Chapter 8.2 - Dream

My first day at AHG went well sa kabila ng maraming meetings and paper works. How can Dad do all of these every day and even have enough time para sermonan ako araw-araw back then? I thought to myself as I sorted all the papers on my table.

The next three days were almost occupied by meetings with the legal team, dahil kailangan daw namin makapag-issue ng statement tungkol sa nangyari kay Daddy.

The following weeks were meetings with business unit heads. AHG is about to launch a new boutique hotel in Makati in October and wala pa ring print ads, TVCs, or anything supporting the launch.

"Hay... this is harder than I thought," bulong ko sa sarili habang hinihilot ang sentido ko.

I looked at my phone and checked Café Amor's IG. Matagal na palang posted 'yong pictures namin ni Andrew from that photoshoot four weeks ago. We look so... real. I screenshot one of the photos, 'yong nakayakap sakin si Andrew, and then I set it as my phone's wallpaper.

"Ayan, pampa-inspire, Lia! You can do this!"

Kumusta kaya siya? Halos hindi na kami mag pang-abot sa condo dahil pareho kaming busy. Kahit tuwing Friday, hindi ko na namamalayan ang pagpasok niya sa kuwarto dahil mahimbing na ang tulog ko. The last time we had dinner together was on the plane pauwi rito sa Manila from Iloilo. That was a month ago. We shared those playful kisses... a month ago. Ang tagal na pala.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Bumalik na ba kami sa dati? Are we just roommates again? Napahawak muli ako sa sentido ko, parang sumakit ang ulo ko. Then my office phone rang.

"Ma'am Lia, may pinapabigay po si Sir Andrew sa inyo. I-akyat ko po ba riyan?" tanong ni Frances sa akin mula sa kabilang linya.

"N-Nandiyan pa ba s'ya?"

"Naku, Ma'am Lia, nakaalis na po." I frowned. I just want to see him. Kahit saglit lang.

Maingat kong binuksan ang pulang thermal bag na inabot ni Frances. Packed lunch? Pero hindi siya marunong magluto si Andrew. Baka binili niya lang 'to tapos pinadala niya rito. That's what I initially thought, but then I saw a note taped on the bag.

'Tried my best to cook your favorite. Eat well, baby. I miss you—Andrew'

"He cooked for me? And he misses me too?" I quickly opened the tupperware. My eyes widened when I saw what my husband cooked for me.

"Sinigang?! Paano niya nalaman na favorite ko 'to?" Hindi ko na maalala kung kailan ba ako huling kinilig sa asawa ko, pero sobrang saya ko ngayon. He did this?! Hindi siya marunong magluto, and yet he was able to do this for me.

Kakain na sana ako, pero bigla namang tumawag si Steph.

"Li, kinain mo na ba?" she asked eagerly.

"Ha?" Litong-lito ako kung bakit iyon ang bungad niya.

"'Yong kay Andrew? Kinain mo na ba?!" Sigaw niya.

"WHAT?! Ano'ng kay Andrew?"

"'Yong sinigang? 'Yong niluto niyang sinigang for you! " I heard her laugh.

"O-Oh, that? Ito pa lang, I was just about to eat."

I heard her talking to someone... parang kausap niya rin si Jasper at Gail.

"Kakainin na raw niya, guys!" Narinig kong sigaw ni Steph.

"Sa wakas! Thank You, Lord!" Nakilala ko ang boses ni Jasper at Gail.

Kumunot ang noo ko. Ano'ng meron? Bakit parang ang saya-saya nila na kakain ako ng lunch prepared by Andrew?

"What's happening Steph?" I asked full of confusion.

"Hindi mo alam ang pinagdaanan namin these past five days para lang sa sinigang na 'yan, Li!" May kakaiba sa boses ni Steph. Hindi ko alam kung natatawa ba siya o naiiyak.

"Ma'am Lia, five days na nagluluto ng sinigang si Sir Andrew tapos dadalhin niya rito sa café, tapos kailangan daw namin tikman," sabat naman ni Jasper.

"For our approval daw Li, ayaw ka raw niya pakainin ng hindi perfect kaya wala kaming choice kundi tikman 'yong luto niya for FIVE FREAKING DAYS!" Ramdam ko ang gigil ni Steph sa huli niyang sinabi.

"What?!" natatawa kong tanong. I bit my lips to hold back my laughter.

"Ma'am Lia, halos maging acidic na po ako dahil sa sinigang ni Sir Andrew. Lalo na 'yong first two tries niya. Para pong sampalok na may sabaw, " naiiyak na sabi naman ni Gail.

"Hanggang ngayon nga, ma'am, nangangasim pa sikmura ko!" sumbong pa ni Jasper.

"Oh my gosh!" Hindi ko alam kung matatawa ba ako o maaawa sa tatlo.

He did that. He cooked this for five days until ma-perfect niya? Hindi ko maimagine ang pinagdaanan ng tatlo sa café. Kawawa rin naman ang mga tiyan ng mga 'yon! But I was smiling while thinking of Andrew.

Nag-video call ako kila Steph. Just for fun, para makita nila kung worth it ba ang pagsakit ng mga tiyan nila.

"Titikman ko na, Steph... " Nakangiti ako habang unti-unting nilalapit ang kutsara sa bibig ko.

Nakaabang naman ang tatlo sa reaction ko.

"Shocks! Ang asim!" Napaubo ako at agad uminom ng tubig. Sobrang asim ng sinigang ni Andrew! This is terrible!

"Ano, Li? Disapproved pa rin?" Steph asked in disbelief. I nodded and took another sip of my water.

"Tang ina, ayoko na!" sigaw ni Jasper na nagpahalakhak sa aming apat.

Isang buwan pa lang akong CEO sa AHG, pero sobrang miss ko na ang Café Amor. One and a half months to go and I'll be back.

***

Maaga akong umuwi nang sumunod na araw. I wanted to cook for Andrew, gusto kong bumawi sa kaniya kahit na palpak 'yong sinigang niya. It's the thought that counts. He tried his best. Isa pa, knowing him, hindi siya madalas makipag-usap kila Steph. I'm glad that he's making an effort to get to know the important people in my life.

Sinilip ko ang laman ng ref. Puro tubig at itlog lang ang laman.

"What? Ano'ng lulutuin ko nito kung walang stock?" Marahan kong isinara ang pinto ng ref. Doon ko lang napansin ang samu't saring brochure ng mga fast food chain na nakadikit dito.

Don't tell me he's been eating those for the past month? Napabuntong-hininga na lang ako. Mabilis kong sinulyapan ang wall clock sa taas ng TV. Bukas pa ang grocery store malapit sa condo, makakabili pa ako ng pang-afritada, I can still make a proper dinner for Andrew.

Nagmamadali akong naglakad pabalik ng condo pagkatapos kong makapamili, but I felt something weird. Tumaas ang balahibo ko sa batok. Pakiramdam ko ay may sumusunod sa akin. Binilisan ko ang lakad. Naririnig ko ang sarili kong mga yabag, pero parang may isa pang pares ng mga paa ang naglalakad malapit sa akin. Bumilis ang tibok ng puso ko. Bigla kong naalala ang gunman ni Daddy. Hindi pa rin siya nahuhuli, paano kung... paano kung siya ang sumusunod sa akin ngayon?

No. Ayoko pang mamatay... hindi pa puwede.

Lumingon ako sa likod ko pero wala akong nakita. Guni-guni lang siguro. Maybe, I was just drinking too much coffee. Kumalma ang puso ko at muling nagpatuloy sa paglalakad... pero biglang napahinto ang aking paa nang may biglang humablot sa akin at tinakpan ang aking bibig. Buong lakas kong kinagat ang palad ng estranghero.

"O-Ouch! Lia, it's me!" Nanlaki ang mata ko nang marinig ko ang boses na 'yon, kasabay ng pagharap ko sa estranghero.

"M-Marcus?! What the fudge?!" Naihampas ko sa kaniya ang plastic na hawak ko.

"S-Sorry! I just don't know how to reach you kaya pinuntahan kita. Hindi mo sinasagot ang mga tawag ko," he said while rubbing his right palm. Nasaktan yata siya sa kagat ko.

"Busy ako sa AHG, Marcus! Alam mo 'yan! Wala na rin naman tayong dapat pag-usapan pa," singhal ko sa kaniya.

"No! Marami tayong dapat pag-usapan. About you... and about what happened to your dad." Tumaas ang kilay ko sa huli niyang sinabi. Kilala niya rin kaya 'yong gunman?

"Ano'ng tungkol kay Daddy?" I asked, looking directly at his round eyes.

"Can we talk somewhere safe? 'Wag dito sa labas," he anxiously said.

***

Pinatuloy ko si Marcus sa condo ni Andrew. I was hesitant at first, pero kung tungkol ito sa gunman ni Daddy, for sure maiintindihan naman ako ng asawa ko. Umupo siya sa sofa at naglagay ako ng isang basong tubig sa coffee table sa harap niya.

"Kilala mo ba ang bumaril kay Daddy?" diretso kong tanong sa kaniya.

"Yes, pero hindi dapat 'to malaman ng daddy mo," nakayuko naman niyang sagot.

"I-I won't tell Dad."

He took a long, deep sigh. "Santiago... si Santiago Castro ang gunman. Kilala rin siya ni Andrew."  He quickly brushed his forehead.

"Oo, sinabi ni Andrew sakin na... nakita niya 'yong lalaki sa office ni Dad before, once."

Naningkit ang mga bilugang mata ni Marcus sa sinabi ko. Nagsalubong din ang mga kilay niya.

"Once?! No, Lia, maraming beses na nakita ni Andrew si Santiago!" His fists clenched.

"I told you, your husband is not telling you everything," dagdag pa niya.

Nanlamig ang buong katawan ko. Nagsisinungaling ba talaga si Andrew? But I believe him, I chose to believe him. The last time na pinaghinalaan ko siya, mali ako... nagkamali ako.

"No... " I choke out. "Hindi siya magsisinungaling sa akin. He even told me that you're cousins. He even told me about the beach house, about your dad!" My voice is slowly breaking.

Ngumisi si Marcus. "Sinabi niya na pala sa'yong magpinsan kami... but it's not even half the truth. Lia, pinapaikot ka lang niya!" 

Nanuyo ang lalamunan ko. Mariin akong pumikit bago siya muling tapunan ng matalim na tingin.

"Stop this nonsense, Marcus! Nothing you'll say about him will change my mind!"

Suminghap siya't napatayo pa sa kinauupuan niya.

"He's not real Lia. Lahat ng pinapakita niya sa 'yo... hindi totoo! Everything was just a fucking dream!" Punong-puno ng galit at pait ang boses niya.

I don't know how to react. Napaatras ako at biglang sumikip ang dibdib. I exhaled softly, trying to collect myself.

"This is not about Andrew! S-Si Santiago? P-Paano siya mahuhuli, alam mo kung nasaan siya?" nauutal kong pag-uusisa kay Marcus, tuluyang binalewala ang mga paratang niya sa asawa ko.

"You can ask your husband."

"What!?"

"Ask him Lia. Hindi ba't sa kaniya ka lang din naman naniniwala?" Nakatitig si Marcus sa akin na para bang nagbabanta, pero hindi nagsisinungaling.

Nagitla ako nang marinig ko ang pagbukas ng pinto. Agad kong nilingon iyon at nakita ko si Andrew na parang naestatwa. Halos mahulog ang panga niya. Nabitawan niya ang bag niya at nakatikom din ang mga palad niya.

"M-Marcus? What are you doing here?"

Mabilis na tumakbo papunta sa akin si Andrew. Hinawakan niya ang baywang ko at inilayo sa pinsan niya. I cleared my throat. Nakatitig pa rin si Marcus sa akin, pero hindi siya umiimik.

"Ah... h-hinatid lang ako ni Marcus. N-Nagkasabay kami sa grocery," nauutal kong sagot kay Andrew.

"I'll cook dinner, you can stay if you want... Marcus," I awkwardly said just to break the tension.

"No, uuwi na siya Aliyah!" mariing sambit ni Andrew habang mabigat ding nakatitig kay Marcus.

Ngumisi si Marcus. "I'll stay. My friend invited me for dinner, so, I'll stay Andrew," he firmly said. Nakatingin din siya kay Andrew na para bang naghahamon.

***

Pareho silang umupo sa dining table habang inihahanda ko ang afritada. Muntik ko nang mapagpalit ang asin at asukal dahil sa sobrang kaba ko. Tahimik lang silang dalawa—Marcus is pretending to be busy with his phone habang nakatingin lang si Andrew sa akin.

"You want me to help you, baby?" Napalunok ako sa alok ni Andrew.

What is he doing? Iniinis niya ba lalo si Marcus?

"No, I'm good." I softly answered.

"Ayaw ni Lia nang pinapanood siya habang nagluluto," sabat ni Marcus na parang ikinagulat ni Andrew.

Nilingon ko ang asawa ko na para bang napahiya sa sinabi ni Marcus. I smiled at him.

"Hindi ka ba marunong magluto, Andrew? Si Lia ba ang laging nagluluto?" tanong ni Marcus kay Andrew.

"Ah... no, pinagluluto rin ako ni Andrew," I quickly answered.

That's not a lie. Ipinagluto niya rin naman ako ng sinigang.

Tahimik kaming kumain. Hinihintay kong buksan ni Andrew ang TV just like what he always does, pero hindi niya 'yon ginawa. Halos hindi ako makanguya, halos hindi ko rin malasahan ang niluto ko. Suddenly, I felt Andrew's fingers on the corners of my lips.

"Ah, may sauce," he said while delicately brushing his fingers against my lips.

"T-Thanks," I automatically said.

I heard Marcus scoff, na parang bang iritang-irita sa nakita. I glared at him, pero binalewala niya lang 'yon. Then he cleared his throat.

"You know Santiago Castro, right? Andrew?" diretsong tanong ni Marcus sa asawa ko.

"Marcus!" saway ko sa kaniya.

"What, Lia? I'll ask him the questions that you can't ask!" malakas na tugon ni Marcus.

Tumayo si Andrew at lumapit sa pinsan niya dahilan para mapatayo rin ako. Mabilis na nagtambol ang puso ko. Bigla ring nanlamig ang mga palad ko.

"Let's talk outside, Marcus..." Andrew calmly said.

"NO! Dito tayo mag-usap, para marinig ni Lia lahat!" Kitang-kita ko sa mga mata ni Marcus ang galit. His fists are tightly clenched. Gano'n din si Andrew, pero mas bakas ko sa mga mata ni Andrew ang pag-aalala... mas lamang 'yon kaysa sa galit.

"Tell her! Tell Lia kung sino si Santiago... TELL HER!" Sigaw ni Marcus kay Andrew.

"Marcus, stop this!" Naiiyak kong paki-usap sa kaniya.

Hinarang ni Andrew ang braso niya nang humakbang ako papalapit kay Marcus. Umiling-iling siya at napahinto naman ako. Huminga ako nang malalim para paluwagin ang naninikip kong dibdib.

"Santiago is my godfather... bestfriend siya ni Dad, " kalmadong saad ni Andrew, pero hindi siya nakatingin sa'kin, nakatitig siya kay Marcus.

Napatakip ako sa bibig ko nang marinig ko 'yon sa kaniya. He lied. Again.

"See, Lia! Ninong ni Andrew ang gustong pumatay sa daddy mo!" Nginisian ako ni Marcus. 

"'Di ba si Santiago pa nga ang nagpa-aral sa'yo, Andrew?" Paghahamon pa ni Marcus kay Andrew.

"Yes. He did, " Andrew said bitterly. I can hear the pain from his voice.

Tumawa si Marcus. Humakbang siya papalapit sa asawa ko. Pagkatapos ay kinuwelyuhan niya ito. Dumiin ang tingin ni Andrew kay Marcus pero hindi niya inalis ang kamay ni Marcus sa damit niya.

"Your godfather tried to kill your father-in-law... at itinago mo sa asawa mo? HOW SICK IS THAT?!"

I saw Andrew's eyes changed. I saw how they became raging with fire. I saw how his jaw clenched just before he punched Marcus. Napasigaw ako.

Napaupo si Marcus sa lakas ng suntok ni Andrew. Mabilis kong hinawakan ang kamay ni Andrew at naramdaman kong nanginginig ang kamao niya.

"Andrew... please stop," I whispered to him,  sinusubukang patayin ang apoy sa mga mata niya.

"FUCK!" Malutong na mura ni Marcus. Napatingin ako sa lagay niya. Pinunasan niya ng likod ng palad niya ang dugo sa gilid ng labi niya.

"I-I'm sorry, Aliyah. I lost my temper," Andrew's voice is shaking.

Kitang-kita ko ang pagsisisi sa mga mata niya kahit pa pilit niyang iniiwas sa akin ang mga ito. Huminga siya nang malalim at saka marahang lumapit kay Marcus. Pinigilan ko siya no'ng una, natatakot sa kung ano pang gagawin niya kay Marcus.

"D-Don't worry Aliyah. I'll just help him," he softly said, but he's still not looking at me.

Itinayo niya si Marcus at inalalayan niyang makaupo sa dining chair.

Masama pa rin ang tingin ni Marcus sa asawa ko, pero hanggang tingin lang siya at  nanatiling tikom ang bibig niya.

"I-I'll get the first aid kit sa bathroom," paalam ni Andrew. Kitang-kita ko pa rin ang bahagyang panginginig ng mga kamay niya habang naglalakad siya papalayo sa amin ni Marcus.

Tuloy pa rin ang pagdurugo ng labi ni Marcus at  buhay na buhay pa rin ang galit sa mga mata niya. 

"I'm so sorry, Marcus," my voice was trembling. 

He stood up and looked at me intently. "Nakita mo na, Lia?! You saw what he can do! He's lying! He's violent!" Hinawakan niya ang kamay ko, pero agad ko ring binawi 'yon mula sa kaniya.

"It's because you triggered him, Marcus." I softly bit my lips. I don't want to be mad at him. "Hindi mo dapat ginawa 'yon, hindi mo dapat sinabi ang mga 'yon. You should have let him explain..."

"Ano pa bang kailangan mo, Lia?! Please, open your eyes! TAYO NA LANG, PLEASE! Leave him!" pagmamakaawa ni Marcus. Kumunot ang noo ko't bahagyang napahakbang palayo sa kaniya.

"No, I love him!"

"I can make you forget him... just give me a chance, please!" Marcus said slowly. Natuod ako sa puwesto nang naramdaman ko ang mga kamay niya sa magkabilang braso ko. I saw him move closer to me.

"STOP! Marcus! No!" I shouted as I realized that he's trying to kiss me.

I felt Andrew's strong arms grabbing me. He pushed Marcus away and punched him again on the face. Marcus licked his lower lip. He grinned as he wiped the fresh blood on his lips.

"LEAVE, MARCUS!" Andrew shouted furiously.

Nanginginig ang mga kamay ko at kahit gusto kong pigilan si Andrew, walang lumalabas na boses sa akin.

"You think you can make her happy?! You will hurt her eventually!" nakangising singhal ni Marcus kay Andrew.

"Marcus, please... just go!" My voice broke. Tuluyan nang bumagsak ang mga luha ko.

Lumapit sa akin si Andrew at niyakap ako. Itinago ko ang ulo ko sa dibdib niya. Naririnig ko ang malakas na kabog ng puso niya at ang mabilis niyang paghinga, parang sasabog na siya.

"Lia... I'm sorry," mahinang usal ni Marcus habang papalapit sa akin. I don't want to look at him.

"DON'T YOU DARE TOUCH HER!" Andrew's voice thundered.

"IF YOU EVER LAY YOUR FILTHY HANDS ON MY WIFE AGAIN, I SWEAR... I'LL KILL YOU!"

Nagpupuyos sa galit ang boses ng asawa ko. Kumalas siya sa yakap namin at mabilis na itinulak palabas ng condo si Marcus.

Kahit nasa labas na ng pinto, naririnig ko pa rin si Marcus. 'I'm sorry, sorry Lia' 'yan ang paulit-ulit niyang sinasabi. 

Hinawakan ni Andrew ang pisngi ko. Bahagya siyang yumuko para matitigan ang mga mata ko.

"Are you okay, Aliyah?" Kitang-kita ko ang pag-aalala sa mga mata niya. His worries and guilt and pain... lahat 'yon ay nakasalamin sa mga nanunubig niyang mga mata. Hindi ko masagot ang tanong niya.

"N-Nagsinungaling ka na naman ba sa akin?" I asked him, staring at him with tears streaming down my face—praying that he will say 'No'.

"Yes... " Mahina niyang sagot.

I hope this is just a dream—a bad dream. Gustong-gusto ko nang magising.

***

MsLynLuna ☽

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top