Erich Agustin and Bianca Mercado.
"Honestly, Ms. Lia parang mas fit po si Ms. Bianca, and mas okay din po reception niya sa tao ngayon dahil namiss siya ng fans niya," magiliw na pagpapaliwanag ni Alice. Nakita kong tumatango-tango rin ang ibang taga-Marketing.
"Si... si Erich? Ano'ng pros if si Erich?" Nagulat ako sa naging tanong ko. Ayaw ko lang ba piliin si Bianca dahil ex siya ni Andrew?
"Hmm... almost at par lang po kasi sila ni Ms. Bianca, sadyang mas pinag-uusapan lang po talaga ngayon si Ms. Bianca."
I exhaled slowly and softly. Ayokong marinig nila na tensed ako.
"Okay, let's go with Bianca Mercado," I said without hesitation.
Natapos ang meeting sa discussion ng theme and layout para sa shoot na naka detalye sa deck na hinanda ng marketing. Kahit pa gaano ka-detailed 'yon, halos wala akong naintindihan. My mind is occupied with images of Andrew proposing to Bianca on that beach house. Kaya ko bang makatrabaho si Bianca? Kaya ko na ba siyang makita ulit nang hindi nagseselos?
***
Pag-uwi ko sa condo, nakita ko si Andrew na nakaupo sa high chair habang kumakain ng pizza.
Hay... either I cook for him or teach him how to cook one of these days. Hindi healthy ang fast food!
Napatigil siya sa ambang pagkagat sa hawak na pizza at gulat na napatingin sa akin. Looks like he didn't expect me to be home early.
"You're early!" bati niya sa akin. Pagkatapos ay tuluyan niyang kinagat ang pizza.
"Ah, yes... maluwag ang schedule ko today," I said smiling at him. "Do you want to eat dinner? I can cook... " I slowly said as I removed my high heels.
"This is dinner." Bumungisngis siya at bahagyang itinaas ang pizza.
"Andrew, that's not healthy," malambing kong kontra sa kaniya. Tumayo siya at lumapit sa akin.
"I'm still healthy... you can check if you want?" Dinampot niya ang kamay ko at ipinatong niya iyon sa dibdib niya.
It was hard. Firm and hard, and I can't help but smile because of his childish gesture. He was smiling too... playfully.
"Yes you are healthy, Mr. Andrew Matteo Romulo, but still, pizza is not dinner!"
Nahuli niya ang ngiti sa mga labi ko at nahuli ko naman ang mabagal niyang pagkagat sa mga labi niya. Binitawan niya ang kamay ko pero nanatili pa ring nakahawak iyon sa dibdib niya. Sabay kaming napatingin doon.
"S-Sorry!" natataranta kong usal kasabay ng mabilis na pagbaba ko sa kamay ko.
"No, it's okay... Mrs. Aliyah Tanya Romulo. You can touch me anywhere you want, anytime."
"Andrew!" Naihampas ko nang mahina ang kamay ko sa dibdib niya dahil sa tukso niya.
Pareho kaming natawa. Kailan ba ang huling beses na sabay kaming tumawa nang ganito.
"Can I hug you, Aliyah?" Nagulat ako sa seryoso niyang tanong.
"O-Oo naman!" Mas nagulat ako sa naging sagot ko.
Hinawakan ni Andrew ang likod ng ulo ko. Dahan-dahan niya akong inilapit sa dibdib niya at ikinulong sa mga bisig niya. Kitang-kita ko sa bintana ang bilog na buwan at ang ilang bituin. Ang sarap umuwi sa ganito. Sana araw-araw akong umuwi sa ganito.
***
Mabilis na lumipas ang mga araw at hindi ko na namalayang magdadalawang buwan na pala akong CEO sa AHG—gano'n yata talaga kapag busy. Masaya akong matatapos ang short-term CEO journey ko sa AHG nang walang aberya. Everything went smoothly.
Kahit pa nagpipilit na si Daddy na bumalik next week, inawat ko pa rin siya. Ayaw ko man aminin sa sarili ko, pero kahit pa'no ay nag-enjoy ako sa hiniram kong position sa kaniya. Might as well, lubos-lubusin ko na until ma-i-launch ang La Lune Boutique Hotel.
Humabol lang ako sa shoot ni Bianca para sa La Lune. Last layout na raw sabi ng director. Hindi ko alam kung magpapakita ba ako kay Bianca or iiwas ng tingin. I think I should just blend in, manonood lang ako kagaya ng ibang executives na sumilip din sa shoot. Pero nabigo ako, napansin agad ako ni Bianca.
"Aliyah!" nakangiti niyang bati sa akin na may kasama pang pag kaway ng kamay.
"Hi, Bianca!" I said, smiling at her too. Lumapit siya sa akin at nakipag-beso.
"Thank you pala, ha?" Nakangiti pa rin siya at naghihintay ng reaksyon ko.
"Ano ka ba, umpisa pa lang ikaw na gusto nilang kunin for this. You look great by the way," I answered as I quickly take a look at her outfit. She really is perfect for the ad.
She's wearing a light pink flowy dress and a necklace embellished with diamonds. Light make-up lang, pero bagay na bagay sa kaniya.
"Thanks! Ikaw din, blooming ka, Aliyah!" she replied, beaming at me.
Hindi ako nakasagot sa compliment niya dahil na-distract ako nang makita kong naglalakad si Andrew papunta sa amin. Naka-business attire pa siya, his hair in a half man bun and the sleeves of his blue polo folded to his elbows. I saw him greeting Frances and the other staff as he approached me.
"Drew! You're here!" Malakas na bati ni Bianca, halatang nagulat din sa biglaang pagsulpot ng asawa ko.
"Ah, naiwan kasi ni Aliyah 'yong payong niya." Andrew gave Bianca a quick glance and then he look at me.
"I told you not to leave without this," sabay abot niya sa akin ng payong. "I don't want you to get sick again. Parang uulan pa naman mamaya," malambing pang dagdag ni Andrew.
"Thanks, Andrew." I shyly smiled at him.
"Ang sweet niyo namang dalawa." Napatingin ako sa nakangising Bianca.
Umupo kami ni Andrew sa dalawang magkatabing monoblocs. Sasabay na lang daw siya ng uwi sa akin at nag-aaya pang kumain sa labas.
Kanina, kinakabahan ako no'ng nagpasya akong pumunta sa shoot ni Bianca, pero ngayon, natabunan na ng kilig ang kaba na 'yon. I can't contain my excitement. Mag de-date kami ng asawa ko!
"Aliyah, I'll make a reservation doon sa bagong open na Italian restaurant, or you want to eat somewhere else?"
"No, it's fine. I'm okay with that," I replied, smiling at him.
Maya-maya pa, lumapit sa akin si Frances na parang may sasabihing hindi ko magugustuhan.
"Ma'am Lia, we have a problem po," nakasimangot niyang balita.
"What's that?"
"Iyong male model po for the last layout, MIA po eh. Hindi po nila ma-contact and all, kahit 'yong handler po, dapat kanina pa sila na'ndito."
Kitang-kita ko ang stress sa mukha ni Frances. Napansin ko rin sa set ang director na panay kamot sa ulo. Mukhang pagod na rin ang mga staff and crew. Tumakbo rin si Alice papunta sa amin.
"Okay, so, do we have a Plan B? Can we re-sched the shoot, or do we have a substitute for the model?" tanong ko kay Alice.
"I'm sorry, Ms. Lia, hindi na po puwedeng mag re-schedule. W-Wala rin po tayong substitute. Sorry po talaga," she replied slowly, her voice filled with regret.
Tumayo ako at huminga nang malalim. This can't happen. I can't fail Dad. I saw Bianca's worried eyes while she's walking towards us, but suddenly, I felt Andrew's right hand on my waist.
"Si Bianca, baka may kilala siyang model na kayang pumunta ngayon dito, have you asked her?" muling tanong ko kay Alice. Nilingon niya si Bianca na agad namang binilisan ang paglalakad papunta sa amin.
"I have a suggestion, Aliyah," hinihingal na panimula ni Bianca nang tuluyang makarating sa puwesto namin.
Huminga siya nang malalim at saka nagpatuloy sa sasabihin niya.
"Last layout kasi is 'the proposal' so luluhod lang 'yong guy, hindi masyadong kita 'yong face niya. Then, sabi ni Direk James, mag-zo-zoom in daw sa face ko then, sa name and logo ng La Lune 'yong camera. So, siguro ilang seconds lang 'yong exposure ng guy," pagpapaliwanag ni Bianca pero medyo hindi ko pa rin magets ang point niya.
"Okay... so what's your suggestion?" diretsong tanong ko.
"Drew can be the guy, Aliyah."
"W-What?!" Napakurap-kurap ako sa sinabi niya.
Naramdaman kong bumagsak ang kamay ni Andrew mula sa baywang ko at mabilis na hinawakan ang kamay ko.
"Puwede nga naman 'yon, Ms. Lia," sabat naman ni Alice. Wala yata siyang alam sa past ni Andrew at Bianca.
"Sakto din kasi 'yong built ni Drew eh," pangungumbinse pa ni Bianca.
Hindi ko alam kung ano'ng gagawin ko. Hindi ko alam kung ano'ng isasagot ko. Nilingon ko ang mga staff and crew na pagod na sa maghapong shooting. Tapos tinitigan ko si Andrew. He looks so calm, he is still holding my hand and gently brushing my knuckles with his thumb.
"Hey, baby, it's okay, whatever your decision is... " malumanay niyang bulong sa akin.
Pinili kong ako lang 'yong maabala, 'yong ako lang ang hindi maging komportable, 'yong ako lang ang masaktan. Pumayag ako sa suggestion ni Bianca. I decided to let Andrew re-enact his proposal to Bianca... in front of me.
***
Pagkatapos i-retouch ang make-up ni Bianca at lagyan ng kaunting powder ang mukha ni Andrew, ipinuwesto na sila ng director. Wala naman daw sasabihin si Andrew except, 'Will you marry me?' Si Bianca na raw ang bahala sa iba.
Noong first take, parang hindi makapagsalita si Andrew, naaalala niya siguro 'yong totoong proposal niya. Second take, nabigkas naman niya ang line niya... rinig na rinig ko ang tanong niya at ang malakas na 'Yes' ni Bianca.
"Okay, tapos hug..." biglang utos ng direktor.
"What?!" Andrew exclaimed.
"Quick hug lang po, then cut na, then si Bianca na lang po."
Tumingin sa akin si Andrew. Parang tinatanong ng mga mata niya kung okay lang sa akin. Ngumiti ako sa kaniya. Kaya ko pa Andrew. Don't worry about me. 'Yan sana ang gusto kong sabihin pero hindi ko na yata kaya pang magsalita... kaya ngumiti at tumango na lang ako sa kaniya.
"Okay, let's just finish this," mahinang sagot ni Andrew sa direktor.
Ngumiti rin si Bianca sa akin. An awkward smile.
"Okay 3-2-1... Hug each other..." sabi ng director na sinunod naman ni Andrew.
Niyakap niya si Bianca pero hindi iyon mahigpit. Ngunit may kaunting kirot pa rin akong naramdaman sa puso ko. Kaunting kirot na biglang lumala... na parang biglang piniga ang puso ko nang sa pagkalas ni Andrew sa yakap ni Bianca ay pinigilan siya nito at hinalikan siya sa labi.
Bianca kissed my husband... in front of me.
"What the fuck, Bianca!" malutong na mura ni Andrew kasabay ng mabilis niyang pag-atras palayo kay Bianca.
Nagulat ang lahat sa ginawa ni Bianca. Maraming nagbulong-bulungan. Maraming naglabas ng cellphone. Maraming nag-panic. But not me. I froze. Nanatiling nakapako ang paa ko sa sahig. At kahit na nalalasahan ko na ang mga luha ko... ni hindi ko 'yon magawang punasan man lang.
"Ma'am Lia, are you okay?" Naririnig ko si Frances pero hindi ko siya nililingon.
"Ms. Lia, I'm sorry," paulit-ulit na banggit ni Alice.
"Sorry, Aliyah... sorry Drew," naririnig ko ang mahinhing boses ni Bianca. Gusto ko siyang lapitan. Gusto ko siyang sabunutan. I felt so cheap for thinking that. Pero ngayon ko lang 'yon naramdaman.
"Aliyah! Baby! Sorry... I didn't know." Andrew's voice was shaking. I felt his warm hands wiping my tears.
Tuluyan na yatang nawala ang boses ko. Parang namanhid din ang katawan ko sa nakita ko
Naramdaman kong hawak ni Andrew ang mga nanlalamig kong kamay at paulit-ulit niyang hinahalikan ang mga 'yon.
"Aliyah, please, say something... "
"Let's just go home," my voice was breaking just like my heart.
***
MsLynLuna ☽
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top