Chapter 4 - Coffee
Magkakalahating oras na kaming bumabyahe ni Andrew pabalik ng Manila, pero wala pa ring naglalakas ng loob sa aming dalawa na magsalita pagkatapos ng nangyari sa beach house.
Kahit tahimik ay nararamdaman ko ang mga pasimple niyang sulyap sa akin sa tuwing titingin siya sa side mirror ng SUV.
"Are you okay?" mahina niyang tanong.
Siguro nabibingi na siya sa katahimikan o dahil napansin niyang malalim ang iniisip ko.
"Yup, okay lang," sagot ko. Lying to him.
I'm not okay—I'm far from being okay. Gulong-gulo ang isip ko bago kami pumunta rito sa Batangas dahil sa mga sinabi ni Marcus, at mas lalong gumulo dahil sa halik ni Andrew.
"Why did you cry?"
Patay. Paano ko iiwasan ang tanong na 'yan kung maging ako ay hindi alam ang dahilan ng pag-iyak ko kanina.
"Ah, kasi 'yong buhangin... napuwing lang ako." I lied again.
Ngumiti siya. Mukhang tinanggap naman niya ang mababaw kong rason. Ayoko nang pag-usapan pa ang nangyari kanina sa beach house. Sumasakit ang ulo at puso ko, at parang nagbubuhol-buhol ang kung ano'ng meron sa tiyan ko sa tuwing naaalala ko ang paglapat ng mga labi namin.
"Andrew... 'yong arrangement pala natin," I said without thinking.
"Please, let's not talk about that. Kahit ngayon lang, Aliyah." May kaunting pagsusumamo sa boses niya.
Gusto ko sanang sabihin na huwag na lang namin tapusin... na ituloy na lang namin. O kahit sabihin ko na lang na gusto ko na siya, tapos bahala na kung ano'ng mangyayari. O kaya tanungin ko na siya kung gusto niya na rin ba ako dahil iyon ang nararamdaman ko sa mga kilos niya.
Hindi ko alam. I just need something. I just need his assurance. I need his words. I need his truth.
Natatakot akong masaktan. Natatakot akong lumaban mag-isa. Natatakot akong maiwan. Paano kung hinihintay niya lang pa lang matapos ang deal naming dalawa and then... babalikan niya si Bianca?
Naputol ang mga gumugulo ko sa isip nang marinig ang pagkulo ng aking tiyan.
Nakakahiya ka, Lia! Narinig niya rin kaya?
"You're hungry?" Nilingon ko siya dahil doon, pero mariin pa rin siyang nakatingin sa kalsada
"A-Ah, kaya pa naman! Saka, parang wala ring mga makakainan dito. Sa city na lang siguro tayo kumain." Napahawak ako sa tiyan ko, pinipigilan ang muling pagtunog nito.
"Maraming 24/7 na lomihan dito. May madadaanan tayo... siguro mga five minutes away, is that okay with you?"
"Oo naman. Hindi pa nga yata ako nakakatikim ng loming Batangas, e!" masigla kong sagot.
Sa loob ng limang minuto ay nanatili na naman kaming tahimik ni Andrew. Walang ibang maririnig maliban sa random na FM music galing sa stereo.
"Under the moonlight's gentle embrace, our lips collided in a sweet, stolen chase..."
Kahit hindi ako nakatingin kay Andrew, naramdaman kong hindi siya komportable. Naiilang siya. Dahil ba sa kanta? Then, I saw him lick his lower lip, ginulo niya kaunti ang mahaba niyang buhok at nilipat sa ibang istasyon ang radyo.
"Oh, kiss me, baby... you're driving me crazy..."
He switched stations again. Pilit kong itinatago ang pausbong na ngisi sa aking mukha.
"Her lips, I'll forever crave..."
Pinindot niya ang shuffle button.
"I wanna kiss you again..."
"Oh—What the fuck?!" malutong niyang mura bago tuluyang pinatay ang radyo.
"Sorry, Aliyah. I know you hate cursing," he said in his manly voice. Again, without looking at me.
Obviously from his reaction right now, kagaya ko, ayaw niya nang maalala pa ang nangyari kanina. So, maybe, it was just the heat of the moment... and just that.
***
Huminto kami sa isang maliit na lomihan sa tabi ng kalsada. Walang ibang kumakain dahil mag a-alas-dos pa lang ng madaling araw. Kinausap ni Andrew ang isang matandang lalaking mag-isang nagbabantay ng lomihan. Panay ang ngiti nito kay Andrew at tinapik-tapik pa ang balikat ng asawa ko na para bang matagal na silang magkakilala. Magiliw kaming hinatid ng lalaki sa dalawang upuang nakapuwesto sa magkabilang gilid ng isang maliit na lamesa.
"Madalas ka ba rito? Para kasing close kayo ni Manong," tanong ko habang hinihintay ang pagkain namin.
"Ah, oo, before. Kasama ko sila Mom, dito kami palaging nagmemeryenda."
Parang biglang umaliwalas ang mukha niya, pero kagaya kanina sa loob ng sasakyan, iniiwasan niya pa rin na tingnan ako.
"Hindi ko alam na nag-asawa ka na pala, Andrew!" magiliw na bati ng matanda.
"Huling kita ko sa iyo, e, binatilyo ka pa! Ngayon, e, mas matangkad ka na sa akin at may pagkagandang asawa na!" Lumapad ang ngiti sa mukha ng matanda.
"Matagal na nga po 'yon, Mang Fred."
Tumingin sa akin si Andrew sa unang pagkakataon pagkatapos ng nangyari sa may beach house.
"Si Aliyah po pala—misis ko." May kung ano'ng lumipad sa tiyan ko nang marinig ko ang pagpapakilala sa akin ni Andrew.
Napalunok ako at agad ngumiti kay Mang Fred. "Nice meeting you po."
Ngumiti rin sa akin si Mang Fred bago siya muling bumaling ng tingin kay Andrew.
"Kayo ba ay may anak na? Ako'y nasasabik na ulit sa apo at nagsisilakihan na, e! Dapat isinama niyo rito ang anak niyo," nakangising sabi ni Mang Fred sa asawa ko na siya namang muntik nang mabulunan sa tubig dahil sa tanong ng matanda.
"Ah, w-wala pa po, Mang Fred. Busy pa po kasi kami sa trabaho," magalang na tugon ni Andrew.
"O? Bakit wala pa? Ilang taon na ba kayo?"
"Twenty-eight po... twenty-five naman si misis."
"O! Tama lamang iyang mga edad niyo. Umpisahan niyo na at nang makarami!" Malakas na humagalpak sa tawa si Mang Fred na siya rin namang sinabayan ni Andrew.
I know, I'm smiling awkwardly. Muling bumalik sa ala-ala ko ang kalendaryong nakita ko sa kwarto ni Andrew. Sana ay itinapon niya na 'yon.
Siguro, kung tunay kaming mag-asawa ni Andrew, baka nangyari na ang sinasabi ni Mang Fred. Kung ako lang ang masusunod, gusto ko rin ng malaking pamilya—tatlo o apat na anak... ayoko nang mag-isa. Siguro, kung wala kaming deal ni Andrew, if we met in different circumstances, if we are not bounded by just a piece of paper, if we are in love... masaya siguro kami ngayon kasama ang mga anak namin at kakuwentuhan ang magiliw na si Mang Fred.
Naputol ang imahinasyon ko nang ilapag na ni Mang Fred ang dalawang mangkok ng lomi sa lamesa namin. Naagaw ng nakakatakam na amoy nito ang atensyon ko.
Nag-umpisa na kaming kumain ng lomi. Akala ko pa nga hindi ko mauubos 'yon dahil sa dami ng serving, pero nagkamali ako.
Nakakagutom pala ang humalik?
Napahawak ako sa labi ko dahil sa naisip ko. Stop it, Lia! Huwag mo nang isipin ang kiss na 'yon!
"You want more?"
Nagulat ako sa tanong ni Andrew. I gulped. More of what... lomi or kiss?
Yumuko ako at mariing pumikit, trying to wash away my thoughts... stupid, dirty thoughts—bago muling humarap kay Andrew.
"Ha? Hindi, okay na ako, busog na ako sa... lomi."
Napatingin sa akin si Andrew at bahagyang itinagilid ang ulo niya na parang bang nagtataka sa sagot ko.
Wala naman kaming ibang kinain. So, bakit kailangan ko pang i-define na sa lomi ako nabusog.
Fudge! This guy has poisoned my mind.
"May kapeng barako rin sila Mang Fred dito, you want to try?" alok pa niya na walang kamalay-malay sa mga gumugulo sa isip ko.
"Sure!" I answered happily.
Iba ang sarap ng kape ngayon. Malamig pa rin ang hangin kagaya sa tabing dagat pero iba ang sarap ng kape ngayon, dahil nakangiti si Andrew sa tabi ko at nakikipagtawanan kay Mang Fred. Matagal-tagal din nagkuwentuhan si Mang Fred at Andrew. Biro pa nga ni Mang Fred na ako lang daw pala ang makakapagpabalik kay Andrew sa lomihan. Hindi na raw kasi bumalik pa si Andrew dito mula nang nawala ang mommy niya.
Nagpasalamat at nagpa-alam na kami kay Mang Fred nang tapos na kami kumain. Ayaw pa nga niyang pagbayarin si Andrew kaya napilitan nalang isuksok ni Andrew ang limang-daan sa bulsa ng matanda. Hindi na kami naghintay pa ng sukli at agad na kaming sumakay sa SUV.
***
Hindi ko alam kung ano'ng meron sa lomi o sa masayang biruan nila Andrew at Mang Fred, o sa mainit na kape, pero gumaan ang loob ko. Tingin ko ay iyon din ang nararamadaman ni Andrew dahil iba ang ningning ng mga mata niya ngayon.
"My turn to drive?" alok ko sa kaniya.
"No, I can still drive. Kaka-kape lang natin eh! Gising na gising pa," sagot ni Andrew kasabay ng mabilis na pagsulyap sa akin.
Malapit na kami sa Tagaytay nang may mapansin kaming kaguluhan. Medyo madilim pa sa labas at hindi pa sumisikat ang araw pero marami-raming tao ang nakita naming nakaipon sa may labas ng isang convenience store. Nagbaba ng bintana si Andrew. Halatang curious din sa nangyayari.
"Andon daw si Bianca!" sabi ng isang teenager na tumatakbo papalapit sa convenience store.
Inihinto ni Andrew ang sasakyan sa tabing kalsada nang marinig niya 'yon. Nanatiling nakabukas ang bintana ng SUV at nakita kong nakapako ang tingin niya sa babaeng nakaputing dress sa loob ng tindahan—kausap ang kahera, nakatalikod sa amin. Nakatirintas ang mahaba niyang buhok, at may hawak na isang in-can na soft drink sa kanang kamay.
Humarap ito at kumaway-kaway pa sa mga fans niyang nag-aabang sa labas, dahilan kung bakit halos mabuwal na ang guard na pilit isinasara ang pinto ng convenience store. Bakas sa mukha ni Bianca ang kaunting kaba at takot na baka dumugin siya ng mga tao. Mag-isa lang siya, walang kasamang bodyguard o kung sino. Paulit-ulit siyang may tinatawagan sa cellphone, pero mukhang hindi siya sinasagot nito.
"Bianca! Pa-selfie lang!" sigaw ng isang lalaki habang itinataas ang cellphone.
Nagulat ako nang bigla na lang bumaba si Andrew ng sasakyan. Nakipagsiksikan siya sa mga tao, pero naririnig ko pa rin siyang mahinahon na nagsasabi ng 'excuse lang' at ng 'makikiraan po'.
Nang makapasok na siya sa loob ng convenience store, binulungan niya ang guard. Nakita kong tumango-tango ito at nakita ko rin ang mabilis na pagtakbo ni Bianca kay Andrew. Niyakap niya si Andrew—niyakap niya ang asawa ko. Nabitawan niya ang soft drink at tumapon ang bula no'n sa sahig. Napaatras si Andrew at agad kumalas sa yakap ni Bianca. Nakita kong itinuro niya ang sasakyan kasabay naman ng pagyuko ko. Hindi ko alam kung bakit ako napayuko. Hindi ko alam, pero muling nagbuhol-buhol ang laman ng tiyan ko na akala ko ay humupa na kanina.
Inangat ko ulit ang tingin ko sa kanila at nakita ko kung paano hinawakan ni Andrew ang braso ni Bianca saka inalalayang makalabas doon. Halos magdikit na ang mga mukha nila dahil na rin sa pagtulak ng mga tao. Marahan namang hinahawi ni Andrew ang mga ito hanggang sa tuluyan silang makapasok ng SUV.
"Thanks, Drew," mahinhing sabi ni Bianca pagkaupo sa likod ko.
Nakita kong nagpunas siya ng pawis gamit ang mga palad at ngumiti kay Andrew.
"Where's your bodyguard? Si Jeff, bakit hindi mo kasama?" tanong ni Andrew na kasasakay lang ng driver's seat.
May kaunting kirot akong naramdaman sa dibdib ko. Halatang magkakilalang-magkakilala talaga sila ni Bianca. Ini-start na ni Andrew ang sasakyan at agad inapakan ang gas.
"Tinakasan ko kasi sila. I just wanted to drink some soda. Alam mo naman kung gaano ka-strict si Jeff 'di ba? Malay ko bang dadami 'yong mga tao, e, mag fa-five pa lang," malumanay na sagot ni Bianca kay Andrew.
"You shouldn't do that, Bianca. Pa'no kung wala pala kami rito? Ano na lang ang mangyayari sa 'yo?" May bahid ng pag-aalala sa boses ni Andrew. Bahagyang naningkit ang mga mata niya.
"Kaya nga... thank you Drew ha? You saved me. I won't do this again," malambing niyang sinabi at pagkatapos ay malalim na bumuntong-hininga.
Bakit parang wala ako rito? Bakit parang hindi nila ako nakikita? Hindi ba ako nakikita ni Andrew na nakaupo rito sa tabi niya? Wala ba siyang balak na ipakilala ako kay Bianca bilang asawa niya?
"Aliyah Alvarez, right?"
Nagulat ako sa pagtawag sa akin ni Bianca kaya napalingon ako sa kaniya.
"Ah, yes, pero Mrs. Romulo na ngayon," I answered shyly.
"Ay, oo nga pala! After that scandal, kinasal na agad kayo ni Drew, right?"
Napalingon si Andrew kay Bianca sa rearview mirror—nakakunot ang noo.
"It's not a scandal, Bianca," he said in his low and manly voice.
It is a scandal, Andrew. Hindi mo na ako kailangan pang ipagtanggol sa ex-girlfriend mo, dahil 'yon naman talaga ang totoo. Sino ba namang matinong babae ang gagawa ng mga katangahang ginawa ko ng gabing 'yon?
"I'm sorry. Alam mo naman sa showbiz, konting kibot, scandal agad!" She chuckled uncomfortably.
"N-No, no! It's okay!" I responded quickly
She cleared her throat. "So, ano'ng love story niyo? Saan kayo unang nagkita?" she asked eagerly. Umusod pa siya para mas dumikit sa likod ng upuan ko. Mukha talaga siyang interesado sa kuwento namin ni Andrew.
"Ahm, sa office ni Daddy, doon ko siya unang na-meet. Client niya kasi before si Daddy. Sila Andrew 'yong kinuha ni Dad for Amore Hotel & Spa," nahihiya kong sagot. Naiilang akong sabihin 'yon sa harap ni Andrew dahil wala naman talaga kaming love story.
"Right! Hotels nga pala ang business niyo 'no?"
"No, kay Daddy lang 'yon. I have my own coffee shop... start-up pa lang."
"I see... that's nice!" nakangiti niyang komento. "Ano'ng name ng coffee shop mo, Aliyah? Para naman ma-visit ko," dagdag pa niya.
"Café Amor. You can Waze it. Madali lang siyang puntahan," I answered in my cheerful tone.
I saw her type something on her phone. "Ito ba 'yon? Ang ganda naman!" Ipinakita niya sa akin ang Instagram page ng café ko at tinanguan ko siya.
"I'm excited to visit na. Mahilig din kasi ako sa coffee!"
She continued scrolling her phone for a few seconds then she quickly glance at the rearview mirror.
"Sayang lang kasi hindi nagkakape 'yan si Drew. Hindi niya mata-try 'yong coffee mo." Nagulat ako sa sinabi niya. Nanlaki ang mga mata ko't saglit na napatingin kay Andrew na parang natigilan.
"W-What? Hindi nagkakape si Andrew?"
I thought I said that to myself, pero malakas ko palang naitanong sa sarili ko at narinig ni Bianca.
"Oo, he hates it. Ayaw niya raw ng mapait."
Kunot-noo akong napatingin ulit kay Andrew at nakita ko siyang napalunok at ginulo ang kaniyang buhok. Naka-focus pa rin siya sa kalsada kahit na parang unti-unting lumilikot ang mga mata niya.
"Hindi mo ba alam, Aliyah?" tanong ni Bianca dahilan para muli akong mapatingin sa kaniya.
"No, I-I know that... na-naka-limutan ko lang," nauutal kong usal. Napatuwid ako ng pagkakaupo sa passenger seat.
He lied to me. All those months na napunta siya sa café at masayang iniinom ang black coffee na palagi niyang ino-order... ano 'yon? Just for show?
Wala sa sariling ipinatong ko ang siko sa bintana at pinaglaruan ang labi ko. Tama ba si Marcus? Ito lang ba 'yong kasinungalingan ni Andrew sa akin o marami pa?
Naputol ang pag-iisip ko nang marinig ko ang malalim na boses ni Andrew.
"Actually, Bianca... hindi alam ni Aliyah 'yon," he calmly said and then he gave me a quick glance.
"Gustong-gusto ko kasi siyang i-impress, kaya sabi ko favorite ko ang black coffee. At first, hindi ko trip 'yong lasa pero... I don't know, I like it eventually. Iba kasi yata talaga 'yong timpla ng asawa ko, e! I just found myself addicted to her coffee."
Napatingin ako kay Andrew. He was smiling na para bang totoo ang sinabi niya kay Bianca... na para bang naaalala niya ang unang beses na uminom siya ng kape sa Café Amor. Parang biglang lumundag ang puso ko dahil sa sinabi niya kay Bianca. Nawala ang kaunting tampo na namumuo kanina. Nawala ang kaunting pagdududa.
Napangiti ako at naramdaman ko ang pag-abot niya sa kaliwang kamay kong nakapatong sa aking hita. Hinawakan niya iyon saglit kasabay ng pagsulyap niya sa akin.
"You always try to do that, Drew," Bianca said almost playfully.
"Huh?" Andrew asked. Bahagyang kumunot ang noo ko.
"Remember when I cooked kare-kare for you? Sabi mo before that ayaw mo ng kare-kare, pero after that dinner, sabi mo favorite mo na ang kare-kare."
Agad na nawala ang kaunting saya sa aking puso. Kaya pala. Si Bianca pala ang dahilan kung bakit naging paborito niya 'yon. I said to myself with bitterness.
"Ganyan ka pala talaga ma-in love, Drew, 'no? You'll change... A LOT. Even the food or the drink you like, para lang sa taong gusto mo," natatawa pang dagdag ni Bianca.
Nakita kong tiningnan ni Andrew mula sa rearview mirror si Bianca at saka muling ginulo ang buhok. Palagi niya bang ginagawa 'yan kapag kinakabahan... o naiilang?
"Ah... by the way 'yon pa lang mga messages and calls ko last Monday—wala lang 'yon, Drew ha? I was so drunk, hindi ko na alam ano'ng mga sinend ko." Bianca laughed softly.
"I was so bothered kasi baka pag-awayan niyo pang mag-asawa 'yon," dugtong pa niya at tumingin sa akin.
So, that was that. Ang tinutukoy niya siguro ay 'yong nabasa ko that night na nag-collapse ako sa kuwarto ni Andrew dahil sa lagnat.
"No, it's okay... pero salamat na rin for explaining," I answered while forcing a smile on my face.
"I am genuinely happy para sa inyong dalawa... lalo na for you, Drew." Nahuli ko ang mapungay niyang pagsulyap kay Andrew.
"Hindi ko kasi alam kung naging okay ka after ko tanggihan 'yong proposal mo sa may beach house niyo before I left for New York." Para akong naestatwa sa narinig.
Proposal? Inalok niya ng kasal si Bianca dati? Sa beach house?
May kung ano'ng parang bumara sa lalamunan ko. May kung ano'ng parang tumusok sa puso ko. Gusto kong umiyak, pero ayoko sa harap nila. Gustong sumabog ng puso ko. Bakit kailangang ikuwento pa 'yon ni Bianca? Ngayon pa? At bakit hindi sinabi sa akin ni Andrew 'yon? Dahil ba ayaw niyang malaman ko na after all this mess... may puwede siyang balikan at ako lang 'yong maiiwan mag-isa?
"Buti na lang dumating ka, Aliyah. Hindi na broken-hearted 'tong si Drew," pagpapatuloy ni Bianca.
Ilang saglit pa ang lumipas ay pinahinto na ni Bianca sa tabi ang SUV. Nagmamadali siyang bumaba ng sasakyan. Ibinaba ni Andrew ang bintana ng driver's seat para magpaalam.
"Thanks ulit, Drew... I'll visit your café soon, Aliyah!"
"Okay, I'll see you soon," mahina kong balik sa paalam niya
Tumango lamang si Andrew sa kaniya at saka isinara ang bintana ng sasakyan. Muli kaming binalot ng katahimikan.
***
Hindi ko alam kung saan ako mag-uumpisang magtanong o magalit. Ni hindi ko rin alam kung may karapatan ba akong magalit. Kaya mas maigi pa kung baliwalain ko na lang ang nararamdaman ko. I'll just give him the silent treatment. I won't talk hanggang maka-uwi kami sa condo. I won't talk.
"Sorry... Sorry Aliyah," malambing na sabi Andrew kasabay ng paghawak niya sa aking kamay na mabilis ko rin namang binawi.
"Hindi ka pala nagkakape?" Hindi ko na napigilan ang sariling magsalita. Tumango lang siya.
"Before you... hindi. Pero like what I said earlier—" Hindi ko na hinintay pang matapos ang sasabihin niya.
"You proposed to her? And hindi mo sinabi sa akin? S-Sa beach house? Doon b-ba? Kung saan mo ako hinalikan as if... as if I'm... I'm your real wife?"
"Because YOU ARE! You are my wife!" Ilang beses akong napakurap nang tumaas ang boses niya. Iniwas ko ang tingin sa kaniya at piniling ituon ang atensyon sa labas ng bintana.
Parehong nanginginig ang mga boses namin. Kusang tumulo ang mga luha kong ngayon ko lang napansin, habang hinahabol ang paghinga dahil sa mabilis na pagsasalita, at dahil sa halo-halong emosyong namumuo sa dibdib ko.
"And yet you still care for her. You saved her earlier—nag-aalala ka pa rin sa kaniya! YOU STILL LOVE HER!"
Agad na inapakan ni Andrew ang preno dahilan para itukod ko ang kamay sa dashboard. I looked at him with disbelief and anger, with sadness and pain. Nanatili lang nakahawak sa manibela ang mga kamay niya kahit nakatigil na ang sasakyan. Nakatingin siya sa akin at kita ko sa mga mata niya ang pinaghalong antok, pagod, galit at pagsusumamo.
"Aliyah... please don't cry." Inilapit niya ang palad niya sa pisngi ko pero mabilis kong tinabig iyon.
"So, after all this mess, Andrew, may babagsakan ka naman pala. After our annulment next year, puwede ka na ulit mag-propose kay Bianca!" I said, now sobbing.
Napasinghap siya't napahawak sa sentido niya.
"It's not like that, Aliyah. I never told you about her because, whatever Bianca and I had, was over. Tapos na 'yon bago pa kita makilala."
Napairap ako sa sinabi niya. His reasons. His words... they always get to me, and I hate myself for that. Napatingin ako sa kaniya nang kunin niya ang kamay ko at inilagay 'yon sa dibdib niya bago pinagsalikop ang mga daliri namin. Tinitigan niya ako.
His deep brown eyes were full of something stronger than anger, than pain... love? Is it love?
Pilit niya muling pinunasan ang mga nag-uunahan kong luha gamit ang kaliwa niyang kamay. Hindi ko na itinaboy iyon at hinayaan kong dumampi iyon sa pisngi ko.
"I'm done playing, Aliyah..."
"W-What?!"Ito na ba? Is this the end of this set up?
"I love you, Aliyah." He said with his manly, but shaking voice—halatang kinakabahan, halatang may bahid ng takot.
I felt my body shut down. Para akong nabingi. He loves me? Totoo ba 'to? Pero hindi puwede... I promised I'll give his freedom back.
"No... hindi pwede Andrew! We're about to end this next year!" I blurted out.
"The hell I care about our deal! With or without it, I'll be addicted to you... just like how I got addicted to your coffee!"
This time, his voice is not shaking anymore. Firm and strong, na para bang inuutusan akong sumang-ayon sa kahit ano'ng sasabihin niya. Ito na siguro 'yon. This is the assurance... his assurance that I badly wanted simula pa noon.
Parang sasabog na ang puso ko sa mga naririnig ko. Hindi ko alam kung dahil ba sa saya o takot... o baka naman, parehong saya at takot ang nararamdaman ko ngayon? Pero hindi ko matukoy kung ano ang mas matimbang.
Yumuko ako, hinahanap ang mga tamang salita. I need to talk. I need to say something. Talk, Lia! But I failed, Andrew's confession silenced me.
"Please, baby... I want this to be real. I want us to be real. Please let's just fix this... let me fix this."
Real. That word. Hindi ako makapaniwala na maririnig ko 'yon mula kay Andrew. Inangat niya ang mukha ko gamit ang mga nanlalamig niyang daliri. His eyes... those brown eyes of his. Unti-unti niyang inilapit ang mukha sa akin habang unti-unti ko ring ipinikit ang mga mata ko.
Then, his phone rang. Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko't saktong dumaan ang paningin ko sa cellphone niya. Mula sa screen ay nabasa ko ang isang pamilyar na pangalang tumatawag sa kaniya—Tito Rod, Marcus's father. I heard him curse at mabilis niyang pinatay ang tawag. Tumingin siya sa akin. And this time, I saw fear in his eyes.
"K-Kilala mo si Tito Rod?" I asked full of confusion.
"Ah... yes. He's a client."
He is lying. Sigurado akong nagsisinungaling siya. Paano niya magiging client si Tito Rod when the day before our wedding, I saw the two of them fighting?! Narinig kong nagsasagutan sila pero hindi ko lang maintindihan kung ano'ng pinag-aawayan nila. Natapos ang sagutan na iyon sa malakas na pagsuntok ni Tito Rod kay Andrew. Alam kong magka-away sila kaya imposibleng maging client ni Andrew si Tito Rod.
Ano'ng itinatago mo Andrew?
I have his assurance but not his truth.
***
MsLynLuna ☽
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top