Chapter 6 - Photo

Ala-una na ng hapon nang magising ako sa tawag ni Steph. Hindi ko akalaing makakatulog ako pagkatapos ng lahat ng nangyari sa Batangas—pagkatapos ng lahat ng mga nalaman ko.

"Hello, Li! Kumusta date niyo ni Andrew kagabi?" masayang bungad sa akin ni Steph.

"Ah... okay lang."

"Ano'ng okay lang?"

"Wala. May pinuntahan lang kami, tapos..." Napatigil ako sa pagsasalita. Tapos... tapos hinalikan niya ako. Sa dami ng nangyari, 'yon pa talaga ang una mong naisip, Lia?!

 "Tapos ano, Li?"

"Tapos, nagconfess siya... he said he loves me."

Tumahimik saglit si Steph at saka malakas na humiyaw. Nailayo ko naman agad ang cellphone sa tainga ko pero rinig na rinig ko pa rin ang tili niya.

"Wahhh! Tang in—"

"Stephanie!"

"Shit! Li, kinikilig ako!" Narinig ko ang paghagikgik niya. "Sabi ko na nga ba, the feeling is mutual! Mukhang magkaka-inaanak na ako next year ah!" masaya niya pang sigaw.

"Baliw! It's not like that, Steph... sinabi niya 'yon after ko malaman na he almost got engaged to Bianca... Mercado." My voice was too soft. I sounded so jealous. Maybe I was.

"Bianca Mercado? 'Yong artistang maputi na maganda? Ex 'yon ni Andrew?!" Halos hindi makapaniwalang tanong niya mula sa kabilang linya.

"Oo, Steph... ex niya."

I was silent. Bumalik na naman sa alaala ko ang lahat ng mga tanong at pagdududa. Alin kaya sa mga binitawang salita ni Andrew ang totoo? Na wala na siyang feelings kay Bianca... na mahal niya ako... or Tito Rod is just his client?

Napahawak ako sa sentido ko. Bakit parang walang totoo sa mga 'yon?

Kung mahal niya ako, hindi ba dapat hindi siya magsisinungaling sa akin?
Lying about Tito Rod means he doesn't trust me... then he doesn't really love me.

"Hello, Li? Are you still there? Li?"

"Ah, yes Steph! Pupunta ako riyan sa café. Diyan na lang tayo mag-usap," nagmamadali kong sagot bago patayin ang tawag.

***

Friday at medyo maraming tao ngayon sa Café Amor, pero hindi kagaya ng ibang Biyernes; hindi puno ang café ngayon. Sinalubong agad ako ni Steph. Tinatanong kung okay lang ba ako at kung ano ang buong nangyari sa Batangas. Kinuwento ko naman lahat sa kaniya, maliban sa... kiss.

"Gusto mo tanungin ko 'yang si Andrew? Once and for all... para matapos na, Li, hindi 'yong ganyan!" Nakataas ang mga kilay niya, halatang iritado sa mga ikinuwento ko sa kaniya.

"No, Steph. Hayaan na lang natin. Siguro, balik na lang sa rati... roommates until next year," I said while faking a smile.

"Gusto ko na lang din munang mag-focus dito sa café, Steph. Dapat magka-profit man lang tayo before mag-anniversary."

"Sige, kung 'yan ang makakapagbigay sa 'yo ng peace of mind, support kita riyan, Li," she said as she lightly squeeze my shoulder.

Tama, Lia, just keep your mind out of it. Lilipas din ang lahat. Mawawala rin ang feelings mo sa asawa mo.

Ayon ang ginawa ko, nag-focus na lang ako sa paggawa ng one hundred pieces ng brownies na order ni Mr. T. Maya-maya pa'y pumasok sa kitchen si Gail at Jasper. Halata sa mga mukha nila na may problemang sasabihin. Parehong nakabusangot.

"Ma'am Lia, lagpas two hours na pong walang bagong customer... parang hindi po Friday," malungkot na balita ni Jasper.

Napabuntong-hininga ako sa sinabi niya. Paano kami maghihiwalay ni Andrew nito next year kung magtutuloy-tuloy ang pagkalugi ng Café Amor? Kahit pera for annulment hindi ako makapag-ipon. I promised I'll give his freedom back.

"Ma'am, baka need po natin ng paandar? Uso po kasi ngayon 'yong mga instragrammable na café," Gail suggested eagerly.

"Maganda naman po 'yong café, kaso po sa IG and FB page po natin puro interior lang 'yong nakapost. Wala pong pictures ng mga tao... ng mga customer na nag-eenjoy dito sa café," dagdag pa niya.

"Oo nga 'no? Ang boring ng IG feed natin," sabat ni Steph habang nag i-scroll sa cellphone.

"Ah, e 'di mag-upload tayo ng pictures ng mga customers," sagot ko sa kanila.

"E, ano pong pi-picturan natin, wala nga pong customers," pamimilosopo ni Jasper na may kasama pang pagkibit ng mga balikat.

"Mag photoshoot kaya tayo rito, Ma'am!" Gail suggested out of nowhere. Her black rounded eyes widened. Punong-puno ng excitement ang boses niya na para bang nailatag niya na sa utak niya ang plano niyang photoshoot.

"Since wala naman po tayong budget para sa influencers or models, kayo na lang po ni Sir Andrew 'yong models!" she added with a grin on her small face.

"What?! No! Ayoko!" Napatayo ako sa kinauupan ko. Muntik ko pa masagi ang mga brownies na pinapalamig ko.

"Dali na, Ma'am Lia, para naman kayong 'others' niyan! Mag-asawa naman kayo ni Sir, e!" natatawang komento ni Jasper.

"Actually, Li, magandang idea 'yon! Tapos 'yong concept parang 'Lovers in Café' sakto pa sa name ng Café natin—Amor... love... pag-ibig... pagmamahal..."

"OO NA! Tama na, Steph! Hindi mo kailangang isa-isahin ang translation ng Amor!" naiinis kong sagot.

I took a deep breath. Kami ni Andrew? Lovers? Kung hindi lang talaga para sa café, hindi ko papatulan ang mga pinagsasabi ng tatlong 'to.

"Okay, sige, payag ako." Parehong napangiti si Jasper at Gail, nag-apir pa ang dalawa.

"Papayag ako kung mapapayag niyo si Andrew," paghahamon ko sa kanila.

Nagtakip ng bibig si Gail na parang nagpipigil ng tawa. Jasper cleared his throat.

"A-Actually, Ma'am Lia... tapos na po. Natawagan na po namin ni Gail si Sir Andrew kanina bago po namin kayo kausapin. Okay daw po sa kaniya."

"WHAT THE FUDGE?!" hindi ko napigilang sigaw.

Kumaripas palabas ng kitchen door si Jasper at Gail na tila naghahagikgikan at nagtutulakan pa. Tawang-tawa naman si Steph sa nangyari. I glared at her causing her to stop laughing. Marahan siyang naglakad palabas ng kusina.

"Just so you know, hindi ako kasama sa brainstorming nila. Pero ako nagbigay ng number ni Andrew!" pahabol niyang asar bago isara ang pinto.

***

Ni-lock ko na ang pinto ng kuwarto ko bago maghapunan. Friday night kaya wala akong choice kundi ang matulog sa kuwarto ni Andrew. Bukas, maagang darating si Minda para mag general cleaning dito sa condo. Kahit na naiilang ako kay Andrew, kailangan pa rin namin magpanggap. Kailangan pa rin namin magsama sa kuwarto niya na parang tunay kaming mag-asawa.

"Bukas dadaan ako sa café, I'll pick up Mr. T's order," mahinang sabi ni Andrew habang kumakain kami ng dinner.

It was the first thing he said after everything... after lying.

"Okay, natapos ko naman kanina 'yong order niya," I answered softly without looking at him.

"Kailan pala 'yong... photoshoot?" he asked. I can feel that he's looking at me, but I just ignored it. Patuloy pa rin ako sa pagkain. Hindi ko pa rin siya magawang tignan. Not even a quick glance.

"Sa Wednesday, after mag-close ng café."

"I see," he said with his manly voice.

Biglang tumunog ang cellphone niya kaya saglit akong napaangat ng tingin sa kaniya. Nakita kong mabilis niyang sinulyapan 'yon. I saw how his pupils widened, he is either nervous or scared.

"Sorry, I have to take this, Aliyah."

Narinig ko siya pero hindi ko siya tinignan. Tumango lang ako.

Tanaw ko siya sa balcony mula rito sa dinner table. I caught a glimpse of his deep brown eyes, brimming with anger. Sino kaya 'yong kausap niya? Si Bianca? Si Tito Rod? Si Daddy? No, he won't talk to Dad. Alam kong hindi sila okay ni Daddy, to the point na nawala sa kaniya ang contract ng Amore dahil sa pagpapakasal namin. Iba ang pakiramdam ko sa tawag na 'yon. Siguro, panibago na namang sekreto ni Andrew. 

I'm so bad at lip reading and the only words that I made sense were 'leave her' na puwede ring 'liver' pero bakit naman nila pag-uusapan ang atay 'di ba? So, it's leave her. Tumalikod si Andrew nang mapansin niyang pinapanood ko siya.

Leave her? Leave me? Is he about to leave me?

***

Pumasok na ako sa kuwarto ni Andrew pagkatapos kong maghugas ng mga plato. Kahit na napapaisip ako sa kung sino ang tumawag sa kaniya, I decided to just don't ask him about it. Ayoko nang makialam pa sa private life niya.

Andrew stayed on the living room. He was still busy working on his desk kaya hindi na rin ako nag-paalam. Never din naman kaming nag-goodnight sa isa't-isa. Palagi rin siyang gano'n kapag Friday, nagpupuyat sa paghahabol ng mga trabaho. Umaga na halos siya pumapasok sa kuwarto niya para matulog sa maliit na sofa.

"Hay... buti naman at wala na ang kalendaryo rito." Para akong nabunutan ng tinik nang makita kong malinis ang ibabaw ng bedside table ni Andrew.

I never dared to open its drawer. Ayoko nang makialam pa ng mga gamit niya at baka kung ano na naman ang makita ko.

Pinilit kong matulog kahit pa maraming gumugulo sa isip ko at sa puso ko. I held my chest. "Kalma ka lang—this will be over soon," I whispered.

Nagising ako sa tunog ng vacuum sa labas. Naglilinis na siguro si Minda. Umupo ako at nagkusot-kusot ng mga mata. Pagkatapos, sinuklay ko ng aking kamay ang mahaba kong buhok. Wala si Andrew sa sofa, baka nasa labas na at kausap si Minda. Liningon ko ang salamin sa left side ng kama para tignan kung maayos na ang aking buhok. Napatili ako nang iba ang makita ko roon.

I saw Andrew. I saw my husband half naked! 

Nakatayo siya sa harap ng closet niya na nasa gawing kanan naman ng kama. Mukhang narinig ni Minda ang tili ko dahil huminto ang tunog ng vacuum. Lumapit sa akin si Andrew... still half naked. Walang ibang nakatakip sa katawan kundi ang puting towel hanggang sa tuhod niya na parang kapag mahipan ng kaunting hangin ay matatanggal na. Kitang-kita ko ang ilang patak ng tubig sa abs niya. Hindi ko na nagawang bilangin kung ilang pack ang abs niya... six? eight? Hindi ko na maalala dahil pumikit agad ako.

"Aliyah, okay ka lang? Why did you scream?" He asked as if he genuinely had no idea why I screamed.

"W-Why are you n-naked?! Bakit dito ka nagbihihis?"

Idinilat ko ang mga mata ko pero tumingin lang ako sa gilid ko. Hindi ko siya kayang tingnan.

"A-Ah, naiwan ko kasi 'yong susuotin ko rito. And I thought you're still sleeping," he calmly answered.

"O-Okay, just g-get dressed. Please," nauutal kong balik sa kaniya.

Agad siyang lumayo sa akin at muling naglakad papunta sa closet niya. Nagmamadali rin akong tumayo, natatakot na baka kung ano pa ang makita ko. Sa sobrang pagmamadali ko, hindi ko napansin ang basa sa sahig na mukhang galing sa mahabang buhok ni Andrew. Nawalan ako ng balanse.

"Ahhh!" Napapikit na lang ako at inabangan ang sakit ng pagtama ng katawan ko sa sahig, pero hindi ko 'yon naramdaman.

THUD!

I fell on something hard and warm.

"Fudge!"

Nagulat na lang ako nang makita kong nakadapa ako sa katawan ni Andrew. But this time he was not half naked anymore at kagaya ng kinatatakutan ko kanina, the white towel was gone! HE IS NAKED AND I'M ON TOP OF HIM!

Pareho kaming nagulat at parehong nanlaki ang mga mata namin. Hindi ko alam kung paano ako mag-re-react but I felt something weird. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko, naramdaman kong namumula ang pisngi ko at gano'n din si Andrew, pero mas pulang-pula ang pisngi niya. Sa kagustuhan kong mawala ang weird feeling na 'yon at mapalitan ng kahit ano'ng pakiramdam, sinuntok ko ang braso ni Andrew nang ubod ng lakas.

"Ugh!" He grunted.

"My gosh, Andrew!" sigaw ko sa kaniya habang papatayo, trying to be mad.

Narinig ko si Minda sa labas. "Dios Mio! Ka aga-aga pa! 'Pag mga batang mag-asawa talaga!"

"Shocks! Narinig mo 'yon? Now Minda thinks we're—"

"Hayaan mo siya, Aliyah," mahinahon niyang tugon habang muling tinatakpan ng towel ang katawan niya. Mabilis siyang nagbihis at agad pinunasan ng basahan ang basa sa sahig.

He looked like he's in pain. Masama siguro ang pagkabagsak niya at imbes na mag-thank you ako, suntok pa ang ibinigay ko sa kaniya. I felt so guilty. Pagdating talaga sa kaniya, parang hindi gumagana ang utak ko. I always act without thinking things clearly.

"I'm... I'm so sorry. Nabigla lang ako kaya nasuntok kita," malumanay kong sabi sa kaniya.

"It's okay, I understand. Nagulat ka lang. Nasaktan ka ba kanina?"

Siya 'yong bumagsak sa sahig, pero ako 'yong tinatanong niya kung okay lang? Seriously? Bakit ba ganiyan ka sa akin, Andrew?

"I'm fine... ikaw? May masakit ba sa 'yo, you want cold compress?" I asked him gently.

"I'm okay, Aliyah, hindi ka naman mabigat, e, kaya hindi rin masyadong masakit 'yong impact," marahan niyang ginulo ang buhok niya.

"W-Wala rin akong nakitang anything... I was just looking at your face," I said defensively but he laughed.

"You're worried about THAT?" nakangising tanong niya sa akin. Tumango lang ako, nahihiya at pinipilit alisin ang pamumula ng mga pisngi ko.

"It's okay. It's no big deal kung anuman ang nakita mo, Aliyah."

No big deal. Tama siya. But it was... big. Napalunok ako.

"Ah, lalabas na ako!" I absentmindedly said. Kumaripas ako ng takbo palabas ng kuwarto.

***

I clutched my chest as I leaned on the door behind me. Hindi pa ako nagkakape pero nagpapalpitate na yata ako sa lakas ng kabog ng dibdib ko.

Dali-dali akong pumunta sa kusina para uminom ng tubig.

"Good morning, Ma'am Lia!" Napatingin ako kay Minda na may kakaibang ngiti sa labi.

Hindi pala-ngiti ang lagpas 50 years old ng si Minda. Madalas ay seryoso lang siyang naglilinis ng buong condo maliban sa dalawang bedroom. Sinabi namin sa kaniya na kami na ang maglilinis ng mga iyon. Ang alam niya, bakante ang kuwartong tinutulugan ko, na extrang room lang iyon para sa bubuoin naming pamilya ni Andrew.

"Good morning po," bati ko sa kaniya.

"Ma'am Lia, sabihan niyo lang ako kapag lilinisan ko na 'yong kabilang kwarto para sa baby niyo ni Sir," humagikgik siya at sabay sinulyapan ang tiyan ko.

Hindi ko napansin na lumabas na pala ng kuwarto si Andrew. Narinig niya siguro ang sinabi ni Minda.

"Wala pang laman 'yan, Minda. Si Aliyah muna ang baby ko." Hindi ako kaagad naka-react sa sinabi niya. Baby? Ako?! Napansin ko na lang na marahan siyang lumapit sa kinatatayuan ko.

"Good morning again, baby!" sabay halik sa buhok ko.

"M-Morning," I said slowly, habang ramdam na ramdam ko na naman ang pag-init ng pisngi ko.

Kailangan ba talagang ganito kami ka-sweet kapag nandito si Minda? May mga mag-asawa namang parang roommates lang talaga 'di ba?

Kahit ilang buwan na kaming ganito kapag nandito si Minda, iba ang pakiramdam ko ngayon. Parang hindi na kami nagpapanggap, parang hindi na kami umaarte lang, parang totoo na kami.

***

We decided to close the café early para na rin hindi kami masyadong gabihin sa photoshoot. Kinakabahan ako kahit na kami-kami lang naman ang tao sa Café. Si Steph at Jasper daw ang magtuturo sa amin ni Andrew ng mga poses na gagawin. Si Gail naman ang photographer.

Nakabihis at naka-ayos na ako nang dumating si Andrew galing sa firm. I was wearing a simple yellow summer dress na may pattern ng maliliit na bulaklak at si Andrew naman ay naka light blue shirt paired with khakis.

"Wow! I like it! Summer in July!" Steph exclaimed. Napapalakpak pa siya nang makita kaming dalawa ni Andrew.

"Let's start, para matapos tayo agad," I said nervously.

Ang unang layout ay iyong nakaupo kami sa pandalawahang table ng café. Nakalatag na rin ang props sa lamesa at na-setup na rin ni Gail ang camera ni Steph.

"Okay Li, kunwari nagbabasa ka ng book tapos si Andrew nakatingin sa'yo. Pero ikaw, focus ka lang sa libro, hindi mo siya titingnan."

Okay. Madali lang 'yon. As long as hindi ko siya titingnan wala akong mararamdaman, mairaraos ko ang photoshoot na ito nang hindi nag-pa-palpitate.

"Okay, I can do that," Andrew responded.

"Okay po, Sir Andrew. Game! Tingin ka po kay Ma'am Lia," si Jasper na nagbibigay ng instructions kay Andrew. Mukhang kina-career naman ng asawa ko ang photoshoot.

"Lagkitan mo pa 'yong tingin mo kay Ma'am Lia, Sir Andrew!" Tukso naman ni Gail.

Naramdaman kong nakapako sa akin ang mga mata ni Andrew. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. 'Kalma lang, please', 'yan ang paulit-ulit kong sinasabi sa isip ko. Kahit hindi ko alam kung tungkol saan ang librong hawak ko, pinilit ko itong basahin para lang ma-distract ako. Para lang hindi ko maramdaman na unti-unti akong natutunaw sa mga titig ng asawa ko.

"Ay, ang panget!" Nagulat ako sa sigaw ni Steph.

"Li, ang panget ng projection mo! 'Yong kay Andrew, okay, mukhang patay na patay talaga sa 'yo!" I heard Andrew chuckled and then he gave me a quick glance.

"Ikaw, Li, ewan ko! Mukha kang natatae!"

Napuno ng malakas na tawanan nila Jasper, Gail at Steph ang Café Amor.

"Steph! Sorry, okay? Puwedeng ibang pose na lang?"

"Okay, sige. Hmm... ganito lang, magtinginan na lang kayo while holding hands. Gano'n na lang."

"What? N-No! 'Yong light lang, 'yong walang tinginan at walang physical touch," pagpo-protesta ko kay Steph.

"Corny mo naman, Li!" Naiinis na reklamo naman ni Steph.

"Baby... it's okay," Andrew gently said to me.

Tumahimik ang buong paligid nang marinig ko 'yon kay Andrew. Kung may mukhang masaya talaga sa mga nangyayari ngayon, panigurado akong si Andrew lang 'yon. Game na game siya sa mga pinapagawa nila Steph, walang reklamo. Parang natural na natural lang sa kaniya ang lahat. Samantalang ako'y halos mamatay na sa bilis ng tibok ng puso ko.

"Na-baby na si Ma'am Lia! Susunod na 'yan!" Nabalik ako sa realidad nang marinig ang pang-aasar ni Jasper.

Nagtawanan na naman ang tatlo na sinabayan na rin ni Andrew. Tiningnan ko siya nang masama at saka ako bumulong sa kaniya.

"Enjoy na enjoy ka, ha? Mamaya ka sa 'kin sa bahay!"

"Okay, baby. Bring it on," he said in his manly and low voice na tila ba nasiyahan pa sa pagbabanta ko.

Nakailang kuha si Gail sa amin pero parang hindi pa rin masaya si Steph at Jasper sa mga resulta.

"Ano ba 'yan, Li! Mukha kang galit! Parang sasakalin mo 'yong asawa mo, e!"

"Hay, Steph. That's my best, okay?" I let out a heavy sigh. "Ayan na 'yong kaya ko. Maybe, let's just pay for models para hindi tayo nag-aaksaya ng oras dito," iritado kong dugtong.

"Ah! Alam ko na!" Napatingin kaming lahat sa nakangising si Jasper na para bang may bigla siyang naalala.

"Magyakap na lang po kayo ni Sir Andrew, Ma'am Lia. 'Yong kagaya po ng yakapan niyo do'n sa viral photo niyo last year? 'Yong sa may parking lot!"

Agad na nanlamig ang mga kamay ko nang maalala ko 'yon. That night. That night that started all this mess. Napaiwas ako ng tingin sa kanila.

"Sila Ma'am Lia pala 'yon?" Narinig kong mahinang tanong ni Gail kay Jasper.

"Oo, si Ma'am Lia 'yon... sila ni Sir Andrew," sagot ni Jasper.

"Ay, kakilig naman!" Napatalon-talon pa si Gail sa saya.

Kilig? Hindi kilig ang naramdaman ko ng gabi na 'yon. Galit. Galit kay Daddy, kay Marcus, kay Tito Rod... sa sarili ko. Malayong-malayo sa kilig na sinasabi ni Gail. Wala sana ako sa ganitong sitwasyon ngayon kundi dahil sa gabi na 'yon.

Biglang bumigat ang dibdib ko't mga mata dahil sa mga nagbabadyang luha. Nakita kong tumayo si Andrew kaya wala sa sariling napatayo rin ako.

Pumunta si Andrew sa likod ko at niyakap ako nang mahigpit. Ang pareho niyang bisig ay nasa bandang itaas ng aking dibdib. Nararamdaman ko ang paghinga niya sa aking tainga... at ang mabilis din na pagtibok ng puso niya... kagaya ko.

"It's okay, Aliyah. I'm here, I'll always be here," bulong niya sa akin, na para bang pinipilit niyang burahin ang mga masasakit na alaala sa isip ko, na para bang hinding-hindi niya talaga ako iiwan... na hindi na ako mag-iisa kahit kailan.

"Ayan! Perfect!" Biglang sigaw ni Steph.

Ilang flash ng camera ang sunod-sunod na sumilaw sa akin, pero hindi ako umalis sa mahigpit na yakap ng asawa ko.

***

Pagka-uwi namin sa bahay, pinilit kong magpaka-busy na lang sa pagluluto ng dinner namin. Dumiretso siya sa desk niya at nagbukas ng laptop. Binuksan din niya ang TV, as usual, para matabunan ang nakabibinging katahimikang bumabalot sa aming dalawa. Samantalang ako naman ay nasa kusina at hinihintay na maluto ang adobong manok.

Maya-maya pa ay narinig kong tiniklop niya ang laptop niya. Umupo siya sa highchair, pero hindi siya nagsasalita, tila pinapanood lang ako.

"Malapit na 'to maluto." I said, just to break the awkwardness. Hindi ko alam, pero naiilang talaga ako kapag may nanonood sa pagluluto ko.

"Aliyah, can we talk?" Tanong niya gamit ang malalim niyang boses. Humarap ako sa kaniya at huminga nang malalim bago ako sumagot.

"Okay, let's talk."

Napansin kong ginulo niya nang kaunti ang buhok niya. He licked his lower lip at then he stared at me. Kinakabahan siya—halata ko sa mga mata niya at sa kilos niya na kinakabahan siya.

"Those... things that I said... sa Batangas..."

Okay, ito na 'yon Lia. Ito na 'yong hinihintay mong katotohanan. Ito na rin 'yong wakas. Sigurado akong pagkatapos ng gabing 'to, tapos na rin ang deal namin ni Andrew. Napasandal ako sa counter. Kaya ko na ba ulit mag-isa? Kanina lang sa café, sinabi niyang he will always be there for me, but I guess, that was just for show.

"What about it?" I asked, looking at him too.

Kung ito na rin naman ang huling gabi, might as well memorize his face.

"Everything I told you that night... lahat 'yon totoo, except for one thing," he softly said. His voice is full of sincerity.

"And what is that, Andrew? What did you lie about?"

"Tito Rod is not my client. He is my dad's older brother, pinsan ko si Marcus." 

Unti-unting nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Si Marcus?!

"What?!"

Confusion filled my body. Pinsan niya si Marcus? At tito niya si Tito Rod? Kung gano'n, bakit siya sinuntok ni Tito Rod noon? Dahil ba imbes na si Marcus ang papakasalan ko ay si Andrew ang naging asawa ko?

Hindi umiiwas ng tingin sa akin si Andrew. His deep brown eyes seem to be brighter than the usual. Nararamdaman ko ang katotohanan sa mga titig niya.

"S-So, Alfonte ka? Bakit Romulo ang a-apelyido mo?" I asked with my shaking voice.

"I never used Dad's surname. Apelyido ni Mom ang gamit ko since birth."

"So... 'yong kapatid ng dad mo na bumawi sa beach house niyo... ay si Tito Rod?" Doon na siya napaiwas ng tingin sa akin. Nakita ko pa kung paano siya napapikit.

"Yes, Aliyah. K-Kaya siya tumawag sa akin b-because of that," medyo nauutal niya pang sagot.

"O-Okay...? So, if that's your 'one-lie',  then everything you said about us that night was—"

"Real, Aliyah. All of them. I am in love with you! I've loved you even before that night, even before all this mess." Parang tumigil ang mundo ko dahil sa mga sinabi niya.

Is this really happening? Mahal niya na ako noon pa? Bago pa ang kasal namin? Bago pa kami tumira sa iisang bahay? Before that night?

Hindi ako agad nakapagsalita. I was just staring at him, and so is he. Akala ko ito na ang huling gabing makikita ko ang kayumanggi niyang mga mata.

"But... I don't want to pressure you, Aliyah. I will wait. I will pursue you, baby. I will wait until you fall in love with me too. Kagaya ng sinabi ko kanina, I will always be here."

If only you knew. If only you knew Andrew how badly I wanted to hear those words. Halos tumalon na palabas ng aking dibdib ang puso ko. Ayokong maging duwag kaya kahit parang nanghihina ang mga paa ko, nilapitan ko si Andrew. Napatayo siya mula sa kinauupuan niya. Hinawakan ko ang mga kamay niya and I saw how his deep brown eyes widened and glistened. Nagulat siya, ngunit kitang-kita ko rin ang ngiti sa mga labi niya.

"Andrew, I... also have something to say—"

Hindi ko na naituloy pa ang gusto kong sabihin. Parang nawalan ako ng boses nang marinig ang flash report galing sa TV.

"Kapapasok lamang na balita. Nabaril ang negosyanteng si Mr. Alejandro Alvarez habang nasa ribbon cutting ceremony ng bagong hotel niya sa Iloilo City. Wala namang napaulat na iba pang nasaktan ngunit nananatiling nasa kritikal na kondisyon si Mr. Alvarez. Patuloy na pinaghahanap ng pulisya ang gunman."

Pareho kaming napatingin ni Andrew sa TV, parang napatid ang paghinga ko. Para akong nabuhusan ng malamig na tubig. No. Please, not again. Ayoko nang mawalan. Not again. I thought I was saying that to myself, pero naramdaman ko ang mga bisig ni Andrew na bumalot sa katawan ko. Mahigpit niya akong niyakap, just like how he embraced me that night.

"I don't want to lose him too, Andrew. I hate him but I don't want to lose him." Umiiyak ako sa dibdib niya at naririnig ko ang tinig niyang pinipilit pagaanin ang loob ko.

"You won't lose him... it's gonna be okay, baby."

"Update kaugnay sa pamamaril kay Mr. Alvarez, inilabas ng pulisya ang larawan ng suspect sa nangyaring pamamaril. Narito po sa inyong mga TV screen ang litrato ng suspek. Kung may impormasyon po kayo tungkol sa suspek, maaaring ipaalam..."

Mabilis kong nilingon ang TV, pero hindi pamilyar ang mukha ng gunman sa akin. Napatingin ako kay Andrew nang maramdaman ang paghigpit ng yakap niya sa akin. I saw how his jaw clenched. Nakita ko ang galit sa mga mata niya—ang pinaghalong gulat at galit sa mukha niya. I'm sure of it, Andrew recognizes the man in the photo.

***

MsLynLuna ☽

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top