Chapter 8.1 - Dream
"Good morning."
I heard Andrew's bedroom voice, as if his lips were close to my ears. Am I dreaming? Nakapikit pa rin ako, ayaw ko pang dumilat at gusto ko pang patagalin ang panaginip na 'to.
Nananaginip nga ba talaga ako? Bakit parang ramdam ko ang init ng hininga niya? 'Di ba magkatalikuran kaming natulog kagabi... or am I wrong?
FUDGE!
Agad akong napadilat sa naisip. Namilog ang mga mata ko sa itsura naming dalawa. Nakapikit pa ang mga mata niya pero unti-unting gumuguhit ang ngiti sa labi niya. I'm pretty sure he's awake.
Nakayakap ako sa kaniya, my sleepy head resting on his broad chest and his strong arms wrapped around me. Nakapatong ang kamay ko sa may beywang niya, while my left leg hugged his right leg. Paano'ng nauwi sa ganito ang holding hands lang namin kagabi?
Mabilis akong kumalas sa pagkakayakap namin sa isa't-isa. Agad akong tumalikod sa kaniya at umupo sa gilid ng kama. Ang bilis ng tibok ng puso ko at ang init ng mga pisngi ko. Napapikit ako at napahawak sa sentido ko. Pilit kong inaalala ang lahat ng nangyari kagabi.
Natulog lang kami... I'm sure of that! Pero paano nangyaring yakap ko na siya paggising ko? Nasaan na ang dalawang unan na nasa pagitan namin?
Mas lalo akong kinabahan nang maramdaman ko ang paggalaw ni Andrew, hudyat na totoong gising na siya.
"I'm sorry. Hindi ko alam na n-niyakap pala k-kita," nauutal kong paliwanag sa kaniya habang nakatalikod pa rin.
Narinig ko ang pagtikhim niya. "It's fine... I thought you were just cold last night kaya in-adjust ko 'yong aircon, pero sumiksik ka pa rin sa akin."
Kahit hindi ako nakatingin kay Andrew, halatang-halata sa boses niya na nakangiti siya habang sinasabi ang mga 'yon. Napakagat ako sa labi ko at napayuko na lang. Nakakahiya!
At ako pa raw talaga ang sumiksik? I would never do that! Pero bakit naman magsisinungaling si Andrew about that?
It's just a cuddle, Lia! No big deal. Huminga ako nang malalim. Hinawakan ko ang dibdib ko, pilit kong ikinalma ang puso ko.
I just cuddled with my husband. Walang masama ro'n.
Tumayo ako at humarap kay Andrew. Hindi dapat ako magpahalatang affected... it's just a cuddle. I stared at him, and I saw how his deep brown eyes were smiling. Parang ang saya-saya niya pa sa nagawa ko.
"Ah... let's shower na para makapag-breakfast na tayo," I absentmindedly said. Naningkit ang mga mata niya at doon ko na-realize na may mali sa sinabi ko.
"You... you want us to shower together?" He mischievously smirked.
"N-No! That's not what I meant!" I protested panicky. "Una na 'ko, I'll shower first!" At agad akong tumakbo papasok ng banyo, nagmamadaling makaalis agad sa paningin niya.
I turned on the shower. Bathing myself with the cold water and the embarrassment. Well, that was awkward... our first time sleeping in one bed at ako pa talaga ang unang yumakap.
Shocks, Lia! So much for not letting him know your feelings.
***
Habang kumakain kami ng breakfast ni Andrew sa restaurant ng hotel ay hindi ko maiwasang mapansin ang mga patagong sulyap sa kaniya ng ibang babaeng guests. Gano'n ba talaga siya kaguwapo at napapa-second look sila? Akala siguro nila artista si Andrew. And I bet, no'ng sila pa ni Bianca hindi ganito. Bianca is elegant. For sure, pareho silang pagtitinginan ng mga tao. I look so normal when I'm with him... and I hate it.
"Why are you sulking?" Nabalik ako sa realidad nang marinig ang tanong ni Andrew. Marahil ay napanin niyang halos wala pang bawas ang pagkain ko.
"Ha? N-No, I'm not! " Tumuwid ako ng pagkakaupo. I inhaled my coffee's aroma and took one ip from it. Pagkatapos ay yumuko ako at tinitigan ang puno ko pang plato.
"Yes, you are. Nakasimangot ka," he said and then he slouched a bit, trying to look for my face. "Are you still worried about your dad or... is it because we cuddled last night... and you're bothered?" walang kamali-malisya niyang tanong.
"It's not about that... iniisip ko lang si Daddy," I hesitated.
Ayoko naman sabihin sa kaniya na naiinis ako dahil maraming nakakapansin sa kaniya and I feel so ugly sitting across him.
"He'll be fine, makaka-recover ang daddy mo, and they'll catch that gunman," he said with his warm, comforting voice. Tipid na lang akong ngumiti sa kaniya.
Ilang beses kong hinati ang pancake pero hindi pa rin ako makalunok. Wala talaga akong gana.
"You should eat... gusto mo ba'ng subuan kita?" he teased.
What the fudge? Is he flirting with me.
"Marunong ako kumain mag-isa, Andrew!" I snapped at him. He just chuckled softly.
I answered a few calls while eating breakfast, which I don't normally do, pero kailangan. Tumawag si Steph para kamustahin si Daddy at para i-update na rin ako tungkol sa Café Amor. Marcus called, pero hindi ko 'yon sinagot. Tito Rod called as well and I answered him. He owns 15% of AHG anyway, so he has the right to know any update tungkol kay Daddy.
"Yes, Tito Rod?" Andrew immediately looked at me intently as I spoke with Tito Rod.
Nag-aalala si Tito Rod sa lagay ni Daddy, they were college best friends back then bago pa man sila naging business partners. Kaya naman alam kong mas worried siya sa kaibigan niya kaysa sa lagay ng kompanya.
After ng birthday ko, ngayon ko na lang ulit siya nakausap. Galit ako sa kanila ni Daddy dahil sa ginawa nilang set-up noon... but after knowing everything yesterday, parang unti-unting lumambot ang puso ko. I was ready to forgive him. I guess, soon, mapapatawad ko na rin si Marcus.
"He's still unconscious, Tito, but the doctor said they'll move him out of ICU this afternoon," I politely told Tito Rod.
"Thank, God, he's better now! Masamang damo 'yang daddy mo, and I know na hindi agad 'yon bibigay," he laughed. I chuckled uncomfortably.
After that phone call, I tried to eat as much as I could. Patapos na kami mag-breakfast ni Andrew nang makatanggap ako ng message galing kay Frances. Gising na raw si Daddy at hinahanap ako.
Inubos ko na ang maligamgam kong kape. I felt my heart lighten a bit because of the good news. At last, makakabawi na ako kay Dad. I can still apologize, and thank him.
Nagmamadali kaming tumayo ni Andrew para pumunta na sa opsital, pero bigla kaming natigilan nang lumapit sa table namin ang isang batang babae.
Her eyes were full of curiosity. Maiksi ang kulot niyang buhok. I smiled at her, and she gave me her big radiant smile.
"Hi! I like your hair!" Magiliw na bati ng bata sa akin.
"Thank you, I like yours too!" nakangiti kong balik sa kaniya.
"Uhm... are you a mermaid?" she asked shyly.
"Yes, she is... but let's keep it a secret, okay?" Nagulat ako sa sagot ni Andrew sa bata. His deep brown eyes glistened.
"Haha, I'm right! Don't worry, your secret is safe with me!" the little girl exclaimed, she seems satified with Andrew's answer. Nagtatalon pa siya sa saya bago tumakbo pabalik sa mga magulang niya.
"Mermaid huh?" I smiled at Andrew.
"What? Would you ruin her imagination, Aliyah? Besides... you're beautiful, puwedeng-puwede ka talagang maging mermaid." He smiled at me causing my heart to skip a beat.
Ngayon ko lang yata narinig ang compliment na 'yon galing sa asawa ko. Kanina lang, I felt so insecure... tapos ngayon, halos matunaw ako sa sinabi niya.
"A-Aren't they bad? 'Di ba inaakit nila 'yong mga sailors tapos they'll devour them," mabagal kong bulong ko sa kaniya.
"Oh! You can devour me, baby." He grinned while staring at me. His response taken me aback, causing my mouth to gape.
"Andrew!" Saway ko sa kaniya nang marinig ko ang nahihiyang tawanan galing sa kabilang table. I'm sure they heard what my husband said.
"I'm sorry, can't help it Aliyah. I'm just happy."
Nawala lang yata ang ngiti sa mga labi ni Andrew nang makarating na kami sa ospital. He's in a good mood since this morning, ayon ba ang nagagawa ng cuddling?
Should we do that often then? Shocks, Lia! This is not the time for that.
***
By the time we arrived at the hospital, nailipat na sa private room si Daddy. Wala na sa ICU at wala na sa bingit ng kamatayan. I slowly open the hospital door as I took one deep breath to calm my pounding chest.
"Tanya!" Daddy exclaimed with his arms wide open waiting for my hug.
I rushed to him. I sat on the edge of his bed and hugged him, as tight as I could. Probably, to make up for the lost months.
"I'm so sorry, Dad... sorry for everything." Lumuluha at paulit-ulit kong binubulong sa kaniya. Kahit ano'ng pigil ko sa mga luha ko, kusa pa rin silang nahulog mula sa mga ko.
"Stop crying, anak. I'm happy that you're okay... " He gulped. "I'm happy that we're okay." His voice is shaking, halatang nagpipigil din ng mga luha.
We parted from our tight hug and then Daddy immediately wiped my tears. The last time he did this was at Mommy's funeral. The last time I felt that he cared for me like this was that gloomy day.
"I should be the one apologizing, Tanya. Hindi ko dapat ginawa 'yon. Hindi dapat namin ginawa ni Rod 'yon." Nangingilid ang mga luha habang nakatitig sa akin.
Tipid akong ngumiti ako sa kaniya. "It's okay, Dad. I am happy where I am now, kaya kalimutan na natin 'yon."
Am I? Am I really happy?
For the first time, kapag naiisip ko ang gabing 'yon... ang surprise engagement party and everything that happened after that, hindi galit ang nararamdaman ko.
I am happy. Genuinely happy.
Kung hindi nangyari ang lahat ng 'yon, hindi ko magiging asawa si Andrew, and I will never experience this kind of... love. And so, I am thankful for that night. I am slowly living my dream. Makulong lang ang gumawa nito kay Daddy at maging stable lang ang Café Amor, then everything will be fine. I can finally tell Andrew what I'm feeling towards him.
Nilingon ni Daddy si Andrew na nakatayo malapit sa pinto para bang nahihiyang lumapit sa amin. But when Dad gave him a quick glance, he immediately came forward. Tumayo ako at lumapit sa tabi ng asawa ko. Marahan naman niyang inilagay ang kamay niya sa baywang ko dahilan para mapalunok ako. Hindi pa rin ako sanay sa mga ganitong gestures niya, lalo pa't may ibang tao.
"Thank you, son... for keeping my Tanya safe," Daddy said directly to Andrew.
Son? So hindi na talaga galit si Daddy sa asawa ko? Okay na pala talaga sila?
"No problem, Dad. You know that I'll do everything to keep her safe... "
Dad? Wow! Ganito na sila ka-close?
Napasulyap ako kay Andrew na agad ding sinalubong ang mga mata ko. I felt my breath hitched because he's staring at me like it's just the two of us in the room.
Daddy cleared his throat loudly. Mabilis akong umiwas ng tingin kay Andrew. Agad ding inilipat ni Andrew sa balikat ko ang mga kamay niya.
"I'm hiring two bodyguards for you, Tanya. For your safety," seryosong saad ni Daddy.
"Dad... you don't have to do that. I can take care of—"
"No, baby... Your father is right. It's for your safety," pagpuputol ni Andrew sa sasabihin ko.
I blushed upon hearing how he called me in front of my father. But the look on my father's face washed that away. Kitang-kita ko ang mga linya sa noo ni Daddy. Bakas ko sa mukha niya ang labis na pag-aalala.
Why are they talking about my safety when it was my Dad who was shot in the stomach? Am I in danger too?
Pilit kong tinabunan ang mga gumugulo sa isip ko. Masaya dapat ako ngayon lalo pa't nakikita kong nagkakasundo si Daddy at si Andrew... the two important men in my life.
My father was grinning ear to ear when I told him that I accepted the temporary CEO role. It will only be until mid-October, just two and a half months, and then he assured me that he'll be back in the office. Hihintayin niya lang daw ang clearance ng doctor niya kung kailan siya puwedeng bumalik ng Manila para doon na lang magpagaling.
"Are you sure kaya mo na by that time, Dad? I can extend until November. Steph can manage the café while I'm gone," I offered. I don't want him to force himself para lang makabalik agad sa AHG.
"Yes, Tanya, wala ka bang tiwala sa akin?" He chuckled.
"Okay, I'll do my best habang wala ka, Dad."
Hindi ko mapigilang hindi kabahan kapag naiisip ko na ako ang mag ha-handle ng AHG in those months. Kaya ko ba talaga? I brushed that thought out of my mind. Ipinangako ko sa sarili ko na hinding-hindi ko sasayangin ang pagkakataong ito—babawi ako kay Daddy.
Natapos ang usapan namin sa mga security protocols na gustong ipadagdag ni Dad. Everyday ako ihahatid-sundo ng security niya sa office. Hangga't hindi pa raw nahuhuli ang gumawa nito sa kaniya, hindi kami puwedeng makampante.
"I'll be fine, Dad. Basta mag-focus ka lang sa recovery mo." I held my father's hand tightly as if giving him assurance that I will take care of AHG, and I will make him proud.
Muli ko siyang niyakap bago kami nagpaalam ni Andrew sa kaniya. We still need to catch our flight back to Manila.
"Tanya, before you go, can I talk to your husband... alone?"
Nagulat ako sa request ni Dad. I felt something strange. Nagtambol ang puso ko. Are they keeping something from me? Bakit kailangan si Andrew lang ang kausapin niya? O baka nag o-overthink lang ako at gusto niya lang talagang masinsinang kausapin ang asawa ko?
"Of course, D-Dad!" I smiled at him. Mabilis kong sinulyupan si Andrew bago tuluyang lumabas.
***
Almost 9:00 PM na kami nakabalik ng Manila ni Andrew. Friday night na naman at parang hindi ko na yata kayang matulog pa sa loob ng kuwarto niya after everything that happened. Ang dami nang nagbago simula noong huli akong natulog sa kama niya. I saw him naked. He confessed to me—twice. We already slept in one bed, and we cuddled... so, paano ko ikakalma ang puso ko?
"Aliyah, I need to go outside. May kailangan lang akong kunin sa office," paalam niya sa akin as I unpack my luggage on my room.
"Late na, ah? Can't that wait until tomorrow? You need to rest." Nakita kong ginulo niya nang kaunti ang buhok niya bago sinulyapan ang relo niya. I know that look, he's definitely not telling the truth.
"No, I need to review that material tonight para sa first meeting ko tomorrow."
"Okay, i-ingat ka," nag-aalangan kong sagot sa kaniya.
I ignored the uneasy feeling inside me. Alam kong nagsisinungaling siya, pero bakit? Related kaya 'yon sa pinag-usapan nila ni Dad? I curled up on his bed. Sinubukan kong matulog. Maaga pa ako susunduin ng security ni Dad bukas at kailangan ko rin munang dumaan sa Café bago dumiretso sa office. I badly needed to sleep, but I can't. Halos magpagulong-gulong na ako sa kama, pero wala talaga! Hindi ako dinadapuan ng antok.
And so, I decided to listen to my instinct.
***
"Manong, galing po ba si Architect Romulo rito?" tanong ko sa nightshift guard sa building na inuupahan ng firm nila Andrew at Leo.
"Si Architect po? Nasa taas po ma'am. Bakit po? Iparadyo ko po ba?" nakangiting tanong ng guwardiya.
"Ay, hindi na po. Thank you!"
Nakahinga ako nang maluwag, he's not lying. Mali ang kutob ko. Inilabas ko ang phone ko para mag-book na ng Grab pabalik sa condo, pero bigla akong natigilan nang marinig ko ang boses ni Andrew.
"Aliyah? What are you doing here?"
Narinig ko ang yabag ng mga paa niya sa likod ko. Hindi ko magawang humarap sa kaniya. Hindi ko alam kung ano'ng sasabihin ko. I closed my eyes to think for an alibi, but I failed.
"Aliyah..."
Napamulat ako at napaawang ang mga labi nang makita ko si Andrew na nakatayo na sa harapan ko.
Patay. Wala na akong choice but to tell him the truth, kahit pa alam kong magagalit siya.
I took a deep breath then I spoke. "I'm sorry, Andrew... I-I thought you were lying kaya sinundan kita. I'm sorry," nakayuko kong paliwanag sa kaniya.
Akala ko magagalit siya o ma-o-offend, pero hindi 'yon ang nangyari. Niyakap niya ako at maingat niyang idinampi ang mga labi niya sa buhok ko.
"Don't do that again. Don't ever leave the condo without me—delikado, Aliyah."
I can feel his warm breath on the top of my head. Hindi siya nagalit? Hindi siya nagalit kahit pinag-isipan kong nagsisinungaling siya?
"Let's go home, Aliyah," he whispered.
I stared at his deep brown eyes and I smiled at him. Right, Andrew. This feels like home.
"I'm sorry again, Andrew. Akala ko kasi nagsisinungaling ka na—" My mouth was interrupted by his lips.
Hindi ko na naituloy pa ang sasabihin dahil magkalapat na ang mga labi namin. My eyes widened a bit before I closed them to savor his kiss. His hands were on my waist and he pulled me closer. I can't help but kiss him back . Akala ko hindi na matatapos ang halik na 'yon. I don't want it to stop, pero siya ang unang bumawi.
Why did he stop?
"Sorry, Andrew, am I a bad kisser?" nahihiya kong tanong habang mabagal akong humahakbang papalayo sa kaniya.
"What?!" He chuckled. Marahan niyang ginulo ang mahaba niyang buhok.
"No, baby. It was good... so good that I felt bad that we're here outside," he said, smiling.
I blushed. Bumilis ang tibok ng puso ko.
"W-What do you mean?"
"N-Nothing... let's just go home."
"O-Okay, I'm sorry again."
"Aliyah, isa pang sorry mo, hahalikan ulit kita." His deep brown eyes widened. His face looks so annoying and handsome at the same time.
"O-Okay, I won't say sorry again," I absentmindedly said.
"Oh, what the fuck!" malutong na mura niya bago niya ako muling halikan.
Nararamdaman ko ang mabilis na tibok ng puso niya nang bumaba ang mga palad ko mula sa batok niya papunta sa dibdib niya. I can hear the sound of our lips as we kiss each other. I can feel his hands on my waist as he continued to pull me closer. Mariin akong pumikit, if this is a dream... I don't really want to wake up. I don't want to stop. But we did. Parehas kaming napahinto nang marinig namin ang sipol ng nightshift guard.
***
MsLynLuna ☽
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top